Back
/ 78
Chapter 26

Chapter 24 Be Mine

One Stormy Night

" Be my lover, Jhossa." Kyshaun voice though so quiet lit a thousand bombs in Jhossa's life at that very moment.

Yung pakiramdam na nasabugan ng bomba ay literal na naramdaman ni Jhossa ng marinig ang sinabi ng iyon ng binata.

He was asking her to be his lover. Ano na naman ang pakulo ng magaling na lalaking ito?

Mapapanganga ka na lang talaga sa gulat eh.

Bipolar na yata ito. Ang lakas ng saltik sa utak.

Kanina lang galit na galit sa kanya at nakikipag sigawan pa sa kanya habang tineterrorise ang pagkatao niya, tapos ngayon biglang kakambiyo at magbibitaw ng isang nakakatawang punch line.

Ano comedy bar lang ba ang peg nila?

Haisst, ano ba talaga ang dama ng lalaking ito? Naggihiganti or what. I'm so confused.

" Hey," pumitik si Kyshaun na nagpabalik kay Jhossa sa katinuan. " Close your mouth. Baka mapasukan ng langaw." He chuckled lightly.

" W-what?" Disoriented she composed herself at muling ibinaling ang naguguluhang tingin dito. " Alam mo Kyshaun, hindi ko alam kung baliw ka or what. You're angry it is given pero yung mga ginagawa mo naman taliwas sa lahat ng mga sinasabi mo. Once and for all magkaliwanagan nga tayong dalawa. " Humarap siya dito at humugot ng matalim na hininga bago muling nagsalita. " What are you trying to prove this time? Why ask me what you just asked me? Are you planning something huh?"

" Jhossa honey. I only ask you to be my lover take note lover at hindi girlfriend or asawa, so need to ask surprised. Ang kailangan ko lang ay karamay sa gabing nag-iisa ako at kailangan ng entertainer. Yung bang tipo ng babaeng magpapainit sa mga gabi ko at pupuno sa kama ko kapag kailangan ko ng kasama. How convenient it will be for me kapag ikaw ang babaeng iyon. Imagine this one, the top model and pride of the Philippines in fashion is my bed warmer. Sinong mag-aakala."  He gave her a bored look. " Akala mo kung ano na no?"

She gasped. What the hell?

" A w-what?" She stammered with her question. Tama ba ang narinig niya? Inaalok siya nitong maging tagapagpainit ng gabi daw nito.

Ang kapal ng mukha ng siraulong ito. Anong akala nito sa kanya parausan? Walang hiya talaga! Iyon ba talaga ang pagkakakilala nito sa kanya?

" Be my lover Jhossa, that way you can save your lover Paul on my wrath. Hindi ko papakialaman ang negosyo niya at wala akong gagawin sa kanya na tiyak na ikasisira niya sa mundong ginagalawan niya, but in exchange to that you have to agree. And I can assure you the safeness of his life and his wealth."

" Pero bakit maging lover mo pa ang hinihingi mong kapalit Kyshaun? Why not tell me or ask me to completely disappear in your life para matapos na ang lahat ng ito."

" And where is the thrill in that, hon? Bakit ko naman hihilingin ang isang bagay na alam ko namang madali mong magagawa. If I ask you to disappear mas mabilis pa sa hangin na makakapagtago ka, without even blinking, just like what you did before so paano pa kita mapaparusahan?" He gave her a deadpan look. " And besides I want a fair share on that sexy body of yours. I wanna know the reason why those man ogles at you everytime at bakit lukong luko sila sa iyo. Ano ba ang meron sa pagitan ng nga hita mo at hindi ka kayang tantanan ng mga lalaking iyon."

Napamulagat siya sa direktang pag amin ng binata, so katawan lang pala niya ang habol ng gago, nagpabulaklak pa ng maraming salita doon lang din pala ang bagsak.

" And what if hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari, anong gagawin mo huh?"

He squared his shoulders at diretso siyang tiningnan. " Then I will destroy your man, Jhossa. I will bring him down to the lowest na irerequest na lang niya na sana pinatay ko na lang siya as his punishment for what he has done to me ng agawin ka niya sa akin. I will make him suffer."

