Back
/ 78
Chapter 27

Chapter 25 Deal with the Devil

One Stormy Night

Senti mode siya.Nasa loob lang siya ng kuwarto niya at hindi lumalabas doon mula pa kagabi ng ihatid siya ni Kyshaun sa tahanan niya at syempre pa si Kyshaun pa rin ang laman ng isip niya. All their memories noong sila pa ay kusang dumadaloy sa utak niya,

She had to a lot of thinking sa ganoong paraan na lang niya inilalabas ang tunay na nararamdaman niya, wala naman kasi siyang sasabihan ng problema niya.

Lutang din sa mga problema sa buhay pag ibig ang mga kaibigan niya, si Michelle nakikipag-matigasan kay Dylan na dati nitong kasintahan, si Shey naman ayun nakikipagsukatan ng kakayahan kay Kaizer, si Angelica naman ay nag disappearing act at hindi mahagilap, na depressed yata ng malaman na magbabakasyon si Zachary, tapos si Glayssa naman na bukod tanging masaya dahil nakahanap na ng ka forever ay kasama ng asawa nitong si Meg at kasalukuyang nasa honeymoon.

At siya naman hayun... mas malabo pa sa liwanag ng kalawang ang buhay pag-ibig niya. Ni hindi nga niya alam kung may love life nga ba siya eh.

She was staring blankly at the ceiling, iniisip pa rin niya ang ultimatum na ibinigay sa kanya ni Kyshaun nang biglang pumailanlang ang isang kanta.

Tulala sa isang tabi at di mapakali, Ating nakaraan minumuni- muni.

Di lubos maisip kung bakit nagkalayo, kaya ngayon ako'y isang bigo.

She gulped. What the heck? Pinatatamaan  ba siya ng tagalog na kantang ito?

Nagkulang ba ako sa iyo?

Kaya tayo ngayo'y magkalayo.

Walang nagawang kasalanan

Kundi ang nagmahal sa iyo ng lubusan.

The fudge! At talagang may kurot sa puso niya ang bawat salitang binibigkas ng singer.

Shit lang ah! Bakit naman kung kailan under mix emotions siya ay saka naman may ganitong tugtugan? Pati ba naman kanta nakikisama sa kalabuan ng nararamdaman niya?

Ako'y may natutunan sa aking karanasan

Mali ang magmahal agad ng lubusan

Pigilan ang damdamin

Kung kailangan

Upang di masaktan kung ikay iiwanan

May natutunan nga ba? Hindi ba at hanggang ngayon hindi ka pa maka-move on kay Kyshaun?

Kasalanan bang mahalin ka ng lubusan?

Upang ako'y iyong iwanan

Bakit kung sino pa ang totohanan ay siya pang nililisan?

Inis na bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at pinatay ang

player. Mas mabuti pang lukubin na lang siya ng katahimikan keysa naman ipaalala sa kanya ng kantang iyon ang lahat ng mga hindi niya dapat na maalala.

So much for having a senti moment. Imbes na makalma ang damdamin niya ay heto tuloy ang napala niya, nauungkat lang ang sakit sa dibdib niya, lalo pa at may sariwang sugat na namang iniwan ang mga sinabi lang sa kanya ni Kyshaun kagabi.

My gosh Jhossa! Hanggang kailan mo ba iindahin ang mga sinasabi sa iyo ng lalaking iyon? Tanggap ka na lang ng tanggap na parang okay lang ang lahat but the truth is you're just like a ticking bomb na malapit ng sumabog.

She heaved a sighed at malakas na tinapik tapik ang dibdib dahil nararamdaman na naman niya ang pamilyar na sakit na iyon. She wanted to get rid of that hurt the sooner the better, pero kapag naaalala naman niya ang usapan nila ng demonyo at bipolar na lalaking iyon ay umuurong naman ang tapang niyang burahin na ito ng tuluyan sa buhay niya.

