Back
/ 35
Chapter 6

5

'Til it Lust (R-18)

Unedited...

Matapos nilang manood ng sine, kumain pa sila sa Vikings kaya wala na talaga siyang pera. Nahiya naman siya magpalibre sa mga ito dahil nag-uunahan pa sa pagbayad kaya napagkasunduan nila na mag-KKB na lang.

"Hey, girls!" bati ni Komi nang palabas na sila. "Pauwi na kayo?"

"Not yet," sagot ni Liza. "Why?"

"Wala lang," sagot ni Komi saka napasulyap kay Danica na palapit sa kanila. Nahuli ito dahil nag-CR pa.

"Ayan na pala ang dream girl mo," nakangiting sabi ni Paula. "Danica, hinahanap ka ni Komi."

"H—Hello," alanganing bati ni Danica dahil ang awkward lang.

"Hi," bati ni Komi saka napakamot sa ulo.

"Komi, baka gusto mong ihatid si Danica?" tanong ni Jean.

"Wag na," agad na tanggi ni Komi kaya napataas ang kanang kilay ni Jean.

"Bakit naman hindi? Natotorpe ka?" tanong ni Paula.

"Ah—ano," ani Komi saka ngumiti. "Okay lang ba na ihatid kita, Danica?"

"No," agad na sagot ng dalaga. "Kaya ko namang umuwing mag-isa, salamat na lang, Komi."

"See? Ayaw niya," sabi ni Komi. "Sige, girls. Nagugutom na ako eh. Kanina pa ako hinihintay ng mommy ko."

"Mama's boy ka pala," ani Jean.

"Syempre," sagot ni Komi. "Akala nyo lang matapang ako pero love ko si Mama."

Pumasok na ito.

"Alam mo, Danica, swerte mo talaga kay Komi. Kayo na ba? Hindi na si Pablo ang best man mo?" tanong ni Jean.

"H—Hindi—wala namang kami ni Komi," tanggi ng dalaga.

"Well, your secret is safe with us," ani Liza sabay tapik sa balikat niya. "So don't worry,okay?"

"Kung gusto mong mamingwit sa dalawang bangka, okay lang," sabi ni Paula. "Afterall, maganda ka naman. Mag-ingat ka lang na hindi ka mahuli."

"Wala naman akong relasyon sa dalawa," ani Danica. "Nanliligaw lang si Pablo sa akin kaya wala naman atang masama kung makipagkaibigan ako sa iba kasi hindi ko naman siya boyfriend. Malaya rin naman syang manligaw pa sa iba."

"Oh," ani Paula. "Pero nakatabi mo sa pagtulog si Komi, naked pa nga kayo, right? Are you sure na natulog lang kayo?"

Naitikom ni Danica ang bibig. Gusto niyang itanggi pero hindi naman niya maamin na si France ang nakasama niya ng gabing iyon.

"Let's not talk about it," ani Liza. "Afterall, it's her life, not ours!"

"Tara, uwi na tayo," yaya ni Jean.

"Hatid ko na kayo," ani Paula.

"Mag-taxi na lang ako," sagot ni Danica.

"Idaan ka na namin, Danica," sabi ni Paula.

"S—Sige," pagpayag ng dalaga saka sumakay na sa sasakyan ni Paula.

Pagkababa sa tapat ng bahay nila, sinigurado muna niyang malayo na ang sasakyan ng mga kaibigan bago nag-abang ng masasakyan. Tulog na ang parents niya at hindi na ito ang inuuwian niya.

Nag-commute siya at ang tagal pa ng jeep kaya pasado alas diyes na sya nakarating sa bahay.

Dahan-dahan pa niyang binuksan ang pinto dahil baka makaistorbo siya kay France pero pagpasok niya ay naka-crossed legs itong nanonood ng TV sa sala.

"H—Hi," alanganing bati niya. "Good evening."

Napasulyap si France sa wall clock. Sumalubong ang kilay niya nang makitang pasado alas diyes na.

"Saan ka galing?"

"Ha?" tanong ng dalaga. Hindi niya napaghandaan na tatanungin siya nito.  "Ah, ano. Ahm... namasyal kami ng mga friends ko sa mall tapos nag-dinner na rin kami," sagot niya. "S—Sige, sleep na me. Good night."

"Uwi pa ba 'to ng babaeng matino?" bulong ni France saka pinatay ang TV. Tumayo siya saka pinatay ang ilaw at tumungo sa kwarto para matulog.

Kinabukasan, maaga pang nagising ang binata saka nagluto ng pancake.

"Morning," nagmamadaling bati ni Danica na nakabihis na.

"Aalis ka na?" tanong ni France.

"Yes. May quiz kami today kaya kailangan ko pang mag-aral dahil hindi ako nakapag-aral kagabi," sagot niya. Sinubukan niya pero nakatulog naman siya. Buti nga at maaga pa siyang nagpa-alarm kaya may oras pa siya para mag-review.

