0:04
Half Past Midnight
Jinie dog
8:21 AM
Jian:
lodsssss
breakfast?
8:23 AM
Andre:
ano ayos ka na?
Jian:
oo naman
promise last na talaga 'yong kagabi
nag-usap na kami, sabi ko 6 months na kaming wala, enough na
nagm-move on na nga 'yung tao
Andre:
yeah yeah
kung is-search ko yang word na last dito sa history ng convo natin di mo na mabibilang
Jian:
hoy for real na kasi this time
sabi mo nga diba moment of weakness lang talaga 'yung ganon
'di na ako magpapaloko ulit
so?
tara na kasi breakfast, libre ko
Andre:
inaaya mo lang ako kasi di mo maaya sila patricia
kasi mahahalata ka
Jian:
huy hindi
plan ko talaga na ayain ka kahapon pa before lunch no
rinig ko kasi kay Chi may promo sa Jaena iced coffee nila
pag nagbayad kang small, grande ang bibigay sa'yo
Andre:
ah kaya balak mo ako ilibre
kasi nakapromo
Jian:
hahahaha
luh nagtatampo na siya
ikaw kaya una ko naisip nung sinabi sa'kin na may promo
Andre:
ganyan ba talaga tingin mo sakin
tirador ng promo saka discount
Jian:
ang sinasabi ko kasi ikaw una ko nga naisip kasama magkape
kasi 'diba coffee buddy
sira talaga 'to
hahahahaha
saka tirador ka naman talaga ng ganyan, nung college nga 'yung kwek kwek sa harap ng rios tinatawaran mo pa kay manong junior
Andre:
susunduin ba kita?
Jian:
oh 'diba walang palag
kita na lang tayo 'ron
matatagalan ka pa pag sinundo mo ko
Andre:
sige basta pag-iinom ng kape, usapan iinom ng kape a
walang iyakan
Jian:
tanga last na nga kasi talaga 'yon
promise, mahulog man sa kanal si pat
Andre:
o tignan mo
text ko si patricia sumbong kita
Jian:
joke lang
DRE WAG A
SUBUKAN MO
susumbong din kita kila gab, ikaw nakabura nung mga files last na r-release kayong 2nd album
Andre:
psst, jinie sit
Jian:
biro lang, di ko gagawin yon
wag mo ko susumbong kay pat pleaseð¥º
Andre:
ayos ka na ba talaga?
Jian:
ayos na nga
ayos na ako, kasi andiyan ka naman