CHAPTER 2
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 2: "REYNA"
FRANCE LOPEZ
Maaga kaming nagising, nag timpla ng kape si Devi at Gab habang si Alier and Fae naman ay milo ang iniinom. Ako naman ay tubig lang dahil di naman ako mahilig sa ganon, kumain na kami ng almusal at nag handa na sa araw na ito.
Kasalukuyang nag lalakad kami ngayon sa hallway papunta sa first subject namin, maraming estudyante sa harapan namin nag kukumpulan silang lahat kaya napatigil kami.
"Andyan na sya!"
"Tabi na uy!"
Sigaw ng iba sakaniala, lahat sila ay nag bigay ng daan sa harapan. Ako nalang pala ang nasa gitna, may isang babae ang nag lalakad sa harapan ko. Matangkad sya, mahaba ang buhok nyang kulay brown, crop top din ang blouse nya parang ginupit nya lang, tapos ngumunguya sya...
Na tameme ako sa harap, nagising nalang ako sa katotohanan ng nasa harap kona pala sya.
"New student?" Ngumisi sya "Kamuka mo nga sya" Dagdag pa nya.
"Ah.." Ang tanging lumalabas sa bibig ko, Ewan! Na tatameme ako! Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni Gab.
"Sa susunod, wag kang haharang-harang sa dadaanan ng reyna ha" Saad nung babae saka tumaray at umalis.
Nang ilibot ko ang aking mata ay nakita ko ang mga estudyante na parang nagulat, "Tssk reyna? Seriously?" Giit ni Devi
"Yuck! Pano naging reyna yun? Eh mukhang dilis sa sobrang payat.. Eww" Sambit naman ni Fae
Di nalang namin pinansin yung reyna kuno nayon! Nag madali na kaming pumasok dahil mala-late na kami.
Pero teka! Ano yung sinasabi nyang kamukha ko? Tssk! Pinag-iisip pako nung dilid nayon!
-
Halos umikot na ang utak ko sa mga letters and numbers! Ang daming activities ang pinapagawa! Para kaming collage.
Nauna ng ma upo sila Devi, ako naman ay umu-order palang dito. Pag tapos ay kinuha kona yung tray namay pag kain.
Kasalukuyan akong nag lalakad sa harap papunta kila Fae, nang makita ko nanaman yung reyna kuno na naglalakad papunta din saakain. Ewan koba! Di ako maka galaw!
At sa pangalawang pag kakataon ay nasa harap ko nanaman sya...
"Ano? Binge kaba? Sabi ko sayo kanina diba. Na kapag dadaan ang reyna ay tumabi ka" Pataray na wika nya, tinaas nya ang isa nyang kilay kaya napa kunot ako ng noo
"Bakit kapa pumasok dito?" Tanong nya "Lalo lang magugulo ang lahat" At lalo pang kumunot ang noo ko sa mga sinasabi nya...
"Alam mo para kang anghel na pinatapon sa impyerno" Giit nya.
Hinawakan nya ang braso ko ng sobrang higpit, halos bumaon na ang kuko nya.
"Mala anghel na mukha, malapit na kitang bangasan" Ngumisi sya kaya nabuhay ang dugo ko sa galit. Tinaasan ko din sya ng isang kilay
"Maybe i'm physically angel, but look into my eyes.. And you will see the devil inside" Nakangisi kong sambit.
"So kinakalaban mo ang reyna?" Tanong nya sabay bitaw saaking braso. "Chloe!" Sabay kaming napatingin sa kaliwa dahil sumigaw si Gab...
"Mag dahan-dahan ka sa mga sinasabi mo" Giit ni Gab. Muli akong tinignan ng babae kaya tumingin din ako sakanya.
"Dipa tayo tapos" Naglakad na sya saaking kanan at huminto saglit "Babawian kita" Bulong nya saakin. "Hihintayin ko" Taas noong sagot ko.
Hinila naako ni Gab papunta sa lamesa kaya tumigil na ang ibang estudyante sa pag chismis.
"Woah! France ikaw ba talaga yan?" Biro ni Devi. "Gosh! Go France" Sabi naman ni Fae
"France mag ingat ka nga.. Di basta-basta yang si Chloe" Sambit ni Gab. "Tsk! Madali lang ilampaso yun! Napaka payat nga eh" Wika ni Devi
"Kahit na! Payat nga sya pero malakas din yun noh. Tsaka magaling makipag laban yun" Giit ni Gab.
