Back
/ 78
Chapter 49

Chapter 47- Her Unforgetful Heart

One Stormy Night

Merry Christmas dear readers at dahil mababait naman kayo kahit parang kumokonti na ang nagpaparamdam sa  ating comment boxes, still I applauded you guys for getting this far on PSN..

Sensya na guys if mabagal ang update, I know na hindi ko nakuha yung targeted dates kung saan dapat ay matapos ang last installment ng Ever After Series, kaya Lang kasi sumasabay ang super demanding ko na boss at ang medyo may pagka hectic na sched sa school...

But as I've said before, malapit ng matapos ang particular story na ito, so I suggest that you keep up with me until the end...

Thank you, God Bless you... And...

May you have a Merriest Merry Christmas and happiest Happy New Year...

Chapter 47

" Mommy, I'm still sleepy, can I go back to sleep please?" Natawa si Jhossa habang binibihisan ang anak niya ng susuotin nito, paano ba naman habang binibihisan niya ang anak ay ilang beses na halos ay mapasubsob na ito sa katawan niya dahil hindi nito mapigilan ang sarili na muling ipagpatuloy ang naudlot na tulog nito...

Buong panggigigil na hinalikan niya ang pisngi nito at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng sapatos dito.

" Baby, I'm sorry for disturbing your sleep okay, pero alam mo naman na kailangan nating tapusin yung mass right. Don't worry matatapos na ito only three days left then hindi na kita iistorbohin ulit sa pagtulog mo." She explained to him, bit her son is not listening, napangiti na lang siya ng makitang nakatulog na ulit ito.

Hinayaan niya na lang na ipagpatuloy nito ang pagtulog, alam naman niya na pagdating sa simbahan ay magigising na ito, because she knows how Karsten love to watch those mini plays that those little kids are doing when they enact the both of Christ. At talagang nakikinig rin ang anak sa mga homily ng pari kaya naman alive na alive ito sa loob ng simbahan.

She was busy arranging his things ng biglang bumukas ang pinto ng silid ng anak at pumasok doon si Kyshaun. He too was dressed already at tila ba sila na lang talaga ang hinihintay nito.

" Hey hon," he said as he took a strides towards her, scoop her in his arms and plant a soft kiss on her lips. Hindi niya maiwasang hindi kiligin sa ginawa nito. " Good morning, " he said huskily nang bitawan nito ang mga labi niya, his eyes are glistening with so much happiness.

Yeah, they were living in the same roof tulad ng gustong mangyari ng binata, hindi na talaga sila nito hinayaang bumalik ng Sta. Barbara like what she wanted, instead ginawa nito ang lahat upang mapapayag siya na sa bahay na nito tumira.

She even consulted her friends about this one, pero ang mga baliw niyang kaibigan ay hindi man lang siya sinuportahan sa gusto niyang mangyari na long distance relationship ng anak at ng ama nito.

It was better that way sabi pa ng mga ito dahil raw mas mababantayan siya ni Kyshaun, especially now that the news of her being alive sent turmoil in almost everywhere.

And so far masaya naman siya sa piling  ni Kyshaun. Hindi niya nararamdaman  na kailangan niyang mailang sa presensiya nito sa buhay nila ng anak niya, bagkos she feels that she is complete ngayong kasama na nila ito.

Pakiramdam niya ay bumalik na siya sa dating siya, oh well minus of course her lost memories, but aside from that she feels complete. Kyshaun's presence made her like that.

" G-good morning too," medyo nautal pa na sagot niya. Kyshaun's nearness affect her so darn much na pakiramdam niya ay may dumadaloy na mumunting kuryente sa baby himaymay ng katawan niya.

It makes her feel giddy everytime, tapos ang lalaking ito na parang alam kung ano ang epekto sa kanya ng presensiya nito ay tila ba tukso naman na lapit ng lapit.

" Are you all set?" nakangiting tanong nito, his green eyes showing too much admiration.

" Yeah, were done. Kaya lang kailangan mo na naman yatang kargahin ang anak mo," she motioned to the bed kung  saan mahimbing na namang natutulog si Karsten.

Kyshaun laughed heartily bago nilapitan si Karsten and gently scooped his son to his arms.

" Let's go," yaya nito. " We don't want to be late on the mass right,"

Pagbaba nila ay naghihintay na sa kanila ang mag-anak na Lewis at katulad ni Karsten who were fast asleep ay ganoon din ang dalawang anak ng mga ito.

" Looks like the kids will spent their bonding time sleeping eh," Dylan said, nang makita nitong karga-karga ni Kyshaun ang anak nila.

" Yeah it seems like it," natatawang sagot ni Kyshaun at dumiretso na sa sasakyan nito at maingat na ipinasok ang anak, pagkatapos ay mabilis na inalalayan din siya nitong makapasok ng kotse , she would be sitting next to her son.

