Chapter 19 At Cappussina
One Stormy Night
The show was a blast, and as expected everyone who watch applauded and commended hindi lang ang mga damit na iminodel kundi maging ang mga model na nagsuot nito and Jhossa who was the main focus of the show receives the most of those high praises galing sa iba't-ibang personalidad lalong-lalo na sa mga may-ari ng mga well-known couture's but despite that Jhossa doesn't know if she will sighed in relief or jumped with joy dahil wala namang nangyaring kahit na ano na posibleng magdulot sa kanya ng panibagong stress.
Especially coming from Kyshaun lalo na at may pagbabanta pa itong nalalaman.
Pagkatapos niya kasing makipagtagisan ng tingin kay Kyshaun kanina habang rumarampa na muntik nang maging sanhi ng pagkakapahiya niya ay mabilis na umalis ito at nawala sa paningin niya.
And she never saw him after that, kahit ng papunta na sila ng Cappussina for the celebration at syempre parting gift na sa kanya ng mga kasamahan niyang modelo ay hindi rin niya nakita maski ang anino ng binata.
Gone with the wind naman ang tema ngayon ng praning na 'yon.
She smirked to herself, bakit ba siya nagpapadala sa takot sa lalaking iyon? Kung tutuusin ay wala naman na itong karapatang pang himasukan ang mga desisyon niya sa buhay.
He is not my keeper! And he doesn't own me! Baliw lang siya kung iisipin niyang pagmamay-ari niya ako. He already gave me up kaya anong karapatan niyang ariin ako ng ganun-ganon na lang. Shit siya! Naghanap siya ng iba niyang aariin at paglalaruan. Huwag na siya nitong idamay. Letse siya!
Eh ano kung ayaw nitong magsuot siya ng skimpy bikini sa pagrampa , hindi naman na siya kasama sa mga models ng MuMendres so bakit irerestrict siya nito? At kailan pa naging bawal sa mga modelo na isuot ang mga ganoong accessories sa katawan?
Kung makapag-bawal naman akala mo noon lang nakakita ng babaeng naka- bikini? Don't tell me kapag nagsesex sila ng Crizel na iyon ay nakasaya pa yung babaeng haliparot na iyon?
Agad ang pagsalakay ng sakit sa dibdib niya ng maisip ang bagay na iyon.
Shit lang! It was like putting a dagger in her dying heart kapag naiisip niyang ang babaeng sumir sa mga pangarap niya ang siyang kapiling at mas higit na pinaniniwalaan ni Kyshaun.
She inhaled at pilit na ibinalik ang atensyon sa nangyayaring party, she doesn't want to think of him. It pains her always kapag naiisip niya ito , dahil hindi naman ang masasakit na salitang ibinabato nito sa kanya ang naiisip niya sa tuwing sumasagi si Kyshaun sa isipan niya kundi ang mga pinagsamahan nila noon.
All of it! Especially those promises of him. Those broken promises. Magaling kasi ang binata eh. Magaling mang-iwan sa ere. Madaling gumive-up at higit sa lahat tanga!
She smirks again. This time dahil sa inis at pagkayamot dito.
Galit siya kay Kyshaun, sobrang galit na hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin dito kapag napunta na sa kanya ang pagkakataong isumbat dito ang lahat ng mga kapabayaan nito at mga pagpapahirap sa kanya and she hopes na sana ay hindi sagarin ni Kyshaun ang pasensya niya, sana hindi na dumating sa puntong ganoon, na susumbatan niya ito. Because she swear, kapag nangyari iyon Kyshaun will never be the same.
She will impair him. He will taste her wrath. At hindi niya alam kung ano ang extent ng galit niyang iyon, kahit siya sa sarili niya ay hindi alam kung ano ang kaya niyang gawin maibalik lang dito ang lahat ng hirap at pasakit na dinadala niya magpa- hanggang ngayon.
Nagpakawala siya ng mararahas na paghinga at pilit na inalis sa isip ang mga bagay na bumibigay sa galit niya at pagnanais niyang ibalik kay Kyshaun ang mga pasakit na dinanas niya.
This is not nice. Not even good at all. Hindi niya dapat iniisip ang paghihiganti.
She inhaled and try to keep her calm. Hindi makakabuti kung paghihiganti ang iniisip niya.
Let fate be a judge to them. Tutal mapaglaro naman ang tadhana, so why not wait for it.
Isa pa ayaw niyang ang huling pagkakataong makakasama niya ang mga kaibigan bilang isang modelo ay mabahiran ng bad vibes dahil lang hindi niya magawang hindi isipin ang lalaking assuming na iyon.
" So what's your plan after this JJ? Aren't you going to change your mind about retiring? Agnieska still want you to be her top model and you know that very well." Kate asked her. Half -Filipino, half British ito at naging kasama na niya sa ilang mga shows niya in and out of the country.
