Back
/ 78
Chapter 5

Chapter 4 Ruined Reputation

One Stormy Night

" I really don't know what to do with that man anymore. Sobrang nakakagigil na siya eh." Nasa elevator na si Jhossa ay hindi pa rin nababawasan ang ngitngit niya, sobrang pagpipigil na ang ginagawa niya sa sarili para hindi bumalik sa restaurant at sampalin ng bonggang- bongga si Kyshaun dahil sa mga pinagsasasabi nito sa kanya. At kulang na lang ay sirain niya ang mga buton ng pindutin niya ng sobrang diin ang number ng  floor para sa kanyang kuwarto.

Para na siyang tanga habang patuloy na kinakausap ang sarili. Hindi niya inaasahan na sa unang gabi ng pagbabalik niya ay makikita niya kaagad ang taong pilit sana niyang iniiwasan, and to make matter worst, nagkatotoo nga ang mga bagay na ayaw niya muna sanang mangyari, at mga bagay na pilit na ipinapaalala sa kanya ni Paul, that is confrontation.

And hell yeah! That was one great of a confrontation.

Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin mapaniwalaan na talagang nakipagsagutan siya kay Kyshaun. Napuno na nga ba talaga siya sa mga pasaring nito at hindi na niya narendahan ang sarili niyang ipagtanggol kahit kaunti ang sarili?

She shook her head. Tiredness and weariness fall on her. At ng bumukas ang elevator ay parang walang lakas na naglakad siya papunta sa kanyang unit.

Really, talking and arguing with Kyshaun drained all of her energy, huwag ng isama pa na talaga namang  nanghihina siya kapag kaharap ito. Something in Kyshaun makes her weak and at the same time makes her strong also.

Must be her kryptonite. Kyshaun is that to her. Both her weakness and her strength.

Nang makapasok ay hindi na siya nag abala pang magpalit ng damit, agad na dumiretso siya sa kanyang kuwarto at pahalang na humiga sa kama.

Her mind is still filled with Kyshaun's thought. He truly haven't get over with what happened between them. Ganoon din naman siya, hindi pa rin siya makapag-move on but she's trying.

Lahat na nga ng klaseng move para makapag move on ginawa na niya, everything she tried but failed to do so.

But one question still lingers on her mind.

Hanggang kailan ba sila ganito ni Kyshaun? Sa totoo lang napapagod na siya sa walang katapusang away nila. It's been eleven fucking years for goddamn sake! Can't he give it a rest?

Hindi pa ba nito alam ang mga impyernong napagdaanan niya at hindi pa ito nakukuntento because he wants to drag her again to hell?

Ano ba ang definition ni Kyshaun sa hell?

Kasi para sa kanya..

It was pure hell to see Kyshaun in that state. Na wala na itong iniisip kundi ang makapaghiganti sa mga bagay na wala namang bearing at katotohanan.

Oh Ky. If you only know the truth. If only I had so much courage and guts to tell you siguro hindi na tayo aabot sa ganito. Ang dami kong what ifs pero siguro nga I am a coward kasi hindi ko na binibigyan ng halaga kung ano ang opinyon mo tungkol sa akin. And I can't tell you the truth now especially that you cemented your opinion on me a long time ago. Hindi ko na kailangang ipagpilitan pa na malaman mo ang totoo, kasi kahit na mangyari iyon, I don't think I would be able to forgive and forget. Masyado mo akong sinaktan at pinabayaan. You left me hanging when I truly needed you the most. And worst is ikaw pa ang nanguna sa listahan ng mga taong humusga sa akin. You didn't even give me some fucking chance to explain, instead you spit words that even the worst cannot swallow. Bakit ka ganoon sa akin?

Ang sakit lang isipin na kahit anong gawin ko, andito ka pa rin. Ikaw pa rin kahit na alam kong basura na ang tingin mo sa akin. You are my first, my last and my everything, pero hindi mo na malalaman pa iyon because I intend to keep it a secret. You wouldn't know how much I still love and care for you dahil kahit sa sarili ko hindi ko rin alam kung kaya pa ba kitang patawarin. I guess I just have to continue this charade. Ang magpanggap na wala na akong pakialam. Though it's killing me, iyon na lang ang kaya kong gawin to salvage what what's left on me.