" You're really crazy!" Hindi makapaniwalang nakipagtitigan siya dito. " I never expected this one on you Kyshaun, hindi ka ba nahihirinan  sa mga pinagsasasabi mo? Titigilan mo si Paul kapalit noon ay magiging babae mo ako? Why ?"

" Oh c'mon Jhossa, don't act like you were a cold feet. Alam naman natin na sisiw lang sa iyo ang  bagay na iyon, Hindi nga ba at kung kani- kanino mo na lang ibinubuka yang hita mo kapag may pagkakataon ka," bumaling ang mukha ni Kyshaun ng sampalin niya ito ng buong lakas.

Hindi na siya nakapag-pigil pa, at talagang kumawala na ang galit niya dito.

" Damn it Kyshaun, you really are crossing the line! Bakit ba hindi mo maisip na hindi ako ganoong klase ng babae? You are a lawyer for goodness sake at alam mong puwede kitang idemanda dahil sa mga paninirang puri na ginagawa mo. Wala kang patunay na ganyang klase nga ako ng babae. You're picture na sinasabi mong ebidensiya ng kalandian ko is not really a bases para paulit-ulit mo akong pagsabihan ng kung ano-ano. Mag-isip ka naman please!"

" Why Jho? Kapag ba tinanong kita kung ikaw ba yung nasa larawan na iyon, itatanggi mo ba o aamin ka? Which is which? Hindi ko na kailangang sirain ang puri mo Jhossa Joud, dahil in the first place wala naman ng masisira hindi ba?"

Nanlulumong isinandal niya ang likod sa upuan at diretsong tumingin sa harapan. Madilim na at ang ilaw na lang galing sa poste ang siyang tumatanglaw sa kinaroroonan nila.

" Ako yun Kyshaun. Ako talaga ang nasa picture at hindi ko iyon itinatanggi. At si Paul nga ang kasama ko ng mga oras na iyon, so there's no need to deny anything."

" Exactly my point Jhossa." Ni hindi nito ininda ang lakas ng pagkakalapat ng kamay niya sa mukha nito. " You're picture speak for you kaya ano pa ang halaga ng sinasabi mong I had to seek for the truth gayong totoo naman ang lahat."

Hindi na lang siya umimik at inabot na lang ang door handle at binuksan na ang sasakyan. She would rather disappear in front of him kaysa naman makipag-batuhan ulit ng mga salita dito.

" Think of what I have said Jhossa. Bibigyan kita ng isang araw para makapag- isip. If you are ready to talk, puntahan mo ako sa bahay ko. Or perhaps you can give you me a call, at ako na ang pupunta sa iyo." Kyshaun told him bago pa man tuluyang lumapat sa lupa ang mga paa niya. " And I expect that you will agree, tutal iyon naman talaga ang gawain mo hindi ba? Ang sumabit sa mga lalaking  sa palagay mo ay makakatulong ng malaki sa iyo, and I am not different from those men."

Tumango siya at saka tuluyan ng bumaba. Hindi na niya nilingon pa ang binata at sumasakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak. Kung puwede niya lang talagang isungalngal sa binata ang buong katotohanan, ginawa na niya pero hindi.

Buwiset kasi ito!

" I will be waiting Jhossa." Kyshaun's said. " Pumasok ka na ng bahay mo. There's no need to see me off." he instructed at saka binuhay na ang makina ng aventador. " Isang araw lang Jhossa Joud okay, walang labis , walang kulang. First thing the day after tomorrow, kailangang may sagot ka na sa proposal ko. Or else you know what will happen to your precious Paul."

Tumango siya at humakbang papasok ng kanyang bahay

Ginigipit siya ng binata at wala siya sa posisyon para umangal dahil ayaw niyang maapektuhan ang negosyo ni Paul.

Malaki ang utang na loob niya dito at hindi niya hahayaang madamay ito sa galit ni Kyshaun sa kanya.

She will protect him as he protects her.

Kahit ang ibig sabihin pa noon ay isasakripisyo naman niya ang kanyang sarili.

A/N

As promise...

Just ignore the typos and wrong grammar if there is any....

Goodnight ..

Votes/ Comments

Sinnersaintbitch

Share This Chapter