Chapter 6
Yesterday's Loaded Bullets
Maaga akong pumasok dahil magaan ang pakiramdam ko ngayon. Nagtaka panga ang kapatid ko kanina habang paalis ako. Naglalakad lang ako sa hallway papuntang room ko. Yung iba binabati ako kaya tinanguan at nginitian ko nalang ket dko naman sila kilala. Pagpasok ko ng room ay agad akong umopo sa dulo. May 15 minutes pa kamo bago mag first sub kaya inayos ko muna yung gamit ko.
"Hello, Rajim right?" napatigil naman ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Nginitian ko lang ito at tinanguan.
"I'm Yanna by the way." she said habang nakangiti kaya naman nagsilabasan yung dimples niya.
"Hindi ako nakapagpakilala sa'yo nung last, pinalabas ka eh." dugtong pa nya habang natatawa. Napakunot ang noo ko nung maalala ang nangyari nung unang pasukan. Tiningnan ko naman ito.
"Ah oo tsaka nagmamadali rin kaâ"
Natigil ako sa dapat kong sasabihin nang may biglang nagsalita at padabog na sinara ang pinto.
"Get 1/4 sheet of paper, number it 1-30." malamig na saad nito habang naglakad papuntang table n'ya.
She arrange her things, ako lang ba or parang may galit ata s'ya dahil sa malakas na pagbalibag ng lagayan ng laptop niya.
"Number 1!" Mabilis at malakas na sabi nito gamit ang malamig na boses kaya dali-dali naman akong kumuha ng papel.
Nagsimula na siyang magtanong. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto na ang mga question eh wala naman sa mga na discuss niya , seryoso ba to? Napatingin naman ako sa paligid at kita ko yung mga mukha ng kaklase kong parang pinagbagsakan dahil di alam yung sagot.
Sino naman kasing abnormal na guro ang magpapaquiz na di nagdidiscuss, edi sino paba ang mahal na doktora. Napailing nalang ako at napatingin kay Yanna na nahihirapan rin.
"Focus on your paper." sambit ni Ma'am Soline kaya agad naman akong tumingin sa papel ko at inangat ang tingin sakanya na sana diko nalang talaga ginawa. Para nanaman akong kakatayin sa sama ng tingin sakin. Inaano ko ba to?
Napakamot naman ako sa kilay ko at inaalala ang mga natutunan ko pati narin ang nabasa ko. Buti nalang talaga nagbabasa ako ng mga libro pag freetime ko para dagdag stock knowledge. Natapos ko naman agad ito ng masagot na.
Tiningnan ko si Yanna at parang nahihirapan parin kaya naman nilihis ko ng bahagya ang papel ko para maka kopya siya. Mapagbigay naman ako ng sagot basta lang hindi kami mahuâ
"I don't tolerate cheating here." naputol ang pagiisip ko dahil sa malamig na boses na kanina pa ata ako binabantayan. Kahit naka yuko ramdam ko parin yung nantutusok niyang mga tingin sakin. Napabuntong hininga nalang ako at umayos ang pagkakaupo.
"If you're already done, pass it infront and get out," she firmly said while tapping her fingers to her mess.
Nakasandal lang sya sa board at nakalibot ang mga mata sa loob. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang kabuoan nya. She's exquisite.
Isa-isa namang nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagpasa na. Kanina pako tapos pero maya nako magpasa marami pang tao sa harap. Nang matapos silang magkumpulan ay tumayo na rin ako at pumunta sa harap. Pinasa ko na ito sakanya at kinuha nya naman. Di sinasadyang nahawakan ko ang dulo ng daliri nya. Napaigtad naman ito because of our sudden contact.
Napatikhim ako at aalis na sana ng magsalita ito.
"Follow me Lopez." matipid na sabi niya kaya naman sinundan ko na ito habang nakayuko parin.
She suddenly stopped kaya nabunggo ako sa likod nya tsaka ko naamoy yung batok nya, sumailalim naman sa ilong ko ang amoy ng pabango nito. This is torture.
"What? Are you just gonna stand there?" nakataas na kilay na sabi nito kaya naman inayos ko agad yung sarili.
"What is it?" I calmly said still looking at her.
Inirapan lng ako nito at nginuso nya naman yung likod ko kaya dko mapigilang sundan ng tingin ang mga labi nitong kumikibot. I gulped and look away.
Kinuha ko naman yung laptop at class record niya tsaka sya sinundan paalis. Naglalakad kami sa hallway nang mahagip ng tingin ko ang apat kong mga kaibigan na nakatingin pala sakin habang nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Mga wala atang klase mga to kasi nagkakalat.
