CHAPTER 22
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 22: "JELLY ACE"
FRANCE LOPEZ
Tanghali na ng magising ako, kinwento ko agad kila Devi ang nangyari sakin kahabi. Halos lumuwa ang mata nila sa gulat ng nalaman nilang may namatay sa harapan ko. "Ikaw ba yun Gab?" Tanong sakanya. Tinatanong ko kung sya ba yung aninong nakita ko kagabi, yung tumulong saakin.
"Imposibleng ako yun, nasa labas ako non" Sagot nya. "Eh sino yun?" Takang tanong ko. "Isang tao lang ang sumagi sa isip ko.." Biglang sabi ni Gab. Tumingin sya ng seryoso saamin.
Kami naman ay nag iintay ng kanyang sasabihin, "Si Satan" Sabi nya. "Si Satan?" Sabay-sabay naminng banggit. "Oo, sya lang ang kilala kong marunong humawak ng balisong. Sa lahat ng tao kasi dito ay si Satan lang ang magaling sa pag hawak ng kutsilyo at ng mga balisong" Paliwanag nya. "Si Demon ang magaling sa pagplano ng mga gyera, magaling sya sa pakikipag basag ulo. Si Satan naman ang pinaka nakakatakot sa kanilang lahat, tinititigan ka palang nya ay para bang sinasak-sak ka na nya, sya ang pinaka magaling sa pag hawak ng balisong. Si Lucifer, magaling naman sya sa pag akyat ng puno o ng mga gusali, para bang parkour ganon" Mahabang lintana ni Gab.
Siguro nga si Satan yon, pero bakit nya naman ako ililigtas? Tsaka bakit di nya ako hinarap o kina-usap? Ganon pala ang mga galing nilang tatlo, kaya pala parang unggoy si Lucifer kung bumaba ng puno. Okay! Gets kona.
Maaga na kaming gumayak dahil monday ngayon syempre may pasok, habang nag lalakad kami ay nag lilinis naman ang mga lalaking armado. Buhat-buhat nila ang mga bangkay na namatay kagabi, halos masuka kami sa mga dinadaanan namin dahil naka-kalat ang mga dugo. Napatigil naman kami sa pag lalakad dahil bigla nalang sumulpot si Lucifer at si Trixy sa harap namin. "Hi France and Friends" Pagbati ni Trixy. Ngumiti ako "Hi din Trixy." Sabi ko.
Naikuwento kona kila Devi kung sino ba si Trixy, "Hi Trixy" Masayang bati ni Fae. "Gusto nyo bang sumama?" Tanong ni Trixy. "Saan?" Devi asked.
"Sa main building. Mag-aayos lang ng mga gamit" Sabi ni Trixy "Para saan naman?" Tanong ko. "For celebration" Maikling sabi ni Trixy.
"Sige tara! Ayoko din pumasok ngayon eh" Sabi ni Gab. Sumama nalang kami dahil tinatamad din ako, nauuna si Trixy at si Lucifer mag lakad. Kami naman ay nasa likod lang
"Ano kayang celebration?" Mahina kong tanong. "Grabi ka France, nag d-date kayo ni Lucifer pero hindi mo alam ang magaganap" Sabi ni Gab. Kumunot ang noo ko, wala naman kasing nasasabi si Lucifer na kung ano-ano.
Nakarating na kami sa main building, sila Devi ay manghang-mangha sa ganda ng main building. Maging ako ay ganun din kahit kagabi lang ay nanggaling ako dito, maganda naman kasi talaga. Nag elevator kami at lumabas sa isang malawak na kwarto, may stage sa harap na inaayos, hay! Ano ba kasing meron? Binaba na muna namin ang bag namin at tumulong na din, bigla nalang akong hinatak ni--Trixy at sumakay kami sa elevator. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. "Kaylangan ko ng tulong mo sis" Sabi nya.
Pag bukas ng elevator ay hinila nya agad ako sa hallway, pumasok kami sa isang kwarto. Napaka laki at napaka ganda, parang hotel.. Kwarto nya pala ito
Nag punta kami sa kusina, "Ano bang tulong?" Tanong ko. "Marunong ka mag luto diba? Turuan mo ako for Lucifer" Sabi nya. Kumunot muli ang noo ko "Ano bang meron kay Lucifer?" Takang tanong ko. "Birthday nya bukas" Masayang sbai ni Trxy. Ha? Birthday nya bukas? Bakit diko alam?
