Chapter 23
Missing piece
Rhainne Jhammira Alethea Lopez
"Oh My G!!!! Pasado ako!" masayang sigaw ni Amrielle
Kanina pa siya nag iingay at naririndi na ako
"Ako rin!" sigaw rin ni Rayla at nag tatatalon ang dalawa, mga baliw.
"Kayong dalawa? Ano?" tanong ni Rayla ng matapos niyang kumalma.
"Of course it passed" I answered, pero walang reaction galing sa kanila.
"Passed lang? Not highest?" singit ni Amrielle
Highest? Muka ba akong genius?
"Malamang hindi. Anong akala mo saakin 100+ ang I-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may sumingit.
"She's the highest" it was Miss Presley who left my friend in shock, sinabe pa, pa humble na nga ako eh. Dumiretso naman si Miss Presley sa table nila, yes nila Ate. Where here at cafeteria kasi
Ang nagmamataas ay ibinababa at ang nagpapakumbaba ay itinataas
Galing yan kay Father.
"Sabi na e" Rayla said
"Ano pa bang bago don" Jenaiah
"Wala na talo nanaman tayo sa katalinuhan, binibasic lang tayo ni Ulan" Amrielle
"Di ka kasi kumakain ng gulay"
"Ganon ba yon?" Amrielle
"Oo" sagot ko at kumuha ng vegetable salad gamit ang fork "oh eto" I offered her, she was about to eat it when suddenly may malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa kabilang table kaya naman napatingin kami rito. Problema niya nanaman? Lagi nalang siyang galit.
"Nag wawala si Miss" bulong ni Amrielle
Muka nga.
May sama ng loob ata sa kutsara at tinidor kay hinampas sa lamesa, kawawang lamesa binagsakan. Buti pa ako pasado sa midterm.
"Don't mind her, just eat this" sagot ko dito at inaalok sakanya ang salad, vegetable salad to be exact minsan lang kasi siya kumain ng gulay. She look at me with hesitation but in the end kinain niya rin naman wala naman siyang choice cause I already offered it to her hindi lang halata pero mahirap akong tanggihan.
"Masarap?" pang aasar ko dito, I know she's not happy with what she's eating.
Ang dalawa naman na nasa harap namin ay pigil tawa.
Amrielle nooded pero pilit lang, halatang ayaw niya e muka siyang natatae na ewan gulay lang naman yon
"Here" I offered her a drink
"Ano yan?"
"Malunggay juice" I answered
"No! Ayoko na. Iwww" turan nito na siyang kinatawa naman ng dalawa. Legit nakakatawa yung reaction niya
Ang arte kasi
It's for her health naman
"Yung phone mo nakailang vibrate na" Jenaiah said kaya naman tinignan ko ito, wala naman kasing rason para mag vibrate yon.
Celine Claire Presley
:to my office
:you better go Lopez!
:wag mong susubukang takasan ako!
: I'm warning you!
Ano nanamang kasalanan ko?
"Anyare sayo? Para kang naiinis na ewan" Rayla commented, nakita niya siguro kung paano kumunot ang kilay ko. Nakakainis naman, ang layo layo ng office niya oh tapos papapuntahin niya ko don
"I have to go" paalam ko sa tatlo at kinuha ang bag ko
"Where?" rinig kong pahabol na tanong ni Amrielle
"Dragon"
Binilisan ko nalang ang lakad ko mukang nagmamadali si Miss e.
Pero ano naman kayang problema niya?
Pagkarating ko ay kumatok lang ako ng dalawang beses bago buksan ang pinto. Mahirap na baka may kahalikan nanaman siya tapos makita ko nanaman.
"What took you so long?" inis na turan nito
Malamang nag lakad pa ako hindi ko naman pwedeng liparin yung pagpunta ko rito tsaka isa pa wala rin akong pakpak para gawin yon
"Tsk. Are you that busy feeding your friend? kung kaibigan mo nga lang ba talaga yon" dagdag niya pa
I think nasobrahan siya sa pagiging madaldal ngayon. Epekto ata nung lunch niya
"Why aren't you answering me?"
Pero bakit ba siya nagagalit? Eh ano naman sakanya kung subuan ko di Amrielle? Gusto ko lang namang pag tripan yung babaeng yon
"Lopez!"
Siya nga tong padabog umalis sa cafeteria tapos pinatawag ako dito, para ano? para sermonan ako?
"Lopez!"
Daig niya pa si Ate, speaking of Ate hindi ko pa siya nakakausap simula last week.
