Back
/ 78
Chapter 24

Chapter 22- The Rings

One Stormy Night

Jhossa was busy packing her clothes nang may maulinigan siyang pagparada ng isang sasakyan sa labas but she was busy ironing her decisions to leave Manila for Samar para makalimutan niya kahit panandalian lang ang problema niya kay Kyshaun.

Ang balak niya ay magpalipas muna ng tatlong linggo or maybe a month na hindi kasama sa hanging hinihingahan niya ang presensya ng dating kasintahan, she can't control herself kapag malapit lang ito. She was lost at hindi magandang senyales ang bagay na iyon. She will just send through emails kay Savannah ang mga designs na napili niya for their jewellery collection.

She was putting her important documents in her hand carry nang biglang bumalandra ng bukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at bumibigay doon ang madilim na anyo ni Kyshaun.

" Where in the hell do you think you're going Jhossa?!" Pagalit na tanong nito leaving her shocked and astonished at his sudden presence.

Anong ginagawa nito dito? Hindi ba at dapat ay nasa reception ito nila Glayssa?

Muli niyang itinuon ang atensyon sa ginagawa, she pretended not to hear a thing, baka sakaling mapikon at  umalis na ito.

" Jhossa Joud!" Kyshaun's threatening voice echoed through the whole room pero hindi niya pa rin ito pinansin, bagkos ay ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga importanteng dokumento sa kanyang bag.

Isa pa, wala naman na siyang pakialam kung magalit ito. Drat this man! Galit na naman sa kanya, well ano naman ang bago eh palagi naman itong galit sa kanya. Wala pa nga siyang ginagawa eh mali na kaagad siya at galit na ito sa kanya. So wala na sigurong problema kung hahayaan na lang niya itong magalit , hindi rin naman kabawasan.

Nagulat na lang siya ng biglang hablutin ni Kyshaun ang damit na ipapasok sana niya sa kanyang maleta at walang pakundangang hinawakan nito ang kanyang kamay at saka hinila siya palabas ng kanyang silid.

" H-hey? What are you doing?" Ngunit hindi siya pinansin ng binata at tuloy-tuloy lang na lumabas ng bahay niya habang hawak pa rin ng mahigpit ang kamay niya. " Shit! Kyshaun, dahan-dahan naman," halos magkandatapilok siya kasusunod sa mabilis na hakbang nito.

Ano bang problema ng abnormal na lalaking ito? Matapos akong deadmahin ng bonggang-bongga sa kasal kanina heto at nanghihila naman ngayon.

" Will you please stop dragging me, nakakaasar ka na. Ano bang problema mo huh? Bakit kailangang kaladkarin pa ako?" Aniya ng huminto sila sa tapat ng kulay pulang Aventador.

Binuksan nito ang pintuan and nudge her not so softly, indicating na pinapapasok siya nito sa sasakyan.

" A-ayoko nga. Ni hindi ko nga alam kung saan mo ako balak dalhin eh—"

" Shut the hell up, Perkins at pumasok ka na sa loob ng kotse." Kyshuan said through gritted teeth, aba himala marunong din palang magtimpi ang baliw na ito, pero hindi siya magpapatalo dito, so she remained rooted on her place.

" I said get in the car," Kyshaun said at ito na mismo ang nag giya sa dalaga upang makapasok sa kotse, he slammed the door closed as loud as it can be, pagkatapos ay mabilis na umiikot sa driver seat at padarag na inistart ang makina nito .

Hindi alam ni Jhossa kung anong klaseng ayos ng upo ang gagawin niya ng mabilis na pinaharurot ni Kyshaun ang sasakyan. Sa sobrang pagkagulat niya ay ni hindi na niya nakuha pang ikabit ang seatbelt dahil sa tila hangin na pagharurot ng sasakyan nito sa kalsada.

" Will you please slow down!" Pahisteryang sigaw niya ng bumilis pang lalo ang pagpapatakbo nito. Pakiramdam niya ay hindi na sumasayad ang gulong ng Aventador sa lupa at talagang natatakot na siya.

Jhossa swear she was sweating bullets dahil sa takot na nararamdaman niya idagdag pa ang napaka seryosong mukha ni Kyshaun.  Ano ba talagang problema nito?

" Kyshaun ano ba? Slow down!" Napatili si Jhossa ng biglang gumewang ang Aventador ng mag overtake  ang binata sa isang sasakyan, napahawak siya sa puso niya na sobrang bilis na ng tibok. Pakiramdam niya ay nawawalan na rin ng kulay ang mukha niya dahil sa takot na nararamdaman niya, gusto niyang masuka pero hindi niya magawa. Abot-abot ang dasal niya na sana ay hindi sila maaksidente at ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa ilalim ng upuan, clutching it as if her life depended on it.

