Back
/ 78
Chapter 46

Chapter 44- Father and Son

One Stormy Night

If there was something she doesn't understand, ang sarili niya iyon. And Jhossa is starting to get pissed off, hindi sa binatang palaging laman ng isip niya kundi sa sarili niya mismo.

For weeks wala siyang ibang ginawa kundi ang isipin ng isipin ang mga ipinagtapat sa kanya ni Kyshaun, pero kahit anong pilit niya sa sarili niya ay hindi naman niya makapa ang galit na dapat ay maramdaman niya para dito.

Sa lahat ng mga ginawa ni Kyshaun sa kanya, if that's is all were true, then marapat lang siguro na magalit siya dito, but the irony of it she didn't feel any.

Napatigil siya sa pag-iisip ng bahagyang gumalaw mula sa pagkakahimbing ang anak niya, and when she looks at him ay nakita niyang nakamulat na ang mata nito. She immediately disposed all of her thoughts from Kyshaun at agad na binigyan ng atensyon ang anak.

" Hey there sweetie, how's your sleep?" She kissed Karsten on his cheeks and smelled the powdery scent of her baby.

Karsten giggled. Ang aga-aga full of life na naman ang baby niya, and that somehow really uplifts her gloomy feeling.

" You really looked like your father, sweetie. Every ounce of your features came from him. Your lips, your nose especially those eyes. You have the same shade of green orbs. I guess I really feel something deep from your daddy, kasi halos carbon copy ka niya eh," napangiti siya habang marahang hinahaplos ng noo ng anak upang supilin ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito.

" D-daddy, mommy?"

Tumango siya, " Yes sweetie. You know what I saw your dad already, and he really looks like you. Too bad I can't even remember him, but he wants to cope up and be with us, do you want that?" Her son is only two years old but he is very knowledgeable child kaya alam niyang naiintindihan siya nito. And besides Karsten is the only one she shares her deepest thought with lalo na kapag wala ang nga kaibigan niya at ayaw niyang sabihin sa mga ito ang mga nararamdaman niya sa tuwing nagsasalimbayan sa isip niya ang mga alaalang nawawala.

And especially when she saw the face of that person na palaging present kapag napapanaginipan niya ang isang aksidente, which she pressume is the accident that involves her.

Tumango si Karsten at nakita niya ang pagkislap ng kasiyahan sa mga mata nito.

" Yes mommy, I want to see daddy. I want to hug him, to kiss him and tell him that I really, really miss him," para sa isang dalawang taon ay matatas na magsalita ang anak niya. Nasanay na siguro dahil bukod sa hands on siya sa anak sa pagtuturo ng mga bagay-bagay ay palagi rin nitong kausap ang anak nila Michelle at Glayssa, which is ahead of him. " And I would also tell him that I'd been a good boy and I keep my promise to have taken good care of you since he was busy with his work so that he can provide for us,"

" Karsten baby, have you seen your daddy already?" Nagtatakang tanong niya, kung makapagsalita kasi ang anak ay parang nakita na nito ang ama nito.

Bumangon si Karsten at niyakap siya.

" Not in person mommy only in pictures, but Uncle Dylan said that daddy told him that he wants me to take care of you since he is not around, kasi tampo ka daw kay daddy eh. Mommy, galit ka po ba kay daddy?"

Parang may humaplos sa puso ni Jhossa sa tanong na iyon ng anak, marahan niya itong hinawakan sa balikat at saka sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata.

Bahagya siyang napangiti, " I'm not angry with your dad, anak. Kaya lang kasi hindi siya maalala ni mommy eh. Di'ba you know naman that mommy is sick?." Tumango si Karsten, kaya naman ipinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag. " So since mommy can't remember daddy, I ask for a space kasi nagulat si mommy sa biglang pagsulpot niya, hindi alam ni mommy kung paano pakikitunguhan si daddy because she feels that he is a stranger, naiintindihan mo ba ako?"

" But how long is that space mom?" Karsten innocently asked. " Kasi po I wanted to be with daddy already. I wanted to have a real daddy this time, not a daddy pretend,"

" Daddy pretend?" Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng anak.

Napalabi si Karsten, " Yes po mommy, I have a daddy pretend,"

" And who could that be? Care to tell mommy who that is? I mean your daddy pretend?"

Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang anak at agad na may kinuha sa ilalim ng unan nito.

When Karsten pulled out his hand ay tumambad sa kanya ang isang litrato na naka frame pa.

" Look mommy! This is daddy pretend!" Tuwang-tuwang ipinakita sa kanya ni Karsten ang larawan and her heart soars high nang makita ang nakangiting larawan ni Kyshaun doon.

" See mommy, daddy pretend and my real life daddy looks like one right?"

" S-saan mo nakuha ang litratong iyan?

Naguguluhang tanong niya, at inabot ang  naturang lalarawan.

