Chapter 23 The Rings 2
One Stormy Night
Authors Note at the Start...
Dear Sinnersaintbitch readers ( haha hindi ko kasi alam kung ano ba ang itatawag ko sa inyo eh kaya yan na lang...ðððð)
Feeling ko ako si Mel Tiangco sa Magpakailanman o si Charo Santos ng Maalala mo Kaya. ðð
I am so touched with all those comments na palagi kong nababasa after a minute, hours or even the day that I updated One Stormy Night sobrang nageenjoy ako parati sa mga nababasa kong feedback galing sa inyo lalo na kapag dinudurog niyo si Kyshaun dahil sa matinding pagkainis na nararamdaman niyo everytime na iniinsulto at inaaway niya si Jhossa. Masarap sa pakiramdam na nakikilala niyo yung character ng story ko at nagkakaroon siya ng impact sa inyo whether it's good or bad still Kyshaun and Jhossa leaving an impact on your subconscious and imaginative side is a great plus plus on me, and I'm so thankful for that. Sobrang nakaka overwhelmed ng pagtanggap niyo sa kanila.
And also katulad na rin sa mga nasabi ko na before sa mga nauna ko ng Authors Note. This One Stormy Night will have the most number of Chapters among all other stories na kasama sa series ng Ever After. Bakit? Dahil gusto ko hahaha... ðððð.
Kaya yung mga umaasa na makikita na nila yung pagkakabaligtad ng sitwasyon nung dalawang character. Tiis-tiis lang muna, darating tayo diyan. Huwag nating madaliin, hindi ko siya nabubulgan ng justice kapag minadali, okay po ba iyon.
One more thing , no one seems to bother and ask why the title is The Rings instead of The Ring, care to tell me your reasons for not asking .
Nyways this chapter will do the explanation and I hope you will not be bored..
I am a sinner...
I am saint...
I am a goddess..
I am nothing in between..
That line will be famous soon....charaught..
Sige na nga happy reading folks...
Sinnersaintbitch
Chapter 23
Akala niya masakit na ang mga ginawa at nagawa ni Kyshaun sa kanya sa loob ng lambing isang taon, akala niya sapat na ang mga napagdaanan niya for him to realize that she deserves to be heard of. Akala niya dahil abogado na ito ngayon ay alam na nito ang sasabihin na there's a two side on every story, pero mukhang nagkamali siya dahil ang gagong abogado na iyon mas pinili pa ring mapaniwalaan ang sarili sa ilusyon na ginawa ni Crizel dito.
She furiously wiped the solitary tear na naglandas sa kanyang pisngi pagkatapos ay matiim na tinitigan ang kamay kung saan naroon ang singsing na ipinagpuputok ng butsi ng tarantadong iyon.
Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya habang inaalala ang mga sinabi lang nito sa kanya.
Magpakasal pala ah, family heirloom pala na ipapasa sa magiging asawa, eh di sige ibalik. Isasalaksak ko pa sa baga ng hudas na iyon eh.
Pumihit siya at bumalik sa banyo kung saan palabas na ang binata na salubong pa rin ang mga kilay. Hindi niya ito pinansin at dumiretso siya sa sink, took an ample amount of soap at binuhos iyon sa kanyang daliri na may suot ng singsing nito.
Hinila niya ang singsing at pilit na hinuhubad ito. If he wanted her to rid that ring on her finger, sige pipilitin niyang tanggalan iyon sa abot ng kanyang makakaya.
Bahala na siya kung kanino niya balak ibigay iyon, hindi na rin naman siguro masama kung palayain na niya ng tuluyan ang sarili mula kay Kyshaun. Tutal iyon rin naman ang gusto ng siraulong iyon mula sa kanya.
Ayaw na niyang maisip pa nito na baka may habol pa siya dito kapag ipinilit niyang huwag ibalik ang singsing na ibinigay nito sa kanya.
" What the hell are you doing?" Kyshaun's voice echoed sa loob ng banyo. Sumunod pala ito sa kanya akala niya dedma one on one na naman sila eh. Pinanonood nito ang ginagawa niyang paulit-ulit na pagsasabon at paghila-hila sa singsing nito.
Nilingon niya ito, but before doing so ay siniguro niyang hindi nito mababasa ang anumang ekspresyon sa mukha niya.
" Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na tinatanggal ko na yung singsing na ito sa kamay ko?"