Sinulyapan siya ni Kyshaun at marahil ay napansin nito ang itsura niya kaya naman bahagya itong nagmenor pero mabilis pa rin kaysa sa normal na takbo ng isang sasakyan. Makailang beses rin silang nag overtake sa mga sasakyan and everytime he do so pakiramdam niya ay nagko-collapse ang hininga niya sa takot.

Shit this man! Really!

Record breaking ang ginawa nilang biyahe papuntang Cavite kung saan naroon ang bahay ni Kyshaun at ang pakiramdam ni Jhossa ay hindi na bumalik sa normal na pagtibok ang puso niya. Hanggang ngayon na mabagal na lamang ang takbo ng sasakyan ay hindi pa rin mawala- wala ang takot na nararamdaman niya.

Punyetang lalaki 'to. May balak palang magpakamatay idadamay pa siya. Bullshit talaga!

" Bumaba ka at buksan mo ang gate," malamig na utos nito.

Aba at siya pa talaga ang may ganang magalit, suntukin ko kaya ng madala.

She shook her head at pinakiramdaman ang sarili.

Tang-Ina! Nanginginig pa rin ang mga tuhod niya dahil sa nangyari at hindi niya alam kung maigagalaw niya ito  she feels like her legs turned into jelly dahil hindi niya ito maramdaman.

" Ano pang hinihintay mo? Bumaba ka na at buksan mo ang gate?"

" I-i can't—" umiling- iling siya.

" What?" He snarled at her.

Tumalim ang mata niya. Napakamanhid talaga ng siraulong lalaking ito.

Can't he see that she was shaking and trembling from fear because of his uncanny driving skills? Grabe naman kasi makapag- drive ang lalaking ito, wagas! Akala mo naglalaro lang ng  arcade ang paraan ng pagmamaneho nito.

Lihim na pangangapusan ka talaga ng hininga.

" Napaka-simple lang ng ipinapasa ko sa iyo Jhossa—,"

" Shit ka! Will you please shut the hell up! Hindi mo ba alam kung gaano mo ako tinalo huh? Next time kung balak mong makipag-karerahan at makipag-conference kay kakayahan, huwag mo na akong isama, mag-isa ka na lang," her face flushed after that. Her temper is finally slipping out of her patience.

And thanks to this insane man!

Nagyuko siya ng ulo at ipinikit ang mata trying to calm her nerves. Minsan talaga nakawala na ng poise ang lalaking ito eh.

Tinitigan siya ni Kyshaun at napansin yata nito ang panginginig ng mga kamay niya, pati na ang pamumutla niya, narinig niya ang sunod-sunod na mura nito pero hindi na niya ito pinansin pa.

Bumaba si Kyshaun at binuksan ang gate, sinundan niya ito ng tingin pero nang pabalik na ang binata sa sasakyan ay muli niyang ipinikit ang mata.

Ayaw niyang masalubong ang mga tingin nito.

" Why are you still wearing that?" He asked at sinulyapan siya. His voice  cold yet achingly familiar.

Napakunot siya. Ano bang tinutukoy nito?

She opened her eyes and stared at him. Confusion all over her face .

" Wearing what?"

" Yung singsing na yan," tukoy nito sa singsing na nasa daliri niya. " Why do you keep on wearing that?"

She gasped ungracefully nang mapansin kung ano tinutukoy nito.

It was the ring that was on her finger.

Ang singsing na iniregalo sa kanya ni Kyshaun sa unang taon nila bilang magkasintahan.

Tiningnan niya ang binata na matiim pa ring nakatingin sa kanya at sa daliri niya.

Pinagsalikop niya ang kamay and tried to hide the ring on his smoldering gaze.

" N-no special reason. Nakasanayan lang ng daliri ko na nariyan iyan, hindi na rin naman siya matanggal-tanggal  so I decided to keep it." She shrugged para ipakita dito na wala lang sa kanya ang pinag-uusapan nila.

Kyshaun lips twitched in a dry , sardonic smile. " I want it back. Ibalik mo na sakin ang singsing na iyan."

Napamulagat siya sa narinig. Tama ba iyon? Binabawi nito sa kanya ang singsing na ito.

" C-come again."

" I said I want it back. Ibalik mo na sa akin ang singsing na iyan. Actually matagal ko ng gustong gawin sa iyo yan kaya lang nagbago ka ng husto kaya naman tumagal na sa pangangalaga mo ang bagay na hindi naman nararapat para sa iyo."

" Ayoko nga!" She refused indignantly. " Sa akin na ang singsing na ito. You gave this up ng ibinigay mo ito sa akin kaya hindi mo na puwedeng bawiin."

