Back
/ 78
Chapter 43

Chapter 41 Forgotten

One Stormy Night

Jhossa smiled as she looked around her, napapalibutan siya ng mga naggagandahang bulaklak at iba't-ibang halaman, and it really soothes her mind.

Narerelax siya mabuti na lang talaga at naisipan ng mga kaibigan niya na tulungan siyang mapatayo ang negosyong ito, lalo pa at wala na talaga siyang ibang maisip na paglilibangan since ayaw siyang pabalikin ng mga ito sa Manila kung saan naroon ang kanyang negosyo, narroon na naman daw si Paul at Savannah upang asikasuhin ang Engraves.

Though she was still confused sa totoong dahilan ng mga ito kung nakita hindi sila puwede sa Manila ay hindi na niya kinulit pa ang mga ito, basta nakiusap na lang siya sa mga ito na tulungan siyang magtayo ng negosyo to keep her pre- occupied lalo na kapag hinihiram nila Michelle at Dylan ang anak niya.

And she was at ease to let them take care of her son, lalo pa at minsan ay inaatake pa rin siya ng panic attack niya at manaka-nakang pagsakit ng ulo niya na nakuha niya noong na- aksidente siya, which cause her to forget some of her memories. Memories that she doesn't know if good or bad, o kung makakaapekto man sa kung sino man siya ngayon.

Pero para sa kanya, okay na dahil normal naman ang lahat. Nakilala niya ang sarili niya at  kilala niya rin ang halos lahat ng taong nagpakilala sa kanya noong nagising siya mula sa ilang buwang pagkakahimbing sa isang hospital. Sigurado siya sa sarili niya na kahit isa sa mga kaibigan niya ay hindi niya nakalimutan, kahit ang mga naging asawa ng mga ito ay kilala niya din.

But somehow somewhere she feels that there is something missing at iyon ang minsan ay nakakapagpagulo sa isip niya na nagiging sanhi ng pagsakit ng ulo niya, because she is forcing herself to remember something that she doesn't even know what. Kaya nga minabuti na lang niya na magtayo ng negosyo, nang sa gayon ay naging busy siya to even think that there is something missing in her life.

Kaya heto siya ngayon, smiling brightly as she started talking to her plants, and to her flowers. At masaya rin siya dahil ngayon na ang opening ng flower and garden shop na ito and her friends told her na pupunta ang mga ito ngayon to help her with the would be success of this shop. And they even promised her na ipopromote din nila ang negosyo niya sa ibang kakilala ng mga ito, not to mention that they want her to meet someone na sobrang pamilyar daw sa kanya, na pinagtatakhan din ng mga ito king bakit hindi niya naaalala ang taong iyon, when according to them ay isa sa pinaka mahalagang tao para sa kanya at hindi niya alam kung saan galing ang kabang bigla niyang naramdaman sa pagtukoy ng mga ito sa ipapakilala raw sa kanya.

She tried brushing away her thoughts sa taong nakatakda niyang makilalang muli ngayong araw na ito, and instead turned her focus sa mga sari't saring halaman na nasa harapan niya. Kaya ito ang naisipan niyang itayong negosyo dito sa bayan ng Sta. Barbara eh, maliban sa wala pang halamanan dito sa lugar ay talaga nga namang nakakatulong sa relaxation ng isip niya ang bangong hatid ng mga bulaklak.

And she usually watched those plants and beautiful flowers dance lalo na kapag pirming nariyan ang mabining haplos ng hangin, it really soothes and calm her.

She was busy memorising some of her spiel na gagamitin mamaya sa opening  ng mahagip ng peripheral vision niya ang pagpasok ng isang lalaki  sa kanyang shop.

The man was tall, and a body a woman drool over. Hindi niya maaninag nang husto ang mukha nito dahil nahaharangan ito ng halaman, but she bet the face matches the body.

Napasinghap si Jhossa ng makaramdam ng kakaibang kaba habang pinagmamasdan ang binata mula sa kinatatayuan.

Parang nakita na niya ito before, pero hindi naman niya matandaan kung daan, but something is telling her that she knows him. That this man is vaguely familiar to her, kung sa paanong paraan, iyon ang hindi niya alam.

Nakita niyang tumingin ito sa gawi niya, kaya biglang iwas siya ng tingin. She doesn't want him seeing her looking at him with that curious look on her face.

Pumikit ang lalaki at saka marahang minasahe ang sentido, doon nagkalakas ng loob si Jhossa upang lapitan ang binata.

" Are you alright, mister?" Marahang tanong niya. Muli ang pagdagsa ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib ay hindi niya maipaliwanag." Hey, ok ka lang ba?" Muling tanong niya ng hindi siya makakuha ng sagot mula dito.

He slowly opened his eyes, and Jhossa suppress a gasped at the back of her throat when she was met by the greenest eyes she had ever seen. Napakalaking coincidence naman na magkapareho sila ng kulay ng mga mata, but she is on the paler version of green.

