CHAPTER 1
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 1: "WELCOME TO THE UNIVERSITY OF GANGSTERS"
"Maam, sir. Andito na po kayo" Saad ng driver sabay bukas ng pinto ng van. Bumaba na kami at pinag masdan ang malaking gusali.
"Ang daming nag bago" Wika ni Gab habang naka titig sa gusali "Mas nakakatakot at nakakakilabot na ngayon" Dagdag pa nya.
"Hoy! Pwede ba pumasok na tayo at kanina paako nilalamok!" Inis na sambit ni Devi.
Pagka-kuha namin ng mga gamit namin ay pumasok na kami sa gusling ito, maraming armadong lalaki ang nag babantay, may mga baril silang hawak. Pinapasok nila kami sa isang kwarto, mejo maputik ang lapag siguro ay di lang kami ang pumunta dito.
Umupo kami sa mga upuan at may babaeng pumasok at umupo sa swivel chair, matanda na sya at nakakatakot ang aura nya...
"Welcome new students" Nakangising bati nya "Ito ang mga uniforms na gagamitin nyo" Saad nya sabay turo sa mga uniforms sa lamesa. "Simple lang naman, bibigyan namin kayo ng isang taon para maayos ang mga grado nyo. Kapag naging maayos ay pwede na kayong lumabas" Nakangisi nyang saad "Nga pala.. Wag kayong babangga sa mga taong may tatto, wag din kayo masyadong mag pa boss. Lahat ay legal, drugs, cigarretes, at pag patay." Dagdag nya.
"And in this university we have a motto.." Seryoso nyang sambit. "Fight or else you will die" Dagdag nya pa.
What?! Pag patay?! Seryoso? Kinuha na namin ang mga uniforms na bigay nila at nag lalakad na kami ngayon papunta sa dorm namin, madilim at parang nag lalakad lang kami sa isang kanto. May nararamdaman akong naka tingin saamin kaya napa-hawak ako sa braso ni Devi.
Pumasok kami sa building at nag lakad sa hallway, maraming vandals sa pader. "Ito na ang kwarto nyo." Wika nya sabay bigay saamin ng susi.
Sabay-sabay kaming pumasok at "What? Seriously? Ito ang kwarto natin?" Sabi ni Devi. "Ewww! Parang di naman nililinis" Maarteng saad ni Fae
Maliit ang kwarto, may mga spider web din sa mga pader, mejo may amoy... Binaba na namin ang mga gamit namin at na upo nalang sa maliit na sofa. Shems! Para kaming mga preso dito, nag-ayos nalang kami ng kaunting gamit para naman maging okay ang pag stay namin dito.
May isang paaralan dito saamin na kung tawagin ang "The University Of Gangsters" o UOG, dito itinatapon lahat ng mga estudyanteng bagsak, walang pang-enroll, nakikipag-basag-ulo etc. Balita ko marami daw ang nakikipag-saksakan dito, marami din ang mga patayang nagaganap. Malaki at malawak ang paaralang ito, parang maliit na syudad.
Si Devina kelt or mas kilala bilang Devi ay naitapon dito dahil nakipag-sagutan sya sa teacher.
Si Fae katsumi naman ay nakipag wag-wagan dahil daw ninakaw ang lipstick nya...
Si Gabriel Garcia or mas kilalang Gab ay nanggaling na dito dati kaya ganon nalang ang reaksyon nya. Natapon naman sya dito dahil sinapak nya yung nag patapon dito kay Devi.
Si Alier Torres naman ay hindi nag take ng exam para mag kasama daw sila ni Fae dito. Edi kayo na may jowa!
And me! France Lopez, naitapon ako dito dahil wala akong pang-enroll and hindi ako nakapag exams dahil wala akong pera...
Kaya no choice kami! Kailangan namin ayusin ang grade namin ng isang taon para makalabas kami dito.
Kumain na kami at natulog narin dahil maaga pa ang pasok namin bukas, si Alier and Fae ay nasa iisang kama lang dahil mag jowa naman sila. Si Gab naman ay nasa kama sa taas namin, bale nasa dooble deck kami. Ako at si Devi ay nasa iisang kama lang din.
Hindi ako gaano maka tulog dahil matigas ang kama, mainit din at mejo maalikabok. Napag-disisyonan namin na ako ang mag huhugas ng pinggan sa umaga at si Gab naman sa gabi, si Fae naman ang mag de-decorate ng dorm namin, si Alier na ang mag lilinis ng lapag, at si Devi naman ang mag lilinis sa kwarto at sa cr.