"Lopez!, ano bang nangyayari sayo! Kanina ka pa nakatulala diyan" inis na turan niya, hala kanina pa pala siya sigaw ng sigaw.
"Ah, eh, ih, oh, uh?"
I think she's mad?
Well lagi naman?
Pero parang iba ngayon?
Did I come too far na ba?
"Tsk. I hate you"
"Huh?"
"Arghhh, kahit kelan talaga! I hate it when your simple act is affecting me!" galit na turan niya at napahawak sa sentido niya.
What does she mean by simple act and it's affecting her?
"Huh?"
"Now you have no idea!. Of course you don't have idea, tsk why bother telling you anyway" ano bang nangyayari sakanya?
"For fuck sake Lopez you've been ignoring me for almost a week now"
Week na ba yon?
Sinadya ko talaga yon, tama nga ako she'll miss me. Ako na to oh
"Now you're smiling, stop it!" bakit ba lagi siyang nakasigaw?
"Yieehhh Miss mo ko no" pang aasar ko dito
"In your dreams"
"Yes, in my dreams you're always there, you are my wife and you love me-aray!" binato lang naman ako ng ballpen at natamaan ako sa noo, sadista.
"Shut up!"
"Make me" pang hahamon ko dito
"Now you're flirting with me again"
"Gusto niyo naman Miss ah" sabi ko at naupos sa couch na nasa tabi
"Delusional" she said habang nakatingin sa laptop niya, busy pala siya bat niya ko pinapunta dito?
Siguro para guluhin ang tahimik niyang buhay
"Atleast sayo lang" I rebutted
"Tsk"
Ang tahimik niya na ulit. Ganon lang ata limit ng energy niya. Maganda atang regaluhan siya ng Chocolate para maging hyper siya.
"Miss" tawag ko dito, wala lang gusto ko lang siyang asarin
"Maam" tawag ko ulit pero di siya sumasagot
"Prof"
"Miss Presley"
"Claire" turan ko na siyang kinalingon niya, Claire lang pala gusto niyang tawag eh
"What did you just call me?"
"Claire?"
"Sabi ni Ryleigh hindi ka makulit but it looks like she's wrong. She said na tahimik ka at hindi nagsasalita pero bakit ibang iba ang pagkakasabi niya sa pinapakita mo?"
Because they don't really know me
"Hindi ko rin alam Miss. Pero anong connect non sa pag tawag ko sayo ng Claire?"
"Stop calling me in that name Lopez." she coldly said "Tsk. Why are you so different from what they said?. Ang connect non ay kinukulit mo ako, while you're avoiding your family." she said that made me stop for a moment
"Kasi iba ka sakanila" kahit ako ay nagulat sa sinagot ko
"Iba rin ba si Allisha?" teka pano napasok si Ate Allisha dito?
"Huh?"
"Nevermind"
Anong klaseng mood yan? Weather weather lang?
She's wasting both of our time. Kelangan ko pa mag impake for our vacation trip sa batanes na gaganapin bukas, wala naman kasing mag iimpake para sakin.
"Una nako misis ko-ay Miss pala" paalam ko dito, pigil tawa naman akong lumabas sa office niya.
Dahil sakanya ako ay muling ngumingiti
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Yana.
"Long time no see sis" masayang bati nito saakin, I just nooded
Matagal ko rin siyang hindi nakausap at nakita.
"After the vacation trip we have something to tell you" sabi nito ay tuluyan na umalis
They really love making me confused parang buong buhay ko I'm confused.
"Hoy di ka ba papasok?" rinig kong turan ni Amrielle, di ko namalayang nandito na pala ako sa room at nandito na rin sila, malamang tapos na ang break.
"Lalim nanaman"
"Edi sumisid ka"
"Di ka lang marunong lumangoy e"
"Pake mo ba?"
"Nag aaway nanaman po sila"
"May isa kasi diyang kontrabida"
"Ganda ko namang kontrabida"
"Oo kasi ikaw yung kontrabida na may iniinom o ginagamit para gumanda tapos pag nawala epekto non papanget, oo ikaw talaga yon"
"Bitch"
"Mas bitch ka"
"Good Morning Class" natigilan ang dalawa sa pagtatalo dahil sa taong nagsalita sa harap
"Tsk. Si Prof Alvares lang pala makakapag patahimik sainyo e" Jenaiah said, yes you heard it right siya ang professor namin ngayon. 2hrs din siya diyan no
Hindi na ako nakinig sa usapan nilang tatlo at nakinig nalang sa taong nasa harapan, mas importante to kesa sa mga chismis nilang tatlo.
