Back
/ 78
Chapter 23

Chapter 21- The Wedding

One Stormy Night

JHOSSA gave a frustrated long deep breathe, kanina pa siya nakikipag debate sa kanyang isipan but until now hindi pa rin tuluyang gumagana ito.

She was just staring blankly at those papers na nakalatag sa lamesa niya, ipinadala iyon sa kanya ni Savannah kanina pang umaga because she needs to do some decisions on what kind of designs they will be using sa paglalaunch ng bago nilang jewellery, two months from now but thanks to her unwilling mind and absent self hanggang ngayon ay wala pa rin siyang napagdedesisyunan.

She was busy digging her mind into something else at doon very active at willing participant ang utak niya.  She even tried convincing herself na wala naman sigurong ackward na nangyari but her mind refused to agree with her.

For goodness sake Jho, tatlong linggo na ang lumipas mula noong huli mo siyang nakita sa Cappussina at wala naman siyang naging reaksiyon doon so why assumed that something else has happened?

Hindi niya alam pero iba talaga ang nararamdaman niya pero dahil nga lasing siya noong mga panahon na iyon ay wala siyang maalala sa mga nangyari. Nagulat na lang siya when she woke up the following morning na naka- check in na sa isang hotel room na hindi naman niya alam kung paano niya napuntahan, walang bakas na may kasama siya sa kuwarto and somehow that makes her sighed in relief. Noong nagpunta naman siya sa reception upang magtanong they wouldn't even tell her kung sino ang naghatid sa kanya. Basta bayad na raw ang accommodation niya. Punyetang customer confidentiality na iyan! Ni hindi man lang siya nakapag- pasalamat sa taong nagmagandang-loob sa kanya.

She drew a harsh breathe, okay na sana eh. Hindi na sana niya ipupush yung issue sa kung sino ang nagdala sa kanya sa hotel na iyon, pero noong hindi sinasadyang nagkita sila ni Glayssa kasama ang fiance nito na si Meg ay tinanong siya ng lalaki kung nagka-ayos na raw ba sila ni Kyshaun noong huli silang nagkasama at kung may kinalaman ba ang pag-uusap na iyon kaya nagigin hyper na naman daw ang kaibigan nito? Sa sobrang hindi niya pagkaalam sa isasagot ay ackward na nginitian na lang niya ang magkasintahan and chooses not to drop any single words dahil baka mapahiya lang siya, because darn it! She was clueless!

Yung ngiti kasi ni Meg ay nagpapahiwatig na mayroon ngang nangyari sa loob ng hotel room na iyon, pero kahit na anong kalkal niya sa kanyang isipan ay hindi niya maalala kung ano iyon.

She have no idea if it favors her or nailagay niya lang sa kahihiyan ang sarili niya.

And knowing Kyshaun he wouldn't even tell kung ano ang nangyari, hahayaan lang siya nitong mag-isip nang mag-isip, and would use that information for his advantage sa walang katapusang away na ito.

Shit mind! Work. Dig dipper and remember! She frustratedly grasped a handful of her hair at pilit na pinipiga ang utak sa kaiisip.

Next time talaga hindi na ako magpapakalunod sa alak. Nawawalan ako ng alaala eh.

" So that's what the famous ex-supermodel do kapag nag-iisip siya huh? Ano nakapag-isip ka na ba?" A sarcastic voice boomed all of a sudden.

Mabilis na nagmulat ng mata si Jhossa at tiningnan ng masama ang taong kadarating lang. Sa likod nito ay isa-isang nagsulputan pa ang ibang kaibigan.

" What are you all doing here?" She asked na magkanya-kanya ng upo ang mga ito.

" Ano pa gaga, eh di dinadalaw ka." It was Shey who answered her sarcastically again.

She rolled her eyes, " Wala naman akong sakit ah, sa katunayan nga niyan I am perfectly fine." sagot niya with the same sarcastic tone that her friend use.

" So kailangan ba may sakit ka bago namin maisipan na dalawin ka?" It was the preggy Glayssa who answered her this time. Well pregnancy becomes her at talagang blooming ang kaibigan niyang ito ngayon.

Buti pa siya bumobongga ang love life eh ako hanggang ngayon bokya pa rin.

" Minsan naiisip ko na sana nga may sakit na lang ako para naman hindi na -you know what my friend I think that is a good idea. Ano kaya kung gayahin ko na lang si Brad Pitt on one of his film, yung World War Z. I'm gonna inject too many viruses on my body so that I will —"

Michelle cut her short, ang mukha nito ay hindi na naman maipinta.

