Chapter 33 Versus
One Stormy Night
Pagod na isinandal ni Jhossa ang katawan sa reclining chair niya ng makarating siya sa Engraves matapos na ihatid si Shey sa bahay nito.
She was dead tired. Ang pagod na nararamdaman niya both physically and mentally is slowly sipping through her.
Grabe, akala pa naman niya ay mae-enjoy niya ang araw na ito because this is supposed to be a happy day for her friend, kahit pa nga ba alam niya ang tunay na rason ng pagpapakasal nito kay Kaizer, still hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng tuwa para dito because finally ay ang lalaking gusto pa rin nito ang nakatuluyan nito.
Pero ng dahil lang sa simpleng hindi pagkakunawaan ay nauwi sa problem ang isa sanang masayang okasyon.
Naiiling na ipipikit sana niya ang mga mata just to get a nap ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina at sumilip si Savannah. She have that worried look on her face na nagpaalarma naman sa kanya.
" Hey J, mind if I disturbed you?" Savannah asked, she was holding a pile of folder on her hands.
Dumiretso siya ng upo at agad na ibinaling ang buong atensyon dito.
" Important?" Inginuso niya ang mga hawak nitong papeles, and Savannah just nodded. " I see, tungkol saan?" She said casually pero dumadagundong naan ang puso niya sa sobrang lakas ng kaba. Hindi tuloy niya maiwasang tungkol ito sa negosyo ni Paul at sinisimulan ng sirain ito ni Kyshaun lalo na at may nangyari na namang sagutan sa kanilang dalawa ng dating kasintahan kanina lang.
Parang natatakot pa na sumagot si Savannah, makailang beses na tumikhim muna ito bago nagsalita.
" Ahmm, kasi JJ, n-nagkaroon t-tayo ng p-problema sa mga designs ng j-jewellery na inilabas natin sa market last month,"
" What? Pero bakit? Anong problema?" Sunod-sunod na tanong niya. Paanong magkakaroon ng problema ang mfa alahas nila.
" May nagsampa kasi ng kaso laban sa Engraves, sabi ninakaw daw natin yung designs nila,"
Kumunot ang noo niya, what the hell is this?
" Paanong nangyari na hindi original ang mga gawa natin Sav? We have the most creative manpower in this business so paanong copy cat tayo?"
Umiling-iling si Savannah. " Yun ang dahilan kung bakit sinabihan kitang makipagkita sa abogado JJ. Akala ko nagkamali lang ako peroâ"
" That's a bullshit, Savannah and you know that! Sa larangan ng negosyo natin everything matters, and one single weak moves will cost us big time. You hired the people who did the designing for the jewellery last month. Paanong hindi mo nalaman kung original o hindi yung mga gawa nila?" Pasigaw na tanong niya. Shit! Paanong nangyari ang bagay na ito?
Napahawak si Savannah sa tiyan nito at agad na namutla. " I'm sorry. Hindi ko naman alam na may magtatraydor sa atin eh."
" Nakonsensya naman siya sa nakitang anyo nito. " Sit Sav, baka matumba ka pa. Pasensya ka na sa naging reaksyon ko, it's just that I wasn't expecting this kaya nga hindi ko na itinuloy yung pakikipag-usap sa abogado na tinawagan mo eh kasi ang sabi mo maayos na yung problema." She sighed deeply, her eyes is guiltily looking at Savannah's swollen tummy na hinihimas nito.
Savannah shook her head frantically, " No Jho, kasalanan ko naman talaga, ang buong akala ko ay maaayos ko ang lahat without bothering you that much, dahil alam kong may mga personal na pinoproblema ka pa. Akala namin ni Paul hindi na aabot pa sa ganito ang lahat. I'm sorry kung naging pabaya ako as your assistant and as a manager of Engraves," nakayuko at tila maiiiyak na hingi nito ng dispensa.
Inabot niya ang kamay ni Savannah and tap it gently, " Don't worry, magagawan natin ng paraan ang bagay na iyan." She smiled at her soothingly, silently telling Sav that everything's gonna be fine.
