Chapter 2: Chapter 1

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 16302

Devon's PoV

Maaga naman akong nagising dahil pasukan na naman. Nakakatamad kayang pumasok araw araw.

At isa pa ang gagawin lang naman namin ay ang magpakilala sa harapan ng mga kaklase namin. Ano kami mga bata? Na kailangan pang magpakilala isa isa.

Mga highschool na kami, jusko. Kung ano ano kasi ang iniisip nila e.

Eh halos magkakilala na kami. Ikaw ba naman ang halos magkaklase mula elementary hanggang highschool.

Pero sabagay okay lang naman yun dahil marami namang mga transferee na dumadayo sa school namin para mag-aral.

Bagong pasukan bagong mukha. At hindi lang yun, kalbaryo na naman ang mararanas ko ngayon.

Gunun naman lagi e. Ano pa bang aasahan mo?

Kung hindi niyo natatanong, isa din akong famous sa school namin.

Oppss!

Hindi yung sikat na hinahangaan a, yung kinababaliwan ng mga tao na makikita ka palang na bubungad sa labas nang gate ng school o kung saan saan.

Ang sinasabi kong famous ako dahil isa akong

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Malaking loser sa school namin.

Oo isa akong loser na laging inaaway, linalait, galing inuutusan kung ano ano. Laging pinapagawa ng mga assignments.

Lagi rin nila akong pinagti-tripan, binubully kung ano ano ang pinapagawa.

O diba, ang saklap ng kapalaran ko. Tinitiis ko ang mga pinaggagawa nila sa akin.

Wala akong magawa. Mahirap lang kami, ano naman ang laban ko sa kanila na ang yayaman. Laging pinagyayabang kung gaano sila kayaman, kung gaano kaganda ang mga bahay o buhay nila.

Umiiyak na lang ako mag-isa yung walang nakakakita. Duon ko binubuhos ang lahat ng paghihirap na nadadaranas ko sa kanila.

Hindi ako makapag sumbong dahil natatakot ako baka kung ano ang gawin nila sa akin, baka mawala pa ang scholar na kinaiingatan ko. Hays.

Hindi pala ako nagpapakilala. Sige na nga magpapakilala na ako.

Ehem! Ako ng----

Boink!!

"Aray kooo naman, nay! Magpapakilala pa ako e. Bakit bigla bigla kang pumasok sa kwarto ko para batukan?! Hindi mo ba alam ang kumatok?!" reklamo ko kay nanay.

Kaasar talaga tong si nanay. Bigla biglang nambabatok.

Nakita ko naman biglang tumaas ang kilay niya at ang sama pa ng tingin sa akin.

"Aba't ikaw bata ka, anong oras na at nandito ka pa sa kwarto, parang baliw na nakatulala!"

Napanguso naman ako.

"Nay naman" maktol ko.

"Ano ha? At isa pa, anong pinagsasabi mong kwarto mo, baka nakakalimutan mong iisa lang ang kwarto dito sa bahay. Walang pinto ang kwarto natin." asar na pambabara ni nanay sa akin.

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi nya.

"Ay! Wala ba tayong pinto? Nakalimutan kong kurtina lang pala ang nagsisilbing takip ng kwarto natin. Hehe!" napa-peace na lang ako.

"Umamin ka nga, nak. Nakasinghot ka ba ng drugs? Kung ano ano ang sinasabi mo e." asar na sabi ni nanay.

"Nay naman. Hindi po ako naka-drugs. Naka syabu lang ako." biro ko at sinabayan ng malakas na tawa.

"Aba't!"

Babatukan sana ako ng bigla akong tumakbo pa labas ng kwarto namin.

"Blee!" asar kong belat kay nanay bago ako lumabas.

Kaya mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Natatawa na lang ako ng malakas nang makalabas ako.

Ganun na talaga kami ni nanay. Laging nag aasaran yun ang bonding naming dalawa. Kahit dadalawa na lang kami. Mahal na mahal namin ang isat isa.

Kung tatanungin niyo kung nasaan ang tatay ko. Wala na siya nasa heaven na daw. Nung hindi pa daw ako pinapanganak wala na siya. Kaya hindi ko siya nasilayan man lang.

Nakalungkot man isipin na wala na sya.

"Oh nak bakit ka malungkot? Masama ba ang pakiramdam mo?" aalalang bungad ni nanay pagdating dito sa hapagkain.

Kaya napatingin naman ako sa kanya. At pilit na ngumiti.

"Wala akong sakit, nay. May iniisip lang ako." sagot ko.

At nagsimulang magdasal.

"Amen"

Sabay na sabi namin ni nanay. At nagsimula nang kumain. Ang sarap talaga ang luto ni nanay, adobong kangkong.

Oo, kangkong ang ulam namin. Ganun talaga kung mahirap. Paminsan minsan lang kami makakain ng masasarap na pagkain. Kung nakakasweldo siya sa paglalabada.

Naaawa na nga ako sa nanay ko e. Ginawa niya lahat para may makakain kami pang araw araw.

Kaya nag aaral ako ng mabuti para makapagtapos ako ng pag aaral, para matulungan ko siya. Para narin makaahon kami sa kahirapan.

"Nakatulala ka na naman. Kanina ko napapansin yan a. Sigurado ka bang wala kang sakit?" biglang tanong ni nanay.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga iniisip ko.

"Wala po akong sakit, nay. May Iniisip lang ako, paano kaya kung mayaman tayo? Hindi siguro ganito ang klase ng buhay natin no." Pagkukwento ko kay nanay.