" Uncle Dylan gave it too me. Sabi niya this is the picture of my daddy, Kya lang hindi ko naman po alam na real person talaga siya kaya nagpretend na lang po muna ako na daddy ko siya, but when Kirlan told me that she already saw daddy pretend in person, then I guess this is not a daddy pretend anymore." Napapalakpak pa ang anak niya sa sobrang saya nito. " Tama ako mommy di'ba, hindi na daddy pretend si daddy, he's real na, just like Uncle Dylan to Estefan and Kirlan, and Uncle Meg to Astron, right mommy. Magkakaroon na ako ng real daddy this time right?"

Alanganing nginitian ni Jhossa ang anak.

Shocks! Paano ba niya mapagbibigyan ang hinihiling ng anak niya gayong kahit siya ay nasa crossroads pa rin ang nararamdaman tungkol sa ama nito.

But she cannot deny Karsten his happiness. Hindi niya kayang ideprive kay Karsten ang pagnanais nito na makasama at makapiling ang tatay nito, lalo na at kilala na ito ng anak. Alam niya kahit na hindi pa sinabi nang anak na gustong- gusto na talaga nitong nakita ng personal si Kyshaun.

But what about her?

Kaya ba niyang tuluyang ibalewala ang  sariling damdamin, lalo na sa mga bagay na ipinagtapat sa kanya ng binata?

Argghhh! This is so hard.

" So anong balak mo? Sasabihin mo ba kay Kyshaun na gusto siyang makita ng anak niya or what? Pakilinaw lang Jhossa ah, ayoko ng malabong sagot!"

" Hindi pa ba malinaw sa iyo ang sinabi ko Shey? Kaya ko nga hinihingi sa iyo ang address ni Kyshaun diyan sa Manila eh para mapuntahan ko na siya, at masabi na hinahanap na siya ng anak niya at na handa na akong magkakilala na silang dalawa,"

" Are you sure about that? Hindi ka ba nagdalawang-isip sa desisyon mo na 'yan?" Tila nagtataka pa na tanong nito at siguro kung nasa harapan siya nito ay magkasalubong na ang mga kilay nito at makikita rin niya ang pagsimangot nito.

" I am hundred percent sure friend, for my son's happiness I am willing to do anything. I wouldn't even hesitate. Kaya ibigay mo na ang address ni Kyshaun."

" Okay sige, sabi ko eh," then Shey started dictating her his address.

At ngayon nga ay nakatayo sila ng anak niya sa harapan ng isang mataas na building. Ang sabi ni Shey at Kaizer sa kanya ay bibihirang nasa bahay si Kyshaun, kaya masuwerte na lang siya kung maaabutan niya ito sa bahay nito kaya naman ang address ng opisina nito at ng KD Mall ang ibinigay ng mag-asawa. Ito raw ang puntahan niya at paniguradong maaabutan niya ang binata dito.

So dahil masunurin siya, pinuntaan niya nga ang KD Towers kung saan naroon ang Law Firm nito, but sad to say ang tapang na naibaon niya mula sa pinanggalingan niya ay naglaho ngayong nakaharap  na siya sa malaking establisimiyento.

" Mommy,!" Tawag ni Karsten sa atensyon niya. He was pulling her hands to snap her out from her reverie.

" Mom, hindi pa po ba tayo papasok? I am so excited to see daddy finally!"

" Ah, eh, of course anak, papasok tayo. Sorry medyo na overwhelmed lang si mommy. Ang laki naman pala kasi ng opisina ng tatay mo eh," palusot niya sa anak upang hindi nito mapansin na  nagdadalawang- isip siya kung papasok ba o hindi.

Inayos niya ang sling bag na suot at  kinarga ang anak saka naglakad papasok ng gusali.

Hindi maintindihan ni Jhossa ang nararamdaman, but she would bet her life na parang napaka pamilyar ng ginagawa niyang ito. Para bang nanguari na rin sa kanya noon na pinuntahan niya si Kyshaun sa trabaho nito, but she just couldn't remember clearly.

Tinungo niya ang information at saka nagtanong doon kung saan ba ang opisina ni Attorney Lewis, medyo natulala pa nga siya ng sinabi ni Shey na abogado pala ang lalaking iyon.

" Sino po ang kailangan nila ma—," natigilan si Jhossa ng mapansin ang kakaibang tingin sa kanya ng receptionist. " Mam Jhossa?" Malakas ang pagkakabanggit nito sa pangalan niya, kaya kahit ang ilang kasama nito sa front desk ay napalingon sa kanila, and she was amused by all of their reactions.

" Kilala mo ba ako?" Gulat na tanong niya dito, tumango naman ang receptionist at nilingon pa nito ang ilang kasamahan na halos lahat ay hindi pa rin makapaniwala. Nginitian niya ang mga ito.

