4
'Til it Lust (R-18)
Unedited...
"Ganda mo naman, gurl!" puri ni Bia nang tumabi sa kanya.
"Thank you. Ikaw, maganda rin naman," puri ni Danica at ngumiti sa kaibigan. Bata pa lang, magkaibigan na sila. Parehong guro ang mother nila at si Bia ang palagi niyang kasa-kasama hanggang sa kumuha nga sila ng entrance dito sa SJU. Noong una, gusto niyang pumasok sa Westbridge pero masyadong mahal kaya dito na lang. Isa pa, kahit na half yung scholarship niya as valedictorian, may chance na mawala sa kalagitnaan ng sem kasi bakbakan ang patalinuhan noon. Marami rin namang matatalino rito sa SJU pero sa pagkakarinig niya, sobrabg strict ng sa Westbridge.
"Buti at hindi ka nagkaka-pimple talaga."
"Alam mo namang nagka-pimple rin ako pero nahanap ko na ang tamang skin care ko at make up na hiyang sa skin ko," sagot niya at ngumiti sa kaibigan. "By the way, busy ka ba? Sama ka sa amin nina Paula."
"Saan?"
"Sa mall. Manood daw ng sine."
"Wala akong pera," sabi ni Bia.
"To naman. Libre na kita."
"Wag na," sabi ni Bia. "May gagawin pa ako mamaya sa bahay."
"Killjoy mo," ani Danica.
"Enjoy na lang kayo," sabi ni Bia na may lungkot na nadarama. Hindi na niya nakakasama si Danica dahil sina Paula na ang madalas nitong kasama. Mula nang mag-umpisa sila ng college, ramdam nyang lumalayo na ang kaibigan. Kung sabagay, sa ganda pa lang, ang layo ng agwat nila. Campus sweetheart si Danica noon pa dahil ang ganda nito lalo na nang pinahaba nito ang buhok at pinakulot sa dulo tapos may pagka-heart shape pa ang makinis na mukha. Ang tangos ng ilong nito at ang pouty pa ng mapupulang mga labi.
"Ano ba 'yan. Sige na nga. Basta nextime sumama ka sa amin ha."
"Hindi ka ba mag-aaral? Pansin kong bumababa na ang grades mo," ani Bia. "May quiz tayo bukas."
"Pag-uwi na lang ako mag-aral," sagot ng dalaga.
Napabuntonghininga si Bia. Ganyan naman palagi pero minsan hindi na ito nakakapag-aral kapag umuwi dahil sa pagod.
"Hi, Danica!" masiglang bati ni Pablo nang lumapit sa kanila.
"Mauna na ako," paalam ni Bia saka umalis na.
"HâHi," naiilang na bati ng dalaga na walang mukhang ihaharap sa binata.
"Tara, ice cream tayo."
"Wag na, aalis kami nina Paula mamaya," sagot niya para na rin makaiwas. Hindi na siya virgin at mat ka-live in na siya kaya hindi tama na bibigyan pa niya ito ng pag-asa.
"Iniiwasan mo ba ako, Danica?" tanong ni Pablo. Hindi pa ito nagre-reply sa kanya mula noong Sabado at ngayon naman ay tinanggihan siya. "May problema ba tayo?"
"WâWala naman pero Pablo, tingin ko itigil mo na ang panliligaw sa akin."
"What? Why?" naguguluhang tanong ng binata. "Akala ko ba okay tayo?"
"HâHindi pa ako ready," sagot niya.
"Alam ko. Kaya nga maghihintay ako, right?" ani Pablo.
"HâHindi mo 'ko naintindihan, Pablo."
"Paanong hindi?"
"Nagsasayang ka lang ng oras mo sa akin."
"Danicaâ"
"Hindi kita mahal!" mabilis na sabi ng dalaga saka iniwas ang mga mata. Nagu-guilty siya at kahit paano ay nasasaktan sa sinabi. Mabait kasi si Pablo sa kanya at nirerespeto siya nito.
