Back
/ 53
Chapter 5

Chapter 4

Yesterday's Loaded Bullets

"Rajim baby ko!" napatigil naman ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa ponchopilatong tumawag sakin. Tiningnan ko si Jazer na para tangang tumatakbo papasok ng cafeteria. Wala man lang hiya sa katawan, pinagtitinginan siya habang papalit dito sa table ko, kasunod niya naman sila Cassidy sa likod na tumatawa.

Masyadong silang agaw pansing apat , nasa gitna pa talaga dumaan at anlalakas tumawa kala mo wala ng bukas.

"Nakalimutan niyo bang bigyan ng plastik balloon yan kaya nagiingay ang bunganga?" nakataas na kilay kong saad dito kaya mas lalong tumawa yung mga gago maliban kay jazer na nakabusangot na.

"Tumigil na kayo pinagtitinginan na tayo." saad ni Zayah. As usual siya naman tagapigil at nagsisilbing matanda samin. Buti nalang may isang maayos pa ang pagiisip maliban sakin, the rest no comment.

"Magsikuha na kayo ng pagkain sa counter para makasabay kayo sakin." sabi ko sakanila kaya naman tumayo na si Jazer dahil siya yung pinabili ng tatlo. Himala nga di nagrereklamo ngayon, noong highschool kami ayaw na ayaw pumupunta ng counter, mas tamad pa kay juan.

"Anong pinakain niyo jan kay Jazer daig pa compass sa gulo?" natatawang sabi ko sabay subo ng pagkain.

"Anong pinakain? Kita mong nagoorder palang Rajim bobo ka talaga" sinamaan ko naman ng tingin si Leon na parang hindi ako pinilosopo habang nakatingin sakin. I just rolled my eyes on him.

I roam my eyes inside the cafeteria , mukhang marami rami na yung tao para maglunch. Busy ako kumain ng may biglang kumalabit sakin. Di ko nalang pinansin alam ko namang sila Cassidy lang yun.

Kumakain parin ako, nang paulit ulit parin akong kinalabit.

"Anoba kasi yu--" natigil naman ako nang may lalaking nakatayo sa gilid ko at nakapwesto ang kamay na parang nakikipagkamay sakin. Nahihiya itong nakatingin sakin.

"Ahm, Hello Rajim ako pala si Jio," nahihiyang saad nito na di makatingin sakin habang kinakamot ang batok nito. Did he just mentioned my name? Wala naman ako maalalang pinamigay ko yung pangalan ko. Tiningnan ko mga kaibigan ko na nagkibit balikat lng sakin.

"Yeah? do you need something?" Sabi ko dito tsaka sya kinamayan.

"Wala naman gusto lng kita makita." sabi nito na may ngiti sa mga labi.

"Mukha ba kong patay?" tugon ko nito kaya napasamid yung mga kaibigan ko sa sinabi at yung mga tanga nagtatawanan nanaman , may masama ba sa sinabi ko?

"Ah no of course! alis nako." nagmamadaling saad nito tska umalis na.

"Gago ka ba't mo naman ginanun si detective conan" natatawang sambit ni Cassidy. Natawa narin ako dahil parang si detective conan ang pormahan nung jio kanina kulang nalang yung mga alipores.

"Yan pa talaga sinabihan mo, wala namang gagawing matino yang si Rajim wag kana magexpect" sabi ni Zayah kaya napabusangot nalang ako. Yung tatlo sa harap ko tawa nang tawa parin.Binaling ko nlng ang pagkain at kumain ulit

Bigla naman akong napahinto sa pagsubo ng maramdaman na bigla silang tumahimik. Pagangat ko ng tingin , nakita ko ang tatlo na nakatingin sa likod ko kaya naman sinundan ko ito. Teka anong ginagawa nila dito? Napupunta pala sila dito?

Nabaling naman ang tingin ko sa taong kaharap ni Ms. Mendoza. Biglang nanlaki ang mata ko. Fuck what are you doing Jazer? Nadapo ang paningin ko sa kamay ni Jazer na nakahawak sa dibdib ni Ms.Mendoza at sa isang kamay na hawak yung tray. Napanganga ako sa nasaksihan.

"Leon kunin mo si Jazer ibalik mo dito , nagmumukha na syang tanga" sambit ko dito tsaka nya naman nilapitan at hinila si Jazer papunta sa table namin na parang wala sa sarili. Binalingan ko ng tingin sila Ms. Mendoza na sana di ko nalang ginawa. Parang kakatayin ata kami nito lalo na si Doc Sol kung maka irap sakin kulang nalang hihiwalay yung eyeballs eh.