" Pasensya na Jho, I don't wanna disappoint you pero parang sa nangyari ngayon ay ganoon na nga ang nangyari. Don't worry, na track ko naman kung sino yung nagtraydor sa atin eh and nasabi ko na rin sa abogado natin ang bagay na iyon at ang mga natuklasan ko."
She looked at Sav intently, ' A-ano ba ang mga natuklasan mo?"
" That designer was working on a jewellery store as a free agent, marami na rin siyang napasukang kompanya na gumagawa ng mga alahas and one of them is Starlight Gems. Starlight Gems is one of those store that produced and sell jewellery like us, sa katunayan niyan ay pangatlo ito sa ganitong larangan, two spot behind Engraves, and kilala na rin naman ng mga so called socialite at isa na rito ay si Crizel Sy,â".
Ang kaninang namimigat na talukap niya ay biglang nawala ng marinig niya ang pangalang binanggit ni Savannah.
" What the hell? Don't tell me si Crizel ang â?" Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay tumango na si Savannah.
" Yup! It is confirmed. Siya ang nagbayad sa designer na iyon para magtrabaho dito at gawan tayo ng ganitong eskandalo. They made a design that is a replica of the designs they had made at Starlight Gems, at hinayaan nilang ilaunch natin ang ganoong katulad na design, making it look like we are the first and only one who made and produced that kind, pero dahil hindi nga at may ibang may-ari ng ganoong designs kaya narito tayo ngayon sa sitwasyon na ito. Pasensya ka na JJ dahil ngayon ko lang nalaman ang nga bagay na ito, laziness happened to me siguro dahil sa sitwasyon ko ngayon, but don't worry I will do everything to get Engraves out of this mess."
Sa dinami-dami ng mga sinabi no Savannah ay isa lang talaga ang tumino sa isipan niya.
It was that name. Crizel Sy.
Ang impaktang iyon! Why would she pulled this kind of issue towards her business? Hindi pa ba sapat sa bruhang iyon ang mga ginawa nito sa kanya for the past eleven years at nakukuha pa nitong humirit ng panibagong kasiraan laban sa kanya?
At talagang negosyo niya naman ngayon ang pinupuntirya nito huh!
Balak na naman nitong sirain ang reputasyon niya.
Nanggigigil na talaga siya sa babaeng iyon.
Pareho silang dalawa ni Kyshaun. Walang ibang alam kundi ang patuloy na pestihin ang nananahimik na niyang buhay eh.
" Saan ko makikita ang Crizel na iyan?" She asked furiously. Sumusobra na talaga ito, hindi ba nito alam na dahil sa ginawa nito ay maaapektuhan din ang ilang trabahador niya sa Engraves?
Wala sanang kaso kung siya lang ang maapektuhan, she can handle that drama. Ang hindi niya lang gusto ay may iba pang madadamay ng dahil lang sa kapritso ng babaeng iyon.
" Anong plano mo JJ? Don't tell me susugurin mo si Crizel!"
" Then I won't tell!" She calmly said. " So saan ko makikita ang babaeng iyon?"
" Bakit kaya hindi mo muna kausapin ang abogado natin Jho, bago mo isakatuparan yang gusto mong gawin?" Savannah suggested ng makuta nitong inabot niya ang clutch bag niya at ang susi ng kanyang sasakyan.
She will do some manhunt operations.
Operation: Searching for some makating linta at higad na gustong magpakamot ng kati.
" Where Sav?" Hindi paaawat na muling tanong niya. Manunugod talaga siya ngayon. Gone was the day na palalampasin lang niya ang mga katarantaduhang ginagawa sa kanya. This time, gusto niyang iparanas sa mga taong iyon ang galit na nararamdaman niya.
And if Crizel thinks that she would get away with this unscathed, then she'll have to think again!
" She's always at Frivolous Hotel, " Savannah said nang makita ang determination sa mukha niya. " But I still suggest na unahin mong makipagkita kay Attorney Villegas Jho bago mo siguro sugurin si Crizel," paalala pa nito.