Kyshaun clenched his jaw bago humalikipkip na sumandal sa hamba ng pinto. His eyes sporting danger pero wala siyang pakialam. Ano pa ba ang magagawa ng galit nito sa kanya eh sanay na siya. Nagulat lang siya siguro kaya siya napaluha but it doesn't mean she still welcome the idea of him hurting her.
No way!
" And what made you change your mind so sudden? Kanina lang habang pinipilit ko sa iyong kunin ay ipinagsisigawan mo na ikaw na ang may-ari ng singsing na iyan, that I should buy another one to give on the woman that I will marry at magdadala ng apelyido ko. So tell me Jhossa Joud , what gives?"
She smiled saccharinely to Kyshaun.
" I guess there's no honor on holding on to this hoax of a ring, nakapaloob kasi dito ang kasinungalingan ng isang tao. All those bullshit and crapiness and crazy ideas were in this piece of a jewellery. But then again kapag iniisip ko naman ang taong nagbigay nito I just give it a thought na patay na ito. That the Kyshaun I know was so long gone and peacefully resting his peace on the side of the Pope, that way gumagaan ang pakiramdam ko at magagawa kong palayain ang sarili ko sa isang kahapon na punong-puno ng kasinungalingan at kapabayaan, panghuhusga at panlalait, then I would come to the realization na walang kuwentang ipaglaban ang kapirasong alahas na ito. I can make more like this mas magandang designs pa. Paul can give me â" napahinto siya sa pagsasalita when Kyshaun pulled her close to his body.
Napasinghap siya. Kung galit ito kanina pa ay mas lalong lumala ang galit na inilalabas nito ngayon.
" Don't you ever say the name of that man in front of me Jhossa. Hindi mo alam kung anong pagpipigil ang ginagawa ko para hindi ko masaktan ang taong 'yun dahil sa ginawa niyo sa akin, but don't pushed your luck hon, don't ever tempt me because you know very well what I am capable of."
" Puwede ba Kyshaun, stop terrorizing me and the people close to me. Wala ka na bang alam gawin kundi ang takutin ako ng takutin huh? Hindi ka pa ba masaya na makita akong nahihirapan dahil sa walang katapusan mong paghihiganti? Holy mother on earth kailan ka ba makukuntento?"
He scowled at her." Sa palagay mo ba makukuntento ako Jhossa? Do you really think na sapat na sa akin ang mga nakita kong nangyari sa iyo for the last eleven years to compensate the hurt that you inflicted on me? Nagkakamali ka! Hindi mo ba naisip kung ano ang nangyari sa akin nung nalaman ko na ang girlfriend ko ay ikinakama ng ibang lalaki? Na hindi siya nakuntento na iginagalang ko siya kaya nagpagalaw siya sa iba. Do you ever give a damn about my broken future because of you, hindi naman diba? You just used me para maging popular ka sa school Jhossa, you never once love and respect the relationship that we had and you never bothered considered our plans in the future. My plans with you at iyon ang hindi ko mapatawad, ang babaeng pinaglaanan ko ng walang katumbas na pagmamahal at ipinagtanggol sa ibang tao ang siyang sumira sa akin , kaya gagawin ko ang lahat para ma parusahan ka for a very long long time."
Nanlaki ang mata niya. Suddenly an urged to laughed was so overwhelming. Ito? Talaga , parurusahan siya?
" And what could be your punishment Kyshaun? Palagi na lang ang iniisip mo ay ako ang may kasalanan sa iyo, pero ikaw, naisip mo na ba kung ano ang mga kasalanan mo sa akin? Para sa taong isinusumbat sa harapan ko ang pagmamahal na sinasabi niya, you are really a dumb ass! May mahal ba na nagpapahirap sa taong mahal niya. No matter what you heard or see about me, dapat you still seek my version dahil kaya kong ipaliwanag sa iyo ang lahat pero ang nangyari mas pinaniwalaan mo si Crizel. Ang babaeng may gusto sa iyo at hantaran ang pagnanais na masira at maghiwalay tayo. You believe her kahit na alam mo na kakikilala mo pa lang sa kanya. You never bothered believing in me kahit na nangako ka sa akin na ako higit sa lahat ang uunahin mong paniwalaan. You ripped my heart open at unti-unti mong pinatay, tapos ang lakas ng loob mong paghigantihan ako when you know nothing all along. Kaya anong karapatan mong akusahan ako ng kung ano-ano?." Ganting sigaw niya wanting to release all of her hatred sa dating kasintahan.
