Back
/ 78
Chapter 34

Chapter 32 Wrong Move

One Stormy Night

" Ladies and Gentlemen, our very own Jhossa Joud," napangiti siya ng ipakilala siya ni Kyshaun sa mga bisita nito. In her heart nag-uumapaw ang kasiyahan niya, but then again it was short live

Because what Kyshaun said next shattered the hopes that lighten in her heart. " Siya ang ating personal maid for tonight. Hindi ba Miss Perkins?" The smile that Kyshaun gave her is taunting parang naghahamon na pasubalian niya ang mga sinabi nito.

She gasped ungracefully, kasabay din noon ang malakas na bulungan nang mga nakaupo sa hapag-kainan. All of them was filled with awe and wonderment.

Bakit nga naman hindi, isang sikat at dating supermodel ang magsisilbi sa kanila, who would have thought that this day will come.

Ang dating tinitingnan nila mula sa stage at tinatanaw mula sa malayo ay kaharap na nila ngayon. Clad in a very sophisticated yellow dress with matching killer hills , all dressed up for this occasion. Iyon pala ay magiging taga-silbi lang ng intrimitido at mayabang na abogadong ito.

Hindi niya ito sinagot bagkos ay tinitigan niya ito. Her eyes sporting the anger and hurt that she feel, pero ni hindi niya makuhang makapag produce ng kahit na anong salita.

Deep in her heart she knows just what she would like to do with this man, she wants to throw all the things that was in the table to his face pero hindi pa naman siya ganoon katanga para hayaan itong ipahiya siya sa harapan ng mga bisita nito.

Because she knows that's what Kyshaun want. He will pretend that he still cares for her pero ang totoo hinuhukay na nito ang butas na paglalaglagan niya.

So much for believing this dumb ass!

" Pumunta ka na sa kusina Miss Perkins, kanina pa nagugutom ang mga bisita ko. It's time to do your task. Nandoon si Manang Eli, sasabihin niya kung ano ang gagawin mo." Utos ng binata na parang nasisiyahan pa sa kalituhan niya.

Tototohanin talaga nito?

Oh my! At talagang sa ganito mauuwi ang gabing pinaghandaan niya?

" What are you still doing, standing there lady?" Pumuno sa buong silid ang boses ni Kyshaun, it was sharp and emotionless, malayo sa naglalambing na boses na ginamit nito kaninang nasa opisina niya ang binata. " Move!" Animo katulong talaga siya nito kung makautos, peste lang talaga!

Narinig niyang naghagikhikan ang mga babaeng bisita, at nag bulungan pa, kung kaya naman ang iritasyong nararamdaman niya ay paunti-unti ng umaakyat sa ulo niya. She could feel the blood starting to rise on her system, kaunti na lang talaga.

She closed her eyes, pigil na pigil ang galit na pilit kumakain sa sistema niya.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa purse bag niya na gustong-gusto na niyang ihagis sa pagmumukha ng tarantadong lalaking ito.

Breathe Jhossa, keep calm! She reminded herself. Don't let that man gets the best of you.

Walang imik na naglakad siya papunta sa kusina kung saan naroon ang sinasabi nitong Manang Eli, na siyang magiging kasama niya sa pagsisilbi sa nga ito, which she notices ay ang mga kaibigan pala ni Kyshaun noon.

The same friends who watched her while she beg for Kyshaun's attention noong tinapos nito ang relasyon nila.

Her face hardened upon remembering kung paano siya pinagtawanan at nilait ng mga ito noon.

She swear pagkatapos ng gabing ito, tatapusin na rin niya ang deal sa siraulong ito.

Sasabihan na lang niya si Paul para at least may alam ito sa mga balak ni Kyshaun.

Tinitigan niya ang binata na nakatingin rin pala sa kanya. Sinalubong niya ng walang emosyon na tingin ang mga titig nito sa kanya pagkatapos ay inismiran ito saka dumiretso na sa kusina.

Labag man sa loob ay pinagsilbihan niya ang mga ito, kahit sa totoo lang ay gusto na niyang ibalibag sa mga ito ang mga pagkaing sineserve niya.

