Chapter 55- Maudlin
One Stormy Night
" Don't you even want to tell Kyshaun about that dream Jhossa? Patong-patong na ang mga bagay na inililihim mo sa boyfriend mo and I can't blame him if he is acting like that, I mean that man is worried sick, hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa kanya ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nag-snap sa harapan ni Crizel, though I have nothing against that, kaya lang binibigyan mo ng dahilan si Kyshaun para mag-alala ng husto sa iyo, look how paranoid he is now?" Inginuso ni Michelle ang lugar kung saan nakaupo ang binata at nakabantay sa kanya. He had this worried look on his handsome face gaya ng tinutukoy ng kaibigan.
Kahit siya ay nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon. She wanted to tell him about what she had found out but is also trying her damned ways para iwasan ang mga tanong ni Kyshaun tungkol sa mga nangyari this last few days.
Paano niya naman sasabihin dito ang tungkol sa mga nadiskubre niya about the truth on what happened to her three years ago?
Sino naman ang maniniwala sa kanya na kilala na niya kung sino ang may kagagawan ng kanyang aksidente when all her proof relies only on her dreams?
Ni wala siyang sapat na ebidensiya upang iturong tunay na salarin ang nanay na tinutukoy sa panaginip niya. Baka pagtawanan lang siya if and when she happens to spill the beans. And worse baka ang mismong binata pa ang magtawa sa kanya, hindi niya yata kakayanin ang kahihiyan na iyon.
" Jhossa to earth, huy!" Kinalabit siya ni Michelle na nagpabaling sa atensyon niya dito. " You are drifting," akusa nito sa kanya.
" I-im sorry." Hingi niya ng paumanhin. " Hindi ko pa kasi alam kung paano sasabihin sa kanya ang mga bagay na nalaman ko. I-i mean would he believe me? Wala naman akong sapat na ebidensiya para pagtibayin ang mga nalaman ko. I keep on asking Savannah about my account kung talaga nga bang naglabas ako ng fifty million just to gave for that certain person I called Mom, pero walang nakitang ganoong transaction si Sav. I cannot tell Kyshaun because I haven't figured out the puzzle myself. Naguguluhan pa rin ako at marami nang nagsasalimbayan sa utak ko, I don't know what to do anymore with this memories na sabay-sabay pumapalo sa memorya ko," she sighed, closed her eyes and momentarily shook her head in annoyance, dahil kahit anong piga pa ang gawin niya, Hindi na madugtungan ang mga pira-pirasong nangyari sa kanya.
" Jhossa, as your doctor, I advise you to go and tell Kyshaun what's bugging you. Hindi naman niya mamasamain kapag nalaman niya na ang pinanggagalingan ng akusasyon mo ay ang mga panaginip mo. You have an amnesia dear, and it is understandable kung sa panaginip mo ikaw dinadalaw ng mga pangyayaring naganap sa iyo na nakalimutan mo. Our brain is unique. It is doing a lot of wondrous thing to manage us to remember, and maybe that is one of the mechanism your brain produce to help you find out the truth about what happened to you three years to date. It is up to you on how to cope with that, at malay mo makatulong si Kyshaun sa iyo. Just don't hesitate to ask for it, alam mo naman na kahit ano kayang gawin para sa iyo ng lalaking iyan. And one more thing, talk to him at baka tuluyan ng mabaliw yan dahil hindi mo na raw pinapansin, natatakot na baka naalala mo na ang lahat ng mga kagaguhang nagawa niya noon sa iyo," Michelle smiled at her at saka tuluyan ng nagpaalam sa kanya, leaving her munching on the things that her doctor of a friend just said.
Hindi niya naman sinasadyang iparamdam sa binata ang mga ganoong bagay, it's just that hindi niya kayang pakibagayan ang mga natutuklasan niya tungkol sa nangyari sa kanya the day her accident happened.
At hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot sa kanya, knowing that on that same day of that fated day ay nalaman niyang ipinagbubuntis niya si Karsten.
Na siguro kung hindi matibay ang kapit nito sa kanya ay malamang na wala siyang anghel na pinagkapitan ng lakas noong mga panahong iginugupo siya ng kahinaan at kalungkutan dahil nga sa naging estado at kalagayan niya.
But maybe Michelle is right, siguro nga ay dapat niyang ipaalam kay Kyshaun ang mga bagay na natuklasan niya. After all, sa bibig na mismo nito nanggaling na kasama niya ang binata sa laban niyang ito.
" Hey hon, are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Kyshaun sa kanya nang lapitan siya nito sa mesang kinauupuan niya." What happened to your talk with Michelle?"