"Class dismissed" teka ambilis naman ata? Uwian na agad?
"Tutulala ka nalang ba diyan?" napahawak ako sa dibdib ko ng biglang mag salita si Rayla sa likod ko, punyetang to papatayin ako sa gulat
"You're going to kill me" asik ko
"Ate Allisha ay Prof Alvares ako na po magdadala gamit niyo" nakangiting sabi ni Amrielle, nandito pa pala siya at nandito parin pala kami.
"Kanina pa ba class dismissed?"
"Obviously, kaso mukang naeenjoy mong matulala sa kawalan kaya hindi ka na namin inistorbo" Amrielle said habang dala ang mga gamit ni Ate Allisha kasabay non ang pag lagpas niya sakin
"May iniisip lang yan"
"Sus reasons"
"Shut up" di na nahiya kay Ate Allisha
"Jham" tawag nito saakin
"Uhm after the vacation trip in Batanes, can you go home?" turan nito. Home?
"Home?"
"In your father's house, sa bahay ni Kuya Ry" she supposed to call him tito dapat diba?
Argh sumasakit ulo ko kakaisip.
"Same as what Yana's said"
"Hmm, specifically yes. Pupunta ka naman diba? You're not going to avoid us?"
Sa pagkakaalam ko hindi ako umiiwas sakanila this past month. I'm not avoiding them anymore, because I'm not affected at wala ring nagti-trigger saakin para iwasan sila. I have my peace, in and out. Para ngang wala akong ginawa sa buong isang buwan na yon kundi ang asarin at kulitin si Miss Presley e.
"Well, let's see about that.....ate"
"Tito Arvel, siya ang nag set non" huh? si Lolo? Pero bakit di niya sinabe sakin?
"What? Why didn't he tell me?"
"Hindi ko rin alam. Pumunta ka ha, don't leave us again." parang sa bawat salitang binitawan niya may kung ano sa puso ko na para bang nararamdaman nito na may mas malalim itong ibig sabihin.
"I'll see my schedule. Yun lang ba sasabihin mo ate?"
"Hmm yes, I just want to tell you that and congratulations for being the highest on your midterm exam" she said and smiled at me with her dimples, of course.
Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa office niya yung tatlo sigurado akong nasa loob na yon.
"Ang tagal niyo namang mag lakad" bungad ni Amrielle pagkapasok namin, sobrang kapal ng muka nitong isang to
"Ate Allisha, busy po ba kayo?" I look at Amrielle, di ko mabasa iniisip niya
"Hindi naman" sagot nito na siyang kinangiti ni Amrielle
"Great, let's have a dinner po sa bahay ni Ulan sama niyo na po yung sisteret neto ni Ulan" where did she learn that language
"Are you sure? Okay lang na kay Ali?"
"Oo naman Ate" she confidently answered, yung dalawa naman ay walang imik hindi man lang pigilan ang pagiging pala desisyon nung isa
"Are you sure?" Ate Allisha hesitantly ask
Wala naman akong magagawa na kasi alam kong pag hindi ako pumayag kukulitin ako ni Amrielle at hindi niya ako titigilan hanggat di ako pumapayag so anong point nang hindi ko pag payag diba. Papagurin ko lang sarili ko at maistress lang ako.
"Yes, sure na sure na sure na sure"
"Is that so? Okay we'll go later" she answered at nag paalam na sila na aalis.
"Bye Ate, we'll expect you to be there at 8pm"
......
"Ulan ready na ba lahat?!" sigaw na tanong ni Amrielle na ngayon ay busy sa last dish na niluluto niya.
Siya tong nag aaya mag dinner tapos lahat kami apektado. Nakakainis! Pati kami minamadali niya!.
"Will you stop pressuring us Amrielle!" sigaw rin ni Rayla na ngayon ay busy sa pag aayos ng table, si Jenaiah naman ay busy sa pag hihiwa ng fruits and ako naman ay busy sa pag plating ng mga dish na niluto ng bruhang si Amrielle.
Kanina pa hindi mapakali si Amrielle, hindi naman halatang gusto niya maging maayos ang dinner na to no?