" Hey miss supermodel, could you give me a glass of water," tiningnan ni Jhossa ang nagsalita, ang babaeng katabi ni Kyshaun iyon na parang linta kung makadikit dito.

Namputsa naman, at iuutos pa talaga sa kanya eh halos katabi lang nito ang pitsel.

" Hey I said give me a glass of water," may pagkairita na ang boses ng babae ng manatili hindi kumikilos si Jhossa. Pati ang ibang nasa lamesa ay nakatingin na rin sa kanila. " Are you deaf?"

Lumapit naman si Manang Eli at ito na sana ang maglalagay ng tubig ng magsalita si Kyshaun.

" Miss Perkins," tawag nito sa kanya sa matalim na tinig na sinuklian lang niya ng bored na tingin. " Inuutusan ka ng bisita ko, where is your manners? Bakit hindi mo magawang sumunod sa isang simpleng command?' pakiramdam ni Jhossa ay double meaning ang tanong na iyon ng binata. " Go give her what she wants. Manang Eli pumasok ka na sa kusina."

Atubili pa ang matanda na sumunod sa sinabi ng binata, but one look at Kyshaun ay tila nahihintatakutang mabilis na tumalima ito, kaya naiwan siyang mag-isa kasama ng mga ito.

Ilang segundo ring nakipagtitigan si Jhossa sa binata. Sabi- sabing emosyon ang nababasa niya sa mata nito, Pero mas nangingibabaw ang galit na hindi naman niya alam at maintindihan kung saan nanggagaling. Samantalang pinanatili naman niya ang blankong emosyon upang hindi nito malaman ang tunay na saloobin niya.

" Jhossa!" His voice held warning. Napipilitang lumapit siya sa mga ito at inabot ang pitsel at akmang sasalinan ng tubig ang baso ng socialite ng maramdaman niya ang malamig na bagay na iyon na tumapon sa kanyang damit.

" What the hell!" She muttered angrily at ng tingnan niya kung sino ang may gawa noon ay nakita niya ang nakangising socialite who had a smug look on her face.

" Ay sorry! Hindi ko sinasadya. Sayang naman ang gown mo namantsahan yata," humagikhik pa ito na parang tuwang-tuwa sa nangyari.

Pinagmasdan ni Jhossa ang pagkalat ng mantsa ng red wine sa damit niya. It creates a huge mess on her yellow dress at kitang kita iyon.

She raised her head at nakita niya ang nagkakatuwaang tawanan ng mga taong naroon at ng balingan niya si Kyshaun ay seryoso ang tingin nito sa kanya. Ni hindi nga yata ito naapektuhan sa ginagawang pambabastos sa kanya ng mga bisita nito.

Ang pagtitimping pinipigilan niya kanina pa ay parang spark ng kuryente na biglang naputol. Humigpit ang hawak niya sa pitsel na puno ng tubig at saka binalingan ang socialite na biglang nawala ang ngiti sa labi ng makita ang anyo niya.

" Do you really think that by saying that lame excuse ay maniniwala ako na hindi mo talaga sinadya ang nangyari?" She questioned her, her sweet voice belied all the emotions that she really feels. " I am so fuckingly familiar with that kind of shit. Miss whoever you are. I am not an A-list persona for nothing, but what you really did was such a shitty that I cannot forego. Tingnan mo ang damit ko at ang damit mo. You're dress was cut and made by a very poor fabric in a very cheap and low prices," she smiled to herself ng marinig ang pagsinghap nito dahil sa pang-iinsulto niya dito. " While mine was made by a very fine silk and worth a thousand of dollars and yet you ruined it. So you see we are too different people and I have no idea why would you do that, dahil ba sa gusto mo akong pagtawanan or gusto mong mapagtawanan?" She slowly poured the pitcher of water on the socialite head, who shrieked and shrieked dahil pati ang mga tube ice na nasa pitsel ay sumama sa ibinuhos niya dito. Narinig niya ang malalakas na singhap galing sa ibang naroon, but she was beyond everything, ang kagustuhang ibalik sa babaeng ito ang pamamahiya nito ang siyang tanging bagay na tumitino sa utak niya. " Remember this, hindi ako ang tipo ng taong mabilis na magalit, but i won't tolerate people na nagtitrigger happy lang para mapagbigyan ang kapritso niya." She leaned in at tinitigan ang babae habang bumuhos pa ang tubig sa mukha nito pababa. " Do I make myself clear?" Tanong pa niya at saka dumiretso ng tayo. " Now who else wanted a cold blooded glass of water?" Pinalibot niya ang tingin sa paligid Pero nag iwas ng tingin ang mga naroon. " Good now at least you all learned your lessons, the special way!"