" I will talk to that attorney,'' sagot niya habang naglalakad palabas ng opisina niya. " That is after I'm done with that bitch?'
Pagkapasok pa lang ng Frivolous Hotel, ay mabilis na iginala ni Jhossa ang kanyang paningin at kaagad na hinanap ang pamilyar na anyo ng mahaderang babaeng pakay niya.
" Well, well , well , look who's here? Isn't it the famous campus bitch before? The ex- supermodel and toy of the year?" Napalingon si Jhossa nang marinig ang boses na iyon ni Crizel, nakita niya itong papalapit sa kanya.
Agad ang paghampas ng galit sa sistema niya ng makita ang babaeng tila kalmado at para bang walang nagawang kasalanan habang lumalakad ito palapit.
" So tell me Miss ex-supermodel. What brings you here in my territory?"
Napaismid siya sa sinabi nito. Muli niyang iginala ag paningin sa lugar, it has too much class in it at nakapagtatakang narito ang babaeng ito at ina accommodate ng pamunuan nito.
Seriously?
" Huwag kang mag-alala, Crizel. Hindi ko naman aagawin ang teritoryo mo na ito. Hindi kasi ako katulad mo na parang asong nag-aabang sa butong pinagsawaan na ng iba " she smiled widely ng makita na nawala ang ngiti sa mukha nito ng marinig ang mga sinabi niya.
" What did you say?"
" Tss, I have no time for that kind of pleasantry, Crizel. I am here because I wanted to confirm something from you.''Â tumalim ang boses niya sa huling sinabi.
Muling bumalik ang nakakasuyang ngiti sa mga labi nito.
" Let me guess," kunwari ay nag-iisip na sagot nito. " Ah alam ko na. Siguro kaya ka narito ay dahil sa eskandalong kinasangkutan niyo ngayon no?" Nang uuyam na ngumiti pa ito. " Ikaw naman kasi Jhossa, akala ko ba you are not a dog that waits for the other dog to throw the bone that it ravished already? Eh bakit ang hilig mong mandampot ng taong mga gamit na?"
Malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Crizel at agad na hinawakan ng mariin ang braso nito.
" You got it right girl! Iyon nga ang dahilan ng ipinunta ko rito. But since you already supplied some information hindi ko na siguro kailangan pang tanungin ka because you already answered." She said, ang mga kamay niya ay tila bakal na bumabalot sa braso ni Crizel.
Crizel winced, " Aray ko ano ka ba? Bitiwan mo nga ako,"
Umiling-iling siya." Nah. Pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko." She looked at her directly, her eyes were mystified with the anger she felt towards this woman. " Alam kong ikaw ang may pakana ng mga nangyayaring eskandalo sa business ko, and I'm warning you, kapag napatunayan ko na ikaw nga talaga ang nag-utos sa designer na iyon para gaguhin ako at ang shop ko, I swear papahiramin talaga kita ng mukha sa aso, bear that in your fucking pea size mind!" Pagkatapos ay marahas niyang binitiwan ang babae dahilan para sumadsad ito sa sahig sa lakas ng impact ng pagkakatulak niya.
" Jhossa!" A warning voice shouted from her behind at nang lumingon siya ay nakita niya ang madilim na anyo ni Kyshaun. Agad na lumapit ito sa kanila at mabilis na dinaluhan si Crizel at itinayo.
Sinuri niya ito. Tulad niya ay suot pa rin nito ang damit na gamit nito kanina. She grimaced at him.
" So the fucking hero of this fucking damsel in distress just arrived. Ano pagtutulungan niyo na naman ako? What's new?" She huffed at mabilis na tinalikuran ang mga ito. Wala siyang panahon para panoorin ang kadramahan ng mga ito.
" You stay where you are, Jhossa Joud!" Kyshaun's voice held warning na sandaling nagpatigil kay Jhossa sa paghakbang. " Hindi pa tayo tapos,"
She smiled without humor at bahagya lang na nilingon ito.