"Just do it Rayla, I want this night to be memorable and perfect no" rebat nito habang dala ang huling dish na iplating ko "Yieeehhh ang galing mo talaga mag plating Ulan" masayang sabi nito habang tinitignan isa isa ang mga inayos kong dish
"After this ikaw mag grocery Amrielle" sabi naman ni Jenaiah na kakatapos lang mag hiwa ng fruits
Infairness naubos ang grocery namin ngayon
"Oo na oo na Ate Jenaiah"
"Wag puro chocolate at alak ah" bilin ni Rayla
Oo nga pala, kaya hindi namin yan hinahayaang mag grocery kasi pag balik niyan dito sa bahay karamihan ng binili niya ay iba't ibang alak at iba't ibang chocolate.
Kawawa magiging asawa niya. Chocolate at alak lang alam bilhin.
"Ayusin mo Amrielle"
"Anong masama don? Essential naman yon ah"
See?
Told yah
Wag hahayaaang mag grocery si Amrielle
"Essential mo muka mo!"
Sasagot pa sana si Amrielle kaso biglang tumunog ang doorbell, siguro sila na yon.
"Hi mga Ate!" masiglang bati ni Amrielle, where did she get that energy?
"Pinakain niyo ba yan ng chocolate?" tanong ko sa dalawa na nasa tabi ko
"Hindi naman"
"Lagi naman siyang ganyan"
"Okay lang ba talaga sayo tong dinner na to Ulan?" Jenaiah asked, tahimik lang kasi ako dito sa gilid habang yung iba ay nagtatawanan at nagkukulitan habang kumakain. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong ni Jenaiah
"Parang hindi"
"Okay lang nga"
"Parang hindi talaga"
"I'm fine, iniisip ko lang mga iiimpake ko para bukas" totoo naman eh
"If you say so sabihan mo lang if hindi a" she said and I just nooded at her
Nagmasid nalang ako kung paano sila magtawanan, mag usap at magkulitan. Kahit sino talagang makasama ng mga kaibigan ko ay nakakasundo nila. Hindi ko rin alam paano ko naging kaibigan tong mga to.
Tapos na kaming kumain at nailigpit narin ng mga kaibigan ko ang pinagkainan habang ang mga bisita nila ay nasa living room.
"Excuse me" paalam ko sakanila, hindi ko na hinintay sumagot baka pigilan pa ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad naman akong nahiga sa kama. Gosh I miss this, kidding akala mo naman matagal nawala e no.
Naisip ko lang ano naman kayang gagawin namin doon sa Batanes for this vacation trip. Ewan ko rin sa trip ng CEO ng GEU at may naisip siyang free vacation trip. Hindi naman halatang nag sasayang siya ng pera o baka naman wala ng mapaglagyan at mapagkagastusan, dapat binigay niya nalang sakin para iinvest sa mga company sayang rin yon.
Naputol ang pag iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Ayan na nga ba, sila na yan. Uuwi na siguro.
"What?" masungit kong bungad kay Rayla na siyang kumakatok.
"Sungit amp. Bumaba ka na don uuwi na sila Ate" sagot nito sakin
"And?"
"Anong and?. Batukan kita diyan. Mag paalam ka don." sagot niya akmang hahampasin ako, akala ko batok bat hampas?
"Tsk. Relax Rayla, very short tempered bitch" sagot ko at sumunod sakanya pababa. Kahit labag sa loob ko to, I have no choice para narin sa pakikisama. Kahit naman kinakausap ko na sila hindi parin ako mapalagay there's something inside me telling me not to be attached to them, maybe it's a trauma response I guess.
Hindi naman siguro masamang sundin ko ang kutob ko. Besides hunch is sometimes right.
Bumungad naman saamin ang nagtatawanang apat na tao. Kilala niyo na yang apat na yan.
"Oh you're here na pala, we'll go ahead" Ate Ryleigh said and lumapit sakin for a hug? Yeah for a hug.
Nakita ko rin ang tingin ni Ate Allisha, it's weird though. Parang gusto niya ring gawin yon pero parang may pumipigil sakanya kaya nag iwas nalang siya ng tingin.
"Bye! See you tomorrow. I hope na sumama kayo" huling salitang sinabe ni Ate bago sila tuluyang umalis
"Bilisan niyo na, pasok. It's getting late, mag iimpake pa kayo ng gamit for tomorrow's trip and you Amrielle maghugas ka na ng mga pinagkainan don." utos ko sa mga to kaya wala silang magawa kundi pumasok at gawin ang dapat nilang gawin
What a tiring day but hindi pa tapos ang araw na to kaya naman agad akong pumunta sa walk in closet ko ay nagpili ng mga damit na dadalhin ko.
Pagkatapos ko namang mag ayos ay agad na rin akong nag ready to sleep of course, hindi ako nag ooverthink kagaya niyo gabi gabi no. Not my thing.