Chapter 46- Chances Are
One Stormy Night
" May balak ka bang ubusin ang mga laruan dito sa toy store, Kyshaun?" Jhossa asked him ng makitang halos mapuno na ng binata ng iba't-ibang klase ng laruan ang cart na hawak-hawak nito. After kasi ng post-celebration nito sa Jollibee ay agad na niyaya sila nito na magpunta sa Toy Kingdom, gusto raw kasi nitong bilhan ng laruan ang anak. Little did she know na ang balak pala ni Kyshaun ay patayuan ng tindahan ng mga laruan ang kanilang anak base sa dami ng mga pinamili nito.
She couldn't count kung nakailang puno na ba ng cart ang binata, and each cart contains of different kinds of toys that really fits to Karsten age and interest.
" Allow me to pamper our son, hon. At saka hayaan mo na ako, ngayon ko lang nagawa ang mga bagay na ito para sa kanya kaya please indulge me on this one hon, okay,' Kyshaun answered and continue throwing toys in the cart.
Jhossa just sighed and didn't say anything, at tulad nga ng hiniling ng binata ay hinayaan na lang niya ito sa ginagawa. Anyways natutuwa naman siyang nakikita ang mag-ama niya na masaya habang patuloy ang mga ito sa pamimili ng mga laruan para kay Karsten.
Mag-ama niya, she can't deny the happiness she feels habang inuulit-ulit sa isip ang mga salitang iyon. Though kahit hindi niya kilala si Kyshaun, because of her condition ay napakadali naman para sa kanyang puso na kilalanin ang binata.
Habang nakasunod lang siya sa mga ito ay hindi niya maiwasang isipin kung ganito rin ba sila kasaya at kaaya-ayang tingnan kung wala siyang amnesiya at naaalala niya ang kung anong meron sila ng binata noon.
Will they be a happy family o baka naman hindi, dahil sasaalang -alang sa kanila ang mga nangyari sa kanila before that fateful day kung saan nangyari nga ang kanyang aksidente?
She looked at her son who were very happy habang nakasakay ito sa cart na tulak-tulak ni Kyshaun. Ngayon niya lang nakita na ganito kasaya ang anak niya simula't-sapul, sa tuwina kasi ay lungkot at inggit ang nakikita niya sa mga mata ni Karsten, lalo na sa tuwing nakikita nito ang mga anak ng mga kaibigan niya na kasama ang kani-kanilang ama.
She knows deep within at kahit na hindi pa magsalita sa kanya ang anak that he is longing for his father's attention, and even at his young age he's starting to seek for his father's role in his life at kahit pa nga nagmistulang father figure na sila Dylan dito ay iba pa rin talaga kapag ang tunay na ama na ang nag-aasikaso at nagpoprovide para sa mga necessities and needs nito.
And that's what Kyshaun has been doing. He is very keen on pampering their son. Though happiness filled her dahil nakikita niya ang saya nito, she is also afraid that Karsten will become familiar to all of this, pagkatapos ay matatapos rin naman at the end of the day, because no matter what they had shared the whole day, ang katotohanang hindi naman sila buong pamilya na masasabi ay isa sa mga nagsusumigaw na katotohanan, at na hindi nila puwedeng balewalaing dalawa ni Kyshaun.
And she is not that strong to see her son saddened by that.
Lumingon sa kanya si Karsten, nagniningning ang mata nito habang hawak sa kamay ang isang remote control.
" Mommy looked out!" Karsten shouted , that made her ducked her head dahil biglang humagibis padaan ang isang laruang eroplano, na minamaniobra pala ng anak. " This is so cool daddy, I love this one. I could get to fly this big airplane like pilots do..." He said happily.
" Of course son, at hindi lang iyan ang puwede mong paglaruan, I even buy you a lot of those remote controlled toys para may variation ka ng gusto mong laruin," Kyshaun said na ikinalaki ng husto ng mata ni Karsten sa tuwa.
" Really daddy," muling pumailanlang ang matinis na boses ni Karsten, " this are all my toys?"
Kyshaun nodded," Yes baby. Lahat ng mga nakikita mo, from now on ay sa iyo na lahat. We can even buy some more if you wanted too, or if you want I will buy this whole store for you."
