Back
/ 53
Chapter 23

Chapter 22

Yesterday's Loaded Bullets

"Miss nasa meeting room na silang lahat ikaw nalang po ang kulang."

Nilingon ko naman si Jerry na kakapasok palang sa opisina ko. I was busy stalking Soline's instagram account. I also followed her pero kanina pa ako naghihintay na i follow back niya ako. Busy siguro siya ulit. Should i call her instead??

"Tell them to prepare themselves. I'll be there in 15 minutes and also tell your co right hand to check the current status of the area before we depart."

Nagsimula na akong magbihis sa Walk in Closet ko dito sa opisina ko. I wear my usual black combat attire. I open the different set of guns in the big drawer below my clothes.

Ilang minuto pa ay natapos nakong mag prepare. Tiningnan ko ang sarili bago lumabas. Sinalubong naman ako ni Jerry na naka suit na paglabas ko ng opisina at sinabayan ako patungong meeting room.

"Status."

Bungad na sabi ko agad sakanila pagdating ko. Umopo naman ako sa may dulong upoan at ginala ang tingin sakanilang lahat. Naka combat attire narin ang mga kaibigan ko pati sila Raiah except kay Rico at Jerry dahil bodyguard ang disguise nila ngayon.

"300 estimated people are in the area as of now miss. The foreigners and their accomplice are expected to arrive 15 minutes from now."

"A'right let's break a leg."

Mabilis naman kaming tumayo at naglakad na paalis. Sumakay na kaming lima sa usual combat car namin. Si Leon ang nagdrive ngayon, nasa passenger si Zayah at kaming tatlo naman sa likod.

"Fix your emotion Cassidy we're on mission."

Napatingin naman kami kay Cassidy dahil sa boses ni Zayah na nakatingin sa rearview mirror. Mukhang bagabag ang utak ni Cassidy ngayon dahil tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang daan.

"Ah yeah sorry."

Umayos naman ito ng upo at seryosong tumingin sa harap. Tinanguan lang siya ni Zayah. Ilang minuto pa ay dumatin na kami sa area. Mabilis kaming lumabas sa kotse at lumapit naman samin sina Lenard at Isiah.

"Naka posisyon na si Raiah miss ganun rin sila Jerry at Rico." sabi ni lenard samin kaya naman ay nagsitakbo na sa mga pwesto nila sila Leon.

Kami namang apat ay pumwesto sa may gilid ng malalaking truck. Ilang minuto pa ay tanaw namin ang pagbaba ng mga foreigners na may dala dalang bag, hula ko ay mga droga ito.

Tangina kapal ng mukhang magdala ng salot dito sa bansa. Walang ambag kundi perwisyo lang.

Nakita naman namin sila Jerry at Rico na naka pwesto sa gilid ng mga foreigner. Inopen naman nito ang dalawang malalaking bag na may pera at pinakita sa kasosyong kaharap nito.

"Now."

Mabilis na ibinato ni Rico ang smoke grenade sa pwesto nila kaya naman ay rinig ko ang pagkakabalisa ng mga salot sa harap.

Agad naman kaming nagsikilos at isa isang binalian ng buto at pinatulog ang mga nakabantay.

"Fuck we're being ambushed!."

Mabilis namang lumapit si Lenard dito at kaagad itong pinatulog. Mabilis ko namang pinagbabaril ang mga nakapalibot samin. You're meeting death fuckers.

Napalingon naman ako sa pwesto nila Jerry na nakikipag barilan narin habang ginagapos naman ni Rico ang mga Foreigners at kasabwat nito.

Hawak hawak ni Isiah ang mga bag ng shabu at pera habang nakikipagbarilan. Fuck bakit andami ng mga to??

" status in your area Cassidy?" hinihingal na sabi ko sa earpiece habang nakikipagbarilan parin.

"Almost clear."

"Raiah get rid of them."

Mabilis naman nagsibagsakan ang mga ibang taohan nito na papalapit sa gawi namin. Lahat ito may tama sa ulo. Napalingon naman ako sa pangalawang palapag na pinagpwestohan ni Raiah. Naka sniper ang bruha.

