Chapter 54- Real Dreams
One Stormy Night
She is dreaming, at alam niya iyon. Gusto niyang kumawala pero may puwersang nagsasabi sa kanya na panatilihin ang sarili sa lugar kung nasaan siya ngayon.
It was as if someone is keeping her on the slumber of sleep kaya kahit na anong gawin niyang balikwas ay hindi siya makaalis sa lugar na kinalalagyan niya ngayon.
So she did what the force told her, and allow herself to watch the scene. And it's kinda weird lalo pa at sarili niya mismo ang pinapanood niya sa panaginip na iyon.
" So the mighty Jhossa Joud is here." Papasok na sana siya sa kotse niya ng marinig ang boses na iyon. The voice sounded so freaking familiar pero ng lumingon naman siya ay hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng taong kaharap.
" You? What do you want, again?" She answered through gritted teeth. Ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa handle ng pinto ng kanyang sasakyan, sumasabay pa talaga ang isang ito eh.
Ngumiti ito ng matamis sa kanya, saka bahagyang lumapit at hinaplos ang buhok niya, matinding pagpipigil ang ginawa niya just as to not flinch.
" Oh poor JJ sweetie, nakalimutan mo na ba agad kung ano lang ang kailangan ko sa iyo? Of course I need money, alam mo naman na ikaw lang ang maaasahan ko right?"
" Can't you snap it out? Huli na iyong ibinigay ko sa iyo last week, akala ko ba nagkasundo na tayo? You promised me that you will used that money properly, ano ang nangyari at naubusan ka na naman?"
" Eh kasi naman sweety, nagbayad ako ng mga utang ko, nalaman kasi nila na may pumasok na malaking pera sa account ko, kaya instead of using the money you gave me as a capital, ibinayad ko na lang agad because they threaten me at isinasama ka pa nila sa ipinanakot nila sa akin. I fear for your life sweetie kaya ibinigay ko na sa kanila ang pera. I protected you."
She smirks, " But that was fifty million, ganoon ba kalaki ang pagkakautang mo? O baka naman ipinamigay mo na naman sa mga laruan mo yung pera kaya nagkaganoon? My God , kailan ka ba matututo? Niloloko ka lang nila, nagpapaloko ka naman."
" Grabe ka naman magsalita! Saka bakit ka ba nagkakaganyan ha? Pinagdadamutan mo na ba ako? Hoy Jhossa, huwag kang umasta na akala mo ay kung sino ka, baka nakakalimutan mo, dahil sa akin kaya ka tumatamasa ng karangyaan sa buhay,!" Pagalit na wika nito.
Nakita niya ang sarili na bahagyang napaigtad sa tono ng boses na ginamit nito. She feared this person, noon pa man alam na niya na isa ito sa magiging dahilan kung bakit hindi tuluyang magiging masaya ang buhay niya, but she had enough. Hindi siya nagpapakahirap magtrabaho at ibangon ang kung ano man ang meron siya para hayaan lamang na unti-unting ibagsak ng taong nasa harapan niya.
" I'm sorry, but I can't give anymore. That last fifty million was enough para sana mabuhay ka na ng matiwasay at mariwasa had you learn to utilized that money first before giving it to someone na hindi ka naman pinahahalagahan talaga. I guess it's your mishap now." Pumihit siya at tuluyan na sanang papasok ng kotse ng hawakan siya nito ng mariin sa braso.
" Do not push me JJ, kilala mo ako kapag nagalit ako. Wala akong sinasanto, and I don't give a shit if you are my abskdftrâ" the remaining words was slurred at hindi na niya maintindihan. Naiiling na pumasok na lang siya ng sasakyan niya, pero bago iyon ay nakita pa niya ang sarili na nilingon and kausap.
" I am sorry, pero talagang wala na akong maibibigay sa iyo. " She said at saka mabilis ng pumasok sa kanyang sasakyan , ignoring the wails of the person that she's talking too. Bahagya na lang niyang narinig ang pagbabanta nito na ikinakibit balikat na lang niya.