"Hoy Jazer anong eksena yun" natatawang saad ni Cassidy dito. Nakatulala parin habang nakatingin sa kamay nya. Tanga nito parang ngayon lang ata nakahawak ng malambot.

"Shit ang laki" mahinang bulong nito na rinig naman namin kaya humalagpak kami kakatawa. Tangina talaga ket kailan.

---

Papunta nakong parking lot para umuwi ng bahay, may gala kaming lima mamaya magmamall. Alam kong hindi to simpleng pagmamall lalo na't si Cassidy ang nagaya, gulo ang abot namin nito. Napapailing nlng ako ng maalala yung mga pinagagawa namin sa mall nung highschool pag si Cassidy parati nag aya.

"It's not my job to interfere someone's business" napatigil naman ako sa boses na yun. She was about to enter her car when she saw me walking my way towards my ducati sa tabi nito.

"Let's discuss it later" she firmly said. Tinapunan nya pako ng tingin bago pumasok sa sasakyan niya. Sumakay naman agad ako sa motor ko tsaka pinasibad. Di ko nga alam ginagawa ko, i just find myself following her car pero hindi niya mahalata masyado may distansya naman.

Ilang minuto pa at nakita ko itong bumaba at sinalubong ng halik sa pisngi ang lalaki. I think following her is a wrong idea. Ang sakit nila sa mata. Tiningnan ko naman yung building na pinuntahan niya. I smirked after i saw na under pala to sa org. This is one of legal business na pinatayo ng org para may background yung DPO. I get my phone inside my pocket.

"Give me an information about this person asap, i'll send you the details" seryosong saad ko sa kausap

"Copy boss" pinatay ko naman agad ito at binalik ang tingin sa loob. Pinaandar ko na ang sasakyan pauwing bahay.

Antahimik ng bahay paguwi ko, mamaya pa uuwi si Rashana. Maaga akong nakauwi since parang half day lng naman yung klase namin ngayon. Uminom ako ng kape ng may natanggap na mensaheng nakapagpasamid sakin. Tangina? Agad ko naman siyang tinawagan

"Meet me at my office, i'm on my way." dali daling kinuha ko naman yung jacket ko tsaka pinasibad ang motor papuntang DPO.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako.

Binuksan naman agad nila yung gate sa vip area ng makita ang helmet ko na may tatak na bungo. Kaming magkakaibigan at mga higher ups lang ang may access dito para daling makapasok sa taas, may hiwalay na elevator rin para samin. Let me give y'all a brief description.

DPO( Death Phoenix Organization) founded by my great grandfather General Rudy Ismael Lopez. The purpose of this organization is for protection at manghuli ng mga criminal na di kayang masolusyonan ng mga pulis. We also received missions from higher ups. Give donations and invest para mas palawigin ito. Mga piling tao at myembro lang ang nakakaalam sa organisasyon na kinabibilangan ko.

Yung taga bigay ng mission samin known as The Head Father my Grand Father Ramon Chad Lopez. Sumunod naman ako my code name is skull, si Jazer as bone, Zayah as brain , Cassidy as hand and Leon as eye.

Lahat kami may mga simbolo na nagpapahiwatig na kabilang kami dito gaya nalang sakin yung bungo, mga armas at ibang gamit ko may tatak na bungo pati narin mga taohan ko may tattoo na bungo. Ganun rin sila Jazer na may mga tattoo at tatak pero yung mga codename nila ang nakalagay para malaman kung kanino ka under.

Hindi madaling makapasok sa DPO dahil pangkamatayan ang training nito. Mga piling tao lang ,may kakayahan at may ambag ang pinapasok sa org para iwas pabuhat.

Nang makarating ako sa hallway ay nakita ko agad ang mga tao na busy sa kanya kanyang ginawa. Sa tuwing pumupunta ako dito o ang mga kaibigan ko, nakasuot kaming lahat ng mask na may mga tatak namin for protection na rin mahirap na.

Napatigil naman sila sa mga ginagawa ng naglakad nako papuntang opisina ko sa dulo kay biglang nanlaki ang mga mata nila ,siguro di nila inaasahan na bibisita ako. Madalang nalang ako pumupunta dito, pag may mission lng or importanteng pagusapan kasama sila lolo.

"Boss, ito na yung mga papeles at ibang impormasyon na pinapasabi mo." bungad na sabi sakin ni Jerry pagpasok ko sa opisina ko ,kanang kamay ko siya dito.