" Enough of that Jhossa!" Kyshaun's voice rung in the whole room. " Wala kang karapatang bastusin ang mga bisita ko!" His voice thunderous at ng balingan niya ito ng tingin ay nanlilisik ang mata nito sa galit.

But Jhossa is angry too at hindi na niya kaya pang pigilan ang pagragasa ng galit niya.

" At ikaw at sila, may karapatang bastusin ako? Who in the hell gave you the permission to do that to me in the first place? Sino ka ba sa palagay mo huh?" Pasigaw na tanong niya dito matching his anger. Humigpit pa ang hawak niya sa babasaging pitsel, pilit na pinipigilan ang sarili na ibato ito sa gagong lalaking kaharap niya.

" You deserve it!"

Tiningnan niya ang socialite na binuhusan niya ng tubig. " Well, she deserves it too!" She retorted bitchily.

" But she is my guest, you could have at least-"

" Well, as far as I remember I was invited to be your guest not to be your maid. Gago ka pala eh. Kung sana nilinaw mo sa akin kung ano ang role ko sa punyetang dinner na ito eh di sana nagpatahi pa ako ng uniform na pang katulong just to please your fucking bullshit of an ego!" Sunod-sunod na mura niya.

Tumayo si Kyshaun at madilim pa rin ang mukhang humakbang ito palapit sa kanya.

" We have a deal, Jhossa!"

" To hell with your shit of a deal! You know what I quit! Gawin mo na kung ano ang gusto mong gawin tutal diyan ka masaya hindi ba? The hell I care and I don't give a damn!' inihagis niya ang pitsel sa malapit dito and it shattered into tiny pieces dahilan para mapaatras ito.

" Jhossa Joud!"

" Fuck you Kyshaun! Fuck the hell out of you!"

Lumingon siya sa mga naroon at binulyawan din ang mga ito.

" Keep in your mind that I am not the same Jhossa that you used to terrorize way back then. I can guarantee you all people, I can ruin everything that you have, but if not I know more ways to kill a cat!" Them she stormed out of the room leaving everyone in awe. At kahit ng isigaw ni Kyshaun ang pangalan niya ay hindi niya na binigyang pansin.

Damn him to hell, he can rot in there for all I care!

" Don't tell me you've decided to marry that Brockwell after all those denial and clashes you two have?" Nangingiting tanong ni Jhossa kay Shey, kausap niya ito sa kabilang linya.

" Wala naman na akong magagawa babes. Kahit na anong idahilan ko stalemate pa rin, yung addendum pa rin ni daddy ang masusunod, and its not that easy throwing away millions for charity. Kahit paano iginagalang ko ang ginawa ng daddy in our company at kabastusan bilang anak niya kung ipapamigay ko na lang without a fight yung kompanyang pinaghirapan niyang palakihin at palaguin," Shey answered, naririnig ni Jhossa ang sunod-sunod na buntong hininga nito.

" Well if you think na iyon ang pinaka-mainam na gawin, then you have my full support." She told Shey, masaya siya para sa kaibigan dahil alam niyang matagal na rin naman nitong kinikimkim ang tunay na nararamdaman para kay Kaizer, Pero base sa obserbasyon niya, things are slowly fitting into their rightful place para sa dalawang iyon.

" I know I can always count on you babes." Natawa siya sa sinabi ng kaibigan, at talagang inuulit-ulit nito ang endearment nilang magkakaibigan sa isa't-isa.

" When is the big day? Are you going to tell the girls?"

Bumuntong -hininga si Shey, " Tomorrow. Hindi na muna siguro kailangang malaman ng girls ang kasal ko. Isa pa ang napagkasunduan namin ni Kaizer ay sa huwes muna magpa- kasal just to avoid the maturity of the addendum."

