Chapter 18 The Catwalk
One Stormy Night
" You're drifting again JJ, what's the matter sweet?" Savannah asked her mula sa rearview mirror mataman itong tumingin sa kanya, a prominent frown is visible on her forehead.
Jhossa managed to form a smile at saka umiling. " Retirement jitters Sav , para akong kinakabahan, it was as if first time kong rarampa sa harapan ng mga tao eh. Shit! I can't seem to find my nerves."
Natawa si Savannah. " You are doing this for almost half of your life JJ. This is no difference, parang katulad lang din ng mga previous show mo ang isang ito, so don't worry that much. Nagrereflect sa mukha mo eh, just relax okay." Savannah winked at her habang pinapatakbo ng mabilis ang sasakyan nila papunta sa SL Hotel kung saan gaganapin ang final show niya as a model.
" Damn right! Yeah! " She leaned at the headrest at pumikit. Savannah is right, matagal na niyang ginagawa ang bagay na ito so there's no need to worry, maayos ang kalalabasan ng gabing ito. Well she really hope so. Though something is really bugging her na nagbibigay sa kanya ng ibayong kaba, but she tried so hard to hide it dahil ayaw na niyang mag-alala si Savannah sa kanya.
Kinuha niya ang cp sa bag at tinawagan si Shey. She needs to know if her friends will go there to see her last final walk in the catwalk. Sa isiping kumpleto ang mga kaibigan niya ay napalitan ng excitement ang kabang nararamdaman niya.
This will be the first time na makukumpleto ang mga kaibigan niya sa panonood ng show niya. During her shows kasi sa ibang bansa ay paisa-isa lang o kaya ay dalawa lang sa mga ito ang nakakarating, which she understands lalo pa at pare-parehong busy rin ang mga ito.
" Hey babes, nasaan na kayo?" Tanong niya ng sagutin ni Shey ang tawag.
She heard a rustling ang fumbling of keys mula sa kabilang linya, then Shey's voice filled her ears.
" Hey babes, I'm on my way on picking Glayssa. Pabebe kasi ang isang iyon eh, after ng vacation stint niya sa Bacolod ay nagsimula ng maging mongha dahil ayaw ng lumabas ng bahay nila kaya ayun kailangan ko pang sunduin para lang makasiguro ako na pupunta siya sa show mo."
She laughed, nakikinita na niya ang itsura ni Shey habang pinipigilang hindi mairita.
" Huwag mo ng pansinin ang drama ni Glayssa, basta ang importante makarating kayo. This is my final show and I want everyone to be present on it, kapag hindi kakalbuhin ko kayong apat. Nakareserve na ang upuan niyo so better come, kung ayaw niyong hindi ko na kayo pansinin pa ulit." Sinesermunan niya ang nasa kabilang linya.
She heard Shey sighed in defeat.
" We promised that we will come so rest assured okay, darating kami kailangan ko lang sunduin ang mga prinsesa. Oh my God why did I even volunteer to pick them all up?" Nagbuga ito ng marahas na paghinga kasabay ng pagbukas nito ng pintuan ng sasakyan nito.
" Sige na sunduin mo na sila. Drive safely okay. See you at the venue." Paalam niya dito at saka ibinaba ang cellphone, nakita na niya ang malaking landmark ng SL Hotel hudyat na nakarating na sila sa venue.
Different sets of media company was in the venue, from TV, radio, AD Campaigns, magazine to name a few was there to witnessed the retirement of the Queen of the Catwalk.
Idiniretso ni Savannah ang kotse sa parking lot na diretso sa isang private lift na siyang ginagamit ni Shey kapag narito ang kaibigan sa Hotel niya and she has the privilege of using the same luxury courtesy of her friend.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago nagpasyang bumaba ng sasakyan. Diretso lang siya sa lift at hindo pinansin ang mga paparazzi na hinabol sa kanya upang marahil ay hingan na naman siya ng pahayag.
But she is already fed up with them, kaya naman hindi na niya hinintay na makalapit pa ang mga ito sa kanya bagkos ay agad niyang pinindot ang close button ng elevator kaya bago pa man siya madumog ay mabilis nang sumara ang elevator .
Nang makarating sa pinaka venue ay agad na dumiretso sa dressing room na nakalaan para sa kanya si Jhossa. Agad na naging busy ang lahat ng makita ang pagdating niya at mabilis na inasikaso siya ng mga tao doon. Even the set of dress that she will use ay naihanda na rin.
And then the following moments ay ang pinaka- abalang sandali sa buhay ni Jhossa.