Namilog ang mata ni Karsten dahil sa tuwa, even Jhossa couldn't suppress a loud gasped pagkarinig sa sinabi lang ng binata.
Eh Di wow! Siya na ang mayaman.
" Kyshaun," she called, hindi niya dapat na hayaang masanay si Karsten sa ganoong sistema ng ama nito.
Susme, kapag nagkataon siya ang mamumulibi sa anak niya dahil magiging bili mo ko non' bili mo ko niyan ang magiging drama nilang dalawa.
" Yes, hon?" Patanong na sagot ni Kyshaun, sinenyasan nito ang staff ng toy store at iminuwestra ang cart na puno ng iba't-ibang klase ng laruan. He even signalled for another cart, marahil ay pupunuin ulit nito ng iba pang laruan.
" That's enough. Hindi naman 'yan magagamit ni Karsten ng sabay-sabay eh," awat niya sa gusto nitong mangyari. " Isa pa, saan ko naman 'yan ilalagay, eh masikip lang ang kuwarto naming dalawa ni Karsten," she rolled her eyes upang ipakita na hindi na niya nagugustuhan ang walang patumanggang pagbili-bili nito.
Kyshaun smiled sheepishly. Lumpur pa ito sa kinatatayuan niya, karga-karga nito si Karsten na kipkip naman sa mga kamay ang remote ng eroplano na pinaglalaruan nito. " Who said that you're going back there hon?"
Napamaang siya sa sinabi nito. And what does he mean by that?
" And why on earth did you think na hindi na kami babalik sa bahay namin?" Taas ang kilay na balik tanong niya dito.
" Because that's what I intended to do, hon. Hindi ko na kayo pababalikin ng Sta. Barbara, because you are moving in with me."
" W-what?"
" You heard me right, hon. Iuuwi ko na kayo ng anak natin sa bahay ko. Simula ngayon doon na kayo titira kasama ko." He said with finality.
" P-pero.. N-no, y-you're couldn't possibly do that," Shit! She really hated it when she stammered like that. At sa harapan pa talaga ng lalaking ito.
Kyshaun chuckled sexily at mas inilapit pa ang sarili sa kanya, hindi tuloy maiwasan ni Jhossa ang mapasinghap when she feels the heat that was radiating in his body.
" My sweet, little, beautiful honey, I'm very sorry to tell you, but... I can and I will do that." He whispered to her ear, pagkatapos ay bahagyang inilayo ang sarili sa kanya at saka nagsalita. " I don't want to say this to you in public, but since I know na ikaw yung taong hindi pumapayag na walang paliwanag ang lahat, I had no choice kundi sabihin na ito sa iyo. When I found out that you are alive and suffering from amnesia after three years of letting me believe that you are already gone ay kasabay din ng pagkaka- alam ko na may anak tayo, hon. Imagine my surprise back then. Kaya pala ayaw kitang ipagluksa at kaya pala ayaw tanggapin ng isip at puso ko na wala ka na, iyon ay dahil sa katotohanang buhay ka pala talaga. And when I seek for you in Sta.Barbara, I made a promise to myself na babawiin ko ang tatlong taong nawala ako sa buhay mo, no not only that three years, but also those years that I was blinded by the truth kung saan kita talagang masaktan, and of course, gusto kong masaksihan kung paano lumaki ang anak natin. I wanted to be a father to him and a good partner to you. So noong huli tayong nagkita at nagkausap, after I left you again, araw-araw na akong humihingi ng sign kung paano ko kayo mapapanatili sa tabi ko and I promised to myself na kapag dumating yung sign na iyon, I will not hesitate to do what I really wanted to do, and that is to keep you. And this happen, kanina nung pumasok ka sa opisina ko bitbit ang anak natin, I said to myself, that this is really is. Ito na yun. This is the chance that I've been waiting for, kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sa iyo, hon. Because as of this moment I will not let you off the hook. You will be moving me with me, kasama ang anak natin."
