Chapter 5 Support System
One Stormy Night
" I really can't believe that you are here JJ!" Patiling sermon ni Angelica sa kanya when she barge into her office unannounced the next day. " Kung may sakit lang siguro ako sa puso kanina pa ako inatake sa gulat pagkakita ko sa iyo eh. Why didn't you informed us na uuwi ka pala? Hindi ka tuloy namin nasundo."
Hindi pa sana siya magpapakita sa kaibigan dahil huli talaga sa listahan ng mga asikasuhin niya ang mga ito because she wants to bond with the girls da huling araw ng pagiistay niya dito sa bansa, kung hindi lang talaga sila nagkataong nagkita at nagkabanggaan ulit ni Kyshaun malamang ay masusunod ang mga plano niyang iyon.
And speaking of that devil man, talagang tinototoo nito ang sinabi nitong pahihirapan siya.
Kagabi lang ay naranasan na agad niya ang kagaguhan nito. In the middle of the night, she find herself being thrown out of her room in the hotel. Nalaman niya na pagmamay-ari pala ni Kaizer, kaibigan ni Kyshaun ang hotel na tinutuluyan niya, and that rotten bastard of a man requested na i-cancel ang accommodation niya sa hotel, ang sarap talagang tirisin ng siraulong yun. At dahil ayaw na rin naman niyang madagdagan ang hindi magagandang ekspiriensiya niya sa dating kasintahan ay walang imik na lang siyang nag impake muli ng mga gamit niya at saka umalis ng hotel.
And to make matters worst, pagbaba niya sa reception ay naabutan pa niya si Kyshaun na kinakausap ang receptionist, must be using his charm para hindi na masyadong mag-usisa ang babae kung bakit disimulado siya nitong pinalayas sa hotel na hindi naman nito pagmamay-ari.
Such a lawyer! Mapuntahan nga ang punyetang nagbigay ng lisensya sa tarantadong ito at ng makastigo.
Nilampasan niya ang mga ito. Hindi na siya nag-abala pang bawiin ang ten thousand cash deposit na ibinayad niya sa hotel, baka pag nagkataon maisampal niya pa ito sa Kyshaun na iyon.
Taas noo siyang naglakad palabas ng hotel, but deep inside mangali-ngali na niyang balikan at sapakin ang lalaki dahil sa idinudulot nitong kahihiyan sa kanya.
And because of what happened also ay tinawagan niya si Savannah at nagpasundo dito, doon na muna siya tumuloy sa condo na pagmamay-ari ni Paul.
She sipped her coffee at nagpakawala muna ng matamis na ngiti bago iniangat ang ulo upang sagutin ang kaibigan.
" Eh di hindi kita nasorpresa ng ganyan kung nagsabi ako na uuwi na ako. And besides wala namang dapat na ipag-alala, nakauwi naman ako safe and sound."
" Still Jhossa Joud, you could have at least the decency to tell us. Para saan pa at naging kaibigan mo kami, kung pati sa amin ay inililihim mo ang pag-uwi mo ng bansa?" Nag-iisang linya ang kilay nito at alam niyang nagagalit ang kaibigan sa kanya.
" Sorry na Umaga, please! Kayo lang din naman ang iniisip ko eh. Ayokong maistorbo ang privacy niyo, and you know naman na kapag nalaman ng mga media at paparazzi na narito ako eh hindi na naman sila matatahimik hanggat hindi ako nakukuyog. And worse is pati kayo ay idinadamay nila sa mga write -upsâ"
" Eh ano naman kung madamay kami sa mga write ups na 'yon Jhossa? Hindi ba at normal na iyon dahil magkakaibigan tayo?" A familiar voice said from behind her. Her crisp and cold voice echoed through the whole room.
Jhossa bit her lip and look at Angelica who just shrugged her shoulders guiltily.
" Sorry JJ. Hindi ko napigilan ang sarili ko eh, nai- connect ko sila sa video chat, malay ko bang may lahi palang karerista ang mga yan, tinalo pa si Lewis Hamilton, and besides they deserve to know that you are here" Angelica said kahit na hindi niya hinihingi ang paliwanag nito.