Napatango-tango siya. Kunsabagay kapag nalaman ng tatlo ang balak ni Shey ay baka masabunutan pa ito ng mga ito dahil sa sinasang-ayunan nitong kalokohan.

" Okay, so paano best wishes na lang."

" Of course not! You will be the person who will testify for me. Kahit huwes lang iyon gusto ko pa rin na may kasama ako habang ikinakasal ako sa lalaking iyon,"

" And in Kaizer side? Sino ang tatayong special witness niya?"

" Si Kyshaun!" Shey answered at muntik na niyang mabitawan ang kanyang cellphone.

The hell!

" Nasaan na ba kasi kayo? Kanina pa ako dito sa bahay nung abogadong pagpapakasalan niyong dalawa, and mind you babes, I'm starting to dislike this place kaya kung ayaw mong umalis ako dito, bilisan niyo na ang pagdating niyo." Sermon ni Jhossa sa kaibigan habang kausap niya ito sa telepono.

Nauna kasi siyang makarating sa lugar na sinabi ng kaibigan na pagdadausan ng kasal nito at ni Kaizer, hindi naman niya akalaing naroon na rin ang taong talagang iniiwasan niyang makita hanggat maaari, kung bakit naman kasi marami namang kaibigan ang Kaizer na iyon, bakit si Kyshaun pa talaga ang napili nitong gawing best man?

Feeling niya tuloy nananadya ang mapapangasawa ni Shey eh.

" Malapit na nga kami ni Brockwell, babes." She can hear a faint teasing in Shey's voice at alam niyang hindi naman iyon patungkol sa kanya, marahil ay para sa kasama nitong lalaki ngayon.

She decided to play along with her friend. " Bilisan mo babes. Alam mong ayaw kong pinaghintay ako and besides I am too excited to see you-" hindi na niya matapos ng sasabihin pa sana niya ng biglang may humablot sa cellphone niya. " What the?" Napalingon siya sa taong umagaw ng telepono niya. " Anong problema mo?" Her brows knotted in single line ng makilalaa kung sino ang pangahas na nang-agaw ng gamit niya.

" So totoo nga ang balita. May bago ka na namang lalaki." Agad ang pagbilis ng pagtahip ng puso niya ng makaharap ulit si Kyshaun ng malapitan. It's been a while since that last incident kung saan nasagad talaga nito ang pasensya niya.

Pero kahit na ganoon ang nangyari, she couldn't deny the fact that she missed him and still missed him despite everything.

Wala eh talagang malalim ang pagkakatatak ni Kyshaun sa pagkatao niya, even if he always put her in so much pain, dumarating talaga ang mga pagkakataong ito at ito lang ang naiisip niya.

" Ano naman sa iyo kung magkaroon ako ng panibagong lalaki huh?" Sarkastikong tanong niya dito.

" Damn! Ibang klase ka talaga. Napakalandi mo talaga at talagang proud ka pa sa mga ginagawa mo huh. Tell me sino na naman ang panibagong nabiktima mo?"

" Thank you for that compliment, mister, but I think my personal life does not concern you anymore." Inagaw niya ang cellphone mula rito at saka nanlalaki ng nga hakbang na muli siyang pumasok ng bahay ng abogado.

" By the Power vested on me, I now pronounced you husband and wife. Kaizer you may now kiss Mrs. Shey Lyrica Brockwell." The judge finally said the words that will bind Kaizer to her friend for a long time.

Hinarap ng binata ang kaibigan at matiim na tinitigan. She can feel anger emanating at Kaizer's body. At alam niyang nararamdaman rin iyon ni Shey lalo pa at malinaw sa ikinikilos ng napangasawa nito ang galit nito.

She sighed, just like Kyshaun, sigurado siyang nag jump to the wrong conclusion din ang groom.

At katulad naman niya si Shey. They are not fond of explaining, aksaya lang iyon ng oras lalo na kung ang papaliwanagan mo ay taong sarado naman ang utak sa mga paliwanag, katulad nila Kyshaun at Kaizer.