Hindi na namalayan ni Jhossa ang pagbalong ng luha sa kanyang mata. Tears has been freed from her, mga putang luha na matagal nang naipon sa kanyang mata.

Ang sama ng loob na pilit niyang ikinukulong sa dibdib ay kusang sumambulat, and memories of those fucking days where she was hitted the most started to unfold.

______excerpt flashback _______

" I don't know Crizel, magagalit sa akin si Kyshaun kapag nalaman niyang pumunta ako sa party na iyon. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kanya. At saka hindi niya na talaga ako pinayagan noong nagpaalam ako sa kanya. Wala kasi siya eh , ayaw niyang hindi ko siya kasama kaya sorry ah, pass muna ako." Jhossa explained to Crizel, nasa locker sila at kasalukuyan niyang kausap ang leader ng pep squad ng school kung saan member din siya. Niyaya kasi siya nitong pumunta sa birthday party nang isa nilang kasamahan sa PEP squad.

" Sige na JJ, hindi naman malalaman ni Kyshaun na sumama ka eh, or kung gusto mo naman ipagpapaalam ka na lang namin sa kanya."

She shook her head. " Naku 'wag na. Nakakahiya naman, aabalahin niyo pa ang sarili niyo, hassle lang. Isa pa ayokong suwayin ang gusto ni Ky, ayokong mag- away kami dahil lang ipinilit ko ang gusto ko. Ayokong nagagalit sa akin si Kyshaun eh, Kaya pasensya na talaga." Patuloy na pagtanggi niya.

Actually pinayagan naman siya ni Kyshaun na nagpunta, kaya lang siya talaga ang may- ayaw. Ewan ba niya, pero wala siyang tiwala kay Crizel, napepekean siya sa mga ipinapakita nito sa kanya.

Nagulat na nga lang siya kasi biglang naging mabait ito sa kanya, samantalang hindi naman ito ganoon dati, palagi pa nga itong nakikipag kumpetensya sa kanya hanggang sa maging captain na nga ito ng PEP squad na dati ay hawak niya simula ng ibakante ito ni Glayssa dahil mas nag focus ito sa kahahabol kay Meg.

Naging feeling close ito simula ng makilala nito si Kyshaun ng minsan sunduin siya ng kasintahan sa practice ng PEP squad para sa kanilang bagong routine and since then palagi na itong nakabuntot sa kanya, panay pa ang imbita at yaya niyo sa kanya na pumunta sa mga events na pinupuntahan nito, iyon ay kahit na wala siyang kakilala sa circle of friends nito.

" Sige na JJ, please. Kasama naman natin sa PEP si Benny for sure maiintindihan ng boyfriend mo kung bakit nandoon ka,"

Jhossa took a deep breath, nag- uumpisa na siyang makaramdam ng pagkairita sa totoo lang pinipilit niya lang talagang magpakahinahon dahil hindi naman siya kilala na basta- basta nagagalit. Sa kanilang magkakaibigan she is known as the friendliest one kaya nga siguro siya rin ang may pinakamaraming kaibigan outside their group.

And mostly ang mga kaibigan niya ay mga lalaki, kaya nga siya nabansagang campus flirt dahil doon, pero hindi naman iyon naging hadlang para hindi maging sila ni Kyshaun ang tinagurian namang campus snob.

" I'm really sorry Crizel, pero siguro next time na lang. Medyo busy din kasi ako eh. I have to go. Hinihintay na rin kasi ako ng nga girls. See you." Isinara na niya ang locker at nginitian si Crizel. " Anyways thanks for the invite, bye."

Tumalikod na siya at hindi na hinintay pa ang sagot nito.

Pagtalikod naman niya ay hindi na niya nakita ang pauyam na pag- ismid at pagsama ng tingin sa kanya ni Crizel. She even have that wicked smile on her lips.

" I'm not lying Kyshaun, legit ang mga pictures na iyan okay. Totoong si Jhossa ' yan, I even have people that is willing to testify na girlfriend mo ang nagwala sa birthday party ni Benny. My gosh! Akala ko pa naman ay kung sinong stick to one at loyal girlfriend yang si JJ, yun pala kapag wala ka, she had this habit of jumping from one boy to another. Imagine hindi pa siya nakuntento sa iyo, samantalang nasa iyo naman na ang lahat." Nilangkapan pa nito ng pang aakit ang boses nito, hindi alintana ang pag-guhit ng galit sa anyo ng binata.

