Back
/ 35
Chapter 7

6

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

"Hi," bati niya nang pumasok. Maaga pa talaga siyang umuwi para makapagbihis dahil pupunta sila mamaya sa MOA para doon na mag-dinner.

"Magsasaing ako, ilang takal ba para sa ating dalawa?" tanong ni France.

"Sa labas na ako kakain," sagot ng dalaga. "Salamat."

"Kasama mo mga kaibigan mo?"

"Yeah," sagot niya.

"Okay, hindi na ako magsasaing," ani France.

"Hindi. Kapag kakain ka, magsaing ka na lang."

"Lalabas din ako," sagot ni France saka binuksan ang TV.

"Ah, ganun ba?" ani Danica at pumunta sa kwarto tapos naligo agad.

Nag-iisip pa siya kung ano ang isuot kung mag-dress ba, shorts or pants? Pero sa bandang huli, mas pinili niya ang navy blue maong pants ng Jag at white body fit sleeveless. Inayos niya muna ang mahabang buhok pero nang magsawa tingnan ay i-ponytail na niya ito. Kinuha niya ang makeup kit na binili niya sa Watson at nagsimulang ayusin ang mukha. Light makeup lang ang ginawa niya tapos nag-spray ng perfume at lumabas ng silid.

"Alis na ako," paalam niya nang lumingon si France. "Anong oras ka aalis?"

"Mamaya," sagot ng binata saka muling itinuon ang paningin sa pinapanood na Football.

"Okay, bye. Enjoy ka mamaya," paalam niya pero tumango lang ito.

Nag-taxi siya papuntang MOA. Kinausap niya si Bia pero ayaw nitong sumama sa kanya dahil nahihiya raw.

Nasa seaside sila nagkita. Papadilim na pero naglakad-lakad na muna sila.

"Hindi mo ba kasama si Pablo?" tanong ni Paula.

"Hindi," sagot niya. Hindi na aiya nagre-reply sa binata mula pa nang magkasama sila ni France sa bahay. Ang unfair naman kasi kay Pablo pero hindi niya maamin ang totoong dahilan. Sa ngayon, ayaw talaga niya magbigay na ng pag-asa sa binata.

"Susunod daw sila ni Gian," sabi ni Jean. "Tara, window shopping muna."

Gusto sanang tumanggi ng dalaga pero wala siyang choice kaya sumama siya sa mga ito. Buti at napigilan pa niya ang sariling bumili dahil wala na siyang pambayad mamaya sa dinner. Mababait naman ang mga ito at sa totoo lang, masaya siya kapag kasama niya ang barkada. Feeling kasi niya malaya siya at kahit na mas mayaman ang mga ito, nagpapakababa para sa kanya at tanggap siya ng mga ito.

"Tara na sa Padis, doon na rin tayo mag-dinner," yaya ni Paula. "Nandoon na raw sina Pablo."

"Sasama ba talaga siya sa atin?" tanong ni Danica.

"Oo naman. Bakit? Nahihiya ka?" tanong ni Jean.

"Girl, don't be shy because manliligaw mo naman sya, right?" tanong ni Liza.

"Wag kang mag-alala, hindi namin sasabihin yung tungkol sa inyo ni Komi," ani Paula saka napangiti.

"Wala talagang nangyari sa amin ni Komi," depensa ni Danica. Totoo naman kasi si France yung nakatabi niya.

"Okay, sabi mo eh," ani Jean sabay tingin kay Paula dahil kahit na ano pa ang sabihin ni Danica, hindi na sila maniniwalang wala talagang nangyari kasi nakita mismo ng mga mata nila ang sitwasyon sa loob ng kwartong iyon. Sayang lang at pinalabas sila kaagad ng papa ni Danica kaya hindi na nila alam ang ganap.

Pagdating sa Padis, agad na nakita nila si Pablo.

"Hello, guys!" bati ni Pablo na nakangiting sinalubong sila. "Hi, Danica."

"Mag-isa ka lang?" tanong ni Paula.

"We're here!" masiglang sabat ni Gian na kaya napalingon sila.

"Oh my ghad! Si France!" bulalas ni Jean sabay siko kay Liza.

"Bakit hindi mo sinabing kasama ninyo si France?" tanong ni Paula na biglang na-conscious sa ayos.

"Bakit magkasama sila?" Bulong ng isip ni Danica saka iniwas ang mga mata sa fiancé niya nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

"France, si Danica pala," pagpakilala ni Pablo sa dalaga sabay akbay. "Tapos mga kaibigan niya. Kayo na ang magpakilala."

"Hi, I'm Liza," ani Liza saka inabot ang kamay kay France na tinanggap naman ng binata.

"I'm Jean."

"Paula. Nice to meet you, France," nakangiting pagpakilala ni Paula saka tinitigan ang gwapong mukha ng kaharap. Gabi na pero ang liwanag ng ilaw rito sa labas dahil natapat sa kanila kaya malinaw na malinaw ang mukha nito.

"Wala na kayong ibang kasama?" tanong ni Jean.