"Clear." rinig kong sabi ni Leon sa earpiece.

"Rico bitbitin niyo na sila paalis, we'll cover your way." sabi ni Zayah , mukhang naka pwesto narin ang sniper nito sa taas.

Mabilis naman inakay nila Jerry at lenard ang mga foreigners paalis ng lugar. Kami naman ni Jazer ay tumakbo papasok habang pinagbabaril parin ang mga kalaban na humaharang sa min.

"Leon check the 3rd floor."

Hinihingal na sumandal ako sa may dingding habang naglalagay ng bala. Nilingon ko naman si Jazer at sinenyasang magikot. Tinanguan lang ako nito at gumapang pakanan. Ako naman ay dahan dahang naglalakad pakaliwa.

Matagal na ata sila nag hihideout dito dahil maraming pile ng kahon akong nakikita. Pinaputokan ko naman ang tatlong taong nasa gilid. Dahan dahan naman akong lumapit sa mga kahon at binuksan ito.

Bumungad sakin ang naggagandahang mga baril. Mga bago pa ito at mukhang galing pa talagang ibang bansa.

"Bone check the box mukhang may mga lamang baril ." tugon ko kay Jazer habang ginala ang mata sa paligid.

"Confirmed."

"Jerry, call our men. We need extra people."

Sabi ko dito sa earpiece habang binubuksan ang iba pang mga kahon na naglalaman ng mga baril.

"Copy miss."

Pumunta naman ako sa may dulong pinto at binuksan ito. Bumungad naman sakin si Cassidy na patakbong lumapit sa gawi ko.

"It's all clear." hinihingal na sabi nito sakin.

Nilingon ko naman ang gawi kay Jazer at agad nanlaki ang mata ko dahil may nakatutok na baril sa likod nito.

"Sa likod mo tanga ka!."

Mabilis naman naming pinagbabaril ni Cassidy ang lalaki sa likod nito. Tumakbo naman ako kay Jazer na nakahiga at sapo sapo ang kanang braso.

"Tangina tanga mo talaga."

Tinawanan lang kami nito habang inda parin ang nadaplisan na braso nito.

"What's happening?" rinig kong sabi ni Zayah sa earpiece.

"Nadaplisan si bone, tatanga tanga kasi."

Napalingon naman ako sa gitnang entrance dahil sa mabibilis na mga yapak nito palapit sakin. Sila Jerry at Leon iyon kasama ang ibang taohan ko.

"Kargahin niyo ang mga kahon. Double check the area." sabi ko sa mga to kaya naman ay nagsikilos na ang mga to habang inakay ko naman si Jazer sa balikat ko.

"Aa-arayy tanginamo ulol pakyu!."

Napasigaw naman itong hawak ko nang pinindot ni Leon ang braso nitong natamaan. Gago ampota tumatawa lang.

"ay sorry gumalaw ang kamay ko."

Sinamaan naman nito ng tingin si Leon na tumatawa. Napalingon naman ako sa kakarating lang na sina Zayah at Raiah. May mga dalang sniper ang mga to na naglakad palapit samin.

"What are you still doing?? Let's get out of here."

Naglakad naman kami palabas pagkasabi ni Zayah. Si leon at cassidy na ang umakay kay Jazer. Nagsipasok naman sila sa mga saksakyan.

Nilingon ko naman si Jerry na naglakad palapit sa pwesto ko. Tiningnan ko ang mga ibang taohan ko na dinadala ang mga kahon sa malaking truck.

"Dalhin mo ang mga kahon, pati narin ang mga bag ng shabu at pera sa warehouse ng DPO. Yung mga foreigners naman ay dalhin mo sa ground at ikulong muna."

Yumoko lang ito sakin bago sumibat. Pumasok naman ako sa kotse at nagsimula na kaming umalis. Tinanggal ko naman ang Tactical Airsoft pj helmet na suot ko dahil sa pagod.

Hinablot ko naman ang phone ko at nagdial.

" prepare the room."

Gonna let them see a fucktard ass.

Share This Chapter