"Teka nga! Bakit ba reyna ang tawag sakanya?" Tanong ni Alier sabay sip-sip sa zesto
"Reyna kasi sya lang ang nag-iisang babae sa grupo ng Bloody Dragons, o mas kilala bilang BD. Kaaway nila ang grupong The Dark Chaos, o mas kilala bilang TDC. Ang dalawang gang nayun ang pinaka malakas at mataas na grupo sa university nato, mag kaaway ang gang nayan kaya di malabong mag kakagulo nanaman sa pag dating ng pinuno ng TDC." Mahabang wika ni Gab. "Kaya mag-ingat nalang kayo, lalo kana France okay?" Patanong nasabi ni Gab
"Oona.. Dami know" Sagot ko.
Habang kami ay kumakain ay halos mapatalon kami sa gulat dahil may narinig kaming kalampag, lahat kami ay napa tingin sa likod. At nakita namin si Chloe bayun? Na galit na galit sa babaeng naka luhod sa lapag.
"Ano?! Kakalabanin mo talaga ako?!" Sigaw ni Chloe na umalingaw-ngaw sa buong cafeteria
Umiiyak na ang babaeng naka luhod kaya gusto ko na syang puntahan, pero naalala ko yung sinabi ni Gab na member sya ng isang gang.. Kaya natakot ako ng kaunti
"S-sorry... P-patawad reyna" Maluha-luhang sabi nung naka luhod
"Sorry?! Tinabig mo yung juice ko! At alam kong sinasadya mo yun!" Sigaw ni Chloe
"Sorry... Reyna p-patawad-*PAK*"
Nanlaki ang mga mata namin ng bigla nalang sampalin ni Chloe yung babaeng naka luhod, Gusto ko na syang tulungan pero para akong napako sa kina-uupuan ko.
"Humanda ka sakin!" Malakas na sabi ni Chloe saka umalis na.
Humagul-gol sa pag-iyak yung babaeng naka luhod na para bang takot na takot.
Wala akong nagawa kung di ang manood nalang....
-
Kasalukuyang nag lalakad kami ngayon papunta sa science building, maraming estudyante ang tumatakbo papunta sa direksyon na pupuntahan namin. Sa sobrang kuryosidad namin ay sinundan namin sila...
Nag kukumpul-kumpul sila at maraming tao. Diko narin makita sila Devi dahil sa nag tutulakan pa ang iba, bahagya naman akong natulak kaya napad-pad ako sa mejo harap. Hinawi ko ng kaunti ang babaeng nasa harap ko para makita kung ano ba ang pinag-chichismisan nila.
Napahawak ako saaking bibig, bumilog ang aking mga mata dahil nakita ko yung babaeng naka luhod kanina na wala nang buhay...
Naka-upo sya sa upuan at naka tali ang dalawa nyang kamay sa likod, halos kita nanamin ang lalamunan nya dahil sa sobrang lalim ng sugat sakanyang leeg.
Naka labas din ang kanyang dila at may naka-tatak na... Dragon?
"Kawawa naman sya" Mahinang sabi ng katabi kong babae. Di ko sya binalingan ng tingin dahil na tatameme ako sa babaeng wala ng buhay...
"Wag kang mag-alala di nya gagawin yan sayo" Agad namang napatingin ako sa katabi kong babae dahil sa sinabi nya "H..huh? Ba-bakit namna?" Naguguluhang tanong ko
"Dahil-" Di na nya naituloy ang sasabihin nya dahil na pausog kami ng bigla nalang silang mag tulakan.
Napatingin kami sa harapan at nandun na si Chloe na naka-ngisi, may kasama syang lalaki. Matangkad at maputi may itsura sya mga mare! May tatto din sya sa kanang baba ng mata nya. Marami din syang hikaw sa kanan nyang tenga, naka titig lamang sya saakin.
"Ganyan ang mang-yayari sa sino mang bungga saakin!" Sigaw ni Chloe
Nabaling ang tingin ko sa mga lalaking kasama nila, marami sila parang nasa sampu... Natatakpan ng maskara ang kaliwa nilang mukha, kulay itim ang maskara at may kulay pulang dragon na naka-ukit.
Lumakas ang kabog ng aking dib-dib ng bigla nalang may humila saaking braso, nauntog pa nga ako sa mga lalaki eh.
Nang malayo na kami ay nakita ko si Gab pala ang humila saakin, andun si Devi nakatayo.
"Nasan sila Fae?" Tanong ko. "Sumusuka sa cr kasama si Alier" Sagot ni Gab
"F*ck! Bumalik na tayo sa dorm!" Sambit ni Devi habang naka kapit saaking braso.