"Wala na," sagot ni Pablo. "Buti nga at napilit namin itong si France."

"P—Pasok na tayo," ani Danica na pasimpleng inalis ang kamay ni Pablo sa balikat niya.

"Oo nga. I'm hungry," reklamo ni Liza saka napasulyap kay France na seryoso ang mukha. Kaya crush nila ito dahil napaka-unpredictable ng ugali kahit na hindi pa nakakausap. Pansin din nilang hindi malapit sa mga babae ang binata.

"Ako rin. Libre nyo kami ha!" biro ni Gian saka nauna nang pumasok sa Padis.

"Are you okay?" bulong ni Pablo na malapit sa tainga ng dalaga. Nahuli silang naglakad sa mga kaibigan.

"I'm fine pero sana 'wag ka nang masyadong dumikit sa akin," ani Danica.

"Ano ba ang problema? Iniiwasan mo ba talaga ako?"

"Sinabi ko na na itigil mo na ang panliligaw, Pablo."

Tumigil si Pablo at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga.

"Bigyan mo ako ng mabigat na rason, Danica."

"D—Dahil wala na tayong pag-asa pa," sagot ng dalaga. "Please, nakikiusap ako."

"Why? Deserve ko naman na malaman ang totoo. May gusto ka bang iba? Ayaw mo ba sa ugali ko o iniisip mo ang sinasabi ng ibang tao? Baka may sumisira na sa akin sa 'yo ha."

"H—Hindi ko masabi pero—"

"Hindi pa ba kayo papasok?" tanong ni France na nilingon sila.

"Papasok na," ani Pablo. "Nag-uusap lang kami saglit."

"Nagugutom na ako," sabi ni Danica saka iniwan si Pablo. Naupo siya sa pagitan nina Jean at Liza para hindi na makatabi pa si Pablo. Light dinner ang ginawa nila kasama na ang kaunting inuman.

"May pasok pa tayo bukas," sabi ni Danica nang makita ang order nilang beer.

"C'mon, 'wag killjoy. Ngayon lang naman 'to at hindi tayo iinom nang marami," sabi ni Jean.

"Kung gusto mo, mag Tanduay Ice ka na lang," sabi ni Pablo.

"Kailan mo ba sagutin 'tong si Pablo at hindi na kami mamroblema sa kadramahan niya?" tanong ni Gian.

"B—Bakit ba ako na naman ang nakita ninyo? Gusto kong kumain," sabi ni Danica.

"Oo nga. Kami na naman ang nakita ninyo," pagsang-ayon ni Pablo na hindi makadiskarte para makatabi ang dalaga.

"CR lang ako," paalam ni Jean.

"Mee too," ani Liza.

Nang makaalis ang mga ito, agad na tumayo si Pablo at lumipat sa tabi ng dalaga. Pasimple niyang inunat ang kamay para maakbayan ito.

"Paula, palit tayo," sabi ni Gian. "Gusto kong kakatabi si Jean."

"Oh, sure!" ani Paula na na gets ang gusto ni Gian pero ang totoo ay gusto rin talaga niyang makatabi si France.

"Cheers!" sabi ni Paula kay France saka itinaas ang hawak na beer.

Tahimik lang si France pero paminsan-minsan ay napapatingin siya kina Pablo at Danica.

Iginala niya ang paningin. Maraming tao sa paligid at napupuno pa ng usok ang paligid at ang table ay puro bote ng alak o di kaya'y tower. Ganito ba lagi ang buhay ni Danica kasama ang mga kaibigan?

"Oh, nawala lang kami nag-iba na ang pwesto ah," biro ni Jean saka naupo sa tabi ni Gian. Si Liza naman ay sa tabi ni France kaya napagitnaan nila ni Paula ang binata.

"Madalas ka rin bang nagna-night out?" tanong ni Paula kay France.

"Minsan lang," sagot ni France saka tinungga ang alak.

Kinuha ni Danica ang beer na nasa harapan nang magkasalubong ang mga mata nila ni France. Naiilang siya. Akala niya ibang barkada nito ang kikitain pero bakit si Pablo pa? Eh, ang awkward lang. Paano kapag malaman ni Pablo na si France ang dahilan?

"Bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo?" tanong ni Jean kaya muling tinungga ni Danica ang beer. Nang maubos ay nagbukas pa ulit siya ng bago para kahit paano ay kumalma siya. Ni hindi na nga niya nalalasahan ang pait eh.

"Don't have one," sagot ni France.

Napalunok si Danica at sinubukang ituon ang atensyon sa bote.

"Gusto mo pa?" tanong ni Pablo saka binigay ang isa pang alak kay Danica.

"Thanks," pasalamat ni Danica.

"Oh, wala ka ba talagang girlfriend?" tanong ni Paula na kita ang kasiyahan sa mukha.

"I have a fiancée," pag-amin ni France kaya naibuga ni Danica ang iniinom na beer.

"S—Sorry," paumanhin niya sabay pahid sa bibig.

"Hey, tama na. Ginagawa mo nang tubig ang beer," saway ni Pablo.