" Why not? Gusto kong ibigay iyan sa babaeng mapapangasawa ko, it was a ring from my mother, legacy na ng family namin iyan at kailangang ang magsusuot lang niyan at may karapatang mag may-ari diyan ay ang babaeng pakakasalan ko at magiging parte ng pamilya namin. And since it's not you, then wala ang karapatang isuot yan." Hinihingi ni Kyshaun ang kotse sa tapat ng bahay at pinatay na ang makina ng sasakyan.

Tumalim ang mata niya sa narinig mula dito. So may balak na pala itong magpakasal. Kanino naman kaya? Kay Crizel ba? At ang walang pakundangang lalaking ito, talagang sa harapan pa niya sinabi ang mga balak nito.

Mapait siyang napangiti at napailing, hindi niya na alam talaga kung ano ba ang dapat na maramdaman ng mga sandaling iyon. Nabubuwang  na yata siya.

" Naghihirap ka na ba huh Kyshaun at binabawi mo na ang mga bagay na naibigay mo na. Maghanap ka ng ibang singsing na ibibigay mo sa babae mo, huwag mong pagdiskitahan yung nasa daliri ko na. Ano ba yang mga babae mo huh, tumatanggap ng second hand, galing sa second best? Akin na ang singsing na ito. I already engraves my name on it," and yours too, siyempre hindi na niya idinagdag iyon. Pasimple niyang inabot ang door handle at binigyan muna ng natatalim na tingin si Kyshaun bago galit na bumaba at ibinalibag ang pintuan ng kotse.

Dire-diretso siyang nagmartsa papunta sa kabahayan at ng matapat sa pinto na may passcode combination ay galit na ipinunch niya ang unang kombinasyon na pumasok sa utak niya. Fortunately for her ay bumukas ang pinto which surprised her a bit.

Sa salas na siya inabutan nang binata, hinaklit nito ang braso niya at mariing hinawakan iyon.

" Kukunin ko pa rin iyan. Hindi na yan bagay sa kamay mo!" Kyshaun pulled the ring from her finger pero hindi naman iyon matanggal-tanggal sa daliri niya gaya ng sinabi niya dito kanina. " Damn ring! Bakit ayaw matanggal-tanggal?"

" Masakit, ano ka ba? Sinabi ko na nga sa iyo na hindi yan matatanggal."

" Hindi puwede! I have to remove it, come!" Hinila siya ng binata papasok sa bango at itinapat ang kamay niya sa may sink. Inabot nito ang sabon at nilagyan ang daliri niya na may suot sa singsing at pilit na hinihila iyon but to no avail.

The ring wouldn't even bulge.

Parang ayaw na talagang humiwalay sa kanya ang singsing na iyon. Kahit noon pa ay binalak na niya talagang hubarin ang singsing na iyon pero ng tatanggalin na niya ay hindi na niya ito maalis sa daliri niya. It was as if it is stuck on her finger forever.

" Will you please stop doing that," tawag pansin niya kay Kyshaun na pilit na hinuhubad ang singsing." Kahit anong gawin mo, hindi na yan matatanggal, I already tried many times  walang nangyari. Kaya puwede ba, bago mo pa maputol iyang daliri ko tigilan mo na at para na rin sa kaalaman mo hindi na nadadaluyan ng dugo yung daliri ko at na nasasaktan na rin ako. Kaya tumigil ka na sa paghila-hila mo. Masakit! Dumb ass!" Inagaw niya ang kamay at mabilis na lumabas ng banyo.

Drat that man!

Walang modo at walang pakundangan!

Hindi ba nito alam kung gaano kahalaga sa kanya ang singsing na ito.

Naroon lahat ng masasayang alaala niya kay Kyshaun. At nakapaloob din sa singsing na ito ang mga pangako ng binitiwan ng binata sa kanya noon. Noong panahong mahal na mahal pa nila ang isa't-isa.

Mga pangakong kahit alam niyang imposible ng matupad ay pinanghahawakan niya pa rin.

At hindi niya hahayaang mawala iyon sa kanya.

Alaala na lang ang nasa kanya. Hindi ba puwedeng kahit iyon na lang itira ni Kyshaun sa kanya?

She closed her eyes as a solitary tear fell from her eyes.

Nasasaktan na nga talaga siya. Dahil ang pangako niyang hindi na mag aaksya ng luha para dito ay hindi nangyari.

And damn Kyshaun for doing this to her!

A/N

Psst ikaw yes ikaw!

Anong masasabi mo huh?

Why do we always hurt the ones we love?

Votes and comments

Sinnersaintbitch

Share This Chapter