Bago pa tuluyang sumara ang pinto ng kotse at mabilis na dumukwang si Kyshaun and planted a quick but hot kiss on her lips.

" You really looked so delicious hon, I can't help but drool over you, " he whispered huskily, then gave her a flirtatious wink bago tuluyang isinara ang pinto, at umikot sa driver seat.

She was still gaping at him ng lumingon si Kyshaun sa puwesto nila.

" Don't look at me like that, hon, baka makalimutan kong kasama natin ang anak natin at na magsisimbang-gabi tayo," he said teasingly nang makitang titig na titig pa rin siya dito.

Napasimangot siya, " Bakit ka ba kasi halik ng halik huh?" Kunway pagalit na sabi niya, just to cover the wild beating of her heart.

Kyshaun smiled sexily," I love kissing you, that's why,"

" But , you didn't have to do that dahil gusto mo lang, ano yun kapag trigger happy ka manghahalik ka na lang basta-basta?"

" Honey, hindi ako nagtitrigger happy lang okay. Gustong-gusto kong hinahalikan ka. In fact hindi lang halik ang gusto kong gawin sa iyo, I want to embed myself in you if you know what I mean," he teased her.

" Siraulo," she whispered. " Yang bibig mo Kyshaun rendahan mo huh," pakiramdam niya ay pulang-pula ang pisngi niya dahil sa tinuran nito.

Kyshaun just laughed happily, uncaring if  their son stirred on its slumber dahil sa lakas ng tawa nito.

Napailing na lang siya.

Really?

Napapaisip talaga siya kung ganito din ba talaga ang ugali ni Kyshaun noong hindi pa nawawala ang memorya niya.

O baka naman, this is the different side of Kyshaun that he wanted her to know?

" So how's living together with Kyshaun huh?" Michelle asked ng magkasarilinan silang dalawa, ang asawa nito at si Kyshaun ay kasama ng mga tsikiting nila na ng makarating sa simbahan ay parang may mga usapan na agad-agad na nagising.

Katatapos lang ng misa at ang mga bata  ay agad na nagpasama sa mga tatay nila na magpapabili ng nga laruang nakita ng mga itong nakahilera sa tapat ng simbahan. And being the spoiler ay agad namang sumunod sila Kyshaun at Dylan, leaving them in the cafeteria na nasa malapit lang din kung saan sila nagsimbang mag-anak.

" Okay lang naman, Kyshaun and I are doing great, and we are really getting along very well  lalo na kapag tungkol kay Karsten ang pinag-uusapan namin." she answered a matter of tactly.

" But what about Kyshaun?"

" What about him?"

" Anong nararamdaman mo sa kanya? Do you feel that you really knew him from before?"

She sighed. Michelle is one of her doctors na tumutulong sa kanya upang  ma overcome niya ang sakit na amnesia at ang isa sa nagsabi sa kanya nang possibilities na hindi na kailanman maibabalik pa ang mga nawalang memorya niya.

Which of course saddened her. Sino ba naan ang may gusto na hindi na bumalik pa ang mga alaalang possible ng vital sa kanyang pagkatao.

But what to do? If that is what bound to happen then she has no choice but to accept her fate.

Wala naman sigurong may gustong  mawalan siya ng alaala .

Or she thought.

" Sa totoo lang ang hirap iassess Michelle," she sighed and sipped her coffee. " There are times that I feel na kilalang-kilala ko na siya, pero may mga pagkakataon namang kinakapa ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko hindi normal ang mga bagay na ipinapakita niya sa akin,"

" Like what?"

" Sobrang mabait si Kyshaun, parang hindi siya nagagalit. He always understand me kahit na alam ko na may mali na sa nagagawa ko, still he is not scolding me. I feel that he is not showing the real him. Ganoon ba talaga ang ugali ni Kyshaun? Is he always like that especially on me?"

Napaubo si Michelle sa narinig at hindi nakaligtas sa paningin ni Jhossa ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito.

" What the hell? Ganoon ba si Kyshaun sa iyo? Damn! Mukhang tinamaan ng himala ang siraulo na iyon ah. "

" Why did you say that?"

" Wala naman, talaga lang tinotoo ni Kyshaun ang sinabi niya na magbabago na siya kapag nakita ka na niya ulit. And boy oh boy oh boy, it seems that Kyshaun is being true to his words, not that I have anything against it, in fact gustong-gusto ko ang mga pagbabago ng lalaking iyon."

" Is he really that bad?" Medyo nag-aalangang tanong niya.