Tipid siyang ngumiti sa kasintahan at hinila ang kamay nito at pinagsalikop sa kamay niya.
" I'm sorry hon," she said habang titig na titig sa mga mata nito. Her green orbs piercing on his green ones.
" Sorry for what?" Nagtatakang tanong ni Kyshaun, hinila pa nito ang upuan na kanina ay inookupa ni Michelle at inilapit sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsenyas na ginawa nito sa mga bodyguard nila na agad at alisto namang nagsikilos.
She smiled again, hesitantly this time. " Sorry for everything. Sa mga pagsisikap ko na itago sa iyo ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. For getting maudlin this past few days, for telling you always that I am okay when in fact I am not, when all I wanted is to get cuddled and your reassurance that everything is going to be alright, that no one and nothing can harm our family, pero mga making signal naman ang ibinibigay ko sa iyo. You know, I'm trying so hard to be brave for both of us, ayoko kasing isipin mo na hinahayaan ko na ikaw lang ang namomroblema sa lahat . I wanted to show everyone especially you that I am capable of protecting us also, Kaya siguro kung ano- ano na lang ang naiisip kong pakulo para lang maitago sa iyo yung mga natuklasan ko."
" Hon!" Sa isang iglap ay nakayakap na sa kanya ang binata, almost crushing her into his tight embrace. " You don't have to worry about anything," hinaplos nito ang buhok niya, soothing calm on her nerves that is working overtime. " I am here at hindi ko hahayaang ikaw ang humarap sa mga problema na ito. I will protect you and our son, nangako ako sa sarili ko at pati na rin sa iyo at sa mga kaibigan mo at sa anak natin na hindi ko hahayaang mangyari ulit ang mga bagay na nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Nothing can make me see you less ever again, hindi ko na uulitin ang katangahan ko noon na naging dahilan ng mga paghihirap mo. Mahal na mahal kita Jhossa at lahat gagawin ko para patunayan sa iyo na hindi lang yan hanggang salita, even if it means hunting that demon na naging responsable sa pagkawala mo at ng mga alaala mo,"
Ibinaon niya pang lalo ang mukha sa dibdib ng kasintahan.
" I'm sorry pa rin," she said stirringly.
" Cheer up hon okay. Kung ayaw mong sabihin sa akin yung mga natuklasan mo then I won't take it against you, but always remember that I will do everything para mabigyan ng katarungan ang nangyari sa iyo noon okay ba iyon?"
" You're making me guilty Kyshaun," she said in muffled voice, na halos hindi na maintindihan ng binata.
" What?"Â He asked at bahagya siyang inilayo upang marahil ay pagmasdan at upang mas lalong maintindihan ang mga sinasabi niya. Bahagya na rin itong nakangiti.
Napasimangot siya" Sorry na nga kasi sa paglilihim ko sa iyo," see that, she is really getting maudlin this day. Kanina lang ay daig pa niya ang maamong pusa, very vulnerable sa mata ng kasintahan, but now feel na naman niya ang magmaldita.
What a sudden turn of emotion?!
" Okay lang iyon hon," Kyshaun said in a very tender voice, Isa pa itong lalaking ito, bakit ba pakiramdam niya ay inuuto siya nito.
Hays! Siya yata ang paranoid at hindi ito.
" Bakit ba ang baho mo? Nagpalit ka ba ng pabango? Sino ba ang pinapabanguhan mo ha? Bakit lumalapit ka sa akin ng mabaho ka?" Hindi niya napigilang mapalakas ang boses dahilan upang lumingon sa kanila ang mga bodyguard na kasama nila.
Yes sila na lang ang naroon dahil kanina pa pinaalis ng mga bodyguard nito ang nga customer ng naturang restaurant. Sa utos ng magaling na lalaking ito.
" Hon, Hindi naman ako nagpalit ng pabango ah," Kyshaun said at inamoy pa ang sarili. " Saka hindi ako mabaho okay, gustong - gusto mo nga ang amoy ko eh,"
Umaktong nasusuka si Jhossa, " You stink. Ang baho mo! Magpalit ka ng brand ng pabango, ayoko ng amoy na iyan, nakakasuka, " she said at tinalikuran ito. " If you don't want to change it, then don't go near me. I don't want to smell you, okay?"
Kyshaun had his forehead knotted, pero nang may nag-sink in sa utak nito ay napangiti Ito ng maluwang.
Mukhang naintindihan na nito ang sitwasyon niya.
A/N
Sitwasyon?
Anong sitwasyon na naman yan Jhossa?
Any hint?
ððððððð±ð±ð±ðððð¶ð¶ð¶ð¶ððððð
Sinnersaintbitch