Tiningala ni Shey si Kaizer. " Aren't you going to kiss me? C'mon, Brockwell let's get this over and done with."

" It's already done, Shey. We are already married hindi na kailangan ang ceremonial kiss," at sa panlalaki ng mata niya at ni Shey ay basta na lang umalis si Kaizer sa harapan nila at lumabas ng opisina ng Judge. Hindi nito pinansin ang pag- tawag dito ni Kyshaun at dire-diretso ng umalis.

" Babes? What the hell was that?" Jhossa asked. " Your groom just left you here. Anong klase ba 'yang napangasawa mo at iniwan ka dito ng walang kaabog- abog."

Shey couldn't answer and she's red all over. Gosh, alam niyang pakiramdam nito ay bumalik sila sa araw na ipinahiya rin si Shey ni Kaizer na noon ay guro nila sa buong klase ng akusahan ito na nandaraya sa examination. And now this?

Nang dahil sa pesteng babes na salitang iyon, ito ang napala nila. And of course, jumping to wrong conclusion. Without investigating? Dammit!

Pinakalma muna ni Shey ang sarili at ng matiyak na ayos na ito ay saka siya binalingan ng tingin. " Hayaan mo na 'yon, babes. Baka naman may nakalimutang gawin sa opisina niya kung nagmadali."

" Hoy, Shey! Huwag mong binibilog ang ulo ko ha. Hindi mo pa nga naipapaliwanag sa akin ng maayos kung bakit ka nagpakasal sa lalaking iyon eh!" She opened her mouth to rebutt, but Jhossa cut her off. " Don't try that addendum on me, babes. I know there's something aside from that . Pero hindi ko na ipupush through ang topic na yan. Let's go! Ayokong maabutan ako ng sarili kong issue." Jhossa said and Shey knows that she's referring to Kyshaun.

Binalingan niya ang abogado at nagpaalam na dito, nakakaunawa namang tumango ito at nginitian pa silang dalawa.

" Where to, babes?" Jhossa asked loudly as she hops in her car.

" Home." Shey answered nang makapasok sa sasakyan. " This day is so tiring. I am drained , both physically and mentally. Gusto ko munang magpahinga." Nilingon siya ang kaibigan. Jhossa just nodded in agreement at binuhay ang makina ng sasakyan niya.

Shey closed her eyes tightly. As much as she wants her to believe ay alam niyang nasaktan ang kaibigan sa inasal ng napangasawa nito. She tried her best not to show it on her face, because that's what she's been practicing for years now pero kilala niya ang kaibigan at alam niyang nasasaktan pa ito.

And hell! One bad move from Kaizer is all that's got to do to crack the iciness that Shey built within herself.

Fuck men! Fuck the hell out of them!

" Hey man," isang tapik sa balikat ni Kaizer ang iginawad niya kaya agad ang paglingon nito sa kanya. When he saw him, agad na gumuhit ang pag- alala sa mukha nito. " What's with the scene? Huwag mong sabihing parte iyan ng gimik mo para ma-outwit mo ang Stanford princess?" Umupo si Kyshaun sa stool sa tabi ni Kaizer. Sinenyasan nito ang bartender na agad namang nag abot ng alak sa kanya.

" Where is she?" Tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Muli itong nagsalin ng alak sa baso at ininom iyon.

" Iniwan mo tapos ang lakas ng loob mong magtanong kung nasaan?" Kyshaun smirked. " Itinago na iyon for sure ng kaibigan niya, nahirapan kang palambutin si Stanford, tapos ngayon iniwan mo ng basta - basta. Do you think you can get her again with the way you handle things on her?"

Pumikit si Kaizer upang itago ang iritasyong kanina pa nararamdaman. Kyshaun words though held with mockingness held warning.

" Fuck it, Ky! "Kaizer cursed violently. " I am ashamed of what I did right now , huwag mo ng dagdagan pa ng kung ano- ano okay?"

Kyshaun just laughed at his outburst, ininom muna nito ang alak, bago binalingan ng tingin ang kaibigan. " Ang sabi mo sa akin noon, putting a woman in a very uncompromising situation is bad, but you just ignore your own advice. Tell me Kaizer, ano ang maaaring ginawa o sinabi ni Stanford , that made you break your own words?"