" Hindi naman, pero pagdating sa iyo, the rational side of that man left his body and mind, he becomes possessive to the point na nakakasakit at nakakasakal na, that is Kyshaun before, but you need not to worry anymore, Jho because Kyshaun is doing his best to be on his best, and that is all because of you and your son. And the truth that he really loves you at na ikaw lang ang babeng minahal niya ng lubusan makes us feel at ease at alam namin na sa kanya ka lang magiging masaya, whether there is amnesia or not."

" I feel that too,"

" Nililigawan ka ba niya ulit?"

" Nope, sabi niya kasi girlfriend niya na raw ako kaya hindi na niya kailangang manligaw ulit."

" Siraulo talaga," Michelle laughed heartily. " Hayaan mo na, tutal naman binakuran ka na eh, saka mahal na mahal ka nun, nagkamali lang siya nang paramdam noon but trust me. Kyshaun loves you so dearly."

Jhossa felt her heart swell in so much happiness, ang malamang dahil sa kanya kaya nagbabago si Kyshaun brings so much joy in her. Ewan ba niya, pero ganoon talaga kalaki ang epekto ng binata sa kanya.

Maybe there comes a time that she was drifting dahil iniisip niya kung ano ba talaga ang kailangan gawin niyang pakikitungo sa binata, maliban sa pareho silang magulang ni Karsten, pero nananaig sa kanya ang kagustuhang mas makilala pa ng lubusan ang ama ng anak niya.

Kaya nga kahit taliwas sa paninindigan niya ang makisama sa isang lalaki sa isang bahay ay isinantabi niya iyon, because deep down inside her, she is longing for that to happen, noong unang nasilayan niya muli ang binata.

She wanted him.

She really do.

" Trust yourself Jho, maybe your mind doesn't know him, but your heart doesn't forget either. Kilalang-kilala niyan si Kyshaun. Pasaway yang puso mo eh." Michelle said at kinawayan nito ang asawa na papasok sa loob kasama ang mga anak nito.

And there she saw, the man who make her heart skip in a funny way, karga-karga pa rin nito ang anak nila, and wearing that infamous smile that makes her go giddy all the times.

" So paano 'yan we've got to go. May appointment ako mamaya sa hospital eh, alam mo na Christmas is always the busy days for us,"

Hindi na hinintay pa ni Michelle na makalapit sa kanila ang asawa nito, instead she met him halfway pagkatapos ay bumaling sa kanya at saka siya kinawayan.

She waved back at saka tinanguan ang mga ito.  Nang makalabas ang kaibigan ay ipinokus na niya ang atensyon sa paparating na mag-ama niya.

" Hey hon, nainip ka ba?" Kyshaun asked as he leaned in to give her a quick kiss on her lips.

" Hindi naman, pero bakit nanghahalik ka na naman huh,"

" I told you, I love kissing you. Saka na miss kita eh," hinila nito ang isang silya at inilapit sa kanya saka naupo doon, there arms are brushing each other and that tingling sensations she always feel whenever he's near ay naroon na naman.

" Hmmp, para namang ang tagal nating hindi nagkita kung makasabi ka na namimiss mo ako, eh parang isang oras ka lang nawala eh,"

" And that feels a lifetime hon, being away from you is a near torture kaya nga ayaw kong nalalayo sa iyo eh."

" But you have work, napapabayaan mo na nga yata ang trabaho mo dahil sa amin eh,"

" Forget about that hon, tandaan mo na hindi kayo kaabalahan sa akin. You and Karsten is my top priority and that's not gonna change. Do not worry about my work, just let me handle it."

Tumango siya. " Okay sige sabi ko eh. Basta mag promise ka na kapag nahihirapan ka na magsasabi ka sa akin okay, let me help you,"

" It's okay hon. I can take care of everything, ikaw ang mangako sa akin," Kyshaun's dark green orbs looked piercingly at her kaya naman napatango siya dito," Promise me that you will always stay with me. Na kahit na anong mangyari, you will always be with me, promise me that hon, please,"

Siguro nga hindi na kailangan pa na maalala niya ng lubusan kung ano si Kyshaun sa kanya noon, what matter is kung ano silang dalawa ngayon.

And the fact that Kyshaun makes her happy and contented ay sapat na upang makabuo siya ng solidong desisyon.

" Gusto kitang makasama at makilala pa Kyshaun, kaya sige nangangako ako sa iyo. Hinding-hindi kita iiwan, dito lang ako... at mananatili sa tabi mo, for as long as you want," she smiled as she says that. Her green eyes sparkling with so much happiness.

Tama si Michelle, maybe her mind forgets him, but her heart always remember him.

A/N again....

Sorry guys, this is supposed to be updated last December 22, kaya Lang sobrang nabc si author kaya ayun, hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ngayon na lang ulit...

Anyways enjoy reading and

MERRY CHRISTMAS to all.....

From your loving and caring author....

Sinnersaintbitch

P.S

Tumatanggap pa po ako ng mga belated gifts hahaha....

Share This Chapter