Umiling siya at saka nginitian ang mga kasamahang modelo, " I already made up my mind and I took some time weighing some things bago ako makabuo ng desisyon. And this is so far the easiest decisions I had made in my life . Ready na talaga akong iwanan ang mundo ng pagmomodelo. My time has already expires kaya ibinibigay ko na ang pagkakataon sa ibang bagong modelo." She took a shot of tequila para mawala kahit paano sa isipan niya si Kyshaun.
Well she was planning to get wasted tonight kaya uumpisahan na niya. She wanted to hide on the spirit of alcoholic drinks para naman kahit paano ay hindi siya makaramdam ang sakit.
Nagpaalam siya sa mga co-models niya at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng mga kaibigan.
She smiled despite the bitterness and emptiness that she feels. Pilit niyang inalis ang pait na lumarawan sa mukha niya habang palapit sa mga ito.
Naririnig niya ang kantiyawan ng mga ito kung kaya naman agad na rumehistro sa mukha niya ang isang masayang ngiti.
" Anong masarap na talong? Did I heard it right? Natikman nino?" She asked them hindi niya napansin ang pagsimangot ni Glayssa na siyang person of interest sa pang-aasar ni Shey.
Tumawa ng malakas si Shey uncaring if people looks at their table.
" Because Jhossa, Glayssa here already tasted that talong. Hilaw na talong mind you, courtesy of Michael Evres Go ay Meg pala." Tatawa-tawang sabi nito.
Nanlaki ang matang tiningnan niya si Glayssa.
" Is it true? Nalasahan mo na? You mean to say hindi ka na virgin?" Glayssa gave her a death glare na ikinatawa niya ng husto.
" Tumigil nga kayo, nagsama pa talaga kayong dalawang corrupted ang utak", sinamaan sila nito ng tingin at naka simangot pa ito.
" Teka lang we need to know something. So what's the verdict? Masarap ba? Tumirik ba ang mga mata mo? Nadala ka ba sa langit ni Meg? Anong feeling?" Pangungulit niya dito. Nakatingin lang sa kanila sila Michelle, Angelica at Shey na pare-parehong may mga ngiti sa mga labi.
" Tigilan mo ako Jhossa ah, sasamain ka na sa akin. Huwag ako ang pag- usapan niyo. We are here to celebrate so bakit hindi na lang iyon ang gawin natin? Let's drink,"
" Hmp kill joy." Inirapan niya ito. " Sige na nga uminom na lang tayo. Let's all get wasted." Lumingon siya at tinawag ang waiter. " Triple barrel, tequila okay." Tumango ang waiter at tumalikod na upang asikasuhin ang order nila.
" Wow Jho! Talagang get wasted ang drama mo ah. May nangyari ba?" AM asked her eyes suspicious.
Umiling siya." Of course not. This is my party Umaga so I wanted to make it worth my while. Iinom ako hanggat kaya ko. Minsan lang naman eh. Saka celebration na rin, hindi ba at successful naman yung show. Reward ko sa sarili ko."
" At dahil minsan lang mangyari na magyaya si Jhossa na uminom, let's really drink to that. Lets all get wasted ng maalis sa isip natin ang mga walang kuwentang tao sa mundo na wala ng ginawa kundi pasakitan ang kapwa nila. Sige na sila na ang Santo!" Glayssa shouted at akmang iinumin na ang alak ng pigilan ito ni Michelle.
" Kami lang ang may karapatan uminom ng hard drinks Glay, off limits ka , juice lang ang puwede sa iyo." Tinanggal nito sa kamay ni Glayssa ang shot ng margarita at ipinasa kay Angelica.
" At bakit naman hindi ako puwedeng uminom? May batas na ba na nagsasabing bawal akong tumikim ng alak?"
" Yeah," matabang na sagot ni Michelle, hawak hawak nito ang pulso ni Glayssa at pinakikiramdaman iyon.
" Ano ba Michelle? Dont go doctor on me now okay, wala akong sakit at mas lalong wala tayo sa ospital kay tigilan mo yang ginagawa mo or elâ,"
" Pumunta ka sa clinic ko as soon as possible. I need to double check kung tama ang iniisip ko. But as far as I know hindi ako maaaring magkamali."
" You're talking in riddles Michelle, just go straight to the point and tell me what I need to know." Naiiritang nagbuntong-hininga si Glayssa.
" Hmmmp. Palibhasa kasi dense ka kaya wala kang alam. Hindi ka puwedeng uminom kasi buntis ka and I need to know kung ilang buwan na kaya pumunta ka sa clinic ko or else kakaladkarin kita papunta doon," mataray na sagot ng kaibigan niyang doktor. Fully aware that she just dropped the bomb, that rendered Glayssa in shocked.
Pati sila ay napanganga sa sinabi ni Michelle. Well that was quiet a news. Malay ba niyang ang ilang araw na paglalagi ni Glayssa sa Bacolod ay magreresulta sa ganito.