"Kumain ka muna."

"Hindi ako nagbi-breakfast. Mamaya na lang after ng exam," sagot niya. "Sige na, alis na ako. Bye."

"Teka—" pipigilan pa sana niya pero nakalabas na ang dalaga. "Haist! Ano ba kasi ang pangalan niya?" nakalimutan na naman niyang tanungin.

Mag-isa siyang kumain ng pancake. Pagkatapos ay naligo siya at nagpalit ng damit saka tumungo sa SJU.

"France!" tawag ni Pablo na hinabol siya.

"Oh? Kanina ka pa?"

"Oo," sagot ni Pablo. "Pinuntahan ko lang si Danica pero busy sya dahil may quiz daw. Ililibre ko sana ng breakfast pero hindi ko maistorbo eh."

"Bakit mo siya ililibre? Di ba siya marunong gumawa ng breakfast niya?"

"Hindi kasi yun kumakain ng umaga sa bahay kasi kapag magising yun, maliligo na lang tapos sabay larga na. Kumakain lang yun kapag nandito na o ginugutom na," paliwanag ni Pablo na sumusunod kay France.

"Kilalang-kilala mo na ah."

"Sinabi mo pa! Kulang na lang ang matamis niyang oo tapos kami na eh," sabi ni Pablo.

"Tapos hindi ka pa niya masagot niyan sa effort mo?"

"Wala eh," ani Pablo. "Hard to get kaya ang hirap maamuin."

"Wag mo kasing masyadong habulin," payo ni France.

"Hindi naman ah."

"Yun ba yung kasama mo noong birthday ko?" tanong niya dahil may kasama itong umuwi nang birthday niya.

"Hindi. Kaibigan niya yun," sagot ni Pablo. "Hinatid ko lang."

"Okay," ani France na hindi naman interesado sa babae ni Pablo.

"Sama ka mamaya? Niyaya ko yung kaibigan ni Danica na mamasyal," tanong ni Pablo.

"Marami akong gagawin sa bahay," sagot ni France.

"Haist. Mamasyal ka naman. Ang boring ng buhay mo. Hindi ka rin mahilig sa party. Ano pa ba ang mga gusto mo sa buhay? Like sports?"

"Football," sagot ni France.

"Boring naman ng football pero at least naglalaro ka ng basketball," sabi ni Pablo at inakbayan si France. "Babae kaya ang laruin mo? Alam mo, bruh? Gwapo ka at mayaman. Kung gustuhin mo, pwede ka ngang magpalit ng babae araw-araw."

"Sakit lang sa ulo ang babae," sagot ni France na biglang lumitaw sa diwa ang mukha ng ina at ni Paris. Buti at nakaligtas na siya sa mga ito. Ayaw kasi ni Paris na umuwi ng Pinas. Pero kahit ganun ang kakambal, nami-miss din naman niya ito.

"Bakla ka ba?" biro ni Pablo.

"Kapag ba hindi ko pinaglalaruan ang mga babae, bakla na ba ako?" baliktanong niya.

"Joke lang, bruh," bawi ni Pablo.

Dumiretso sila sa classroom pero nang makapasok ay sa iba na nakipagbiruan si France.

"Hi, tahimik mo naman," bati ni Jannah at ngumiti saka naupo sa tabi ni France.

"May kailangan ka?"

"Wala naman. Pwede bang maupo? Naiingayan na ako sa kanila eh," sagot ni Jannah.

"Nakaupo ka na," sagot ni France saka nag-reply sa kakambal dahil kagabi pa siya nito kinukulit tungkol sa fiancée niya na magkwento siya kung paano sila nagkakilala at kung totoo bang hindi na siya virgin?

"Sino ang ka-chat mo, girlfriend mo?" tanong ni Jannah. "S—Sorry kung nagtanong ako."

"Wala akong girlfriend," sagot ni France.

"Totoo ba? Sa gwapo mong 'yan?" ani Jannah.

"Yes," sagot ni France.

"Pero may crush ka? Or naging girlfriend noon? Impossible naman na wala. Di ba mga liberated ang tao sa Europe?"

"Not all," tipid na sagot niya.

"Taga saan ang first gf mo?" pangungulit ni Jannah. Ito yung kaklase niyang makulit pero pansin niya na matalino ito at masipag mag-aral. Minsan may pagkashunga lang din kasi agad na nabibilog nina Pablo.

"I have a fiancée," pag-amin ni France kaya nagulat si Jannah.

"What? Really?"

"Yes," sagot niya. Tutal wala naman siyang kausap, dito na muna siya makipag-usap kaysa ma-stress siya sa kakambal. "Ikaw? Kailan pa kayo nagkakilala ni Pablo."

"Ah, childhood friend ko siya. Close ang parents namin kaya madalas din kaming nagkikita."

"Gusto mo siya?"

