Back
/ 78
Chapter 47

Chapter 45- Family

One Stormy Night

Jhossa couldn't help but form a soft smile on her lips habang tahimik na pinagmamasdan ang mag-ama niya.

Karsten and Kyshaun are having their little getting to know each other portion right now, at hindi niya maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang mga ito.

Karsten, for a two year old child looks so intimidating while staring and asking questions to his father, and on the other hand naman si Kyshaun, for a man whose known to be so tough and rough and menacing looks so nervous while trying to answer his sons questions, paminsan-minsan nga ay lumilingon ito sa kinauupuan niya, as if asking for her help na hindi naman niya alam kung paano ibibigay dahil kahit siya siguro ang tanungin ng anak ay wala rin naman siyang alam na isasagot.

She look at them once again, but this time ay mas pinagtuunan niya ng pansin ang ama ng anak niya.

Para siyang nasa harapan ng teleskopyo at sinusuri ang isang specimen dahil ganoon ang paraan ng pagtitig niya kay Kyshaun.

Her eyes settled on his eyes. Ang mga mata ng binata na sadyang napaka pamilyar sa kanya.

Of course not because they have the same color, but it's beyond that.

Para kasing nasasalamin niya ang nakaraan niya sa tuwing napagmamasdan niya ang berde nitong mata. And it was really what stood out against him though alam niyang maraming mas magagandang asset ang binata maliban sa mata nito.

Damn! He is really the most handsome men she ever met, hindi dahil ama ito ng anak niya ha, but because Kyshaun's personality emanates power and authority, well Dylan and the other guys she still remember has too, pero iba kay Kyshaun. It was as if he possessed that kind of magic that really deserves a second look, at ang pamilyar na kiliti na naramdaman niya ng una niyang masilayang muli ang binata ay naroon ulit.

Mas matindi lamang ngayon dahil pinagtibay ito ng kaalaman niyang kilala at may nakaraan sila ng binata.

Jhossa shook her head.

How can she ever  forget this man?

Samantalang wala namang kalimot-limot sa itsura nito.

Why of all people, ang tao pa na siyang may pinakamalaking koneksyon sa kanya at sa buhay niya ang nakalimutan niya?

Why is her mind keep blocking him out off of her memory? What is it with him at bakit kahit na kampante ang pakiramdam niya dito ay talagang wala siyang maalala tungkol sa binata, maski na sa nakaraan nila?

Is Kyshaun lying about them having a deeper relationship?

Or maybe dahil na rin sa may mga pangit nga na nangyari sa kanilang dalawa, kaya ang utak na niya mismo ang nagdidikta upang hindi niya tuluyang maalala pang muli ang binata.

Maybe because her mind wanted to spare her for an onslaught of pain, na siguradong mararamdaman niya sa sandaling bumalik ang memorya niya, kaya naman nag dedefense mechanism na ito at nagdedesisyon na para sa kanya.

But she wanted so much to remember him. She wanted to remember how she loves him and how much he loves her kung ganoon man.

Kahit masakit man ang mga namagitan sa kanila, gusto niya pa ring malaman ang extent ng nararamdaman niya para dito, dahil sigurado siyang hindi iyon basta-basta lang lalo na kung ang pagbabasehan ay ang agad na paghangang naramdaman niya ng makita niya ulit ito.

She was pulled back from her reverie ng maramdaman na parang may nakatingin sa kanya, and she contained a loud gasped ng makitang nasa harapan na niya pala ang anak at ang tatay nito.

" B-bakit?" Hindi niya mapigilan ang natural, lalo na ng mapansin niyang titig na titig sa kanya si Kyshaun, his eyes never leaving hers.

" Mommy, dad's asking if you want to eat na. Kasi I am so hungry na and daddy said he will treat us to Jollibee." Napataas ang kilay niya sa sinabi nang anak.

Really? Kakain ito sa fast-food! Parang hindi naman yata ito sanay na kumain sa ganoong lugar?

Ang tingin niya kasi sa binata ay mahilig sa mga mamahaling lugar at kainankaya naman naiiling na natatawa siya sa isisping makakasama nila ito ng anak sa fast-food restaurant na iyon.

" If you want to eat, tayo na lang muna ang kumain sa Jollibee, baka kasi naiistorbo na natin ang daddy mo—"

" Nope I am free. At saka nasabi ko na sa anak natin na sabay-sabay tayong magla-lunch so if you don't mind hin, I really wanted to eat lunch with the two of you."