-
Maaga kaming nagising dahil maingay ang labas, naligo na kami at nag bibihis na sa loob ng kwarto habang ang mga boys naman ay nasa cr.
"Woah! Bumawi sila sa uniforms ah" Pag-puri ni Devi sa mga suot naming uniforms. Hanggang leegs lang ang skirt, malaki ang blouse, mahaba ang neck tie at mejo malaki ang blazer.
"Buti nga ang ganda ng uniforms eh, dahil kung hindi jusko hindi ako makakatagal dito" Saad ni Fae Habang nag li-liptint.
Lumabas na ng cr sila Alier and Gab. "Ano girls ready na kayo?" Tanong ni Gab habang nag-aayos ng kanyang blazer.
"Yup! We're done" Sagot ni Fae.
Lumabas na kami ng kwarto at ni-lock na iyon, habang kami ay nag lalakad sa hallway ay kitang-kita ang mga drawing sa kisame at pader. Ang dami ding mga estudyae ang mga papasok na..
*In The Speaker*
Magandang umaga students! Marami ang bagong salta kaya sana ay maging maayos ang umagang ito, para sa mga bagong slata ay maraming mapa ang nakakalat dito sa university para maging gabay ninyo sa pang-araw-araw. Goodluck everyone! Fighting!
*End*
Marami ang ang mga mapa na naka dikit sa pader, malawak nga talaga itong school nato. Napakaraming studyante kaya for sure maliligaw ako. "Ano bang first sub naten?" Tanong ni Devi.
"Filipino. Dun yung building tara" Sagot ni Gab.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa building, malaki at nakaka-hingal! Na upo na kami, si Alier and Fae syempre makatabi. Sa likod naman namin si Gab, bale kami ni Devi ang mag ka tabi.
"Good day everyone!" Maligayang pag bati ng teacher "I'm maam ivy, sa lahat ng new students ay isulat nyo ito" Wika ng teacher.
Maganda yung teacher namin ket na mukhang may edad na, ang galing din nya mag turo. Halos lahat ay nakikinig sakanya, kahit na yung utak mo may ginagawa ay naiintindihan mo parin yung mga tinuturo.
-
Natapos na ang dalawang subject namin, ngayon naman ay recess na. Yung cafeteria nila ay malaki, at parang resturant. Sabi saamin ni Gab ay eat all you can daw dito, at mga mare! Free lang daw! Ang daming tao at maingay sa loob ng cafeteria.
"Kayo dyan! Alis uupo kami" Saad ni Gab. Agad namang umalis yung mga students na naka-upo sa isang table, na- upo kami duon at nag simula ng kumain.
"Gab angas mo kanina ah" Pag puri ni Alier. "Syempre, gangster ata ako dito noh" Mayabang na sagot ni Gab.
Nako! Nako! Gab wag kanang ano jan! Alam naman natin na takot ka kay Devi noh!
"Maraming gulo dito kaya mag ingat kayo ha" Sabi ni Gab sabay subo ng pagkain "Lalo kana France" Dagdag pa ni Gab na ikina-inis ko.
Huh? Ano? Mag-ingat? Sino naman nag sabi na makikipag-away ako? Tsaka kaya ko naman ang sarili ko noh!
-
Mag hapon lang kami nag-aral, buong mag hapon lang kami nasa classrom at nakikinig sa teacher. Pag tapos non ay pumunta na kami sa dorm dahil wala naman kaming gagawin, nag luto na ako ng adobo para sa hapunan namin. Haysss! Ako lang talaga ang marunong ng gawaing bahay dito!
Buti nalang si Alier tumutulong mag linis, si Gab naman ang bumili ng mga pagkain namin sa Minnie Store, si Devi ay naligo at si Madam Fae naman ay naka upo lang sa sofa.
Hinain kona ang luto kong adobo at tinawag kona sila para kumain.
"Mhhh ang sarap" Pag-puri saakin ni Fae "Galing mo bunso" Dagdagpa nya, well i know! Magaling talaga ako. Shares!
Pag tapos namin kumain ay nag hugas na ng pinggan si Gab, natulog na kaming mga girls at si Alier dahil ang sakit ng mga paa namin kakalakad kanina.
Napaka laki nga ng school nato, ang dami ding students, ang lawak din ng lupain kaya talagang mapapagod ka.
Hayss! Unang araw palang namin dito, pero pagod na pagod na agad kami. Wala namang nangyaring away kanina, kaya lang lagi ko nalang nararamdaman na parang may naka tingin saakin... Tatlo? Dalawa? O isa?