" That explains why you are irritable these past few days Glay, yan pala ang dahilan. Congrats may minion ka na sa tiyan mo," nakangising asar ni Shey. She even raised her shots of margarita bago mabilis na nilagok iyon.
Angelica chuckled." That explain why I cannot seem to fit your dress na kailangan ko pang mag adjust ng katakot-takot, preggy ka na pala cousin, congrats. Kailan mo balak sabihin kay Meg ?"
" I am not pregnant!'' Glayssa angrily retorted. " Nagkamali ka lang Michelle, tell me na nagkamali ka lang ."
" I am a doctor Glayssa, that is my field. Kaya bakit ko naman sasabihin na nagkamali ako. I am very good at my work kaya imposible iyang sinasabi mo. But if you want me to be more accurate pumunta ka sa clinic ko bukas or sa kahit na anong araw na free ka. I will examine you para mas makasiguro tayo." Kalmado pero naniningkit ang mga matang sagot ni Michelle.
" What's wrong with being pregnant? Masaya kaya iyon," she butt in habang walang tigil sa pag inom. Siya ang sumasalo sa mga dapat ay shots ng mga ito pero ayun dahil mas gusto nilang magtalo tungkol sa kung buntis ba talaga o hindi si Glayssa ay sa kanya at kay Shey tuloy dumidiretso ang alak . " If I were given a chance, mas gusto kong magbuntis na lang kaysa magkaroon ng jowa. Sakit lang sa ulo ang mga boyfriend boyfriend na iyan. Tapos ano iiwan ka, ipagpapalit sa iba, pasasakitan ka pa. Ang kakapal lang ng mga mukha. Pero kapag anak, hindi ka iiwan dahil sasamahan ka niya sa lahat ng pagkakataon." Muli niyang ininom ang alak. Alam niya na tinatamaan na siya ng espiritu nito but she doesn't want to stop. Gusto niyang mag- enjoy, gusto niyang magsaya, gusto niyang makalimot, kahit ngayon lang.
Kahit panandalian lang!
Jhossa drank the remaining shot of margarita in the bottle, hilong-hilo na siya at hindi na niya alam kung nakailang rounds na ba sila, tiningnan niya ang mga kaibigan niya na pawang mga nakalungayngay na ang ulo sa lamesa nila. Kahit siya ay paunti-unti na ring humahalik ang ulo sa lamesa but she was trying so hard not to lose her consciousness. Though kahit naman mawalan siya ng malay she would still feel safe dahil nandito naman siya sa Cappussina. Kaya nga malakas ang loob niyang magyayayang uminom because if she get wasted like what she wanted, andiyan lang si Paul at Savannah to help her and attend to her.
Pumikit-pikit siya at akmang inihilig ang ulo sa lamesa, nang marinig niya ang mga boses na tila nag-uusap at parang palapit sa kanilang direksyon.
" Damn it! It stinks here!" Sabi ng boses na katulad ng kay Dylan. " Bakit ba hinayaan niyong uminom ng ganyan karami ang mga babaeng iyan?"
Jhossa peeked her eyes open and in a blurry yet sure eyes ay nakita niya si Dylan kasama ang mga kaibigan nito na nakatingin sa lamesa nila kung saan bagsak na maituturing ang mga kaibigan niya.
" We ce-chelebrhate G-layssa's h-hengagememt, " hindi niya kayang salubungin ng tingin ang mga ito ng matagal. Talagang nahihilo na siya at hindi na niya kayang matagal pa because she can feel that any moment from now she will pass out.
" You could have at least drink moderately, look at you can you even stand properly?" A reprimanding voice said from behind her.
She giggled at bahagyang nilingon ang mga kaibigan na ngayon ay pawang mga tulog na.
" J-jhust thake them and bring them home. Iwhan niyo nha akho dhito I will be ffine. Yesh. R-rhemhind them that I won," she said sluggishly. Tumayo siya at akmang hahakbang papunta sa opisina ni Paul ng biglang gumewang ang paa niya at tila nawalan ng lakas kaya naan muntik na siyang makipag conference sa sahig kung hindi lang siya maagap na nasalo ng mga bisig na iyon.
" Damnation! What a waste woman!'' pagalit na turan nito. His arm catching her full weight, pressing her body to the warmth of his.
Kahit nahihilo ay tiningala niya ang may ari ng bisig. And in her drunk and disorderly state ay kinilala niya ito.
" Y-you! I knew it whas y-you. I-i re-really m-miish you. B-bati nha thayo plhease. Ma-mahal na mhahal ki-hita at s-saka h-hindi naman talaga k-kita nilokho. Si Paul he is my bâ"
A/N
Bitin.... Parang siya binitin din ako....
Try to update later....
Question:
In your drunken state what was the most impossible things you have done?
Best answer in authors perspective get the chance to see their names with dedication at the start of my next update.
Comments/ Votes..
Sinnersaintbitch