Back
/ 53
Chapter 6

Chapter 5

Yesterday's Loaded Bullets

"Bwesit talaga," bulong na sambit ni Jazer na rinig ko naman dahil katabi ko lang siya. Nakaupo kami sa area namin dito sa bar sa taas habang nagiinoman.

"Why? may nangyari ba?" tiningnan ko siya na nakabusangot parin ang mukha.

"Umuwi na si Magie kasama si Tita Eleanor." nakabusangot na sambit nito habang umiinom kaya dko mapigilang tumawa. Well, it's Magie we're talking about. Certified tanga kay Jazer , anak ng kumare ni Aunt Jade which is yung mama ni Jazer.

"Anong ginagawa niya dito?" sambit ni Zayah kaya inirapan lang siya ni Jazer.

"Malay ko, mukha bang hawak ko pagkatao nun." I hissed upon hearing what Jazer said, nawala na sa timpla yung mukha ampanget.

"Ready yourself then , di ka nanaman lulubayan n'yan." I chuckled when she just rolled her eyes on me. Nilibot ko ang tingin sa bar, kaya naman pala wala yung dalawa nasa baba nakipaglandian. Cassidy is dancing with somone while Leon is sitting to unknown guy , jusq pinagagawa nito?

I motioned them na baba lang ako, tinanguan lang nila akong dalawa. I placed myself comfortably in the counter.

"Regular parin boss? " sambit ni Kiro ang bartender dito. Tinanguan ko lng to. Habang naghihintay ay chineck ko muna yung phone ko kung may update na, while waiting i opened my instagram account. Naisip ko naman si Doc Sol kaya sinearch ko yung pangalan niya at nahanap ko naman agad ito.

I checked her followers, famous naman this girl,  naka hundred thousand ang followers hanep. Sabagay kilalang Doctor naman siya. Nilapag naman ni Kiro yung drinks na inorder ko tsaka ko ito sinimsim habang nag scroll parin ng mga pictures n'ya. Nakaramdam naman ako na may umopo sa tabi ko pero d'ko pinansin since busy ako kaka stalk.

How can be someone this beautiful. Akala ko yung mga doctor mga haggard kasi wala masyadong oras pero si Doc Sol parang pinaglihi sa Johnson laging fresh.

"She's so gorgeous right?" sambit ng katabi ko kaya napatango nalang ako habang busy sa pagtingin ng mga post niya.

I was about to follow her account when someone lean on to my side na kinagulantang ko dahil sa sobrang bango.

"Stop staring at my feed and say it to me directly." nanlaki ang mata ko tsaka tiningnan ang may ari ng malamig na boses na yun. Tangina ang lapit niya masyado. She's staring at my eyes emotionless. Napanganga naman ako dito, parang napukol ata ako sa kinauupoan ko.

"Close your mouth, you look dumb." tsaka ako nito inirapan at binalik ang tingin sa alak na kaharap niya. I composed myself at tumikhim dito.

"I-I was just ahm, damn it." napabulong na sabi ko. I can't find an exact words i felt right now. Mamatay na ata ako sa kahihiyan naknang.

"Yeah right,  stalking. " sambit nito habang sumimsim na di man lang ako tinapunan ng tingin.

"N-No Miss, I was about to ask you something kaya napunta ako sa ig mo." tangina mo Rajim nabahag naba buntot mong hinayupak ka. Ang lakas ng kabog ng puso ko na sinabayan pa ng beat ng music sa bar.

"Ask now." she said at tumingin na sakin. Ayan nanaman yung tingin nyang nakakapanghina, nilulunod nanaman ako. FucK, ano ba to, binabaliw n'ya ko. This is wrong.

"Wag mo nalang isipin Miss nakalimutan ko na." I chuckled a bit habang kinakamot yung gilid ng kilay ko. Kailan kapa nahiya Rajim?

She just stared at me. Nailang naman ako kaya nag-iwas ako dito ng tingin at pinagtuonan nalang ng pansin yung inomin ko. Para nakong maiihi sa kaba dito. How can she easily invade my system like this? Hold a grip Rajim stay fucking still.

Mahigit isang oras at kalahati na kaming tahimik dalawa na nag-iinoman na parang kami lang dalawa dito sa bar, not minding with our surroundings. I'm enjoying my peaceful drink with her. Mukhang nalalasing na ito kasi mapupungay na yung mga mata n'yang nakatunganga sa ininom.

I glared at the man who's about to approach her. No fucking way, she's not in her state right now. I envelope my arms to her waist and grab her chair closer to me.

She startled because of my sudden move at mapupungay na tumingin sakin. Kahit tipsy na siya masungit parin. Pinaglihi ata sa sama ng loob to sa sobrang sungit. Nilibot ko naman ang tingin ko sa bar baka may kasama siya. Nakita ko naman sila Ms. Alex at Ms. Alliyah nasa taas, mukhang mga lasing narin kasama nila sila Cassidy at Cayah. I think i need to take this woman with me baka mapano pa to.

I pick my phone inside my pocket when I heard a vibration. "Boss may sinawalat na siya na magiging lead pa natin." naging seryoso naman ang aura ko dahil sa sinabi nito ,but this is not the right time para magusap, may magandang babae na ubod ng sungit pa akong kasama.

"Let's talk later," binabaan ko naman ito agad at binaling ang tingin kay Doc Sol na mataman na nakatingin sakin gamit ang mapupungay na mata nito.

"Let's get out of here." i held her waist tightly and walk beside her paalis. Ang bagal niya maglakad, and left me with no choice. Agad ko naman itong kinarga , she's light huh or maybe because i'm just used to hard trainings in DPO.

Kinarga ko parin ito palabas nang maalalang naka motor lang pala ako. Bumalik naman ako sa may entrance at tinawag ang isang bouncer dun.

