CHAPTER 21
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 21: "BLOODY MIDNIGHT"
!VIOLENCE!
DEVINA KELT
Kanina pa wala si France, may tiwala naman ako kay Lucifer dahil kaibigan sya ni Gab at maayos ang pakiki-tungo nya saamin. Di katulad ni Demon, tsk! At dahil naiinip na kami ni Fae ay nag disesyon kaming lumabas ng dorm kasama si Alier. Malamig ang simoy ng hangin, madilim narin at ang daming nag tatakbuhan at nag sisigawan, riot nga talaga...
"Di nyo paba nakikita si Via?" Biglang tanong ni Fae. Via yung pangalan ng nakaaway nya nung nakaraan, tsk! Ang babaeng lumalandi kay Alier.
"Intay mo lang makikita din natin yon" Samabit ko. "Luvs bumalik nalang tayo sa dorm, wag kana makipag-away" Protesta ni Alier, kalalaking tao takot na takot.
"Magtumigil ka, dipa ako nakakabawi sa Via nayon" Sabi ni Fae na umirap pa. "Fae!" Sigaw ni--Via. Nasa harap na pala namin ang bruha, ngumisi si Fae at lumapit kay Via. Okay! Go Fae! Si Alier naman ay walang magawa dahil pag pinigilan nya si Fae... Magkakaroon sya ng punishment
"Devi?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko iyon--Si Gab. "Bat kayo nasa labas?" Tanong nya. "Para hanapin yung mga kaaway namin. May problema ka?" Wika ko. Si Fae naman at si Alier ay kinaka-usap na si Via.
"Bumalik-"
"Ikaw ingungud-ngod ko, gusto mo?"
"S-sabi konga.. H-hanapin mo si Lovely"
"Sumama ka na lang dami mo pang dama.. Para din makita mo kung paano ko ingudngod yang Lovely nayan"
Speaking of that bitch, andito na sya. May hawak pang kahoy, tsk! Di kaya ng walang pamalo? Eww! Naglalakad sya palapit saakin, may malawak na ngisi sa mga labi nya. Iniis mo ako ha?!
Akmang hahampasin nya naako ngunit mabilis ko syang tinadyakan sa tiyan dahilan para sya ay matumba sa lupa. "Ano yan lang ba kaya mo?!" Tanong ko. Si Gab ay nanonood lang sa gedli, habang nakain ng nova.
Dahan-dahan syang tumayo, kinuha kona ang hawak nyang kahoy at ibinato iyon sa malayo. Ano ka special? Habang hindi pa sya tumatayo ay hinatak kona ang buhok nya at iwinagay-way ito, naabot din nya ang mahaba kong buhok at sinabunutan ito ng pagka-higpit-higpt. Awtch!
"Desperada ka talagang babae ka!" Sigaw ko, "Ako ang nauna!" Balik nya saakin. "Sinuka ka na bumabalik kapa!" Muli ko syang tinadyakan ngunit pati ako ay nasama sa pagbagsak dahil hawak nya ang buhok ko.
Ngayon ay umibabaw ako sakanya habang sinasampal at kinakalmot sya.
FAE KATSUMI
"Oh talaga?! Bakit malandi ka?!" Sigaw ko. Hinatak ko muli ang buhok nya at nilampaso sya sa damuhan, nasipa nya sko kaya napa higa ako. Pumatong sya sakain at pinagsa-sabunot ako. Argh!
Bwiset na babae toh! Di ako makaganti dahil naka patong sya saakin, ang bigat ng malanding toh! Parang mapupunit na ang anit ko sa sobrang higpit ng kapit nya saakin. Argh! Parang linta talaga! Sinuntok ko ang d*de nya kaya napa hawak sya dito. Itinulak ko sya at ngayon ako naman ang pumatong sakanya, pinag uuntog ko ang ulo nya.
"Ayan ang bagay sa makakating kagaya mo!" Sigaw ko. Gg ka masyado ah! Sinampal ko ng malakas ang mukha nya. Ayan mapula! May dugo pa ang kanan nyang labi, tumayo naako at inapakan ang tyan nya.
Napangiwi sya sa sobrang sakit, "Ano--" Napatigil ako dahil may kadenang umikot saaking leeg, takte ang sakit! "Tulungan nyo si Via" Sabi nung babaeng may hawak ng kadena. May tulungan na nagsganap?
"Hoy babaeng mukhang tipaklong!" Sigaw ni--Devi. Patay kayo ngayon! Hinila ni Devi ang babae sa likod ko kaya nabitawan ny ang kadena. Agad kong hinablot ang babaeng tumutulong kay Via na makatayo.
