Chapter 48- The Effect
One Stormy Night
" Seriously Kyshaun I really think you need to go back to your work, ano ka ba? Halos ilang buwan ka na ring hindi nagrereport sa trabaho mo, baka namimiss ka na ng mga empleyado mo," Jhossa keep on pushing Kyshaun to go to his work, nakokonsensiya na kasi siya dahil sa halos ilang buwang pananatili nila ng anak sa bahay nito ay talagang hindi na niya nakitang nag attempt man lang ang binata na bisitahin ang mga negosyo nito, kahit nga ang pagpunta sa law firm nito ay hindi nito pinagkaabalahang gawin, bagkos ay ipinasa pa nito ang ilang mga kasong hawak nito sa mga associates nito dahil nawalan na ito ng panahong pag-aralan pa ang mga kasong hawak nito dahil ang katwiran nito ay mas magiging hands on daw ito sa pag intindi sa kanilang dalawa ni Karsten.
" Hon, ilang beses ba nating kailangang pagtalunan ang bagay na ito?" Kyshaun's voice was so frustrated parang hindi nito mapaniwalaan na ipinagtatabuyan niya itong pumunta sa trabaho nito ngayong halata naman sa itsura nito na ayaw nitong mahiwalay sa kanilang dalawa ng anak.
She blew out a frustrating breathe also, this man, napakahirap talagang mapapayag lalo na kapag hindi talaga nito gusto ang bagay na ipinipilit dito, iyon ang isa sa mga natuklasan niyang ugali nito.
" Look Kyshaun," she said trying to be more patient as she could ever be. " Wala namang masama kung babalik ka na ulit sa trabaho mo okay, wala namang mangyayari sa aming dalawa ni Karsten especially now that we are here in your house, isa pa sino naman ang maglalakas loob na gawan kami ng masama, with them knowing na ang dami-daming bodyguards ang nasa paligid ng bahay mo, not to mention those high tech security features na naka install sa bawat sulok nitong bahay. Ano nagsusuicide ba sila?"
She accidentally hears from his conversation with Dylan about the threat sa buhay nilang mag-ina at hindi na niya tinantanan pa ang binata sa katatanong that's why he spills wholeheartedly about the danger that they are in at ang kagustuhan ng mga itong manatili silang ligtas.
Kaya naman pala ganoon na lang ang pagpipilit ni Kyshaun at ang pagsang-ayon naman ng mga kaibigan niya na dito na silang dalawa ni Karsten sa buhay ni Kyshaun manirahan kasama nito, para ma-secure ang kaligtasan nilang mag-ina.
" Pero mas gusto ko kung ako mismo ang magbabantay sa inyo ng anak natin. Hon, ayokong maulit ang nangyari sa iyo, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nangyari ulit iyon at kung kaya ko lang na ibalik yung panahon na naaksidente ka, I would have done something to prevent it from happening,"
She looked at him straight into the eyes, " Past is past Kyshaun, and no matter how hard you tried or we tried hindi na natin maibabalik pa ang mga nangyari noon. We just have to learn something it and move forward. I am truly thankful kasi alam ko na hinding-hindi mo kami hahayaang masaktan ng anak mo, pero hindi ka lang dapat sa amin maging responsable, you have to be responsible in your work also and all other things that doesn't concern us. Marami din ang umaasa sa iyo and you showing lack of interest is not good." Mahabang paliwanagan ang kailangan para maliwanagan ang lalaking ito, and Jhossa tried her best to put senses in Kyshaun's thick skull.
" But you are my priorities, hon. Hindi rin naman ako makakapag-concentrate sa trabaho knowing that you are all alone. Yes I did deploy those men for your security twenty four-seven, but it didn't mean that I will stop there, dahil mas panatag ang loob ko kung ako mismo ang magbabantay sa inyo. "
" Kyshaun please naman be reasonable okay," naiinis na siya. Bakit ba kasi napakahirap namang paliwanagan ang isang ito, nakakaasar na talaga.
Nahalata yata ni Kyshaun na naiinis na siya kaya naman humakbang ito palapit sa kanya.
" Hon, don't get angry okay. Ayoko lang naman na makalusot ang kung sinumang siraulo na nagtangka sa buhay mo. Mahirap nang isapalaran ang kaligtasan niyo, lalo na kung alam ko naman na may magagawa ako para mapigilan iyon," he holds her hand and intertwined their fingers. " And you don't have to worry about my work, I have a very efficient, trustworthy set of people kaya naman wala kang dapat na ikabahala okay."
Jhossa sighed, " But still, hindi naman masama kung bisitahin mo ang opisina mo once in a while right? Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko, malapit na tayong maging magkamukha dahil halos araw-araw na lang tayo ang magkasama,"
Nagulat na lang siya ng biglang tumawa si Kyshaun, tapos ay bigla siyang kinabig nito at saka niyakap.
" Bakit naman ako magsasawa? That would be next to impossible hon," he planted a soft kiss on her temple, ang yakap nito sa kanya ay mas lalo pang humigpit kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at gumanti na rin ng yakap dito. " Halos araw-araw sa loob ng tatlong taon, ang mga eksena ito ang palagi kong pinapangarap at napapanaginipan, and now that my dreams actually materialize ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo at kung iniisip mo na magsasawa ako, then dream on hon, dream on for it will never happen," yumuko si Kyshaun sa kanya and planted a soft light kiss on her lips.
That was intended to be a brief kiss, but her lips was parted a little ay sinamantala iyon ni Kyshaun at pinalalim ang halik.