" How did you get a copy of this?" Kyshaun's voice was hard, pinipilit niyang pigilin ang pag- alpas ng galit na unti-unting nararamdamam. Humigpit din ang hawak niya sa mga litrato na ipinapakita sa kanya ng babaeng kaharap. " Tell me!" Naipukpok niya ang kamay sa mesa at lumakas pa ang boses niya dahilan para maglingunan ang mga taong malapit sa puwesto nila.

He refused to believe it. Hindi magagawa sa kanya ng kasintahan ang mga bagay na sinasabi sa kanya ng babaeng ito.

No! Malaki ang tiwala niya kay Jhossa. Alam niyang  hindi ito magsisinungaling sa kanya. Nakausap pa niya ito kagabi at siniguro pa nito na sa bahay nila Angelica ito nagpalipas ng magdamag dahil hindi niya ito nasundo because of his earlier appointment.

And he believes her. Kaya paanong mayroong ganito? Bakit may litrato si Jhossa na kasama ang ibang lalaki? And the hell? She wore nothing except for that man's clothes. And sa hotel? Anong ginagawa nito sa hotel?

" I-i... Ahmm, m-my friend shot that one.. y-yes that's it. Nakita kasi sila ng kaibigan ko habang palabas sila ng hotel room kaya kinuhanan niya ng picture. Tapos ipinadala nila sa akin to confirm if it was indeed Jhossa. Nagulat nga rin ako and at first ayaw ko sanang ipakita sa iyo. But I think you ought to know the truth. You're girlfriend cheat on you Kyshaun. Ginagawa niya iyon behind your back," Crizel said with fake sympathy.

" Get lost, Crizel. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. My honey will never do such terrible act. Hindi siya ganoong uri ng babae. Hindi niya kayang magsinungaling sa akin." He said with so much conviction. Isinantabi niya ang galit na nararamdaman. Hindi siya dapat maniwala muna hanggat hindi niya naririnig ang panig ng kasintahan.

Mahal siya ni Jhossa at naniniwala siyang hindi gagawin ni Jhossa na makipag-landian sa ibang lalaki, not when she vows to be faithful on him and on their relationship. Naniniwala siyang pinahahalagahan nito ang anumang meron sila. He trusted her! Trusted her more than anybody else in his life.

" Bakit ipinipilit mong hindi magagawa ni Jhossa ang mga iyan. Kyshaun wake up, hindi santa ang babaeng karelasyon mo. Niloloko ka niya at pinaglalaruan, why can't you see that? Ayan na sa harapan mo ang mga patunay na naloloko ka. Paniwalaan mo. Or better yet, tanungin mo siya. See if she will deny everything or tell you the truth." Crizel said bago ito tumayo and she even give him a wink bago ito tuluyang umalis.

Matagal nang nakaalis si Crizel, pero ni hindi makuhang gumalaw ni Kyshaun sa kinauupuan. He was still shocked. Hindi ipina- process ng utak niya ang mga nalaman tungkol sa kasintahan. He was pissed off, nararamdaman niya ang pagdaloy ng galit sa mga ugat niya, and he was holding on to his temper kahit na gustong -gusto na niyang magwala.

Naikuyom niya ang kamay at halos malukot ang sobrang kinalalagyan ng mga litrato ng kasintahan, ang ebidensiya raw ng pagtataksil nito sa kanya.

" Anong sabi mo? Paki - ulit nga." Jhossa asked Kyshaun, napangiti pa siya ng maisip na baka nakaringgan lang niya ang sinabi ng kasintahan. Hindi naman ito seryoso hindi ba? Baka namali lang siya ng dinig. " Ano na naman ang trip mo hon? Ginu-goodtime mo ba ako huh?" She reached out to touch his face, pero iniwas ni Kyshaun ang mukha nito. Nabitin sa ere ang akmang paghaplos niya kaya naman napapahiyang mabilis niyang binawi ang kamay.

Pilit niyang nginitian ang kasintahan. Nagdududa na rin siya, wala sa itsura ni Kyshaun na nagbibiro ito. Napakaseryoso naman kasi nito at nararamdaman niya ang galit mula dito, kung para saan ang galit nito ay wala siyang ideya, pero binubundol naman ng kakaibang kaba ang dibdib niya.