"Pumasok ka sa loob at sabihan mo si Kiro na hihiramin ko muna yung sasakyan niya." saad ko dito at agad naman itong pumasok. Pinagtitingnan naman ako ng mga tao dito na papasok palang sa bar. Sinamaan ko naman ng mga tingin ito, at inayos ang damit Doc Sol dahil lumilihis nanaman yung cleavage niya. Masyado bang malaki ang ano nya kaya lumilihis bwesit.

"Ito na po." nagmamadaling balik nung bouncer at inabot sakin ang susi. Umalis naman ako agad at nagtungo na sa parking area, di nako mahirapan kakatingin dahil alam ko naman kotse nun.

I looked at her while still walking. She's peacefully sleeping. Diko namalayan nakangiti na pala ako kakatingin sakanya. I immediately placed her in passenger sit at inayos ang seatbelt nito.

May ilang buhok nakatabing sa mukha niya, inalis ko naman ito. I caressed her cheeks gently and trace my thumb from her eyes to her nose and her lips. Her lips looks so inviting. Napailing nalang ako sa naisip. Stop it Rajim she's sleeping, please behave dimwit. Lumayo naman ako dito at napabuntong hininga nalang.

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa. "Give me her address asap" saad ko sa taohan ko. I checked at her first before dropping the call. Inistart ko na yung kotse after receiving the text at pinuntahan ang bahay niya.

Tinigil ko ang sasakyan sa isang two storey modern house. Siya lang ba mag isa dito??

Di na ako nahirapang pumasok sa loob ng bahay dahil fingerprint yung pinto nya para makapasok sa loob. Pa akyat na sana ako nang may biglang nagsalita na ikinaigtad ko.

"Susmaryusep! Ano nangyari kay Soline!" nagmamadaling lapit sakin ang matanda, mga ka age ata siya ni Aling Sonya.

"Nalasing po nay kaya dinala ko na dito sa bahay niya," magalang na sambit ko dito at tiningnan ang mukha nyang nagaalala.

"Haynako itong si Soline, oh siya samahan na kita sa kwarto niya." pumunta naman kami sa taas. Lumapit si nanay sa dulong pinto , siguro kwarto ito ni Doc Sol.

Ang mabangong amoy ang bumungad sa'kin pagpasok ko sakanya sa loob ng kwarto nito. Ihiniga ko naman ito sa kama at inayos ang higa. Lumabas muna ako saglit dahil bibihisan muna raw siya ni nanay. Ilang minuto pa ay lumabas narin ito.

"Ijah bantayan mo muna saglit si Soline ihahanda ko lang yung gamot nito para di sasakit ulo niya pag gising." nagmamadaling saad ni nanay bago ako iniwan. Nagdadalawang isip pero kalaunay pumasok narin ako sa kwarto nito.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto niya, ang ganda ng design ng room, naka puti lang ito na may mixture na pink. Naka organize yung mga gamit. Malaki rin ito at may isang pinto na parang walk in closet ata. Napako naman ang tingin ko sa babaeng nakahiga ngayon. Naka spongebob shirt at pants lang ito.

Kinuha ko naman ang cp ko sa bulsa at kinunan siya ng litrato. She's so freaking adorable. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa litrato niya. Agad ko naman itong tinago nang gumalaw ito. Pumasok naman si nanay at binigay sakin yung gamot at tubig bago kami iwan dahil may gagawin pa daw siya.

She's scratching her eyes and left a soft moan. Parang natuyuan naman ako bigla. Umopo ako sa gilid ng kamay at pinaupo sa tabi ko, she's growling habang nagpupumiglas sakin. I tightly held her waist closer para di tumama ang ulo nya sa headboard.

"Drink your meds first ma'am" hinawakan ko naman ng dahan dahan ang panga nito para mabuksan ang bibig.

"G-Get off me..." mahinang sabi nito habang naka pikit parin. Nagsalubong nanaman ang kilay, lage nalang tong si angry bird nagdedelaryo ultimo lasing nagsusungit.

"C'mon just take this hmm?" pinasok ko naman ang gamot sa bunganga nito at inalalayang uminom bago ko ito binalik sa pagkakahiga. Hinaplos ko naman ang buhok nito. I kissed her forehead before tapping her cheeks gently using my thumb.

Nakatingin lang ako dito habang kumakabog nanamn ang dibdib ko. What are you doing to me?  Ilang minuto ko pa itong tiningnan bago kinuha ang pinaglagyan ng gamot at bumaba. Napangiti nalang ako habang pababa ng hagdan.

"Oh ijah nandito kana pala, halika sumunod ka sakin," salubong sa'kin ni nanay kaya sinundan ko ito at umabot kami sa kusina ng bahay ni Ma'am Soline.

"Maraming salamat talaga ijah sa paghatid kay Soline, tawagin mo nalang akong Nay Sora." magaan na sabi nya sabay ngiti sakin.

"Walang anoman ho, alis na rin po ako nay masyado ng magabi e." nginitian lang ako nito at sinamahan sa labas.

"Oh sya, magingat ka." paalam na sabi nito sa'kin kaya sinuklian ko lang ito ng matamis na ngiti.

Bumalik ako sa bar para iparada yung sasakyan ni Kiro, binigay ko naman ang susi sa bouncer para iabot kay Kiro. Di na ako pumasok inaantok na rin ako at tyak na wala na sa loob yung mga yun dahil madaling araw na rin. Sumakay narin ako at pinasibad ang ang motor papunta bahay.

Naglinis muna ako ng katawan bago humiga sa kama. Hahay ang sarap matulog, diko alam para na kong timang dito kakangiti habang inaalala ang nangyayari kanina. Pinikit ko ang mga mata ko at natulog na magaan ang pakiramdam.

Share This Chapter