She need not to think of herself here. Kung siya lang sana ang taong involved wala ng kaso sa kanya ang galit ng binata, but he was threatening not only her kundi pati na rin si Paul. At ayaw niyang si Paul ang balingan nito ng galit nito sa kanya.

Lalo pa ngayon at kailangang kailangan talaga ni Paul ang mga bagong investment para sa itinatayo nitong bagong textile company dahil na rin sa lumalaking pangangailangan nito. She wanted to help him at kung ang pagpayag sa kagustuhan ni Kyshaun ang paraan para matuloy ang mga proyekto nito, then she will do it.

Come hell or high water!

Pumasok siya ng banyo at mabilis na naligo at nagbihis. Hindi na siya nag abala pang maglagay ng anumang kolorete sa mukha at basta na lang ipinusod ang buhok. She grabbed her phone at mabilis na idinayal ang numero ni Kyshaun, kung paanong naka-save iyon sa phone niya ay hindi na niya pinagkaabalahan pang malaman. Marahil ay noong naaksidente siya ay pinakialaman nito ang cp niya para matawagan si Michelle na siyang sumundo sa kanya noon mula sa bahay nito.

" You already have a decision?" Iyon agad ang bungad sa kanya ng binata ng sagutin nito ang tawag niya.

Huminga muna siya ng malalim at makailang beses na napalunok bago sinagot ang tanong nito.

" Y-yes," she answered throatily. Tumikhim siya at saka inulit ang sagot with more conviction now. " Yes, pumapayag na ako sa gusto mong mangyari Kyshaun. And I want us to talk about that, puwede ba tayong magkita?"

Ang inaasahan niyang mapanuyang komento ni Kyshaun ay hindi niya narinig bagkos matagal bago ito makapagsalita. All she heard on the other line is the quickening of his breathe na tila nahihirapang huminga pero hindi naman.

" Hoy Kyshaun!" Tawag niya sa binata ng manatiling hindi ito umiimik sa kabilang linya. " Ano na bakit hindi ka na umimik diyan? Are you free ? Kailangan kasi nating mag-usap about this shitness. And knowing you alam kong marami kang iseset na rules, kaya marapat lang na magkausap tayong —"

" In my office Jhossa. Come here in my office." Iyon lang at pinutol na nito ang linya, leaving her gawking at the phone.

Hmmmp! Wala talagang modo ang lalaking iyon, sukat ba namang patayan siya ng telepono.

Napasimangot siya.

Kaunting-tiis lang Jhossa. Kapag napapirmahan na ni Paul ang multi million dollar project na iyon ay gagawin naman niya ang dapat sana ay matagal na niyang ginawa.

Ang maningil sa utak bilwang lalaking iyon. At next ay pahirapan si Crizel, ang papansing babaeng iyon.

Sisiguraduhin niyang pagkatapos niya dito ay hindi na gugustuhin pa ni Crizel na makasalubong kahit na ang anino niya.

She will create havoc in that woman's life just like what she did to her life.  An eye for an eye, a tooth for a tooth.

Lumabas siya ng bahay at agad na naghanap ng taksing maghahatid sa kanya sa opisina ng binata. Hindi pa siya nagmamaneho ulit ng sarili niya lang simula noong masangkot siya sa aksidente. She still felt fear everytime na mauupo siya sa driver seat, pakiramdam niya kasi ay sinusundan siya ng may ari ng mga matang iyon na nakita niyang nakatingin sa kanya habang pinipilit niyang iiwas ang sarili sa disgrasya.

She was so busy running her thoughts ng sabihan siya ng driver na naroon na sila sa law office ng binata.

She hurriedly pay him at mabilis na bumaba ng sasakyan at tiningala ang mataas na gusali.

Really! This is Kyshaun place? Eh di para palang ipinapasok niya ang sarili sa isang lugar na wala ng labasan.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at saka diretsong pumasok sa building, uncaring kung siya ang pinag- tutuunan ng pansin ng ilang empleyado doon na nakakakilala sa kanya. Its not everybody you see a former supermodel walking in your building eh.