She's not sure pero may kakaiba talaga siyang nararamdaman.

Una, pagkatapos ng isang linggong hindi pagpapakita sa kanya ay bigla na lang siyang niyaya ni Kyshaun upang lumabas but unlike before, hindi siya nito dinala sa mga usual places na pinupuntahan nila, instead narito sila sa park. A deserted park for that matter dahil halos walang tao sa parteng pinagdalhan nito sa kanya.

" Let's break up, Jhossa." Kyshaun's voice was very serious ganoon din ang itsura nito. His eyes show no emotion at all, wala na ang pamilyar na masuyong tingin nito para sa kanya.

Tila bombang sumabog sa pandinig ni Jhossa ang binitiwan salita ni Kyshaun, she almost sway buti na lang at nahamig niya ang sarili.

" Y-you're w-what?" She stammers, biglang binindol ng kaba ang dibdib niya. Hindi nga siya nagkamali ng dinig, talaga ngang nakikipaghiwalay na si Kyshaun sa kanya. Pero bakit? What's the problem?

" I am breaking up with you. Maghiwalay na tayo. Ayoko ng makita ka. Ayoko ng magkaroon ng anumang kaugnayan mula sa iyo. Maghiwalay na tayo." Matigas pa rin ang boses nito,  ramdam niya ang pagpipigil nito ng galit.

" But why? What happened? Bakit ka makikipaghiwalay? "

" Hindi na kailangan pang isa-isahin ang dahilan Jhossa. Sapat ng malaman mo na tinatapos ko na ng relasyon natin. Ayaw na kitang makita pa. Kaya kung puwede, don't show your face on me again. Gumawa ka ng paraan para hindi na tayo magkita. Ayokong makakasalubong ka kaya huwag kang haharang sa dinaraanan ko or else you wouldn't like what I will do to you."; Kyshaun said in a warning voice.

Napatanga si Jhossa. Naguguluhan. Ano ba talaga ang problema? Why all of a sudden he wants to end their three years of being together? Why won't he explain?

Nang humakbang si Kyshaun paalis ay awtomatikong napasunod si Jhossa sa kasintahan.

" Hon—Ky, sandali lang. Ano bang problema, bakit kailangang maghiwalay? " Nalilito na siya. Why is Kyshaun acting like this? Wala naman siyang alam na maling nagawa niya.

" Explain it to me Ky. Huwag mo akong ibitin sa ere by leaving me and not even telling me your reason for this break up!" Halos matapilok na siya kahahabol dito dahil mabilis ang mga hakbang nito. " Kyshaun stop!" She screamed frustrated pero hindi talaga ito huminto. Dire-diretso ito sa direksyon ng sasakyan nito uncaring if she will cope up with him or not.

And to her horror, iniwan siya ni Kyshaun sa lugar na iyon, without money dahil naiwan niya ang wallet niya sa kotse nito. At marahil kung hindi niya nabitbit ang cellphone niya at natawagan si Shey ay doon siya sa parke magpapalipas ng gabi.

Katakot-takot na sermon ang ginawa sa kanya ni Shey because she refused to tell her the truth na iniwan siya ni Kyshaun matapos nitong makipaghiwalay .

Ayaw niyang magkaroon ng dahilan para magalit sa binata ang mga kaibigan, lalo pa at naguguluhan pa rin siya sa nangyari. At marahil ay nabigla lang din ang kasintahan. Siguro kapag nakapag-usap sila ng masinsinan ay pareho na silang maliliwanagan and they would just both laughed dahil sa mga nangyari ng gabing iyon.

But the talk never happen, dahil ng muli silang nagkaharap ni Kyshaun ay sobrang galit na galit na ito sa kanya. And that was after a week when he broke up with her.

Pinuntahan niya ito sa paborito nitong tambayan but she was surprised nang makitang halos makipagpalitan na ito ng mukha kay Crizel.

Yes that bitch! Sabi na nga ba niya eh, hindi talaga mapagkakatiwalaan ng hilatsa ng pagmumukha ng babaeng ito eh.

Well, well, well, Look who's here?

