Chapter 23
Yesterday's Loaded Bullets
"Hello there gentlemen." pabungad na sabi ni Leon sa walong lalaking nakagapos sa upoan.
Isa isa naman kaming kumuha ng gloves na inabot ni Raiah samin at nagtungo pagkatapos sa harap nila.
"Where's the documents?"
Inilapag naman ni Jerry ang sampung folder sa harap ng pabilog na mesa kung saan kami umopo.
Ito ang mga documents na pinakuha ko sa mga taohan ko. Naglalaman ito ng mga papeles sa mga illegal at legal na negosyo na pagmamay ari ng walong nakagapos pati narin ang mga transaction nila sa iba't ibang parte ng pilipinas.
Sinenyasan naman ni Leon si Lenard na tanggalin ang tape na nakatakip sa lalaking nasa bandang gitna nakaupo.
"Who the hell are you?! Do you want money?! Name it! i'll give it to all of you just release us!!."
Umalingawngaw naman ang boses ng kano sa buong silid habang nagpupumiglas. Sa tingin ba niya kailangan namin ng pera?? Baka nga ang pagkatao niya ang bilhin namin.
"We don't need your fucking money bastard. We want your signature." malamig na boses na tugon ni Zayah dito habang seryoso niya itong tiningnan.
Lumapit naman si Cassidy sa harap niya at tiningnan ito habang dala dala ang isang folder.
"Sign this and we're all good." nakangiting sabi ni Cassidy dito habang nilapag ang folder sa lap nito.
"I would never sign that!" nagpupumiglas na sabi nito kaya naman ay nahulog ang folder sa ibaba nito.Napatawang yumoko naman si Cassidy at kinuha ang Folder sa gilid ng mga paa nito.
"Even if you ki--"
Napangisi naman ako dahil sa mabilis na pagsuntok ni Cass sa kano kaya naman ay napadaing ito sa sakit. Hinablot nito ang buhok at nilapit sa mukha niya.
"You're lucky i wasted my saliva just to fucking talk to you , you piece of shit."
Sinuntok na naman niya ito ng malakas kay bumaling ang ulo nito. Napalingon naman ako sa mga kasamahan nito na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Cassidy.
"Now. Sign that paper." mariing sambit nito sa kanong duguan na ang mukha.
Sinenyasan naman ni Leon si Rico na kalagan si kano. Ginawa naman niya agad ito at tinutukan ang ulo ng baril kung sakali mang manlaban.
Napangisi naman ako ng pumirma na ito. Kinuha naman ni Cassidy ang Folder habang nakangiting naglakad papunta sa gawi namin.
Binalik naman nila ito sa pagkakatali pagkatapos. Tumayo naman si Leon at lumapit sa harap ng matandang lalaki.
"It's nice meeting you here Mr. Guillermo."
Nakangiti naman si Leon dito habang nakacross ang legs na sumandal sa upuan paharap sa matanda.
"Ang sakit ng kamay ko, tigas pala ng bungo nung kano kanina pota."
Nabaling naman ang tingin ko kay Cassidy na nakaupo sa tabi ko at bumubolong sakin na nakatingin sa mga kamay nito. Paka oa naka gloves naman.
"Anong kailangan mo sakin?!."
Napunta naman ang tingin ko kay Mr. Guillermo na syang drug lord sa south at nakikipag negosyo sa mga ibang drug lords na foreigner. Nagpupumiglas rin ito at magulo yung suot niya.
"How about we make a deal here Mr. Guillermo? Sign this paper and i'll release you. Sounds great right??"
"Patayin niyo nalang ako kesa permahan yan! Wala kayong makukuha sakin!."
Kumuha naman ng yosi si Leon sa bulsa nito at sinendihan. Binuga nito ang mga usok sa harap ng matanda habang seryoso itong tinitingnan. Kalaunan ay napangisi naman ito.
"Potangina mo ahhh!!!."
Nagkatinginan kaming tatlo nila zayah at cassidy dahil sa ginawa ni leon. Nakabaon lang naman ang sigarilyo sa leeg nito. Buti nalang ay wala si Jazer ngayon dito dahil nagpapagamot pa kundi baka kahit seryoso ang ginawa namin ay tatawanan lang niya itong si leon.
"Oh sorry i slipped."
Napangisi naman kami dahil sa sinabi nito. Nag acting pa talaga ito na parang nahulog niya talaga ang sigarilyo ket sinadya naman.
"Mamatay kana tangina m-aahhhh!!!"