Lalapit pa sana siya sa information upang magtanong nang may mga lalaking parang mga PSG ang lumapit sa kaniya.

" Miss Jhossa?" tanong nito. Nilingon niya ang mga ito at saka tumango, kilala niya ang mga ito, must be Kyshaun's bodyguards. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Attorney, sumunod po kayo sa amin."

Napapantastikuhang sumunod siya sa mga ito. Really? May pa-welcome pa ang damuho. Iginiya siya ng mga ito sa isang private elevator na ang pinto ay nakabukas na habang binabantayan ng isa pang kasamahan ng mga ito.

" Kusa na pong hihinto iyan sa penthouse Miss Jhossa. Nandoon po si Attorney. Doon na lang daw po kayo mag-usap." Ni walang kangiti-ngiting sabi nito , napatango na lang siya bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator.

Nang makarating sa penthouse ay napapikit si Jhossa kasabay ang pagkaramdam ng kakaibang kaba. Kinakabahang lumabas siya ng elevator and was welcome by the warmth of Kyshaun's place na bahagyang nagpakalma sa kanya.

Well the place really look nice. It was overlooking the whole place dahil sa glass panel na nagsisilbing pader nito.

This is it! Wala ng atrasan oras na magkaharap na kami ni Kyshaun. I will be his unwilling lover dahil ni sa hinagap ay hindi niya naisip na gagawin niya ang bagay na ito sa kahit na sinumang lalaki.

At ang pinakamatindi pa sa lahat, kay Kyshaun niya pa ito mararanasan. Isang pinakamalaking insulto para sa kanya ang bagay na ito, because she knows very well na gagawin ni Kyshaun ang lahat mapahirapan at mapasakitan lang siya ng husto.

And worse is maduming babae ang pagkakakilala sa kanya ng binata. Anong kailangan niyang idahilan kapag humiling na ito ng bagay na ganoon? O hahayaan na lang niyang mapatunayan nito na mali ang lahat ng maruming akala nito sa kanya.

" Don't just stand there lady na parang may hinihintay ka pang dumating.  My elevator is private and no one can use it unless of course with my permission, kaya kung sinuman ang hinihintay mo mapapagod ka lang."

" W-wala naman akong hinihintay." Damn her for stuttering, sino ba naman ang hindi mauutal kapag ganito ang bumungad sa paningin niya.

Damn this delicious hunk of a man!

" Having a feast hon? Pumasa na ba ako sa panlasa mo?"

" Hmpppp! Bakit ka ba ganyan magtanong, eh alam mo naman na kung ano ang itsura mo hindi mo na kailangang ipagmayabang iyon. Matagal ka ng guwapo  per------"

Kyshaun just chuckled. Amusement lit on his dark green orbs. Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. He leaned forward at bumulong sa kanya.

" That's good to hear hon. A pleasant in my ear. You look beautiful also. So simple yet so alluring."

She shivered nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata. She was fully aware of the masculine body that was pressed against hers.

Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng pagkailang.

Kahit kailan talaga ay hindi siya komportable sa pakiramdam na madidikitan siya ng mga kalalakihan.

Sa tanang buhay niya ay ilang lalaki  lang ang hinayaan niyang magkaroon ng close contact sa kanya.

Ang daddy niya, si Paul at syempre si Kyshaun. Well for Kyshaun sake hindi lang simpleng pagdaiti ng katawan ang naranasan niya dito. He explored her body and introduced it to that world na  hindi maarok ng utak niya noong una but when she had a taste of it she became addicted na gusto niyang maranasan ulit but she got hold of herself. Sobrang pagpipigil sa sarili ang ginawa niya upang pagtakpan ang pagnanasang nararamdaman niya when Kyshaun is around. She had to build too much of a composure para hindi nito mabasa mula sa kanya ang pagkasabik na nararamdaman niya sa mga sensual na hawak nito.

