Back
/ 78
Chapter 22

Chapter 20- Of Course..... Not

One Stormy Night

Kyshaun stared at Jhossa's sleeping form. Kanina pa siya nakabantay dito simula ng mawalan ito ng malay sa Cappussina dahil sa kalasingan nito.

Hindi pa rin niya mapaniwalaan na talagang naglasing ito, though there is a valid reason of her doing it so hindi naman niya inaasahan na halos ay maubos ng grupo nito ang mga imbak na alak ng Cappussina.

They all wanted to get wasted narinig niya iyon ng pasimpleng pinakinggan niya ang mga hinaing ng magkakaibigan before Meg announces his intention to Glayssa na naupo sa pagiging engage ng dalawa.

At dahil tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga ito ay napag-aralan at nakita niya ang lahat ng emosyon na bumaba sa mukha ng mga ito, more particularly on Jhossa's face.

He saw how her eyes brighten with so much admiration sa nangyayari, though her eyes were fixed at Glayssa the whole time hindi rin namang maiwasan na tinitingnan nito ang kaibigan niyang si Meg and he was irritated, fuck it!

Kahit ng kilalanin nito si Dylan in her drunken state ay ikinangingitngit ng loob niya, though he tried so hard not to show what he really feels ay parang bulkan na gustong sumabog ng pagtitimpi niya.

God dammit! This woman really brings too much emotions on him na hindi na niya maintindihan ang sarili niya.

Nagagalit siya dito at gusto niyang paulit-ulit na pinarurusahan, there are times also na ayaw niya itong nakikita and he was telling himself repeatedly na wala na siyang pakialam dito, but damnation to hell kapag naman hindi niya ito nasisilayan saka naman niya ito parang tangang hahanap-hanapin.

And worse, nagagalit siya kapag may mga kausap itong ibang lalaki. How good is that?

At kanina naman sa fashion show ay pinadalhan niya ito ng sulat telling her not to wear that skimpy bikini and parade that body of her sa harapan ng maraming tao but the vixen just ignored him and his warning.

She still proceeds on wearing that flimsy material na halos magbilad na sa katawan nito, and he wants to punch those men na halatang nagdrool ng makita ang dalaga sa suot nito.

Sobrang pagpipigil lang talaga ang ginawa niya sa sarili niya upang hindi kaladkarin si Jhossa paalis ng stage kung saan ito rumarampa.

Sinusubukan talaga siya nito.

At kahit na may lakad siya ngayong gabi upang makipag usap sa ilang importante kliyente ay hindi siya nagpapigil na sumunod sa Cappussina just to make sure that she won't cling to some hounded man lurking in the corner na naghihintay lang na magkaroon ng pagkakataon na mapansin ng supermodel.

And by far he was satisfied of what she was doing. Hindi ito humiwalay sa mga kaibigan nito at dito lang nakipag-usap sa durasyon ng kasiyahan. Ni hindi ito nag attempt na makipag-usap man lang o sinubukang kunin ang atensyon ng mga kalalakihang naroon din sa venue.

What should I do with you Jho? I still have no idea kung paano matatanggal ng lubusan ang galit na nararamdaman ko para sa iyo, but then I can't just accept the possibility of letting you go for good. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko, kung may kailangan pa ba talaga akong alamin tungkol sa nangyari noon o pabayaan ko na lang ang lahat tutal tapos naman na ang mga iyon at kahit na anong gawin ko o nating dalawa ay hindi na maibalik pa ang mga panahon at pagkakataon na iyon. Pero bakit sa tuwing naiisip ko na tuluyan ka ng pakawalan, hindi matanggap ng kabilang parte ng utak ko ang desisyon na iyon. What is it that you are hiding from me hon? Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ang bagay na iyon? Bakit kapag kasama si Crizel palagi na lang sarcastic ang tono ng pananalita mo? Kapag ba nalaman ko yung sinasabi mong katotohanan na dapat na malaman ko ay magagalit ako sa sarili ko? Should I hate myself and abhorr those times that I'd been cruel to you?