She is in dilemma right now and she doubted kung may pakialam siya sa mga ganoong banta.
And besides she is used to that. Palagi namang may nagbabanta sa kanya eh, nasanay na lang siya at natutunang hindi na lamang pansinin ang mga iyon.
Jhossa continue watching herself travelling to the past. Ni hindi niya magawang imulat ang talukap ng mata basta nakatayo lang siya doon at pinapanood ang mga nangyari sa kanya on the day her fatal accident happened.
Lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay malapit na siya sa katotohanan. She would finally get the chance to know who her attacker is.
" I am leaving, friend. For good! Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita-kita or kung makikita pa ba natin ng isa't-isa. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko. I lost my identity and I am broken, too broken that I don't even know kung mabubuo pa ulit ako. Sobra na akong nasasaktan and I reach now that level na hindi na kayang tumanggap ng anumang sakit. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang manatiling manhid. And the irony of it, sa mga taong mahal ko pa ako nakakatanggap ng mga pasakit." She blew a loud breathe.
"Sometimes I want to cry, pero dahil parang nasanay na ako na tumanggap ng sakit hindi ko na magawa, kahit pekein ang iyak hindi na gumagana. Nakaraming turok na yata sa akin ng anaesthesia. How I wish katulad ninyo ako, masaya , kuntento at higit sa lahat minamahal."
Tumitig si Shey sa kanya.
" Many times I told you na bumitiw na Jho lalo pa at alam naman natin na wala ng mangyayari, Kyshaun has a heart that was hard as the hardest stone. Hindi mo kailangan itama ang sarili mo sa kanya because we both know that you did nothing wrong. If he loves you like you used to tell us, kahit anong mangyari he will stand by you and wouldn't let you sail that boat alone. And as to your true mother ako na muna ang bahala sa kanya. pagtutulungan namin siya ng girls. And if you want to find yourself and fix those broken things I suggest that you should forget about them first. Kaya sige, kung ang paglayo mo ang sa palagay mo ay makakatulong sa iyo, then I am giving you my blessings, and I am sure that the girls will give theirs too. " She said hugging her at the same time. " Sa pupuntahan mo, siguraduhin mong kakalimutan mo na si Kyshaun ah. Permanently."
Tumango siya. " Even if it's painful and next to impossible, I will."
" Saan ka nga pala pupunta?" tanong ng babae, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Maybe she really cares about her
" Hindi ko alam. Secret. Baka sabihin mo pa sa asawa mo."
__________
The next scene ay nakatayo na siya sa kalsada having pinagmamasdan ang isang sasakyan at base sa anyo ng babaeng naaninag niya, napatunayan niyang siya nga iyon
She looked at the sky. Tama nga ang kaibigan niya, maybe there is a storm brewing. Napakadilim ng kalangitan at nagbabadya ang malakas na ulan. In fact it started to drizzle already.
Hindi pa man siya masyadong nakakalayo ay lumakas na ang ulan, the rain was pelting heavily on the car at ang malalakas na patak nito ay naririnig niya mula sa loob ng sasakyan.
She heaved out a sigh, she wanted to make a u-turn, pero ang kaisipang maaaring naroon sa bahay ng kaibigan si Kyshaun ay naghahatid ng pangamba sa kanya.
Bibilisan na sana niya ang pagpapatakbo ng mapansin ang pag-agapay ng isang sasakyan sa kanya.
She frowned , masyadong malawak ang kalsada. Bakit tila ginigitgit siya ng isang ito?
She decided to pull over. Baka naman gusto lang nitong mauna at nagmamadali lang kaya hindi na napansin na nakikipag gitgitan na ito, isa pa masyadong malakas ang ulan, sigurado siyang hindi nito naramdaman ang pagsayad ng sasakyan niya sa sasakyan nito, and since siya ang nakapansin siya na lang ang magbibigay.