" Ladies and Gentlemen, let's us all give a warm of applause to the star of the night. The lady who's behind the success of different couture not just in the country but the international couture too. The pride of the Philippines our very own Diyosa , the spectacular Jhossa Joud." Kasabay nang pagdim ng mga ilaw ay ang dahan-dahang paghakbang ni Jhossa sa platform ng make shift stage slash catwalk nila.
Palihim niyang pinagmasdan ang buong crowd. She was happy that despite short notice, people still make their way para mapanood ang huling pagrampa niya bilang modelo.
She saw her friends at habang nakikita niyang nasisiyahan ang mga ito sa ginagawa niya ay lalo siyang ginanahang pagbutihan ang pagrampa.
This is her last ramp might as well make the most of it. Isa pa she needs to flaunt the beauty of the design of Angelica's work, bka mapatay siya ni Umaga kapag hindi nabenta ang mga damit na gawa nito na suot niya.
After her first stint ay nagbreak muna siya ng limang minuto, she needs to calm her nerves bago isinuot ang mga skimpy underwears na kasama sa collection ng Missha.
And even her was surprised sa galing ni Angelica dahil halos lahat ng mga inirampa niyang damit ay talagang nagustuhan hindi lang ng kanyang mga local audience kundi maging ng mga foreigners na anood ng kanyang huling show.
She was readying for the last part of the underwear show ng biglang pumasok sa dressing room niya si Clarence at may iniabot sa kanyang isang puting papel.
Kunot-noo na tiningnan niya ang papel. " Kanino galing ito?" She asked. Palipat-lipat ang paningin niya dito at sa kasama nitong bulaklak na hawak ng kanyang program director.
Clarence just shrugged her shoulders at inilapag ang tulips na kasama ng sulat sa ibabaw ng lamesa niya. " Must be from one of your admirers, JJ. I don't know ipinaabot lang sa akin 'yan eh. Three minutes J then we'll start again okay." Anito at mabilis na lumabas, tila hinahabol ito sa bilis ng mga kilos nito.
Naguguluhang binuksan niya ang papel only to gasped when she reads what's inside.
Dont wear that last piece of Shit hon. Or you'll never gonna like what I will do. I swear hon! I am not liking what you are showing so far.
Ang siraulong iyon!
How dare him, commanding her to follow what he wants tarantado talaga.
Napasimangot siya at nagrerebelde ang utak niya.
Bakit ba siya nito pinagbabawalang gawin ang mga bagay na ito? Hindi nga ba at matagal na silang hiwalay, so anong karapatan nitong magmando. Hindi uubra sa kanya yung palagi nitong sinasabi na " You are Mine!"
You are mine tapos kung ano-anong masasakit na salita ang lalabas sa bibig nito. Ganoon ba talaga ito aariin lang ang isang tao para pasakitan?
Bullshit siya!
Manigas siya!
I am not yours to begin with! And this is my show so hell yeah, I am going to enjoy at wala kang pakialam doon, Lewis.
She crumpled the paper at inihagis iyon sa pinakamalapit na basurahan.
Wala naman siya so bakit ko siya susundin.
Narinig niyang tinawag na ni Clarence ang pangalan niya kaya naman may pagmamadali sa kilos na hindi na niya pinansin ang warning na ipinababatid sa kanya.
She wanted to finished this as fast as she can probably do. Kaya naman ng muling ipokus sa kanya ang limelight ay pinakawalan na muna niya ag kanyang mga inhibition at limitasyon sa katawan. She flaunted her body na nababalutan lang ng manipis na materyales, wearing her signature and infamous seductive smile, she captured every ones attention as she do her last stint in the underwear. She walks gracefully, sensous and with elegance kaya naman ng magtama ang mata nila ng lalaking iyon ay talagang nagulat siya that she almost faltered her steps.
Lihim siyang kinilabutan ng masalubong ng mga mata niya ang madilim nitong anyo. He was looking at her distastefully at umiling-iling pa ito, silently sending her a message na humanda siya dito dahil hindi niya sinunod ang iniuutos nito sa kanya.
Jhossa gulped. Hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatayo na lang sa gitna ng stage at nakikipagtitigan lang dito. She was obviously not aware na halos nasa kanilang dalawa na nakatuon ang pansin ng mga tao. Marahil ay napuna na ng mga ito ang pagtatagisan ng kanilang tingin.
For others they seemed to be looking at a perfect couple because on the far side of her mind ay naririnig niya ang mga magagandang komento patungkol sa kanilang dalawa ni Kyshaun.
I call the shots hon!
She shivered ng umalingawngaw sa tenga niya ang sinabi nito sa kanya.
Shit!
Kaya ba siya kinakabahan?