" Enough of that nonsense talk Jhossa Joud! Kung makapag salita ka akala mo ay nadaraanan sa biro ang lahat. You have to know that being ill is not a joke, it is a serious matter that you have to take consideration, kaya huwag niyong gawing past time at palitan ng biruan ang tungkol sa seryosong bagay na iyan." Panenermon nito. Lahat tuloy sila ay nanahimik dahil seryoso ang mukha nito, maybe she didn't appreciate that crack of her joke.

Namagitan ang mahabang katahimikan sa kanila , ni isa wala man lang nagnais na kumibo o magsalita.

Kahit siya ay parang napahiya sa mga pinagsasabi niya lang. How come she even think that way? Much more ang sabihin ang bagay na iyon sa harapan pa mismo ng kaibigan niyang attached masyado sa mga taong may-sakit. Lalo pa at doktor ito.

Haisst ang sarap na lang talagang iuntog ang sarili sa pader dahil sa katangahan niya.

" Sorry." Sabay-sabay na wika nilang tatlo habang nakatingin kay Michelle na masama pa rin ang timpla ng mukha.

" Don't be angry doc. Promise hindi na mauulit ang bagay na iyon." Hingi niya ng paumanhin at nakita niya ang unti-unting pag aliwalas ng mukha nito. Napangiti muli siya at saka tumayo at lumakad palapit dito. She gave her friend a warm tight hug na ginantihan naman nito.

" Just promise that you will never say that again, kahit ang isipin ang bagay ma iyon ay huwag na huwag mong gagawin. Promise me that Jhossa."

Tumango siya." I will." Paninigurado niya dito.

" The reason why were here is because I wanted to give you this," iniabot sa kanya ni Glayssa ang invitation card para sa kasal nito.

" For real?" Nangingiting tanong niya. Glayssa nodded , her eyes brimming with so much happiness in it . " Oh my God! Finally may ikakasal na rin sa ating lima, " she exclaimed excitedly, natutuwa siya sa nangyayari para sa kaibigan.

" Yeah, who would have thought right? After all those years na nag give up na ako sa possibility ng love story namin ni Meg ay saka naman papasok ang ganitong pagkakataon," Glayssa answered back, ang mga mata nito ay kababakasan ng kasiyahan," I only want him as a boyfriend before, pero masyadong napaaga ang pamasko ni Lord dahil binigyan niya agad ako ng double gift," dumako ang kamay nito sa tiyan at saka hinimas ito.

Tumango-tango siya ganoon din si Michelle at Shey, saka lang niya na realize na wala nga pala doon si Angelica.

" Hey, where's Umaga?" Kunot-noo niyang tanong.

" Nasa office niya, hindi raw siya makakapunta kasi marami raw inutos sa kanya yung unggoy niyang kapatid", it was Michelle who answered, bumalik na naman sa pagkalukot ang mukha nito.

" Si Dylan? " nang marinig ang pangalan binanggit niya ay lalong sumama ang timplada ng mukha nito. Oh well Dylan is Michelle's ex-boyfriend anyway na nang iiwan din dito .

Kaya nga ang nangyayari ay balikan ng mga ex-man sa mga buhay nila, lucky for Glayssa dahil umamin na rin sa wakas ng tunay niyang nararamdaman si Meg para sa kaibigan.

" Meron pa bang iba? Eh isa lang naman ang demonyong kapatid noon eh,"

" Chill Michelle. Hindi mabuti para sa iyo ang nagagalit right. Kalma ka lang, si Dylan lang ang tinutukoy natin." It was Shey who reminded Michelle of that.

" Masasabi mo kaya yung ganyan Lyrica kapag si Kaizer na ang pinag-usapan natin?" Nakataas ang kilay na tanong ni Michelle, agad naman ang pagbabago ng mood ni Shey.

" Don't ever mention the name of that jerk, hindi siya welcome sa kahit na anong usapan natin", matalas na wika nito na sinabayan pa ng pag-irap sa hangin.

Natawa na lang siya sa mga reaksyon ng mga ito. At least, hindi lang pala siya ng namomroblema sa mga ganitong klase ng bagay. Unconsciously kasi ay parang dinamayan na rin siya ng mga kaibigan sa dilemma niya.

Glayssa and Meg Wedding Day.