"What? May fiancée ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Paula saka hinarap si France.

"Yes," sagot ng binata saka inubos ang laman ng alak.

"I see," ani Liza na hindi na rin alam ang sasabihin.

"CR lang ako," paalam ni Danica.

"Samahan na—" Pablo.

"No. Kaya ko na," tanggi ni Danica. "Please, dito ka lang."

"Okay," pagpayag ni Pablo kaya tumayo si Danica at naglakad patungo sa CR. Medyo nahihilo na siya. Ngayong tumayo siya, saka niya naramdaman ang tama ng beer na iniinom.

Nang matapos umihi, inayos niya muna ang sarili bago lumabas pero nagulat siya nang may humawak sa kanang kamay niya at hinatak siya sa pinakasulok saka pinasandal sa wall at tinakpan ng katawan nito para kapag may mapatingin sa kanila, hindi siya mamukhaan dahil sa katawan ng binata.

"F—France..." usal niya nang mamukhaan ang binata.

"Are you drunk?" tanong ng binata.

"A little," sagot niya saka sinubukang maging matino sa harap ng binata kahit na dinuduyan na siya. "B—Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako?"

"Just wanna see how you flirt sa ibang lalaki," seryosong sagot. ni France pero agad na sinaklolohan ang dalagang muntik nang mabuwal.

"Am I?" namumula ang mukhang tanong niya. "Maraming tao," bulong niya. Malamlam ang ilaw at ang dami ring pumupunta sa CR pero mga wala namang pakialam ang mga ito dahil sanay na ang mga narito sa ganitong buhay.

"Who cares?" ani France saka hinawakan sa baba ang dalaga at pinatingala sa kanya. "Who am I?" tanong niya.

Tumingala si Danica saka sinuri ang gwapong mukha ng kaharap at kapagkuwa'y ngumiti ito.

"F—France?" namumungay ang mga matang sagot niya.

"Good!" ani France saka binitiwan ang baba ng dalaga pero agad na ipinulupot nito ang mga kamay sa leeg niya.

"Hey, 'di ba fiancé na kita?" tanong ng dalaga saka ngumiti. Tutal lasing naman na siya, itodo na niya.

"Why?" ani France na naaamoy ang alak sa hininga ng dalaga. "Do you wanna kiss me?" nakataas ang kanang kilay na tanong niya.

"May I?" tanong ni Danica. Napatitig ng ilang segundo si France rito. "F—France?"

Napapikit siya nang maramdaman ang mainit at malambot na mga labi ni France. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo niya saka biglang nag-freeze ang mga tao sa paligid. Tinugon niya ang mga halik nito. Napayakap na rin ang binata sa bewang ng dalaga para magkadikit ang mga katawan nila.

Parehong hinihingal nang magkahiwalay ang kanilang mga labi.

"Let's go home," bulong ni France kaya tumango si Danica bilang pagsang-ayon.

Hinila ni France si Danica saka nakipagsiksikan sa mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor para hindi sila makita sa table nila.

Hawak-kamay pa rin sila nang makarating sa sasakyan ng binatang naka-park. Binuksan ni France ang pinto saka pinapasok si Danica.

"H—Hindi ko alam ang sasabihin kina Pablo," nag-aalalang sabi ni Danica nang mailagay ang seatbelt.

"Tell them na nakita ka ng papa mo kaya hindi ka nakapagpaalam sa kanila," sabi ni France at nagmaneho na pauwi sa condo nila.

"S—Sabay tayong—"

"Itinatago mo ba ang relasyon natin?"

Natahimik si Danica. Hindi naman kasi tama na magkaibigan pa sina France at Pablo. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?

"What?" ani France nang makarating na sila sa parking lot ng unit. "O nahihiya ka na malaman ni Pablo na engaged ka na at wala nang pag-asa pa siya? O baka naman nag-i-expect ka pa na maging kayo kahit na may nangyari na sa atin?"

"B—Buhay ko naman 'to eh," naisatinig niya.

"Buhay ko rin naman ang nakasasalalay rito," ani France. "Hindi lang sa 'yo kaya kung makipaglapit ka sa ibang lalaki lalo na kay France, isipin mo naman na may napagkasunduan na ang pamilya natin. Paano kapag makita ka nila in public na may kasa-kasamang lalaki?"

"A—Are you jealous?" pilyang tanong ng dalaga. Sa tingin pa lang ng mga kaibigan kay France, parang gusto na niyang itago ito sa closet kanina pero alam naman niyang wala siyang karapatan.

"I'm not jealous! I'm just being—rational!" sagot ni France saka tinanggal ang seatbelt at bumaba para pagbuksan si Danica.

"Thanks," pasalamat ng dalaga pero agad na nahilo nang pagbaba. Buti at napasandal siya sa kotse.

"Sa susunod na iinom ka pa, isang drum na talaga ng alak ang ipapaubos ko sa 'yo," napailing na sabi ni France sabay buhat sa dalaga. Heto na naman siya at mag-aalaga na naman ng babaeng lasing. Buti na lang dahil trained na siya kay Paris.

Share This Chapter