Napangiti siya, " Hindi ka kaya maalangan doon? Baka lang kasi hindi ka sanay kumain sa mga ganoong lugar,—"

" I insist,"

" Sige na mommy, let's go na! This is the first time that we will eat with dad and I'm kinda excited," halos  sabik na sabi ng anak niya. And then Karsten hold her hand at hinila siya nito patayo sa kinauupuan niya at dahil nabigla ay nawalan siya ng balanse at babagsak sana sa sahig kundi lang dahil sa maagap na pag salo sa kanya ng binata.

Muli ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Kyshaun ay muling sumalakay.

Itinukod niya ang kamay sa dibdib nito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya ng niyang halos gahibla na lang ang layo ng labi niya sa mga labi nito.

His eyes darkened at narinig niya rin ang mahinang pag-ungol ng binata, sa sudden contact nilang dalawa.

" Hon,!" He whispered, ang mga mata nito ay titig na titig sa mukha niya.

" I-im sorry," ganting bulong niya, grabe! Sobrang nag-iinit na ang mukha niya at pakiramdam niya ay pulang-pula na siya dahil sa kahihiyang nararamdaman. " H-hindi ko s-sinasadya."

He just flashed her his sexy smile.

God yung puso ko! Nagwawala na siya

Napahawak sa dibdib niya si Jhossa nang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Is it normal feeling this way para dito? Shit! Pakiramdam niya ay pangangapusan na siya ng hininga eh.

" OK lang hon! I am always here from now on. Kayang-kaya naman kitang saluhin, ok lang na araw-araw kang magpatihulog basta sa akin ka lang babagsak,"

Inirapan niya si Kyshaun at mabilis na kumawala sa pagkakayakap nito.

" Kumain na nga lang tayo," she said awkwardly. " Gutom lang iyan, siguro nalipasan ka na, kaya bago pa yung anak mo naman ang magutom, let's go na." Aniya at mabilis  na hinawakan ang  kamay ni Karsten at nagmartsa palabas ng opisina nito.

Kyshaun just chuckled happily, at malaki ang ngiti na sumunod sa kanila.

Dinaanan muna ni Kyshaun ang sekretarya nito na halata ang pagkagulat sa mukha ng makita ang malapad na pagkakangiti ng binata, lumingon pa ito sa kanila ni Karsten but she just shrugged her shoulder at patay-malisyang itinuon ang pansin sa anak na panay naman ang reklamo dahil nga gutom na ito.

" My family and I will be out for lunch, baka hindi na ako makabalik so cancel my appointments if there is any. Ayokong may istorbo sa amin ng mag-ina ko okay." Narinig niyang bilin nito sa sekretarya.

" Eh sir, what about Miss Cri—"

" Especially that woman. Ayokong marinig kung ano man ang sasabihin niya. Tel her to get lost at huwag magpapakita sa akin, dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya."

" Copy that Attorney, " nakangiting sagot ng sekretarya. Kahit ang ilang empleyado ay napangiti rin ng maluwang sa isinagot ng binata.

" We'll go ahead ," ani Kyshaun at saka mabilis na naglakad papunta sa direksyon nila. " Sorry for that," anito ng makalapit at agad na kinarga si Karsten na agad namang sumama sa ama. Iginiya sila nito sa private elevator na siyang ginamit din nila kanina ng anak.

Nginitian niya lang ang binata at saka tahimik na sumunod dito. Sa loob ng elevator ay parehong tahimik ang dalawa, it was only Karsten who made a conversation with his father kaya naman kahit paano ay nadidistract si Jhossa sa kakaibang kabang kanina pa niya nararamdaman, pero ng huminto ang elevator ay muntik na talaga siyang mapatili ng biglang hinawakan ni Kyshaun ang kamay niya at pingsalikop ang mga daliri nila.

" W-what are you doing?" Halos pabulong na tanong niya dito. Pilit na binabawi niya ang kamay na hawak-hawak nito.

" What?" He asked innocently, patuloy lang ito sa paglalakad patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.

" K-kyshaun, y-you're holding my hand!"

" So?" Itinaas pa nito ang magkasalikop nilang kamay. " May mali ba sa ginagawa ko? Karga ko ang anak ko at hawak ko naman ang kamay ng girlfriend ko at ina ng anak ko! So what's the matter?"

" Girlfriend ka diyan! Ni hindi pa nga kita naaalala tapos kini-claim mo na girlfriend mo na agad ako. Ang bilis mo naman yatang makalimot, Attorney Lewis. Ipapaalala ko ang sa iyo in case you forgot, may amnesia ako 'no at hindi kita kilala—"

" Okay lang 'yan hon, alam ko naman na may sakit ka pa. But the fact na pinuntahan niyo ako ng anak natin, gave me hopes na siguro may puwang pa ako diyan sa puso mo, kaya kahit na hindi mo ako naaalala, hayaan mo na lang ako na gawin ang mga bagay na ito. And besides, hindi naman tayo naghiwalay, so technically girlfriend pa rin kita."