Kung puwede lang sanang mag back out as a bridesmaid ay ginawa na ni Jhossa, pero hindi niya magawa lalo pa at nauna ng magreklamo si Michelle dahil ayaw nitong makapartner si Dylan na siyang best man naman ni Meg. Baka nasupalpal na silang lahat ni Glayssa kapag may isa pang nagreklamo.

She feels very uncomfortable sa durasyon ng kasal lalo pa at nalaman niyang silang dalawa ni Kyshaun ang partner dahil iyon daw ang gusto ng mga ikakasal.

Ano ito? Playing cupid ang dalawa dahil lang nagkaroon ng katuparan ang love story ng nga ito at idadamay pa silang mga nasa complicated ang sitwasyon?

Kundi lang talaga buntis at ikakasal ang kaibigan nungka as in there's no way na mapapapayag siya ng mga ito na partneran si Kyshaun lalo pa at kasama naman niya si Paul, who happens to be her real partner pero dahil nga ni reshuffle ng dalawang mabait na lovers na iyon ay si Kyshaun ang naging partner niya nga at si Paul naman ay kay Savannah.

Palihim niyang sinulyapan si Kyshaun. Busy ito sa pakikipag- usap nito kila Meg, Kaizer, Dylan at Zachary, habang hinihintay ang pagsisimula ng seremonyas. He was teasing Meg at nakikisama na rin sa panunukso ang tatlo.

After a month ay ngayon niya lang ulit nakita ng binata at kababakasan ng saya ang mukha nito, she was happy that finally Kyshaun had the guts to show to her that he is happy, pero may isang bahagi naman ng puso niya ang nasasaktan. Because she knows for a fact na masaya ang binata because of another person at hindi dahil sa kanya.

Mukhang naka-move on na ito sa nangyari sa kanilang dalawa patunay ang hindi man lang nito pagsulyap sa gawi niya. Simula kanina pa ay hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Na para bang napakalaking pagkakamali sa parte nito kapag nasilayan siya nito.

She shrugged at sinikap na balewalain ang lungkot na nararamdaman. Ibinaling niya ang pansin sa loob ng simbahan, it was really a marvellous wedding indeed dahil kahit madalian lang ang preparation ay talagang ibinigay ni Meg ang kasal na nararapat para kay Glayssa. It was so extravagant na nalula siya sa presyong sinabi ng kaibigan na nagastos ni Meg.

She sighed. Siya kaya may gagastos ba ng ganoon kalaki para lang pakasalan siya? Malungkot siyang napailing.

Maya-maya pa ay nagkaroon na ng komosyon dahil pinaayos na sila ng wedding coordinator, dumating na raw ng bride at mag uumpisa na ang kasal.

Naglakad siya papunta sa puwesto ng mga bridesmaid kung saan naroon rin sila Shey at Angelica, na katulad niya ay nakasuot ng midnight blue na gown na siyang motif para sa mga bridesmaid.

Nang nagsimula na ang wedding march ay naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Kyshaun, hindi niya ito pinansin at diretso lang ang mata niyang nakatutok sa altar. Ayaw niyang makita ang kasiyahan sa mukha nito. Nasasaktan siyang hindi niya maintindihan. Saka na lang kapag mabuo na ulit ang tapang niya na tingnan ang pagkakontento nito.

Mabuti na lang at walang parte sa paglalakad nila ang paghawak sa anumang parte ng katawan nito kaya naman nakahiga siya ng maluwag.

Nang makarating sa upuan na laan para sa kanila ay itinuon naman niya ang pansin sa paglabas ni Glayssa, and they were all awed ng bumungad na sa kanila ang masayang mukha ni Glayssa in her wedding dress. Binalingan niya si Meg na bakas din sa mukha ang kasiyahan habang hinihintay si Glayssa na makarating sa puwesto nito.

Sa buong durasyon ng seremonyas ay hindi nagawang alisin ni Meg ang tingin sa kaibigan hanggang sa sabihin ng pari na banggitin na nang mga ito  ang kanilang wedding vow.

Tumikhim si Meg at saka humarap kay Glayssa, hinawakan nito ang kamay nito at binigkas ang kanyang vow.