"Sabi ko naman papaibigin kita eh. Ano ba angâ"
"PâPlease, Pablo. Wag mo na akong pahirapan pa. Pakibura na lang ng number ko at 'wag na sana tayong mag-usap pa," nahihirapang sabi niya saka tumayo.
"Danica naman. Ano na naman bang kadramahan 'to?"
"Hey, lovely birds!" bati ni Paula na palapit sa kanila kasama sina
"Mukhang seryoso ang usapan ninyo a. Nakaistorbo ba kami?" tanong ni Jean. Si Jean ang pinakakikay sa kanila dahil araw-araw ay paiba-iba ito ng hairstyle, magaling mag-makeup at most of the times ay naka-skirt ito.
"Hindi naman," sagot ni Danica. "Alis na ba tayo?"
"Sure," sagot ni Paula at napangiwi. Si Paula naman ang rich girl na maganda at mabait. Ang ama nito ay governor sa Cavite at ang ina ay may malaking business ang pamilya sa loob at labas ng bansa. Yung tipo ng mayaman na napaka-down to earth. "Pero wala kasing space ang sasakyan namin. Puno na eh. Makikisabay ang pinsan ko at jowa niya."
"Hindi ko dala ang sasakyan ko kaya hindi ako mag-commute," sabi ni Jean. "Hindi ako sanay mag-jeep."
"Me too," sabi ni Liza na Englisera dahil laking US ito at ang ama ay american.
"Hindi na lang ako sasama," sabi ni Danica.
"No, gurl. Please, sumama ka sa amin," sabi ni Paula.
"We already talked about this, remember? You promised us," maarteng sabi ni Liza.
"A promise is a promise!" sabi ni Jean.
"Ihahatid na kita," sabat ni Pablo.
"Wag na," tanggi ni Danica at ngumiti. "Magco-commute na lang ako."
"Oh my ghad, gurl. Mag-taxi ka, ang daming nangho-holdup ngayon," ani Jean.
"Mag-taxi ka na lang, ako na ang magbabayad," sabi ni Paula. "Gusto mo i-book kita ng grab?"
"Wag na," nahihiyang sabi ni Danica. Sobrang bait talaga ni Paula. "MâMag-taxi na lang ako. Kitakits na lang sa mall."
"Sure ka, Danica? Sorry ha," paumanhin ni Paula. "Kung hindi lang talaga sasama ang pinsan ko."
"It's okay," sagot ng dalaga.
"Sige, see you sa mall," ani Jean at humarap kay Pablo. "Sama ka, Pablo?"
"May basketball pa kami," pagdadahilan ni Pablo dahil mukhang ayaw nga ni Danica na sumama siya kaya bigyan niya nuna ito ng time.
"Bye. Mauna na kami," paalam ni Jean.
"See you, Danica. Sumunod ka ha. Kung hindi, we will tampo na," ani Liza.
"Okay," sagot ni Danica kahit na ang totoo ay 3k na lang ang pera niya sa ATM dahil nagbawas na ang mga inutang niya sa credit card niya dahil katapusan na naman. Sana naman hindi aabot ng isang libo ang magastos niya ngayong araw dahil wala na talaga siyang pera. Sa 15 pa ulit maglalagay ng allowance ang papa niya.
"Hindi mo kailangang sumunod sa kanila kapag ayaw mo," sabi ni Pablo.
"Pinagsasabi mo?"
"Wala lang," ani Pablo saka nagkibit-balikat. "Sila ba ang dahilan kung bakit ayaw mo nang ipagpatuloy ko ang panliligaw ko sa 'yo?"
"Hindi sila," ani Danica. "Basta!" Alangan naman aminin niya na dahil sa sitwasyon nila ni France? Isa pa, magkaklase pa ang dalawa.
"Hindi ako titigil, Danica. Alam mo namang noon pa lang gusto na kita," determinadong sabi ni Pablo. Kapag maging sila ni Danica, alam niyang marami ang maiinggit sa kanya. Ang dami nang oras ang inilaan niya sa dalaga para sumuko pa siya.