Talaga nga sigurong malakas ang pang- amoy ng babaeng ito, Kyshaun. Hanggang dito ay sinusundan ka pa rin niya. Didn't you ditch this bitch already, eh bakit hanggang ngayon ay sunod pa rin ng sunod sa iyo?" Nakaarko pa ang kilay na pinasadahan si Jhossa ng tingin ng babaeng kasalukuyang nakaangkla kay Kyshaun. She heard na ito na ang ipinalit sa kanya ng binata matapos nitong makipag break sa kanya. What a news!

Yeah! He just ended their relationship. Their three years of togetherness just vanished into thin air. Kyshaun just dumped her like a hot potato, at ang nakakaloka sa lahat ay may ipinilit na agad ito sa kanya. Ni hindi nga siya binigyan ng anumang maliwanag, basta iniwan lang siya nito matapos sabihin ang mga epic na linya na " I am breaking up with you."

Iyon lang! Yun lang ang tanging sinabi nito.

Nang walang kaabog-abog !

Sinulyapan niya ang dalawa. So naging sila na rin pala, eh di wow.!  She thought bitterly, hindi niya kayang- tingnan ng diretso ang tila lintang pagkakakapit ng babaeng ito kay Kyshaun, lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit hiniwalayan siya ni Kyshaun.

Wala pa rin siyang naiintindihan!

" Hindi naman ikaw ang gusto kong makausap, Crizel. I -i am here to talk to you. Kyshaun. Please?" She looked at him, her eyes begging upang pagbigyan siya nito.

" Ano pa ba ang gusto mong pag - usapan natin huh? Hindi pa ba malinaw sa iyo na wala na tayo." Kyshaun said in a voice devoid of emotion. " I already dumped you kaya wala ng dapat pang liwanagin!"

" B-but w-why? Ano ba ang nagawa ko?    I mean, I deserve to know the truth, Kyshaun.You just—"

" Shut it slut!" Ang lakas  ng pagka kasigaw na iyon ni Kyshaun at hindi maiwasang mapapitlag ni Jhossa mula sa kinatatayuan. Hindi naman malayo ang distansya nila pero halos isuka  nito ang mga sinasabi. " Ang lakas ng loob mong kausapin ako at mag demand ng totoo. When you are the one who's been lying to me all along!"

" Ano ba ang sinasabi mo? Kyshaun, hindi ako nagsinungaling sa iyo kahit kailan!"

" Really?" His voice held mockingness and looked at her with so much distaste. Hindi na niya makita sa mukha nito ang itsura ng lalaking mahal niya at mahal siya." Ang galing mo talagang magpanggap, Jhossa. Ang tagal mo rin akong napaniwala sa mga kasinungalingan mo. Why did I even believe that someone like you is capable of nurturing and being loyal in a relationship? Bullshit! Nagpakatanga at nagpakagago ako sa iyo because I believe in you! But this is all I get from you!"

Napailing si Jhossa. Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasasabi nito. " I-i don't understand you." Halos pabulong na wika niya.

" Hindi mo maintindihan? Then why won't this photo speak at your behalf."

Inihagis ni Kyshaun sa harapan niya ang isang brown envelope.

Nanginginig ang mga kamay na inabot niya ang envelope at hinuksan iyon. Tumambad sa kanya ang larawan niya kasama ang isang lalaki. Pinakatitigan niyang mabuti ang larawan at hindi niya mapigilan ang pagpapakawala ng singhap ng makilala niya kung sino ang lalaki.

Yes kilala niya ang lalaki, pero hindi niya maintindihan kung bakit magkasama sila sa larawan na ito, and heavens sa isang hotel room? Matagal na siyang hindi nagpupunta sa mga hotel.

" P-pero Ky, m-mali ka ng p-pagkakaintindi. Hindi ako ' yan at wala kaming relasyon ni k-ku—Paul. Hindi ko siya ni—"

" Save your breathe bitch, because I don't want to hear your voice or your fucking explanation. I don't need it. Just don't show your face on me any more. We are done, at kapag inulit mo pang kapalan yang mukha mo sa pamamagitan ng paglapit  ulit sa akin, in any possible way, hindi ako mangingiming iutos sa kanila na bigyan ka ng leksyong hinding-hindi mo makakalimutan." Tinanguan nito ang nga barkada nitong mga bully ng eskwelahan.