Dahan-dahang inikot niya ang sarili, and she almost chuckled happily kung hindi niya lang nakita na madilim ang anyo ng tatlong babaeng bagong dating.
" Eerrr, hi girls! Long time no see, it's good to see you again in person." nakangiwing bati niya sa tatlo. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-irap ng mga ito.
Glayssa took a step towards her at hindi na siya nakaiwas ng bigla siya nitong kurutin sa braso, she gasped in pain. Kahit kailan talaga hindi na nagbago ang paraan ng pagbati ng best friend sa kanya. Panigurado, pasa na naman ang bahaging iyon na pinagpala ng kamay ng kaibigan.
" Hindi ka na talaga natuto, babes. How many times do we have to tell you to contact us immediately kapag pauwi ka dito? Nakakatampo ka na sa totoo lang. Hindi ka nagpapaalam kapag aalis ka tapos hindi ka rin nagpapa-abiso kapag uuwi ka." Ani Glayssa sa nagtatampo ngang boses. Inokupa na nito ang upuan sa harapan niya.
Shey smirked also. Naku isa pa itong babaeng ito, baka mamaya masabunutan ako nito, hindi niya maiwasang maisip lalo na at madilim ang anyo nito.
" I heard something Jhossa Joud." Shey said and looked at her directly, parang tinambol naman ng pagkalakas-lakas ang dibdib niya sa kaba. " And that something is very interesting, care to tell that to us?" Nag-isang linya ang mata nito, assessing her on a thorough way.
Kinabahan na talaga si Jhossa. Ang alam lang naman niyang puwede nitong ikagalit ay ang naganap kagabi.
Baka nalaman nito ang nangyari sa kanya kagabi! Oh my God! Didn't someone cover that up? Bakit hinayaan ni Kyshaun na lumabas ang pangyayaring iyon? Ganoon ba ang pagnanais nitong mapahiya siya at pati ang pagpapalayas nito sa kanya sa hotel ay ginawa nitong malaking kaganapan?
Bakit hindi niya naisip na hotelier ang kaibigan niya and everything that happens in the hotel circulation ay mabilis na umiikot sa mundo ng mga ito?
Shit Kyshaun!
Ang sarap bangasan ng ungas na iyon talaga.
" So hindi ko ba talaga sasabihin sa amin, JJ?" Michelle asked softly. Sa apat ay ito lang ang parang hindi nagagalit sa ginawa niya, kahit pa nga ba nakasimangot din ito at halatang nag-aalala sa kanya.
" Ahmm, eh kasi a-ano," she started pero hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin.
" Bakit kasi kailangang pang kay Paul namin malaman na titigil ka na pala sa pagmomodelo, that you are going to retire from the catwalk?" Hindi na nakatiis na tanong ni Glayssa, naasar na siguro ito dahil hindi siya makapagsalita ng maayos. " Madaya ka talaga, simula't- sapul inililihim mo na sa amin lahat ng mga nangyayari sa iyo kaya palagi kaming nahuhuli on lending our support on you, kailan mo mare-realize na kaya ka naming samahan sa lahat ng nangyayari sa buhay mo, masaya man iyon or malungkot."
Halos maibuga ni Jhossa ang pinipigil na paghinga. Iba naman pala ang tinutukoy ng mga ito. It's good that she stammers though, kung hindi may iba pang paghuhugutan ng tampo ang mga kaibigan.
" Ah,' yun ba. Sasabihin ko naman sa inyo eh, kaya nga ako umuwi. Kaya lang naman naunang makaalam si Paul ay dahil siya ang manager ko." She explained to her friends. " And besides I think you all know the reason kung bakit ko kayo hindi iniistorbo hindi ba? Kaya ko pa naman, kayo lang din naman ang tatakbuhan ko kapag gusto ko ng sumabog eh. Hindi ko makakalimutan na kayo ang number one support system ko, but I still can handle the situation and I am doing great still kaya hindi ko kayo binalak na istorbohin."