She saw how fire and life lit up on that hooded eyes of the stranger at hindi niya maipaliwanag ang tuwang naramdaman niya nang parang nawala ang lungkot sa mga mata nito ng tumingin sa gawi niya.

Gosh, that eyes it really looks so familiar. Nagkita na ba sila ng ladaking ito before? Because she knows for sure that the face of this stranger was so hard to forget, and not only that, there was something in her that is calling out for this man.

Feeling of familiarity, and sense of belongingness, iyon ang nararamdaman ni Jhossa para sa lalaking ito.

But tgat is impossible, for she doesn't even know him. Ni hindi nga niya matandaan kung kilala ba niya ito o ito sa kanya.

Shit lang ha! Anong klaseng damdamin ba ang pinupukaw sa kanya ng lalaking ito?

" Okay ka lang ba mister?" Muli niyang  tanong in a very worried and concerned tone at hindi niya inaasahan ang pagkislap ng sakit sa mga mata at itsura nito but he did try to hid it from her.

The stranger tried to smile, " I'm okay," he answered, pagkarinig sa sagot nito ay bahay ang umusog palayo si Jhossa,  " Ahmm, are you the owner of this place? Ang sabi kasi ni Dylan at Michelle, babae raw ang may-ari ng flower shop na ito." Kaswal na pagtatanong nito saka hinayon ng tingin ang buong paligid.

Jhossa's face lit up, " Kilala mo sila Michelle? Are you the new buyer my friends referring too?" Tumango ang lalaki  na tuluyang nagpangiti kay Jhossa, napansin niyang bahagya itong muling natigilan.

" I'm sorry, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa iyo, I am Jhossa and I run this little heaven," inilahad ni Jhossa ang kamay sa binata " What is your name, mister stranger?"

Tipid itong napangiti at iniabot ang kamay nito. " It's not mister stranger, Miss Jhossa. It's Kyshaun Drake Lewis." Pagpapakilala nito sa sarili, squeezing her hand gently.

She didn't know what hit her dahil ng banggitin nito ang pangalan nito ay nakaramdam siya ng galit, galit na hindi niya maintindihan kung saan nanggaling and she knows it flash in her eyes.

Agad niyang ikinubli ang nararamdaman, hindi niya dapat hayaang isipin ng estranghero na ito na nakakaramdam siya ng marinading galit dito, kaya ng muli siya nitong titigan, ay nakapirmi na ang ngiti sa labi niya  and no trace of animosity was found on her face.

" Kyshaun Drake," nakangiting ulit niya, she was savoring the bitter taste off his name on her lips, bakit ba pakiramdam niya ay may malaking pagkakamaling nagawa sa kanya ang Kyshaun na ito?

Was he a part of those bad memories that she's blocking in her mind to remember?

Jhossa's face become blank, sa kaisipang kasama ito sa mga taong nakapagdulot ng sakit sa kanya ay agad na nawala ang paghangang nararamdaman niya para sa binata at sa halip ay binalewala na niya agad ang umuusbong na damdaming iyon.  Shit! She needs to safeguard her vulnerable state from this man " So, Mister Lewis, are you here to buy plants or flowers?"

But Mister Lewis had other plans and instead of answering her he just murmured something and to her surprise he pulled her into a tight embraced which caused her to gasped ungraciously, lalo nang marinig niya ang huling sinabi nito.

" I miss you, hon," he said closing his eyes at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

Jhossa stiffened in his arms. Being in the arms of this man triggered something in her memories. Mga malalabong alaala pero hindi siya sigurado kung siya iyon dahil malabo ang mga imahe sa kanyang isipin at hindi rin niya maintindihan ang nga sinabi ng mga tao sa isipan niya.

Ang pagsasalimbayan ng mga alaala sa utak niya ay nagdudulot ng matinding sakit sa ulo niya. She clutched her head at kumawala sa mga bisig ng binata, lumayo siya dito at bahagyang napauklo habang sapo pa rin ang ulo. She become dizzy dahil sabay-sabay na bumabalik sa isip niya ang mga alaala na hindi niya alam kung sa kanya ba o kung kanino.

Napansin naman iyon ni Kyshaun na mabilis na dinaluhan siya.

" Hey, what happened?" Kyshaun asked, his face showing so much concerned.

" Don't touch me! Please, huwag ka munang lumapit sa akin!" She half- shouted to him. His nearness alone sent  pain in her at hindi niya iyon kanyang ipaliwanag. Mahigpit na napasabunot siya sa buhok habang nakapinta sa mukha ang sakit na nararamdaman.

" No! Please hon, tell me what's going on," Kyshaun soothing voice belied the panic he really feels inside. His stomach is clenching sa nakikitang sakit na bumabalatay sa mukha ng dalaga.

" J-just m-make it go away please!" Puno na ng butil-butil na paid ang mukha ni Jhossa. This is what she hated when she had a glimpse of those loss memories of her, nanghihina talaga siya at pakiramdam niya ay mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit na dulot ng pagtitrigger ng mga alaalang nawawala.