Pakiramdam ni Jhossa ay biglang nag init ang buong paligid at hindi siya handa para dito kaya naman mabilis siyang humakbang palayo kay Kyshaun sinisikap alisin ang pagdagsa  ng kakaibang pagnanasang iyon sa katawan.

" Ahmm, let's talk about our deal,"  Jhossa said. Her breathe hitched on her throat dahil nahihirapan siyang patayin ang init na unti-unting lumulukob sa katawan niya.

Shit! What's happening to me? Bakit bigla akong nakaramdam ng ganito? Why all of a sudden I feel so horny? At kay Kyshaun pa? Oh my horrifying Lord?

" Yes we should," Kyshaun said at muling lumapit sa kanya. " But I prefer talking while you are in my arms hon." She shivered ng ipulupot ni Kyshaun ang kamay nito sa beywang niya, holding her immobile and causing her to draw a sharp ragged breaths.

" P-puwede naman tayong mag- usap kahit may distansiya—"

" No!" Mariing sabi nito." The moment you said yes, is the moment na nagsimula na ang deal natin. And our deal my dear honey is that you will be my lover. At nag umpisa na iyon ngayon. So let me feel your body while I am talking to you. And besides yakap lang naman iyon, mas matindi pa nga sa yakap ang naranasan mo na mula sa ibang mga naging lover mo hindi ba?"

She smirked. " Magkakasakit ka ba kapag hindi mo ako nainsulto,  because honestly Kyshaun feeling ko gamot mo na ang pagtawag sa akin sa mga masasakit na salita. Magpahinga ka naman kung hindi nakakahiya sa iyo."

He just sneered at ibinaon ang mukha sa leeg niya which caused her to gasped surprisingly.

Punyeta naman! Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Is he seducing me or what?

" Okay hon, set your rules and demand from this deal," he said. Nanlaki ang mata niya.

Seriously? Puwede siyang magdemand dito?

" What?" She heard it but she asked again to double check.

" Ang sabi ko set your rules and demands, I had to make this deal beneficial to both of us so you have to have a say on this deal."

Agad na nagliwanag ang mukha niya sa narinig na sinabi nito.

Really? Kyshaun will do that?

Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon at nilitanya niya ang mga rules niya sa harapan ng binata.

" Well, my first rule is, bawal ungkatin ang lahat ng nakaraan tungkol sa ating dalawa. Any feeds about that will bring this deal to an end at hinding hindi mo na guguluhin pa si Paul. Second, stop calling me names. Third no insulting.  And lastly dapat ang isa't -isa lang muna ang pakikinggan ng sinuman kapag may problemang dumating, huwag maniniwala sa iba, because that is toxic and not healthy ".

" Iyon lang ba? Wala ka ng gustong idagdag?" He asked. He was still clinging to her na para bang natatakot itong mawalay siya dito. " Ako naman, rule number one. While Jhossa Joud agreed to be the lover of Kyshaun Drake I expect you to be loyal to me at all times. Hinding hindi ka  magbabanggit ng pangalan ng kung sinumang lalaki na magiging sanhi ng galit ko okay. Second, you Jhossa Joud agreed also to be my bedmate and thus entitled me Kyshaun to possessed and own your body the whole time you are under the deal. You will also become my companion kapag may mga business trip ako because for sure I will be bored there and I need entertainment. And of course kahit na mahirap sige hinding hindi na kita iinsultuhin, just make sure na wala kang gagawing bagay na magtitrigger sa pagiging seloso ko."

Tumango siya tanda ng pagkaintindi niya sa mga sinabi nito.

" And now let's seal it with a kiss." And before Jhossa could react, Kyshaun's mouth slanted on her lips, giving her a wild, and fiery kiss.

A/N

Pahabol....

Must be the start....

Wahahaha....

Ui umasa siya

Votes/ Comments

Sinnersaintbitch

Share This Chapter