She was shocked, pinagbantaan siya ni Kyshaun. He was never like that to her! He used to be so sweet and caring at iniisip nito palagi ang mga lumalabas sa bibig nito because he doesn't want her to hear him saying harsh things, pero iba na ngayon. Parang ibang Kyshaun na ang kaharap niya. Hindi na niya ito halos makilala. And he even deliberately hurt her ng halikan nito si Crizel sa mismong harapan niya.

Parang pinukpok ng pagkapinong- pino ang puso niya sa nasaksihang eksena, she found out that she can't even breathe upon experiencing her first heartbreak.

Halos tuliro siya ng makauwi ng bahay nila, hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang pait at sakit sa puso niya sa ginawa ni Kyshaun.

" Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba natanggap ang mensahe ko Jhossa? Kanina ka pa hinihintay ng daddy mo, nagagalit na nga ang mommy mo kasi navlakwatsa ka pa daw." salubong sa kanya ng yaya Meding niya pagkapasok niya pa lang sa bahay nila. Forcing her to mentally stop her hearts dilemma.

She wiped her tears at binalingan ang matanda. " Bakit po yaya?" Did dad needs anything? Nasaan nga po pala ang mommy?"

" N-nasa kuwarto nila ang magulang mo hija. Tatagan mo ang loob mo sa kung anuman ang madatnan mo sa loob ng kuwarto ,"

Napa -angat siya ng tingin at hinayon ng mata ang silid ng ama. Agad ang paggapang ng kaba sa dibdib niya kaya kahit nagsasalita pa ang katulong ay mabilis na niyang tinakbo ang distansiya ng sala at ng silid ng ama.

Naabutan niya ang mommy niya na panay ang iyak habang nakayupyop sa silid ng kama.

At halos panginigan siya ng kalamnan balingan niya ng tingin ang daddy niya at ng makita ang nakaratay na walang buhay na ama sa gitna ng kama her emotions finally gave her away.

She stumbled from her steps habang lumalapit sa kinalalagyan ng ama.

" D-daddy? I-im here na po, " umupo siya sa silid ng kama at ginagap ang kamay ng ama. The usual warmth of his hand has gone but she refused to believe so. " Daddy, wake up na please. I'm going to tell you my secret pa eh. Ikukuwento ko pa sa iyo yung nangyari sa amin ni Kyshaun. Who's gonna wipe my tears na? Daddy naman eh please, don't leave me like this, hindi pa kita nasasabihan ng I love you today eh," napahikbi siya at dinala sa pisngi ang malamig na kamay ng ama. " Pa-paano na kami ni mommy? Sino na ang magtatanggol sa amin? Please dad don't leave me and mommy. I promise I will be good. No I will be better. I'll be a good daughter a father will be proud to have, just don't leave us like this daddy. Kailangan pa kita eh," she broke down. Lahat ng hapdi na nararamdaman niya ay tila dam na nagbukas at dire-diretsong umagos. " Daddy please w-wake up, hindi na ako natutuwa sa joke mo, pinapaiyak mo ako eh, pati si mommy umiiyak na din, hindi ka ba naaawa sa amin? W-we  need you d-daddy please." Pero kahit na anong yugyog ang gawin niya, her father remains lifeless. Talagang iniwan na sila nito.

Jhossa melt down. Hinayaan niyang bumuhos ang lahat ng sama ng loob niya. From her break-up with the man who promised to stick with her no matter what, sa pagbabanta nito and now her father's departure. Yeah she was a mess!

Her life was in a fucking dip shit!

At ang taong inaasahan niyang kasama niya during rough times ay iniwan rin siya.

And her hero deserted her also. Tuluyan na nga siyang iniwan ng kanyang ama.

At naranasan niya lahat ng kaibahan noong nabubuhay pa ang ama at ngayong wala na ito.

Because her mother loves her father so much ay dinibdib nito ang pagkamatay ng ama niya. She lost her will to live, napabayaan nito ang negosyo nila na naging dahilan ng unti-unting pagbagsak nito. Pati ang relasyon nilang mag-ina ay nagkaroon na rin ng lamat, dahil siya ang sinisi nito sa maagang pagkamatay ng daddy niya.