Ako at si Devi ay sanay na sa ganto, baka ito talaga ang school na para saamin. "Ikaw pala si Fae?" Tanong ng babae. "I'm Keesha--" Diko na sya pinag salita. Agad kong sinampal ang mukha nya dahilan para sya ay mapa halik sa lupa. Ahh Keesha pala ah!
Agad ko syang pinatungan at sinapak-sapak ang mukha nya.
FRANCE LOPEZ
Nasa malayo palang kami ni Lucifer ay kitang-kita kona sila Devi at Fae nanakikipag-away. Agad ko silang tinakbo at inawat, umawat narin sila Alier at si Gab. Si Lucifer naman ay naka tayo lang, pinapanood ang mga nangyayari.
"Ano kayo ngayon ha?!" Sigaw ni Devi. "Tutulong pakayo ah!" Sigaw naman ni Fae. May mga babaeng naka higa na sa lupa, si Devi at Fae naman ay inaayos ang buhok nila. May sugat panga si Devi sa tuhod eh
Napatigil kami saglit dahil may mga lalaking naka masksra ang tumatakbo palapit saamin. "Lucifer! Andito nanaman--" Di na nya naituloy dahil may palasong tumusok sa likod nya. "Andito nanaman ang BBW" Mahinang sabi ni Gab. Kita ko ang galit sa mukha ni Lucifer.
Jusko! Gulo nanaman toh! "Gab pauwiin mona sila France" Wika ni Lucifer bago tumakbo paalis. Nag lakad na kami papuntang dorm, ang daming sugatan na babae at lalaki sa plaza. Ang daming sumisigaw at tumatakbo.. Nakakatakot
"Devi mauna na kayo ah" Sabi ni Gab na para bang nag mamadali. "Teka saan ka pupunta?" Tanong ni Devi. "Hahanapin yung BBW" Maikling sagot ni Gab. Tumakbo na sya paalis kaya naiwan na kami dito
"Makabalik sana sya ng maayos" Bulong ni Devi na rinig na rinig namin. "May hindi ba kayo sinasabi saamin ha?" Pang-aasar ni Fae. Umirap lang si Devi at umakyat na sa hagdan. "Mauna na kayo" Sabi ko. "Hoy g*ga, saan ka pupunta ha?" Fae asked
"Magsi-cr lang ako dito." Sagot ko, kanina pa kasi ako naiihi. May malapit naman na cr dito kaya napag disesyonan ko na dito nalang dahil sasabog na ang pantog ko. Tumango nalang si Fae sabay non ay umakyat na sila ni Alier.
Nag lakad naako sa madilim na hallway, napa tigil ako dahil may lalaking naka kapoteng itim ang naka tayo sa harap ko.. Diko makita ang mukha nya dahil sa hood nya, pero alam kong sya yung lagi kong nakikita. May hawak syang balisong, at papalapit sya saakin kaya dahan-dahan akong umaatras.
"S-sino ka?" Kabado kong tanong. Wala syang imik, patuloy lang sya sa pag lalakad. Hanggang maka harap ko nasya...
Akmang sasak-sakin nya na ako ngunit pumikit ako.... Ilang oras paako naka pikit ay wala paring nangyayari, muli kong idinilat ang aking mata...
Nakita kong naka hilata na ang lalaking naka kapote, may dugo na sa kanyang tiyan. Napatakip ako ng aking bibig sa nakita ko... May patay
May nakita akong anino saaking harapan, paniguradong sya ang sumak-sak sa lalaking naka kapote, natatakot akong harapin sya.. Alam kong tao yun dahil sa korte ng anino nya, pero diko alam kung babae o lalaki. Naka titig lamang ako sa anino, pinaikot nya ang kutsilyo nya sa kanyang kamay.
Dahan-dahan syang nag lakad paalis kaya lumingon ako.... Wala na sys
-
Tumigil na ang ihi ko kaya dali-dali akong tumakbo sa kwarto, nag taklob ako ng kumot at pumikit. Sariwa parin sa utak ko ang nangayari kanina, shems! May namatay sa harapan ko...
Pero ang pinag tataka ko, sino yung taong nag ligtas saakin? Kung si Lucifer yon ay paniguradong yayakapin nya ako. Kung si Demon naman yun ay klakausspin nya sko.
O kaya si Gab? Sya nalang sng kilala kong gumagamit ng balisong, pero imposible ding sya yun.. Dahil kanina ay umalis na sya
Sino nga ba yun?