" I really don't know how to start this. Halos ilang linggo ko ring prinaktis ang mga sasabihin ko para wala akong makalimutan, but you are a great distraction baby kasi as I look at you now nawala na lahat ng mga prinaktis ko kaya naman bubuo na lang ulit ako ng panibago " huminto ito sa pagsasalita at pinakatitigan ang magandang mukha ni Glayssa. " Glay, baby. You are my one true love. Hindi ko alam kung paano nangyari but I just woke up one day na ikaw na ang hinahanap hanap ko. My body started yearning for you. My eyes started looking for you and my heart started beating for you. The whole me is an empty shell without you. You are my world, my life and my day. I promised to love and cherished you for as long as I live at tulad ng sinumpaan natin. Until the end I will atone myself to you I love you so much"

Glayssa held his gaze for a long moment bago sumagot.

" I will be your wife Meg. I will be your lover, your friend and the mother of your children. Ikaw ang katuparan ng lahat ng pangarap ko. You are the source of my happiness and I regret the day that I almost give up on you kahit ang gusto ko lang talaga ay makasama ka. I am sorry for that but nevertheless thank you kasi despite our differences and my stubborness you still choose to live and fight for our future. I want to spend my graying days with you..." She smiled at him lovingly, then added softly, "And if endless time is possible, I will still love you through "

The marriage celebrant cleared his throat and smiled with pleasure at the unexpected vow. Kahit sila na nakasalpak sa kasal ng dalawa ay pumalakpak ng matapos ang pagsasalita ng mga ito.

Nangilid ang luha ni Jhossa. It was really unexpected, hindi niya akalain talaga na after all these years ay sa simbahan rin ang tuloy ni Glay at Meg

" I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your lovely bride Michael Evres "

Humarap si Meg sa asawa at hinawi ang veil na nakatakip sa kalahati ng mukha nito. His hands went up to cupped her face and softly caressed it bago nito tuluyang sinakop ang labi ni Glayssa for the traditional kiss.

Umiwas siya ng tingin at hindi naman sinasadya na magtama ang tingin nila ni Kyshaun pero sandali lang iyon dahil agad nitong ibinaling iba ang pansin nito. She grimaced.

Eh di wow! Okay ikaw na ang umiiwas at ako na ang iniiwasan, mas maganda.

Bumulong siya kay Michelle at saka mabilis na tumalikod palabas ng simbahan. Hindi na siya nagpaalam pa sa mga bagong kasal dahil alam na naman ng mga ito ang plano niya na hanggang sa simbahan lang siya at hindi na susunod pa sa reception. Naintindihan naman siya ng mga ito kung kay naman may go signal ang pag alis niyang iyon.

Isa pa nagsisimula ng manikip ang dibdib niya dahil sa asar.

Damn Kyshaun for doing this to me. Ano ba ang akala niya sa akin? Display sa tindahan na kung kailan lang siya magandahan ay doon lang niya papansinin? Fuck him to hell!

Nagpupuyos pa rin sa galit na tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan, hindi na nuya naisip ang trauma na dinanas niya noong huling nagmaneho siya, she yanked the door opened and slammed it close, uncaring if there were people na nakakakita sa kanya.

She stepped on the gas at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. She swore kapag may nag cut off ulit sa kanya tutuluyan na niya talagang banggain.

Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Siya naan ang may sabi na mag move on na silang pareho pero bakit ganoon? Bakit siya nasasaktan? Why can't she accept the fact that Kyshaun already move on?

Nang makarating sa kanyang bahay ay agad siyang dumiretso sa kaniyang kuwarto at mabilis na nagbihis keysa isipin pa ng isipin ang mga pandededma ni Kyshaun ay itutuloy na lang niya ang pagpunta ng Samar para bilhin ang mga materials na kailangan nila para sa jewellery products nila.

She needs to divert her attention to other things at baka maloka na lang siyang bigla dahil hindi na nagfufunction ng maayos ang utak niya.

She was putting some things on her luggage nang magulantang siya sa biglang pagbukas ng pintuan ng kuwarto niya at bumungad sa kanya si Kyshaun na madilim ang anyo.

" Where in the hell do you think you're going Jhossa?!" Pagalit na tanong nito leaving her shocked and astonished at his sudden presence.

Anong ginagawa nito dito?

A/N

Sorry for the slow update.. busy kasi ako sa part time job eh and sobrang pagod na kapag nakakauwi ng bahay, but don't worry kasi nahahanapan ko naman siya ng paraan para magawa yung mga next update...

Kaunting patience pa at patuloy na suporta.

Kampay ...

Sinnersaintbitch

Share This Chapter