"Kaya please help me naman oh. Turyan mo ako mag luto ng favorite nyang sinigang" Pagmamakaawa nya. Tumango na lang ako dahil andito narin naman ako.
Inihanda kona ang lulutin, "Sino ba nag turo sayo mag luto? Mama mo?" Tanong nya. Umiling nalang ako bilang sagot. Pag naiisip ko si mama ay nasasaktan langa ko, oo si mama ang nag turo saakin mag luto. Lagi nya kasi akong iniiwan kaya tinuruan nya ako ng gawaing bahay.
-
Natapos ko nang lutuin ang sinigang, oo ako ang nag luto! Sabi nya turuan ko sya... Eh ako lang naman ang gumawa at nag luto, ang arte kasi eh. Nilagay nya sa ref yung sinigang para bukas sa birthday ni Lucifer.
Bumalik narin kami sa kwarto kung saan gaganapin ang birthday ni Lucifer. Naka upo lang si Lucifer habang sila Devi at yung mga lakaking naka maskara ay nag aayos. Tumakbo si Trixy sa tabi ni Lucifer, ako naman ay nag lakad lang...
Naupo si Trixy sa tabi ni Lucifer, habang ako ay nasa likod nila naka upo. May ibinulong si Trixy kay Lucifer dahilan para sya ay ngumiti.. Daya! Bakit ako nakakaramdam ng ganto!? Ano toh selos? Argh!
Nag bubulungan sila Lucifer at si Trixy habang tumatawa. Kainis! Pag ako kausap ni Lucifer di sya madaldal, pero pag si Trixy napaka harot nya. Kagabi lang nag i love you saakin si Lucifer ah! Joke lang bayun?! Kainis.
"Jelly ace?" Sabi ni Fae, naupo ni Devi and Fae sa tabi ko. Bale nasa gitna ako, "Ako jelly ace?" Tinuro kopa ang sarili ko, "Bakit naman ako mag seselos?" Tanong ko. "Alam mo kung ako ikaw.. Winag-wag ko nayang si Trixy" Mahinang sabi ni Devi.
Hays gusto ko ngang gawin eh... Pero naalala kong wala nga palang kami.
Pero nag i love you sya.. Baka as a friend lang yun? Pero... Argh! Letche ka Lucifer! Tumayo ako ng padabog at kinuha na ang bag ko sa haraoan nila Lucifer. Tinignan ko lang sila ng masama, "Aalis kana?" Biglang tanong ni Lucifer. "Wala naman akong ginagawa dito" Sabi ko sabay irap. "Jelly Ace" Sabay na sabi ni Devi at ni Fae. Argh! Narinig pa ni Lucifer yon pati ni Trixy...
Tinignan ko ng masama sila Devi at umalis na sa lugar nayon.. Argh!
-
Natapos ang araw na naka busangot ang mukha ko. Umuwi naako sa dorm, sila Gab naman ay diko alam. Nandun pa ata sila sa main building, mag kakasama sila habang ako na iwan mag-isa dito sa dorm.
Nabaling ang tingin ko sa pinto dahil may kumatok. Dali-dali ko itong binuksan at---Si Lucifer. "Bakit ka andito? Baka hinahanap ka na ni Trxy" Mapait na sabi ko. Ngumiti lang sya "Nag seselos kaba?" Tanong nya.
"Diba halata?" Balik ko. Lalo pang lumawak ang ngiti ni Lucifer, argh kainis! "I love you" Sabi nya. Mama mo i love you! "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Sasabihin ko lang sayo na pumunta ka sa birthday ko bukas.. Wag kang mala-late" Sabi nya sabay alis na.
Yun lang? Umalis na agad sya kaya binagsak ko ang pintuan. Argh! Kainis talaga! Pero anong ireregalo ko? Ayoko namang bigyan sya ng sinigang dahil.. Hello?! Sya ang may-ari ng malaking university na to tapos sinigang lang ang regalo ko? Tsaka ayun na yung bibigay ni Trixy.
Pumunta ako sa kusina para mag hanap ng puwedeng ma-ibigay sa lalaking yun... Naisip kona mag baked nalang ako ng mga cookies, tama! Yun nalang gagawin ko.
Sinimulan kona ang pagawa, mahaba-habang proseso ito. Heart, circle at diamond ang shape ng mga cookies. Dipa umuuwi sila Devi kaya free time ko toh.
Sana ay magustuhan nya.