" P-pero Kyshaun,"
" Please hon, this is the chance that I've been waiting for and keep on praying every shitty moment of my life. I know I have no right to demand anything for you, lalo na at hindi mo ako naaalala, but can you please give is a chance. Kilalanin mo ulit ako. Bigyan mo ako ng pagkakataong itama lahat ng mga maling nagawa ko noon sa iyo, and if ever na bumalik ang alaala mo tungkol sa mga ginawa ko sa iyo, parusahan mo ako, but please don't leave me. Hindi ko na kakayanin kung mawawala ka ulit sa akin. Kayo ni Karsten. "
" Hindi naman kami mawawala eh. And the reason why I decided to show up here kahit pa nga ba hindi kita ganoon kakilala and despite the truth na sinabi mo at ng mga kaibigan ko tungkol sa ating dalawa is because I wanted to give you that chance you are talking about. I wanted my son to experience na buo ang pamilya niya, that he too have his own father and not a daddy pretend only pero hindi naman kasama doon ang paglipat namin sa bahay mo."
Tumango si Kyshaun, " I know kakapalan na ng mukha ang nais kong mangyari, but I don't want you to argue this one out. You and Karsten will be coming home with me, at kung inaalala mo naman yung naiwan mo sa Sta. Barbara don't worry anymore. I have talked to Savannah and Paul and they said they are more than willing to swap places with you, kaya pumayag ka na lang please,"
The voice, the eyes, the face plus the fact that he was really close to her, oh my gosh, she is really drowning and she's doomed!
At talagang pati ang nananahimik niyang kapatid, binanggit na rin nito.
And Jhossa knows she already lost the battle lalo pa at nagsalita na rin ang kanyang anak
" Mommy, I wanted us to be with daddy please. " Karsten said na siyang nagpangyari upang ang mahigpit na pagtutol niya ay unti-unting lumuwag. The angelic voice of his son and his pleading eyes really cemented the fact na hindi na nga siguro sila makakabalik pa muna ng Sta. Barbara, idagdag mo pa na kinasabwat na pala ng lalaking ito ang kapatid niya at ang hipag. " I wanted to play with him everyday, tapos po ipapakilala ko na po siya sa mga friends ko. At saka po para po hindi na tayo maging sad kasi palagi natin hinihintay na bumalik si daddy,"
She saw how Kyshaun's eyes lit sa huling sinabi ng anak, habang siya naman at hindi maiwasan mamula lalo pa at tinitigan siya ng husto ng binata, inaarok ang katotohanan sa sinabi ng anak nila.
" So you were thinking and waiting for me huh." Bulong ni Kyshaun. " That makes me happy hon. Kahit pala hindi mo ako naaalala, naiisip mo pa rin pala ako. I'm so damn lucky!"
" Huwag masyadong mayabang mister, at saka iniisip lang naman kita dahil syempre ikaw ang tatay ng anak ko, at â," nabitin sa lalamunan niya ang iba pang sasabihin ng bigla siyang hapitin muli ni Kyshaun palapit sa katawan nito, leaving no space between them.
She looked into his green orbs, kitang -kita ang ningning at saya mula sa mga mata ng binata, and despite diligent effort not to drown in the ay hindi naiwasan ni Jhossa na magpatihulog sa nangungusap na mga mata ng binata.
" Whatever the reason hon, hindi na matatanggal pa ang kasiyahan nararamdaman ko, because I know na kahit na nawala ako sa alaala mo at diyan sa isip mo, dito," itinapat nito ang kamay sa puso niya, " hindi pa rin niya ako nalilimutan. And I am so thankful dahil kahit na ilang beses kong sinugatan at pinahirapan ang puso mo, you still managed to put a large space on it para sa akin."
" Kyshaunâ" nagulat siya ng biglang sapuhin ng libreng kamay nito ang mukha niya, and gently trace her face.
" Mahal na mahal kita Jhossa and this time I intend to show you how much, hindi ako papayag na may makapanakit ulit sa iyo... sa inyong dalawa ng anak natin. I will keep you safe from now on," Kyshaun said at ramdam na ramdam ni Jhossa ang damdaming nakapaloob sa bawat salitang binitawan ng binata.
A/N...
Sorry for the super late update medyo naiistress lang kaya hindi masyadong nagpaparamdam...
Sinnersaintbitch
Anyways enjoy reading..