" Hay naku Jhossa! Kung hindi lang talaga namin kabisado ang ugali mo nungkang palagpasin namin itong ginawa mong ito eh. Next time huh, try to involve us, hindi ka naman namin pababayaan. You know how much we love you don't you?" Nakaarko pa rin ang kilay na paalala ni Shey.
She suppressed a big smile. Malas man siguro siya pagdating sa lalaking minamahal at least napaka swerte naman niya pagdating sa mga kaibigan niya.
" I will friends, of course I will." Pangako niya sa mga ito.
" So, tell us about your retirement. What made you decide to call it quits? I mean that's your bread and pauper at alam kong mahal na mahal mo ang catwalk. Bakit ngayon iba na ang ihip ng hangin? Nagsasawa ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Angelica, ito ang pinaka- naapektuhan sa nalaman.
" Oh my gosh JJ, who's gonna wear the clothes that I will design, nakakaasar naman eh," medyo nakasimangot pa ito.
This time, she burst into laughing. Para kasing batang nagta-tantrums ang kaibigan.
" Ano ka ba naman Umaga. Hindi lang naman ako ang model sa buong Pilipinas at sa buong mundo no. Marami pa diyang iba. And by the way you do your dress, sigurado ako na maraming couture ang mag-aagawan diyan at ipaparada sa iyo ang mga models nila. And don't worry, I will make sure that Missha will be well known in the industry bago pa man ako magpaalam dito." She told her friend.
" Hmmmp. Paano 'yan ikaw ang gusto kong model? Kaya nga ako nag pursue sa pagdedesign dahil sa iyo eh."
Tumayo siya at niyakap ang kaibigan, she was awed by her dedication on her.
" Masyado ka namang bilib sa akin, babes. Don't worry, yung mga damit mo ang isusuot ko sa final catwalk ko. And I will make sure na tatatak hindi lang sa local kundi maging sa international community ang Missha, just believe me okay."
Angelica nodded. " Okay, if you say so. Basta, yung design ko lang ang isusuot mo ha!" She instructed.
Tumango rin siya at nginitian ang kaibigan.
" So kailan naman ang balak mong magretire?" Michelle asked. " Paki-abisuhan ako at baka sumabay pa yan sa medical mission ko."
" Of course not Doctor Hoffman. I will make sure na lahat kayo ay free sa final show ko, dahil kapag hindi kayo nagpunta, magtatampo talaga ako at magagalit sa inyo. And that would be first."
" Pupunta naman kami. Sige kung sakaling matapat yan sa medical mission, ika- cancel ko yun just to assure you na pupunta ako sa final show mo."
" Eh, hindi naman ganoon ang gusto kong sabihinâ"
Michelle interrupted her." Don't worry, ipapaalam ko naman yun sa bagong director ng Miller Hospital, pero pagdating pa niya. Hanggang ngayon kasi hindi pa napipirmahan ang memo tungkol sa medical mission dahil hindi pa dumarating yung bagong director, baka sa susunod na linggo pa."
" Sige, ikaw ang bahala. O anong nangyari sa iyo Umaga? Why act so weird?" Puna niya sa kaibigan na naging alumpihit bigla.
" Nothing!" Pabiglang sagot nito. Pagkatapos ay ngumiti ng pilit nang ibaling ng lahat ang paningin dito.
" Don't mind me okay. May iniisip lang ako."
" Oh, okay. Sigurado kang okay ka lang ha?" Paninigurado niya.
" Oo, oo naman!"
" Just tell us kung kailan JJ okay. I need to get back to the hotel. That bastard Kaizer is really getting under my skin. I have to skin him alive sa ginagawa niya sa hotel ko eh." Paalam ni Shey.
" Ako rin. I need to get back to the office. Nangangain ng buhay yung CEO doon, magpapakain muna ako, " Glayssa said flirtatiously sinabayan pa iyon ng hungkag na tawa.