" Mommy, umiinom na naman po kayo, magkakasakit na po kayo niyan eh," kinuha niya sa kamay ng ina ng bote ng alak na tinutungga nito Pero tinabig lang ng ina niya ang kamay niya.

" Huwag mo nga akhong phakialaman. Khkait khailan talaga pakialamera ka, bakit hindi na lang ikaw ang nawala?bakit yung asawa ko pa ang kinuha samantalang andiyan ka naman.,"

" Mommy?"

" Sana, sana ikaw na lang ang namatay. Hindi sana ang asawa ko. Ikaw na lang sana.!"

And after three weeks of being depressed at pangungulila sa ama niya ay natagpuan na lang nilang wala ng buhay ang ina sa loob ng silid nito. She was holding her father's picture at nakatapat pa sa dibdib nito.

Sa loob  lang ng isa't kalahating buwan ay naulila siya at nagbago ang buhay niya, at sa loob ng mga panahong iyon ay hinintay niya si Kyshaun, but he never showed. Nabalitaan na lang niya na nasa ibang bansa ito kasama si Crizel at doon na raw magpapatuloy ng pag-aaral bilang abogado.

She still waited and made an attempt to explain her side again, pero sadyang matigas na si Kyshaun. Hindi na siya nito muli pang kumausap, bagkos ay palagi nitong inuutusan ang mga ka grupo nito upang patuloy siyang parusahan.

She was broken and empty.

And yet he never fails to make her life miserable.

Nalaman niyang ang bangkong pag-aari ng pamilya nito ang siya ring bangkong umilit sa bahay at lupa nila. Pati ang mga mamahaling sasakyan nila ay kinuha rin ng bangko, pambayad sa mga inutang ng ama at ina niya sa mga ito noong nabubuhay pa ang mga ito na ginamit na pang capital sa negosyo nilang naipalugi naman ng ina.

Ginawa rin ni Kyshaun ang lahat just to destroy her study sa Calixta, na marahil kung hindi naagapan ni Angelica who happens to be the daughter of one of the share- holder ng Calixta at kaibigan niya ay malamang sa malamang, hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral. And that was the only time that she let her friends help her, hindi na naulit pa iyon.

Kaya siya pumasok bilang modelo, ang maliit na kinikita niya mula dito ang siyang ginamit niya upang makatapos siya ng pag-aaral at upang hindi niya maabuso ang kabaitan ng mga kaibigan niya.

She uses all her ounce of strength para mapagbuti ang sarili sa propesyong naging sandigan niya.

And it has paid off. Nang mag extra siya sa isang show ni Agnieska Radwaska, a well known Russian designer na bumisita sa Pilipinas ay nagustuhan siya nito. Kinuha siya nito for six months booking sa European tour nito to model her latest piece na kinagat naman ng mga tao sa modelling world.

She has become a midnight sensation and she captures the heart of those people in modelling industry kaya after ng six months exclusiveness niya kay Agnieska ay pinag-aagawan na siya ng ibang designer.

Nakilala siya bilang The Innocent, The Temptress, and even The Sensual pero hanggang doon na lang ang alam ng mga tao sa kanya .

She remained mysterious para na rin sa kabutihan niya. At iniiwasan na rin muna niyang makibalita kay Kyshaun, because the last time that they saw each other again after two years ay binato lang siya nito nang masasakit na salita at puro pang iinsulto na hindi naman niya pinansin, because she had managed to control her emotions.

But his words cut like a knife and marred the beauty of her heart, kaya isinumpa niya sa sarili na hindi na niya pag- aaksayahan ng panahon si Kyshaun.

And that's what she has been doing.

Ibinaon na niya sa limot ang isang Kyshaun Drake Lewis.

Hindi na rin niya inabala pa ang sarili sa pagsasabi dito ng katotohanan. Because it never matters. Paniwalaan na nito kung ano ang gusto nitong paniwalaan. She wouldn't waste a soul just to fucking explain everything to him...

______ end of flashback++++++++

Jhossa close her eyes tightly. Hinayaan niyang bumuhos ang lahat ng hinanakit niya.

After naman ng vulnerability niya ngayon, magiging matapang na ulit siya.

Mabubuhay na ulit siya sa mundong pilit na sinasabayan.

Uncaring.

Though.

Unfazed.

A/N

Wish granted

I hope to hear from you...

Good mornight!

Share This Chapter