One of the reason why she doesn't want to remember. Pakiramdam niya kasi ay sobrang sakit ng idudulot sa kanya sakaling bumalik na ang mga nalimot na alaala.

" What do you want me to do?" Natatarantang tanong ni Kyshaun sa kanya lalo na at nakita nitong halos mawalan na nang kulay ang mukha niya.

" J-just let me be. M-mawawala din ito," mahinang sagot ni Jhossa, her body is limping at hinayaan na lang niyang alalayan siya ng binata na ngayon ay mahigpit na ang pagkakayakap sa kanya, totally supporting her weak body.

Jhossa felt the urge to just relax in his arms, pero nagdadalawang isip pa rin siya.

Maybe she knows him pero gaano siya kasigurado na kilala niya nga ang binata? Oo nga at binanggit nito ang pangalan ng mga kaibigan , but would she trust him? Paano kung hindi naman pala ito dapat pagkatiwalaan, lalo pa at nakaramdam siya ng galit nung narinig niyang sinabi nito ang pangalan.

" I'm okay, you can let go now," marahang kumawala sa bisig ni Kyshaun si Jhossa ng maramdaman na ayos na ang kanyang pakiramdam.

" Are you sure you're okay now?" Kyshaun is hesitant to let go, but Jhossa was too quick at mabilis na nabuhay ng distansiya sa kanilang dalaga ng binata.

" I-im okay," she answered, trying to give him a smile. " It's funny isn't it, kanina ng lapitan kita, ikaw ang tinatanong ko kung okay lang ba and yet here you are asking the same questions on me," naglakad siya papasok at dumiretso sa pinaka opisina niya, leaving Kyshaun behind.

Actually nanghihina pa talaga siya and she badly needed to drink her medicines to calm her nerves. Kinuha niya mula sa drawer ang mga gamot at ininom ang mga ito.

" Does this usually happen?" Nagulat siya ng biglang nagsalita si Kyshaun, hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kanya, he was holding a bottled water, and even opened it for her.

Tinanggap niya ang tubig at uminom muna bago binalingan ang binata.

" Happened what?" Kunot-noong tanong niya. " Ah, yung pagsakit ng ulo ko you mean?" Tumango si Kyshaun, napaka-seryoso nito habang nakatingin sa kanya. " Ngayon na lang ulit, hindi ko nga rin alam kung bakit eh, siguro dahil sa iyo," she shrugged her shoulders at bahagyang natawa ng makitang kumunot ang noo ng binata.

" Dahil sa akin? Bakit?"

" I have no idea." Kibit-balikat pa rin na sagot niya. " Maybe you can answer for me, wala rin naman kasi akong naaalala eh, but I'm curious though, kasi nung narinig ko ang pangalan mo, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng galit at sakit, can you tell me why?"

" Kapag ba sinagot ko ang tanong mo maintindihan mo kaya ako?" Kyshaun asked, nasa tono nito ang pag-aalinlangan.

" Hindi ko alam, bakit nakakagalit ba yung mga sasabihin mo?"

Umiling si Kyshaun and smiled sadly.

" You will surely hate me, hon,"

Napatitig si Jhossa sa binata, pilit na binabasa ang mukha nito, iniisip na nagbibiro ito but all she saw was truthfulness in his green orbs.

" Talaga ba? Kaaway ba kita? Kakompetensya sa negosyo kaya? O baka naman kasintahan mo ako tapos pinagtaksilan mo ako kaya ako galit sa iyo, which is which?" She was curious at halata iyon sa mukha niya, Hindi niya mahintay kung ano ang isasagot ng binata sa kanya.

But she doubted kung kakompetensya niya ito sa negosyo. Hindi naman halata sa mukha ng binata na interesado ito sa paggawa ng mga alahas, which is her business back in Manila. At mas lalo naman sigurong hindi niya ito kaagaw sa pagsusuot ng mga bikini at mga ilang revealing na damit, though this Kyshaun is one hell of a guy and he has a body that best fit for a model, hindi niya nakikita ang itsura nito na nakasuot ng mga damit na pambabae.

So that leaves her with choices number three.

Baka nga kasintahan niya ito at pinagtaksilan siya kaya iniisip nito na marahil ay magagalit siya kapag naalala niya ang kataksilan nito.

" Kys- I-i mean mister Lewis, ano ba ang totoo, and please don't fill me with a make believe story. Sana yung totoo ang sabihin mo sa akin," she pleaded her eyes begging him. Begging for information. " At saka bakit ba panay ang tawag mo sa akin ng hon? Are you and I somehow are intimate with each other?"

Kyshaun stared at her for a full minute sila kinakabisado ang itsura niya.

" I-i, ahmm uhmm I —,"

" You're what? Ano ang relasyon natin sa isa't-isa Mister Lewis?"

He cleared his throat again before speaking.

" Jhossa Joud, hon—,"

" Yes?"

" I-i am the father of your child!" There he finally said something... Again..

A/N

Boom!

Bitin!!!

Kaya pa ba?

Just hang in there few more chappys, then.......

Sinnersaintbitch

Share This Chapter