" Ako naman, matutulog na muna. Graveyard ako eh, I just couldn't resist being with you guys that's why I'm here." Ani Michelle, mababakas nga sa mukha nito ang pagod at puyat.
" Sige na umalis na kayo, I will stay here for a while." Sagot niya. Tumango ang mga ito at halos sabay- sabay na tinungo ang pinto matapos makapag- paalam ng maayos sa isa't-isa.
Nang makaalis ang tatlo ay binalingan niya sa Umaga. " So my dear friend, sino na nga ba ang gusto mong asikasuhin ko? At bakit ba nahihilig ka sa mga modelo ngayon?"
Tumiim ang itsura ni Angelica. Naging seryoso ito. " I heard that you were working with Zenith Salvador, kasama mo siya sa MuMendres diba?"
" Yup! Kinuha siya ni Kuâ, I mean ni Paul. Alam mo naman 'yun, he has the eye for beauty."
" Gusto kong ilayo mo siya dito JJ. Isama mo sa mga shows mo sa ibang bansa, basta mawala lang siya sa Pilipinas kahit na isang taon lang, please JJ."
Jhossa gaped at her friend. Anong nangyari dito? Why is she acting like weird?
" Bakit ko naman kailangang gawin iyon, Umaga?" Nagtatakang tanong niya.
" Please JJ, don't ask questions. I'm not yet ready to spill the reason, but I am begging you, do something please!" Angelica's eyes started to water.
Hindi niya lam kung ano ang dahilan nito, but she can't say no to her friend lalo na at ganito ang itsura nito.
" I'll see what I can do, babes. I do have an upcoming shows, I'll see if I can fit her in. Bago lang kasi siya kaya hindi siya gaanong nabu- book but I'll do my best para maisama siya."
" Oh my God really. Thank you babes, I really appreciate it."
" Don't thank me yet, hindi pa tayo sure sa magiging desisyon ni Paul."
Ngumiti ng malapad si Angelica." I know naman na it's a done deal. Kaya thanks in advance."
" Okay if you say so. By the way aalis na muna ako. Pupunta ako sa Engraves, I need to talk to Savannah, may ipinapaabot sa kanya si Paul eh."
" Kailan ba uuwi dito yang si Paul?"
" I dunno. Only Savannah can tell. Sige na. I don't wanna be late. I'll call you for updates. Bye babes. I love you." She waved her goodbye at tuluyan ng lumabas ng opisina ng kaibigan.
Habang naglalakad sa pasilyo ay isinuot ni Jhossa ang shades niya. She doesn't want to take a risk of someone noticing her kahit pa nga ba alam niyang mahigpit ang security dito sa building ng mga Miller.
Habang hinihintay na bumukas ang elevator ay tinawagan niya si Paul. She wants to talk to him about Zenith. Gusto niyang asikasuhin ang ipinapaki-usap ng kaibigan habang andito pa siya.
Nang bumukas ang elevator ay hindi nag- aangat ng tingin na pumasok siya sa loob. Hindi siya nag abala pang lingunin ang taong kasabay niyang pumasok dito. She was busy waiting for Paul to pick up his phone. But it must be her bad luck dahil hindi niya ma- kontak ang lalaki. Unreachable lagi ang isinasagot ng operator.
" Damn! I thought this place has a good signal everywhere, bakit hindi kita ma- reach, unbelievable?" She sighed and dialled Paul's number again, but after a numerous tries at hindi pa rin ito sumasagot she decided to drop the call.
" Damn it! Kung kailan kailangan mong makausap eh!"
" Ditched by your loverboy already?" A mocking voice said from behind her.
Gulat na nilingon ni Jhossa ang may-ari ng tinig.
Shit! Was all that she can utter.
A/N
Light lang tayo ngayon. Padaanin lang natin ang mga BFF... Though I'm still counting for your comments and votes..
I love you guys and thanks for the support, dahil sa inyo highest ranking na ng One Stormy Night ay 68 on Short Story. In fairness huh, hindi pa Completed yan..
Thank you from the bottom of my heart..ððððð
Sinnersaintbitch