"Alis na 'ko."
"Sure kang ayaw mong pahatid?"
"May pambayad ako ng taxi!" taas noong sabi ni Danica dahil seryoso siya sa pag-iwas dito. Isa rin ito sa mga pinagpuyatan niyang isipin kagabi.
"Maiwan na kita," paalam ng binata saka tumungo sa basketball court.
"Oh? Bakit laylay ang balikat mo?" tanong ni Gian na nakaupo at nanonood ng mga nagbabasket katabi si France. "Akala ko ba hindi ka magba-basketball?"
"Nawalan na ako ng gana," sagot ni Pablo. "Bakit hindi pa kayo naglalaro?"
"Mamaya na," sagot ni Gian.
"Hindi ka ba matutuloy sa lakad mo?" tanong ni France dahil niyaya nila ito pero tumanggi dahil may date raw.
"Mukhang hindi na matuloy ang lakad niya," sabi ni Gian at ngumisi. "Ano na? Bigo ka na naman kay Danica, ano?"
"May lakad sila ng mga kaibigan," sagot ni Pablo.
"Patay na patay ka talaga kay Danica, ano?" tanong ni Gian.
"Daming babae!" ani Pablo saka inagaw ang iniinom ni Gian na tubig. "Ang tagal ko na kasing nanliligaw sa kanya! Putiks, ayaw pa ring sagutin."
"Eh baka naman kasi may gustong iba," ani Gian.
"Nagpapakipot lang, kamo!" ani Pablo. "Pag to talaga bumigay, hindi ko na papakawalan!"
"At kapag makuha mo na ang gusto mo, iiwan mo rin naman," napailing na sabi ni Gian.
"Ang challenging kasi niya," ani Pablo saka napailing.
"Babae lang 'yan," sabi ni France. "Dami riyan sa paligid na mas maganda."
"Tama!" pagsang-ayon ni Gian. "Kahit na maganda si Danica, may mas maganda pa rin naman sa kanya. Nandiyan naman si Jannah tapos yung mga friends ni Danica."
"Hindi ko type ang maarteng babae!" sabi ni Pablo.
"Maarte rin naman si Danica ah."
"She's not. Napapalibutan lang siya ng mga mayaman at maarteng kaibigan pero wala siyang kaartehan sa katawan. I knew her mula noon," ani Pablo.
"Ano bang special sa kanya? Pare-pareho lang naman ang mga babae," sabi ni France.
"Nakita mo na ba si Danica?" tanong ni Pablo.
"Hindi na kailangan," tugon ni France. Kahit kailan hindi siya interesado sa babae. Mas lalong ayaw niyang humabol sa mga babae dahil pagod na siya sa ugali ng mga ito. Ikaw ba naman lumaki kasama ang kakambal na si Paris at ang mommy niyang si Madrid, mahihilo ka talaga at isumpa na magpakabaliw pa sa babae. Masyadong matalak!
"Sus. Hayaan mo, marami akong kakilalang magaganda at mayaman, ipakilala kita sa kanya," sabi ni Gian.
"Hindi na pwede," sabi ni France.
"May girlfriend ka na?" tanong ni Pablo.
"I have a fiancée," pag-amin ni France kaya nagulat ang dalawa.
"Seryoso?" bulalas ni Gian.
"Yes, I'm engaged," sagot ni France.
"Taga saan?" tanong ni Pablo.
"What's her name? Kilala ba namin?" curious na tanong ni Gian.
"Change topic," ani France saka tumayo. "Tara, basket na tayo."
"Loko 'to," ani Pablo sabay turo kay France. "Kaya pala walang girlfriend kasi engaged na. Bata pa niya."
"Ganyan talaga ang mayayaman, pinapa-engage para i-partner sa kapwa mayaman para hindi mawala ang kayamanan. Malamang for business 'yan," ani Gian.
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Pablo saka tumayo at sumunod kay France para maglaro na ng basketball.