Itinabi niya ang kotse sa isang coffee shop na nadaanan, tutal malakas pa naman ang ulan, hihintayin niya munang tumila ito. It is not wiser to continue travelling lalo na at zero visibility na ang lugar. Though she wants to go she is not yet that desperate para isapanganib ang buhay niya, especially that she feels the life in her own womb starting to get activated.
Sinalubong siya ng guwardiya ng lumabas siya ng kotse at agad na pinayungan upang hindi siya mabasa. She murmured her thanks at agad na dumiretso sa bakanteng lamesa, but she was surprised ng hindi pa man nag-iinit ang puwet niya sa pagkakaupo ay may tumabi na agad sa kanya.
" What do you want again? Hindi ba at sinabi ko naman sa iyo, wala na akong maibibigay pa sa iyo. I put up the last remaining balance my father owes you, si wala ka na talagang mahihita sa akin,"
" You cannot leave me just like that sweety. Kailangan ko na ang tulong mo, you cannot just leave me with this mess, kaya ibigay mo na sa akin ang hinihingi ko."
Umiling siya," I am sorry, pero hindi ako ganoon kayaman para sustentuhan ang kapritso mo."
" Jhossa! Huwag matigas ang ulo mo, kung ayaw mong may mangyaring masama sa iyo paglabas na paglabas mo pa lang ng kapihang ito."
" Don't threaten me okay. Wala ring namang magagawa iyan eh. I will not give you money. Not now, not tomorrow not ever after. So beat it up Mom. Do whatever makes me happy, ganoon pa rin ang desisyon ko. I won't give you money. Take that!" She stands up at dumiretso sa comfort room. Doon niya muna palilipasin ang asar para sa huthuterang ina.
She never noticed the dark aura that's playing on her mother's eyes.
" Okay Jhossa. If that's what you want then fine! Huwag mo sanang sabihing nagkulang ako Ng paalala sa iyo."Â She picked up her phone at may tinawagan. " She doesn't want to give money. Gawin niyo na ang pinagagawa ko sa inyo. Remove the breaks of her car at siguraduhin niyo na hindi siya makakaligtas. Bilisan niyo," she hissed over the phone at mabilis na itinago iyon ng matanaw ang pagbalik ni Jhossa galing ng banyo.
" You're still here! Ano pipilitin mo pa rin ba akongâ"
Umiling ito. " Nah! Hindi na kita pipilitin. I am going to wish you good luck. And sana your fate will work in accordance of your will. Goodbye anak!" Anito at mabilis na lumabas ng cafe.
She sighed!
What a weirdo mother!
Matapos makapag kape ay nagpasya siyang lumabas na. Tumila na rin naman ang ulan so okay na sigurong ituloy ang byahe niya.
She was halfway down the road at nasa matarik na bahagi na ng kalsada when something unimaginable happened.
Nawalan ng breaks ang kotseng sinasakyan niya at nakita na lang niya ang pagbulusok ng sasakyan niya sa bangin.
Jhossa saw herself. Sitting there bleeding at the car. She is half conscious and her hand is covering her stomach in a protective manner.
Sinikap niyang lumabas ng kotse. The blood that gushing on her temple is like a pipe of water, nahihirapan siya because of loss of blood pero sinikap niyang makalayo. Lalo pa at may narinig siyang mga boses mula sa itaas.
" Make sure that she is burned beyond recognition. Mas magandang maniwala agad ang nga tao, pati ang mga pesteng kaibigan niyan na talagang patay na siya."
At hindi kalayuan mula sa pinagtataguan niya. Jhossa saw herself looking so helpless and blank..
Questions fills her mind...
Why?
Why?
And then the unexpected happened.
She lose her consciousness.
And the following days when she wakes up, she couldn't remember a thing or two..
About her, and her life.
Especially about him.
Jhossa watched as the scene unfolded on her. Naitakip niya ang kamay sa bibig upang pigilin ang pagsinghap.
Who would have thought na ang hinahanap pala nila, na siyang responsable sa lahat ng ito ay isang taong hindi niya naisip na makakagawa nito.
A/N
Sorry for the delay....hope you are all still there....
Sinnersaintbitch