Jhossa can't help but moan at the touch of his lips against hers. Kahit nakalimutan niya si Kyshaun technically because of her amnesia, the feeling that his touches and kisses sends to her body was enough for her to know that she really has a deep connection with him.
Plus factor na ang kaalaman na ito ang ama ng anak niya, and though she wanted to go beyond anything para lang maalala kung ano ang nakaraan nila ni Kyshaun, nakikintemto na siya sa kung ano ang meron sila ngayon.
Ewan niya, but the feeling that what they have right now is much more better than what they had before, and it really gives too much happiness on her heart.
She badly wanted to remember him, to remember how much she loves him, dahil gusto niyang ikumpara kung ang nararamdaman niya ba para dito sa ngayon surpass what she feels towards him before.
Pero syempre naroon ang takot.
Halos lahat sila ay nagsasabi na masyadong malaki ang naiwang sugat ni Kyshaun sa puso at pagkatao niya, that is why she is afraid.
Baka kapag naalala niya si Kyshaun at kung ano ang mga nangyari sa kanila ay bigla niya itong kamuhian, and she doesn't want to feel that.
Kyshaun is very much important to her at hindi maiwasang masaktan ang puso niya sa kaisipang baka nga kamuhian niya ang binata sa sandaling maalala niya ang mga nangyari sa kanila.
Yes aminado siya na sa ngayon ay hindi niya kayang magalit kay Kyshaun, but what if bumalik ang dating Jhossa? What if matabunan ng galit ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito? Paano kung ayaw na niyang makasama at makita ang binata bilang kabayaran sa lahat ng mga maling nagawa raw nito sa kanya?
Parang hindi niya kayang isipin na mangyayari ang mga bagay na iyon.
She couldn't even make herself get angry with him, because truth be told, she wanted to be with him every single day of her life.
Who would have thought na ang simpleng pagpayag niya na makasama ang binata sa buhay nilang mag-ina ang kukumpleto sa mga tanong na nasa isip at puso niya? Na ito ang pupuno sa malaking puwang sa kanyang pagkatao.
At ang security na nararamdaman niya kapag nasa piling nila ang binata ay sapat upang lahat ng alinlangan at takot na lumulukob sa buo niyang pagkatao ay agad na nawawala, it was replaced by a feeling of safety and contentment. Kapag nasa tabi niya ang binata, no one and nothing can harm her and her son, and she love that feeling.
She really do.
" You're drifting, hon,'' Kyshaun's voice ring at her ears at ng imulat niya ang mga mata, she realized that he was no longer kissing her. Bagkos ay titig na titig ang binata sa kanya, parang binabasa ang nilalaman ng isip niya.
" I was thinking," she honestly answered at sinalubong ang matiim na titig ng binata.
" And what could that possibly be?" Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang biglang pagtalim ng boses nito, dumilim din ang mga mata nito, iniisip siguro nito na ibang lalaki angâ
She smiled, alam niya na nagseselos ito. Haisst, men!
" Para kang praning!" She gently laughed teasingly at him. Kyshaun really looked so good when he is jealous like this, but dangerous too kaya kahit nakukyutan siya dito ay ayaw niya naman na nagseselos ito, especially on wrong reasons. " Huwag kang strong okay, umaandar na naman yang pagiging seloso mo, eh wala ka pa namang alam," she pinched his nose at pinandilatan ito ng mata.
He pouted, " Sino ba kasi ang iniisip mo? If I were you I will discard him in your thoughts, ayokong may ibang lalaking laman yang isip mo, kasama mo man ako o hindi," humigpit ang yakap nito sa beywang niya.
" Baliw! Bakit ko naman aalisin sa isip ko ang lalaking iyon? Eh siya ang pillar of strength ko. Dahil sa kanya kaya kumpleto ang pagkatao ko ngayon kahit na nga ba maraming kulang na alaala. And he made me so happy, lalo na ang anak namin, so tell me how can I discard him in my thoughts?"
" Y-you're thinking of me?" Hindi makapaniwalang bulalas nito. His green eyes sparkling in a very happy way. " Seriously it was me your thinking?"
Aba at nagduda pa.
She grimaced, " Eh di sige, iba na lang ang iisipin ko, ayaw mo naman yata na ikaw lang ang nasa isip ko eh,"
" Of course not! Nagulat lang ako. I wasn't expecting this. Damn! You make me so happy hon,"
" I am glad I made you that." She smiled sheepishly then leaned in to kiss him on his cheeks.
She can feel Kyshaun tensed, because this is the first time that she initiated that.
" H-hon," his voice husky and raspy too. Nararamdaman niya ang mabigat na hininga ng binata sa leeg niya.
" Hmm?"
" What are you doing?"
" Kissing you?" Humigpit din ang pagkakayakap niya sa beywang ng binata. " Hugging you, and keeping you close to me. Mahirap na baka maagaw ka pa ng iba eh,"
" Where did you get that idea?"
" Kaya nga siguro may gustong mawala ako, para masolo ka na nila. But unfortunately hindi sila nagtagumpay na mawala ako ng tuluyan because fate has brought me back to you and you to me, kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaan ang mga taong iyon na alisin ulit ako sa landas mo. This time with or without memory, I intend to keep you, kaya mamatay sila sa inggit,"
" Is that for real?''
" Yeah," tumango siya and flashes him a sweet smile. " Kaya sige, kung ayaw mong pupunta sa trabaho mo para bantayan kami ng anak mo, then I wouldn't dream of pushing you again, basta ipangako mo, that you wouldn't let us get away either."
Kyshaun smiled, those sweetest smile she had ever seen. " Pangako!"
" Thank you, " then she crosses the distance between them and kiss his waiting lips.
A/N
Alam na this next chappy....