Umopo naman agad ako sa swivel chair habang binabasa yung mga nakalagay sa papeles. I chuckled, i didn't see this coming. Wala naman pala akong dapat ikainis pota. Bigla tuloy sumigla pakiramdam ko.

Sumimsim ako ng kape ng biglang may pumasok sa opisina ko. Di ko na kailangang lumingon alam ko namang mga ulopong na kaibigan ko yan, sila lang naman parating sumisira sa pinto ko.

"Sabi na eh nandito kalang tumambay kaya pala wala ka sa bahay niyo." sambit ni jazer naka mask rin siya na buto pati narin sila leon naka mask ng mga tatak nila.

"Tambay pinagsasabi mo may inaasikaso ako. Tsaka kayo anong ginagawa niyo dito? Mamaya pa tayo aalis tanga." walang prenong sabi ko sakanila na nakatihaya sa sofa. Tinanguan ko naman si Jerry tsaka sya lumabas.

"Oh nga pala may mission tayo sa makalawa." sabi ni Zayah habang nakatingin sa cp niya.

"Yung mga taohan nlng kaya natin gumawa nun." himutok na sabi ni Cassidy habang nagbabasa sa libro.

"Hindi pwede masyadong mabigat ang kalaban pag sila pinapaayos natin." seryosong sabi naman ni Leon. Hindi kami pwedeng magloko lalo na pag mabigat ang mission na binigay samin dahil maraming inosenteng tao ang madadamay pag papetiks petiks lang kami.

Tumayo naman si Zayah tsaka may tinawagan. Ilang minuto pa ay pumasok si Jerry nanghihingi ng permiso para makapasok yung nasa labas, tinanguan ko lng ito. Nagsipasok naman yung tatlong taohan ni zayah, may mga tatak sila na utak sa leeg. May dala dala silang kahon at umalis na paglagay nito.

"I prepared the blueprint of the area." saad ni Zayah sabay lapag nito sa mesa ko, nagsilapit naman sila leon.

"Leon ikaw na bahala sa mga hostage, cass make sure to clear the hallway , Kendall ikaw na bahala sa taas and assist Cassidy, i'll handle the cctv and security of the area , and Raj you know what to do." seryosong saad ni Zayah samin habang tinuturo yung lugar kung saan kami pwepwesto.

"Let's meet at the HQ the day after tomorrow, 7:30pm sharp." saad ko tsaka tumayo na. Niligpit naman ni Zayah yung blueprint.

"Let's call it a day shall we?" sabi ni Jazer at tumayo na ako para makauwi ng bahay.

"Tsaka nalang pala tayo magmall, magbar nlng tayo mamayang 9pm pagod katawan ko." mahinang saad ko kaya tinanguan lng nila ako. Sabay sabay na kaming lumabas ng pinto. Tinatanguan lng namin yung mga taohan dun habang yumuyoko sila ng bahagya bilang galang. Bumaba na kami sa parking lot. Mga ducati pala dala ng mga to ngayon. Mabilis namang pinahurorot namin ito tsaka naghiwalay sa intersection para magsiuwian.

"Saan ka galing Jaziah?" Bungad sakin ni papa, nakauniporme pa ito mukhang kakauwi lang rin. Hinalikan ko naman ito sa pisnge. I raised my index finger kaya naman tumango lang siya. Yung kapatid ko lang walang alam sa DPO di pa pwede bata pa sya para pumasok dun.

"Always be careful anak, i know you can handle it but if i see a single scratch in your face. I'll ask dad to take you out of it." saad nito habang nagbabasa ng dyaryo. Napangiti nalng ako, kahit naman magbardagulan kami ni papa alam ko namang mahal niyako, kami ng kapatid ko kahit busy siya.

Simula ng mamatay si mama , mas naging attentive siya samin kaya di ko siya masisi. Nawala na si mama alam kong di niya hahayaan na may mangyari sakin at sa kapatid ko. Ako rin naman gagawin ko ang lahat ma protektahan lang mga mahal ko sa buhay.

"Any lead?" sambit ko pagpasok sa kwarto habang hawak ang phone ko. May lahing diablo talaga yung pumatay kay mama walang bakas.

"May minan manan kami ngayon boss, malakas ang kutob kong kasangkot to." seryosong saad ng taohan ko.

"Gawin niyo lahat para magsalita yan, i'm giving you my permission code black." nangigil na sambit ko habang hawak hawak ang sentido. Fuck naiinip nako, gusto ko na silang pagbayarin.

"Copy boss." pinatay ko na ito and a grin plastered my face. Huhukayin ko yang pinagtataguan niyo mga pulpol.

Share This Chapter