Inilapit ang mata ni Kaizer, marahil ay binavalikan nito sa isip ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Shey bago nagpunta sa kasal ng mga ito.

" Shit man! You're fucking jealous!" Kyshaun muttered. Amusement lit his face.

Pinukol siya niti nang masamang tingin. Kyshaun just laughed at him.

" Tang-Ina pare. Hindi ko akalain na talaga ngang you're rooting for that Stanford girl. I thought you're just playing with her katulad ng ginawa mo sa adden-"

" Shut it Ky! For the sake of yourself man, just learn how to shut your fucking mouth! And do not voice out that issue," he warned. Fuck it!

Natatawa pa rin na nagtaas ng kamay si Kyshaun tanda ng pagsuko. " Okay man. So tell me what triggered you?"

" Fuck man! Can't you learn how to shut up."

" I am here to help,"

" You're no help!"

" I know something," Kyshaun offered.

" Babe!" Is all he could say.

Kyshaun again laughed. " What babe? Don't tell me pare nababakla ka na at may gusto ka na sa akin, kaya pa babe babe ka na diyan?"

" Gago ka! Hindi kita gusto pare! Suntukan na lang!" Asar na baling sa kaya nito. Pikon na pikon ang itsura.

Lalo lang natawa si Kyshaun sa sinabi nito. " Relaks ka lang pare. Inaasar lang kita. So tell me, si Shey ba ang tinutukoy mong babe?"

Umiling ito at matiim ang anyo na tinungga ang alak. " Hindi iyon ang tawag ko sa kanya okay."

" Uh, okay. So?"

" Alam mo Ky, napaka chismoso mo , hindi lang halata sa mukha mo."

" I'm just trying to help." nagkibit balikat si Kyshaun.

" Bakit? Kaya mo bang iharap sa akin yung lalaking tinawag niyang " babe" sa cellphone niya?"

Tinaasan lang ni Kyshaun ng kilay ang kaibigan. Naghihintay siya ng susunod nitong sasabihin. Napailing si Kaizer. Siguro napipikon na rin sa kanya Gago talaga tong lalaking to. Anlakas mang- asar. Kung hindi niya lang kaibigan ito baka nasuntok na niya ito kanina pa.

" Kausap niya iyon kanina habang papunta kami sa bahay ni Judge. Ang lambing lambing niya pa doon sa babe niya." Muli na namang nabuhay ang ngitngit na nararamdaman nito. " Damn fucking fucker! Tapos sa akin akala mo palagi ng nadidikit sa barbwire dahil masasakit palagi ang sinasabi niya.Tss, why can't she be so sweet on me kahit ilang oras lang? And to fuck it all up, when I asked her kung sino ang tinawag niyang babe, ang sagot niya sa akin ay hindi naman daw kami kasali sa game show, na kinakailangan pang sumagot muna bago makarating sa next stage. Damn it! It's good as the saying that it's none of my damn business!"

" On your way to uncle's office you mean?" Tumango ito ng may pag -sang ayon. " Tss, that was the time siguro na tinawagan siya ng babaeng iyon. I heard her also saying " babe" to someone." Tila wala sa sariling nasabi ni Kyshaun. His eyes flashing regret, mukhang katulad nito ay may nagawa rin siyang pagkakamali.

" You mean si Jhossa?" Tanong niti dito. Kyshaun just nodded in agreement. " Tang-Ina. And she let's me believe that it was a man. Damn!" Nagselos lang pala sila sa wala. Nagalit ng wala sa lugar, and to top it all that, ipinahiya at iniwan nila ang mga babaeng mahalaga ang parte sa buhay nila sa lugar na hindi nito kabisado.

Hindi na siya nagulat ng halos sabay silang tumayo ni Kaizern mula sa kinauupuan.

" Where to?" Tanong niya dito.

Napailing si Kyshaun, " Find yours, I'll get mine." Tumango siya at magkasabay silang lumabas ng bar.

" Good luck!." Tinanguan niya ang kaibigan at mabilis ang hakbang na tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan. He needs to find his honey.

Share This Chapter