Napahiyaw nanamn ito dahil sa biglaang pagbaon ng dagger sa mga hita nito. Dahan dahan naman lumapit ang mukha ni Leon sa matanda at nginisihan ito.
"Ayaw mo?? Sure na? Walang bawian?? Peksman mamatay kaman??"
Napahalagpak naman kami sa tawa ni Cassidy dahil sa sinabi nito. Tangina talagang leon to kahit kailan sunod sa yapak ni Jazer eh.
Pinagtitinginan naman kami nila Raiah dahil sa biglaang pagtawa naming dalawa habang si zayah ay napailing iling nalang samin.
"J-just kill me n-now." mariing sambit ng matanda kaya naman ay napangiti nalang si Leon at sinenyasan si Lenard.
Napunta naman ang tingin namin sa envelope na inabot ni lenard kay leon. Kinuha naman nito ang laman ng envelope na wari ko'y mga imahe at inilapag sa lap ni Mr. Guillermo.
"Ano kayang magiging reaction ng asawa mo pag binigay ko yan hmm??."
Tiningnan niya naman ito ng mariin sa mata habang nakahawak sa panga nito.
"Should i call her now??.....or see her myself??."
Mababakas ang takot sa mukha ng matanda habang ginagala ang mukha sa larawang nakahain sakanya. It's a picture of random set of women. As far as i know, her wife owned a 5 star hotel sa iba't ibang parte ng mundo. Takot ito sa asawa niya dahil ito ang may hawak ng 70 percent sa kompanya, and maybe Mr. Guillermo engaged in this kind of business dahil may gustong patunayan.
"Yeah that's right. Mabuti ka naman palang pakiusapan."
Ngiting bumalik naman sa gawi namin si Leon matapos pumerma si Mr. Guillermo. Napatingin naman ako sa anim na natitirang mga kano na nanginginig na sa takot dahil sa nasaksihan.
"If you guys don't want to be a center of fucktards , just behave a'right??"
Sinenyasan naman ni Zayah sila Raiah na kalagan silang anim at papermahin. Nagsilapit sila Jerry dito dala ang tig iisang folder para papermahan sakanilang anim.
Tiningnan lang namin ito habang pumiperma, namataan ko naman ang isang foreigner na tumitingin kay Raiah at kalaunay bigla nito inagaw ang baril sa gilid nito. I mentally cursed because of it.
"Fucking piece of shit."
Napailingiling nalang ako matapos rumagasa ang dugo nito sa sahig matapos itong barilin ni Zayah sa ulo. Rumihistro naman ang gulat sa mukha nila Raiah dahil sa ginawa ni zayah. What a wrong move.
"What are you looking at. Do you want to follow him."
Umalingawngaw ang malamig na boses ni Zayah habang pinupunasan ng dahan dahan ang baril nito. Agad namang nagbawi ng tingin ang mga ito at mabilis na agad na pinagpatuloy ang pagperma.
Kami naman ang binalingan nito ng tingin at tinaasan ng kilay. May regla ba to ngayon? Wala ng sabi sabi eh putok agad. Natawa tuloy ako sa iniisip ko gago.
"Jerry you know what to do."
Tinanguan lang ako nito at tumayo na kaming apat nila Leon. Kinuha naman namin ang mga folder na may mga perma nila at umalis na sa silid.
----
"Kamusta na ang braso mo?"
Bungad na sabi ko kay Jazer pagpasok naming apat sa opisina nito sa DPO. Nakasandal ito sa swivel chair niya at naka shirt lang na puti at black na trouser.
"Maayos na. Kamusta ang mga laruan?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. Laruan ampota. Sabagay dapat pinaglalaruan ang mga yun dahil sa krimen na pinagagawa ng mga yun.
"We bring the folder that contains the property those bastards owned and now..........it's ours."
Napangisi naman kami sa sinabi ni Cassidy. Maybe next week we'll start renovating the building for charities.
"I already send my men to inspect the place. I'll be the one to monitor the building with the assigned architect and engineers."
Napatingin naman ako dahil sa sinabi ni Zayah habang nakaupo sa sofa sa opisina ni Jazer.
"I already disposed the drugs while the guns , i sent it in one of our warehouse. I was thinking that maybe we could use the guns for our men but don't worry i just take 10 boxes and the rest i sent it to police department.For the money, i already donate it to orphanage and churches."
Napatango-tango naman sila sa sinabi ko. Kinuha ko naman ang cp sa bulsa ko nang magvibrate ito. Napangiti naman ako dahil sa notif na bumagsak sa cp ko.
Soline Kace followed you in instagram.