Binalik ko naman ang tingin kay Ma'am Soline na binabati ng mga estudyante pero yung nasa harap ko ni ngiti di man lang mapakita. Seryoso lang itong naglalakad, kala mo talaga may fashion show dahil grabe rumampa. Lumiko kami sa gilid at napahinto sa isang malaking pinto sa dulo. Nakalagay naman dun ang pangalan niya.
Professor Soline Kace S. Ramirez.
Pagpasok namin ay nilibot ko naman ang tingin sa buong opisina nya. Malinis ito as usual, ni katiting na dumi di niya ata pinadapo sa opisina nya dito. Sobrang organize ng mga gamit. Sa kaliwa ko nandun yung sofa at TV, sa kanan ko naman is yung malaking mesa at swivel chair ni Ms. Soline. May isang pinto rin ilang metro ang layo sa sofa nito mukhang cr ata.
Lumabas naman si ma'am galing sa dulong gitna sa kinatatayuan ko, I think kitchen yun. Tangina Professor pero anlaki ng opisina, dinaig pa yung opisina ni Aunt Lian. Tiningnan ako nito at agad inikotan sa mata. Problema n'ya?
"What are you still doing here? Don't you know how to put my things at their right places?" Nakataas na kilay na sabi nito sakin. Napaismid naman ako sa inasta nya.
"Ito nanga ilalagay na , di man lang mag thankyou." pabulong na saad ko habang isa-isang nilalagay ang gamit niya.
"Are you saying something?"
Ito nanaman ang mga titig nya, hinihigop nanaman ako. Iniwas ko nalang ang tingin dito at lalabas na sana ng tumikhim ito.
"Join me." malamig na sabi nya na nakatingin sa mga pagkaing hinanda niya sa mesa.
Napatigil naman ako at napahawak sa dibdib. Sobrang lakas ng pintig nito na parang hihiwalay na. Humarap ako dito at ngumiti.
"Ah hindi na po, may lakad pa ako." I gently said to her, tiningnan n'ya lang ako na parang wala syang pakealam sa sinasabi ko.
"Sit here." she dismissed my words at nagpatuloy sa paglagay ng kanin. Kaya wala narin akong nagawa at umopo sa harap nya.
"Ikaw po ba nagluto nito Ma'am?" nakangiting sabi ko dito habang nagsasandok ng kanin. Sulitin ko na minsan lang to e.
"Yeah." tipid na sabi nito tsaka nagsimula ng kumain.
Nagsaling nalang ako ng Afritada na luto niya. Amoy palang masarap na. Tahimik lang kaming kumakain. Minsan naman ay tumitingin ako dito. Ang sarap niya magluto. Pwedeng pwede na.
I chuckled at my thought kaya nakakunot na napalingon naman ito sakin.
"Do you find my dish funny Lopez?" nagsalubong ang kilay na saad nito sakin kaya naman napaubo ako at dali daling uminom.
"What?! of course not sobrang sarap nga nito ma'am eh." Mabilis na saad ko dito.
"Lower your voice." madiin na sambit nito. Kaya naman lumapit ako dito.
"What? Of course not sobrang sarap nga ma'am eh." sobrang hina kong sabi dito kaya mas lalo akong sinamaan ng tingin.
"You're so ugly, get out of my sight." natatawang lumayo naman ako dito.
"Biro lang 'to naman." sabi ko habang binalik ang tingin sa kinakain at nagpatuloy na.
Ilang minuto pa ay natapos nakong kumain. Tiningnan ko naman ang kaharap ko na tahimik na nakatingin sakin. Pinasadahan ko naman ng tingin ang plato nyang wala ng pagkain, mukhang kanina pato natapos.
Nagligpit naman kami ng pinagkainan at ako na ang naghugas, kahiya naman ako nanga nakikikain makapal na masyado mukha ko kung sya pa maghuhugas. Inayos ko na yung damit ko at aalis na sana nang may humawak sa braso ko.
"Stay still." seryosong saad nito habang pinunasan yung pisnge ko gamit ang panyo nya. Natuod naman ako sa kinatatayuan ko at nakatingin lang sakanya. Mga mahahabang pilikmata nito na tila ba'y nagsasayaw kapag dahan dahan niya itong kinukurap at mga matang seryoso lang na nakatingin sa pisnge ko.
"Such a mess." dahan dahan nya naman binawi ang kamay niya at tumalikod na sakin.
"Close the door after you get out." dugtong pa niya at pumasok sa isang kwarto.
Nakanganga naman akong nakatitig sa kawalan dahil sa nangyari ilang segundo lang ang nakaraan. I composed myself and a smile escaped from my lips. Shit.