Napatingin si Jannah sa gwapong mukha ni France pero agad ding iniwas.

"Magkaibigan lang kami."

"Pero hindi lang iyon ang turing mo sa kanya."

"Pinagsasabi mo?" tanong ni Jannah saka pilit na ngumiti. "Friends lang talaga kami. Isa pa, may girlfriend na siya, ano."

Obvious na mayaman si Jannah dahil sa mga gamit. Kahit nga ang bigay nito sa kanyang regalo, mamahalin din na hindi kayang bilhin ng ordinaryong kolehiyala.

"Hindi naman sila. Nililigawan pa lang niya."

"Ano naman? Maganda ka naman," ani France kaya natawa si Jannah.

"Pero marami ang nagsasabing mas maganda si Danica. Kaya nga baliw na baliw ang mokong na 'yun sa kanya eh."

"She's not rich as you."

"Hindi naman yaman ang tinitingnan ni Pablo," sabi ni Jannah. "Mahal niya si Danica."

"Okay," ani France. Ngayon pa lang, mukhang naramdaman niyang may something sa ugali ng nililigawan ni Pablo. Kasi bakit naman ito magpapaasa nang matagal?

Nang dumating ang guro, bumalik na si Jannah sa pwesto nito.

Nang matapos ang second subject, lumabas na sila para da breaktime nang makita ni France ang fiancée niya papuntang canteen.

"Sasama ka sa amin, France?" tanong ni Gian.

"Susunod ako," sagot ni France at iniwan sila saka sinundan ang dalaga.

"Fiancée!" tawag niya nang malapit na rito. "Hey!"

Napalingon si Danica nang marinig ang boses ng lalaking naabutan siya.

"France?" aniya saka napatingin sa paligid. "Wag mo nga akong tawaging—"

"Fiancée?" ulit ni France.

"Bunganga mo!" saway niya. "Anong kailangan mo?" badtrip pa siya dahil passing score lang ang nakuha niya sa quiz. Hindi siya satisfied sa result dahil alam niyang mape-perfect niya kung nag-aral lang siya kagabi. Isa pa, pababa na nang pababa ang scores niya. Hindi naman siya ganito noong senior high siya.

"Anong pangalan mo?" seryosong tanong ni France kaya napanganga si Danica. Seriously, hindi siya nito kilala? Kung sabagay, hindi naman kasi talaga sila nagkausap at obvious na hindi ito interesado sa kanya.

"France!" bulalas niya sabay atras nang hawakan nito ang ID niya saka yumuko at basahin ang pangalan niya.

"Danica Villanueva," ani France saka napa-smirk at binitiwan ang ID ng dalaga. "Okay, got it!"

Napahawak si Danica sa ID. Bakit ba ang aliwalas nito tingnan? Wala itong pores at kahit na isang pimple. Wala ring gusot ang damit nito.

"I hope you'll give a high score sa body check mo," ani France at napangiti nang makita ang pamumula ng pisngi ng dalaga.

"Diyan ka na nga!" inis na sabi ni Danica saka iniwan si France.

"YSL," bulong ni France nang maiwan ang amoy ng pabango ni Danica. Sinundan niya to ng tingin, ang ganda tingnan ng mahaba at straight nitong buhok na sinadyang ipakulot sa dulo. Ang ganda rin ng pigura nito kahit nakatalikod dahil maliit ang bewang at malapad ang balakang.

Bumalik siya kina Pablo at Gian.

"Saan ka galing?" tanong ni Pablo.

"May kinausap lang," sagot niya.

"Sama ka na sa amin mamayang hapon," sabi ni Gian. "Ayaw kong maging chaperone ng dalawa."

"Kasama naman ni Danica ang mga kaibigan niya kaya hindi ka mabo-bore. Ganda rin naman ng mga friends niya at mayayaman pa." Sila ang magbarkadang usap-usapan ngayon ng buong SJU dahil mga mamahalin ang sasakyang sumusundo't hatid sa mga ito at kapag magsama ang apat, puro magaganda talaga na akalain mo ay isang sikat na female group.

"Danica?" ulit ni France. Hindi ba't ito ang pangalan ng fiancée niya? Ano nga ba ang apelyido? Nakalimutan niya.

"Yung nililigawan ni Pablo," sabi ni Gian.

"Ah," ani France. "Anong year na ba sila?"

"Firstyear pa lang sila," sagot ni Pablo.

"Sama ka na mamaya!" sabi ni Gian.

"Okay," pagpayag ni France. Bakit ba ang lakas ng pakiramdam niyang iisang Danica lang ang kakilala nila?

"Ayos! Ikaw ang bahala sa mga friends niya para hindi kami ma-istorbo ni Danica," sabi ni Pablo dahil panigurado, matutuwa ang mga ito dahil ilang beses na rin nilang hiniling na isama si France pero palaging tumatanggi ang kaibigan.

Share This Chapter