She struggled free of him at nagmartsa palabas ng banyo, nakalimutan na niya ang balak na pagtanggal sa singsing sa dà liri. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Kyshaun. Tumigil siya sa pinaka sala at saka muling humarap dito.
" You know what fine! Punished me all you want pero kapag napatunayan mo na mali ang lahat ng inaakusa mo sa akin, don't you ever show your face on me and beg for my forgiveness, because I swear Kyshaun, even if you crawl five miles from hell hinding-hindi kita patatawarin kaya sige ienjoy mo ang mga pagkakataong mayroon ka, and as for this ring-", itinaas- niya ang kamay na may suot ng singsing nito. " Wait for a week , I will return it to you. Ibalik mo na rin sa akin ang singsing na ibinigay ko sa iyo."
" Naiwala ko na iyon. Just give that ring back to me at huwag mo na ulit babanggitin sa harapan ko ang pangalan ng lalaki mo Jhossaâ"
" Paul is noâ"
" I will ruin Paul Mendres, Jhossa. You know I can do that ."
" Do whatever makes you happy Kyshaun pero ako na lang ang parusahan mo. Don't you ever think of doing something on my broâmanager. Tama na na kinuha mo sa kanya ang MuMendres, leave him alone for goodness sake."
" I will do everything in my power to destroy that bastard and you,"
Umiling siya at saka nanlalaki ang matang pinukol ito ng nahihintatakutang tingin.
" No. You can't do that to him," she shivered at that thought. Ano na ang mangyayari kay Paul kapag itinuro ni Kyshaun ang balak nito dito. He will be devastated. Ang mga negosyong pilit na pinapatatag nito ay para sa pamilyang binubuo nito kasama si Savannah, and because of her ay heto at mukhang malalagay pa ito sa alanganin.
" I can and I will, at alam mong kaya ko. I have him investigated and his business hon kaya huwag mo akong piliting gawin ang mga bagay na iyon because you wouldn't like what I store on you."
" You're playing dirty you son of a bitch! Bakit ba kailangang madamay pa ang ibang tao sa galit mo sa akin?"
Hindi pa rin nagbabago ang madilim na anyo nito.
" I alqays resort to playing dirty when pushed hon, my specialty. At bagay sa iyo ang nagmumura. Whores do curse , don't they?"
" Ikaw ang pinaka- siraulong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko Kyshaun. You're such a misfortune!"
He smiled humorless. " You're breaking my heart hon."
" Siraulo!" Inis na naupo siya sa pang isahang sofa. Napapagod lang siyang makipag-batuhan ng salita dito eh.
" So tell me what you will do to spare your lover on my wrath huh honey?
" Paul is not my lover Kyshaun. You really had a sewer mind!"
" Huwag mo ng subukang mag imbento ng relasyon niyo ni Mendres, Jhossa. The next you will say, magkapatid kayo paiikutin mo na naman ang utak ko dahil sa kasinungalingan na iyon."
" Bahala ka sa buhay mo Kyshaun. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." Pinikit niya ang mata at marahang hinilot ang sentido na nagsisimula ng sumakit. " Puwede na ba akong umuwi?" Tanong niya na tinapunan ng tingin ang binata. She is tired from the wedding and this argument with Kyshaun. Kailangan na talaga niyang mawala sa paningin ng lalaking ito bago bumigay ng husto ang emosyon niya.
Walang imik na lumabas si Kyshaun matapos makipag sukatan ng tingin sa kanya. Jhossa breathe heavily ng mawala ito sa paningin niya. Maya aya pa ay narinig na niya ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan. She rolled her eyes at saka lumabas at mabilis na sumakay sa Aventador, not even bothering to give him a glance.
Hanggang sa makarating sa bahay niya ay hindi na sila nag imikan pa ni Kyshaun. Mas mabuti nga iyon at least napahinga na ang tenga niya mula sa mga pasaring at insulto nito.
She reached for the door handle at akmang bababa na ng magsalita si Kyshaun.
" Be my lover Jhossa. " He said silently pero parang bombang sabog iyon sa pandinig niya.
" W-what!?"
Shocked and surprised is visible on her face.
Tang Ina? Sino ba ang hindi magugulat sa sinabi lang nito?
Mababaliw na talaga siya sa kaiintindi sa lalaking ito.
A/N Part 2
How's that?
Wait for the next update.. will you?
Do your part.... Thank you....
Sinnersaintbitch...