" Welcome back mam! Naku matutuwa si Attorney nito." Akmang idadayal nito ang teleponong konektado sa opisina ng binata ng pigilan niya ito.

" If it's alright, gusto ko sana siya i- surprise kami na lang ang aakyat," pakiusap niya dito.

" Pasasamahan ko na lang po kayo mam, naku may kasama pa naman kayong baby, para po hindi na rin kayo mahirapan," alok ng receptionist na tinanguan na lang niya. Tinawag nito ang isang staff ng building at inutusan silang isakay sa isang private elevator.

Habang lulan ng elevator ay hindi maiwasang pagpawisan ni Jhossa kahit pa nga ba malamig sa loob nito. Dumudulas ang hawak niya sa kamay ng anak na kabaligtaran naman niya, dahil napaka- kampante ng mukha nito, pero mababanaag naman ang kasiyahan sa mga mata nito.

Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na sila ay iginiya sila palabas ng kasama nila hanggang sa tapat ng opisina ng binata.

Ang mga bantay na naroon ay kakikitaan rin ng pagkabigla ng makita siya, bagay na hindi na lang pinansin ni Jhossa.

Naiintindihan naman niya ang mga ito, kahit siya ang nasa lugar ng mga ito ay magugulat at mabibigla rin siya kung makikita na lang sa harapan mo ang isang taong matagal ng pinaniniwalaang patay na.

She disregards them at ipinokus ang atensyon sa taong sadya sa lugar na iyon.

She braced herself lalo na ng pihitin niya ang seradura ng pinto at itulak iyon pabukas.

Nakita niya si Kyshaun na nakasandal sa upuan nito. His back is facing them at nakaharap naman ito sa sakaling dingding, he must have been looking at the fantastic view from his offices.

Hindi niya pa ito nakikita ng buo, pero ang ouso niya naman ay tila nagrigodon na naman. Just by the mere presence of this man, nawawala na sa tamang function ang utak niya.

It was as if nakapokus lang ito kay Kyshaun.

Him and only him.

Maaaring nakalimutan ng isip niya ang lalaking ito, but her heart knows him.

Deeply... Madly...

" Damn it! I told you not to disturb me. Bakit ba hindi kayo makaintindi!" I should have fired all of you!" Ang malakas na boses ni Kyshaun ang nagpanumbalik kay Jhossa sa kasalukuyang sitwasyon.

She cleared her throat at sinikap na kunin ang atensyon ng binata, na prenteng nakahilig sa upuan nito.

" I-ahhmm. I'm sorry hindi ko alam na ayaw mo pa lang  maistorbo. If you want babalik na lang ulit kami," malumanay ang pagkakasabi niya ng mga salita, kaya naman laking gulat niya ng biglang umikot ang kinauupuan nito paharap sa kanila.

" H-hon?!" His voice in honest disbelief asked her. " Is that you?" Padarag itong tumayo sa upuan at mabilis na nakalapit sa kanila, hindi pa nito napapansin si Karsten na tahimik lang na nakahawak sa kanya. " Fuck! Its really you!"

Nagpakawala siya ng alanganing ngiti.

" Sorry for coming unannounced. Mukhang naistorbo ka pa nam—"

" No, no ! Hindi ka istorbo. Pasensya na, I am not myself this past few days, iniisip kasi kita, I mean kayo ni Karsten palagi eh,"

" We've been thinking of you too," she heard his sharp intake of breathe at nakita niyang bahagyang ngumiti din ito.

" You said we? Sinong we?"

" I'm sorry, hindi ko pa pala kayo naipapakilala," niyuko niya ang anak na matamang nakatingin sa ama. Nanlaki ang mata ni Kyshaun, when for the first time ay mapagtuunan nito ng pansin ang anak na hawak niya.

" Karsten sweetie meet Kyshaun, he is your daddy, that uncle Dylan is talking to you . Kyshaun this is Karsten, o-our s-son." pagpapakilala niya sa dalawa.

Karsten took a step forward and extended his small chubby arms. Gusto yata nitong kamayan ang ama.

" Karsten Dwayne Lewis, how are you po daddy?" Karsten asked at ang sumunod na eksena ay halos hindi makayanan ni Jhossa.

" M-my s-son." Napaluhod si Kyshaun upang magkatapat sila ni Karsten. Inabot nito ang bata at niyakap ng mahigpit. " Oh my God, thank you so much!" Nagtaas ng tingin si  Kyshaun and even mouthed thank you to her and Jhossa couldn't hide that happiness she feels upon seeing Kyshaun  and Karsten into a tight embraced.

Both father and son doesn't want to let go.  And so is she!

At least for now!

A/N

Lalalalalala means I love you...😘😘😘😍😍

Wwala lang, mema lang as always ✌✌✌✌✌😋😋😋

Sinnersaintbitch

Share This Chapter