Tell me what shall I do? May natitira pa bang rason para paniwalaan kita? At kung dumating man yung panahon na iyon, mapapatawad mo pa kaya ako o sabay na nating kamumuhian ang isang Kyshaun Drake Lewis?" Bulong niya habang walang patid na pinagmamasdan ang kagandahang nasa harapan niya.

The face that he learned to love so deeply before kahit pa nga ba may reputasyon na noon ang dalaga bilang isang campus flirt, that didn't stop him from knowing her and eventually pursuing her.

Ito ang kauna-unahang babaeng niligawan niya at talagang pinaglaanan niya ng oras, panahon at pagmamahal. He built his dream alongside with Jhossa kaya ganoon na lang ang galit niya nang matanggap niya ang envelope na iyon, containing her pictures with that Paul Mendres habang papalabas ng hotel.

Halos magdilim ang paningin niya that he wanted to draw blood on Paul's body, he went blank for a couple of days at hindi siya nagsalita sa kasintahan for a week bago niya napagpasiyahang makipaghiwalay na lang dito.

Hindi siya makapaniwala na ang babaeng minamahal, sinasamba at iniingatan niya ay nakuha na pala ng iba.

That behind his back, she was digging daggers on him.

Playing him for a fool na kung hindi dahil sa kagandahang loob ng ibang tao ay hindi pa niya malalaman ang katotohanan tungkol sa mga ginagawa ng kasintahan habang wala siya.

Napakislot siya ng marahang gumalaw si Jhossa sa pagkakahiga, tila nahihirapan ito sa puwesto nito and wanted to shift direction. Napansin din niya that she was uttering something in her sleep.

Lumapit siya sa kama at niyuko ang dalaga, inilapit niya ang tenga sa bibig nito upang marinig ang mga mahihinang  salita na namumutawi mula rito.

" K-kyshaun?" She murmured. Her voice is above whispers na kailangan pa niyang idaiti ng maigi ang tenga sa mga labi nito upang maayos na marinig ang sasabihin nito.

" I'm here, hon. What do you want?" Balik pagkausap niya dito.

" S-shininhgaling k-kha." Mahina itong humikbi. " B-bakhit ka ganoon? B-bakhit mash pinaniwalaan mo siya kaysha sha akhin? S-sabi mho a-ako lang ang papaniwalaan mo, na ako muna bago ang iba. Pero bakit ganoon ang nangyari? Why did you chose her  over me."

" Shhh, we'll talk this some other time okay. Just go to sleep and rest. Sasakit ang ulo mo kapag umiyak ka at mamaga pa yang mga mata mo, ikaw din. You won't look beautiful anymore."

Kyshaun whispered back.

" Ayoko na," natigilan si Kyshaun sa tangkang pagbabalik kay Jhossa mula sa maayos na pagkakahiga ng narinig ang salitang iyon . " Ayoko nang maghintay kung kailan ka maliliwanagan. I am tired of waiting for you. Suko na ako. I love you but I guess it's time to move on. Siguro hindi na kita dapat hintayin kasi sobrang nasasaktan mo na ako. I am sorry for all those things that you thought I've done to you. Sobrang mahal na mahal kita, but if loving you means letting you go then I have no choice, I guess I just have to give this love a rest. I don't want to go to the point na kamumuhian na kita at wala na rin akong ibang maiisip kundi ang gantihan ka at pasakitan ka. Kaya tama na. Pagod na ako!"

Kyshaun felt his world stop spinning matapos na sabihin ni Jhossa ang mga salitang iyon. Marahas na sinulyapan niya ito but her eyes were still closed and her breathe is even.

Dammit!

She was having a conversation with him sa panaginip nito.

Is that how he really affects her na kahit sa pagtulog nito ay siya pa rin ang kausap nito?

Pero pakikinggan ba niya ang nga sinabi lang nito?

Of course ..

Not!

I will decide for that!

A/N

Sorry for the delay

Signal interruption...

Share This Chapter