" Matagal na tayong tapos, and I see no reason para sundin ko pa ang mga sinasabi mo, scumbag!"Â She said at saka walang buhay ulit na nginitian ito bago malalaki ang mga hakbang na lumabas ng gusali, ignoring Kyshaun's furious call.
Damn him to hell! At ano ang karapatan nitong magbigay ng utos sa kanya? Pagkatapos ng mga paratang na naman nito sa kanya kanina, may gana pa itong magmando sa kanya,ang kapal talaga ng mukha. Nauubos na talaga ang pasensya niya sa lalaking iyon.
She was about to open her car ng may mga kamay na humawak sa braso niya, madiin na tila ayaw siyang pakawalan pa.
" A-aray ko ano ba?" She protested at ng lingunin niya kung sino ang pangahas na taong iyon ay nakita niya ang madilim na anyo ni Kyshaun. " K- Kyshaun!"
" I told you to stay still! Bakit ba ang hilig mong suwayin ang mga utos ko huh?"
Sa halip na sagutin ang tanong nito ay ipiniksi niya ang braso niyang hawak- hawak nito
" Bitiwan mo nga ako!" Pero lalo lang dumidiin ang hawak ni Kyshaun sa kanya.
" Para may pagkakataon kang takasan na naman ako?" Umiling-iling pa si Kyshaun. " No can do honey, tonight whether you like it or not, ako ang maka- kasama mo," anito sabay hila sa kanya papunta sa direksyon ng sasakyan nito.
" Shit Kyshaun, ano ba? Sandali nga!" Pasigaw na reklamo niya dahil halos makaladkad na siya nito sa bilis ng lakad nito.
He ushered her in his car at nang makapasok siya ay mabilis na umikot ito sa driver seat. Tinangka pa niyang lumabas but the door was locked automatically.
" Ano bang problema mo huh?" Sita niya ng makapasok ito sa kotse nito at paandarin nito ang sasakyan palabas ng Frivolous. " Can't you see that I don't want to be near you anymore, anong palabas a naman ito huh? Nangangailangan ka na naman ba ng katulong to serve your
hilarious and bunch of an idiot friends, dahil kung ganoon nga I am sorry but I am not available, kaya ihinto mo na itong sasakyan mo at bababa ako,"
But Kyshaun refused to speak at nakatutok lang ang atensyon nito sa pagmamaneho, she noticed that he shifted his gear kaya naman humahagibis na naman ang takbo ng kotse.
Shit! Ito na naman ang lalaking ito eh.
" Slow down, ayan ka na naman eh," inis na sigaw niya dito at pilit na inaabot ang seatbelt na hindi naman niya naisuot kanina. " Saan mo ba ako dadalhin huh? At saka bakit ba ako na naman ang pinagtutuunan mo ng pansin mo, I thought I made it clear the last time we saw each other that we are done! Enough! Tapos! Finished! End, ano ang hindi mo maintindihan doon?"
" We are not yet done! At patutunayan ko yan sa iyo ngayong gabi!" He shouted na ikinaigtad niya sa kinauupuan.
Shutang ina! Anong ibig sabihin ng gagong ito?
" A-anong? P-papaanong?" Damn her for stuttering.
" Tonight I am going to take you. You will be my Slave... " He paused and looked at ger briefly bago itinuon ang atensyon sa kalsada.
" What? Praning ka na ba?" Pasigaw na tanong niya dito, but Kyshaun merely shooked his head.
" If course not, hon. I am perfectly sane and I already decide to take what should have been mine for a long time, and that is your body. So you will be my Slave in bed for tonight."
" What?" She almost fainted at what he just said at kulang nalang ay maglaho siya. Agad rin ang paglukob ng takot sa katawan niya.
Is this really happening?
Nilingon niya si Kyshaun hoping yhat he will disappear katulad ng madalas na mangyari sa tuwing naiisip niya ito.
But Kyshaun just grinned at her at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Her hopes died and her heart syarted beating erratically.
Oh my God! What should she do?
A/N
'Em back!
Yun lang...
Corner ko naman ito di'baððð