" Heh, bahala ka na nga lang sa buhay mo, ang dami mong dama." Jhossa answered at hindi na sinubukan pang bawiin ang kamay, mahihirapan lang siya or baka masaktan pa, lalo na at wala namang balak si Kyshaun na bitawan iyon.

Hanggang sa nakasakay na sila ng sasakyan ay hindi na binitawan ni Kyshaun ang kamay niya. Inutusan nito ang driver nito at nagpahatid sa KD Mall. Doon na lang daw sila kakain, tutal ay may branch naman doon ang fast-food na gustong kainan ng anak.

" Tumigil ka nga sa kangingiti mo nakakaasar na eh," nakasimangot na ito niya kay Kyshaun. Kanina pa siya napipikon at kung hindi lang talaga nakatingin ang anak nila ay kanina pa nakatikim ng batok ang lalaking ito sa kanya.

Paano ba namang hindi siya maaasar eh, para naman kasing may paparty si mayor sa sobrang dami ng inorder ng baliw na lalaking ito. Halos okupahin na ng napakaraming pagkain ang buong lugar kaya naman hindi na halos nakahanap ng puwesto ang ibang kakain at sa kanila na natuon ang pansin ng ibang costumers.

" Hon, pati ba naman pag-ngiti, bawal na rin?"

" Alam mo, you're so childish! Hindi na nakakatuwa yung ginagawa mo. What were you thinking, occupying the place as if you owned it—"

" I owned this!" He said casually and shrugged his broad shoulders.

" Whatever! Pero sana naman iniisip mo na hindi lang tayo ang tao dito, marami rin ang gustong kumain sa lugar na ito, so learned to be considerate hindi yung puro sarili lang ang iniisip,"

" But I bought this all for you and for Karsten,"

" I know that, pero hindi naman kami patay-gutom ng anak mo no, just one meal is enough,hindi kailangang maging OA,"

Tumango si Kyshaun at saka tumayo, and Jhossa get startled again ng bigla na lang itong magsalita. This time hindi siya ang pinatutungkulan nito ng mga sinasabi, bagkos ay ang mga taong nasa loob ng establisimiyento.

" Good afternoon people, " he said using his baritone voice. His eyes scanning the whole place at ng makitang nakatuon na ang pansin sa kanya ng  mga tao ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. " I apologize for the inconvenience that I caused you, hindi ko po iyon sinasadya, it's just that hindi ko napigilan excitement na nararamdaman ko. First time ko ho kasing makakasabay sa pagkain ang mag-ina ko, kaya naman ganito ang inaakto ko ngayon, pasensya na po." He loudly announced.

" Ano ba Kyshaun, umupo ka na nga!" Jhossa called his attention several times pero hindi siya pinansin ng binata, bagkos ay nagpatuloy pa ito sa pagsasalita.

Darn it! Nakakahiya na! Halos hindi na siya makatingin ng diretso sa mukha ng mga taong naroon.

" Kaya naman para makabawi ako sa inyo, you can take any orders that you want, it's all on me. Celebration ko sa pagbabalik ng pamilya ko sa piling ko,"

Namilog ang mata ni Jhossa, habang ang mga tao naman ay hindi naitago ang gulat at saya sa narinig.

" Congrats sir. Sana hindi na kayo magkalayo pa ng family niyo," tinanguan lang ni Kyshaun ang nagsalita and just murmured his thanks.

Napailing na ang si Jhossa, " You're crazy!"

" Yeah hon, I'm really crazy over you, at wala akong hindi kayang gawin, just to make sure that you and my son are happy, safe, contented and well provided off. That I can assure you, hon. That's how much I cared and love you, everything that I can give, I will give, huwag lang kayo ng mawala sa piling ko at mabura ang lahat ng sayang nararamdaman ko ngayon"

" Wala na akong sinabi," she just rolled her eyes ceilingward, at naiiiling na lang, hindi na lang niya pinansin ang agad na pagririgodon ng puso niya sa mga sinabi nito.

Really Kyshaun Drake Lewis is something.

And she is afraid, for she's starting to like it.

A/N

As promised....😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍

Thank you for Always supporting And for patiently waiting...

Love you so much guys...

Sinnersaintbitch...

Share This Chapter