"Kaya anak mag aral ka ng mabuti, para makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay. Mabibili mo lahat ng mga gusto mo. Wag mo akong tularan na walang pinag aralan."

Paalala ni nanay habang nakangiti sa akin. Na sinasabing kaya mo yan nak, ikaw pa ba ang galing galing mo. Napangiti na rin ako dahil sa ngiti ni nanay.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"Mahal na mahal kita, nay. Wala na akong mahihiling pa kundi makasama ka. Napakasa ko dahil ikaw ang naging magulang ko." madamdamin kong sabi sa kaniya.

"shh! Mahal na mahal din kita, nak. Napakasaya ko dahil ikaw ang naging anak ko. Kaya huwag ka nang malungkot. Hala, magbihis ka na, baka malate ka pa sa klase mo." pagtataboy nya sa akin.

"Tulungan ko na po kayong magligpit." pagpiprisinta ko.

"Naku huwag na baka mas lalo ka pang malate."

"Sige po"

Agad akong bumalik sa kwarto namin para naligo at magpalit. Nang matapos ko, lumabas ako ulit.

Nakita ko naman si nanay na nagwawalis sa bakuran namin. Agad naman akong lumapit sa kanya para magpaalam.

"Sige nay pasok na po ako. Wag kang magpapagod masyado. Makasasama iyan sa kalusugan nyo."

"Oo na po. Ikaw din wag masyadong magpapagod, kumain ka ng marami. Sige ingat." humalik muna ako sa pisngi nya bago umalis.

Kumaway na lang ako sa kanya.

Agad naman akong pumara ng tricycle pagkalabas ko ng bakuran namin.

Malapit lang naman ang bahay namin sa pinag aaralan ko pero nagtricycle na lang ako dahil baka malate pa ako kung lalakarin.

Nang makarating na ako sa labas ng school nagbayad at lumabas.

Napatingin naman ako sa kabuuan ng school na pinapasukan ko. Wala paring pinagbago, pero mas mga madagdagan na mga pintura. Kaya mas lalong gumanda.

Ang laki ito, kita mo talaga na ang yayaman ng nag-aaral dito.

Agad naman akong pumasok sa loob, pero bago yun tinignan muna nila ang ID ko bago ako pumasok.

Kung wala kang ipapakita na ID, asahan mong hindi ka makakapasok, ang higpit dito sa school na pinapasukan ko.

Except sa mga transferies dahil gagawan pa sila.

Agad naman nila akong pinapasok nung pinakita ko ang ID ko.

Pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang malawak na at nagtataasang gusali. Nandito na lahat Elementary, Highschool, and College. Hindi mo na kailangan na maghanap pa kung saan ka papasok ng College.

Ang yaman ng may ari nang school na ito. Biruin mo ha, kumpleto ang kagamitan.

At ang suwerte siguro ng anak nila dahil mabibili niya ang mga gusto niyang bilhin.

Pero ang may ari ng school na ito ay hindi pa nagpapakita, mula nung umapak ako dito para mag aral. Kahit ni anino man lang.

Pero imposible naman, baka nakakasalamuluha na pala natin sila hindi lang natin alam.

Mga importanteng tao siguro sila at ayaw nilang magpakita sa mga media. At pagkaguluhan. Gusto ko sana silang magpasalamat sila ng personal dahil isa akong napili nilang bigyan ng scholarship.

Kahit naman personal akong magpasalamat sa kanila, hindi naman nila ako mabibigyan ng pansin dahil di hamak na ordinaryong estudyante sa paningin nila.

Napabuntong hininga na lang dahil sa iniisip ko.

Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako.

*BOGGSSHH!!*

Dahil sa impact ng pagkaka bangga ko, napaupo ako sa semento.

Napadaing na lang ako dahil sa pakakaupo ko.

"Paharang harang kasi e."

At ang bwisit na naka bangga sa akin, hindi man lang ako tinulungan na tumayo. At umalis na ng walang paalam. Wala talagang modo ang isang yun.

Sabagay ano pa ba ang aasahan mo sa mga tao dito, walang kasing sama sa demonyo. At isa pa, ako tutulungan nya na tumayo asa naman ako.

Agad naman akong tumayo dahil pinagtitinginan na ako ng mga estudyante at pinagtatawan meron pang pinabubulungan ako.

"Ano kasi ang tinatayo tayo ng nerd nayan d'yan? Yan tuloy."

"Ang laking harang. Parang hindi nakakakita ng school. Para na ngang statue dyan e, kanina pang nakatayo."

"Bakit kasi nagkalat ang mga basura dito?! Bumabaho na tuloy dito. Eww!"

"Kadiri!"

Yan ang naririnig kong mga sinasabi nila sa akin.

Napayuko na lang ako at napakagat ng labi dahil sa kahihiyan na inabot ko. Para gusto ko ng umiiyak sa harap nila.

Agad na lang ako naglakad paalis para hindi na ako makarinig ng masasakit na salita.

Habang nadadaanan ko sila may naririnig parin akong bulungbulungan nila.

"Nerd!"

"Pangit!"

"Baduy!"

"Basura lang dito na pakalat kalat."

"Hindi dapat dito yan nag aaral e."

Napayukom na lang ako ng kamao. Dahil sa mga sinasabi nila. Kala mo kung sinong makasalita ng mga ganun. Porket mahirap na kami linalait na ako.

Ano kaya ang pakiramdam na ikaw ang nasabihan ng ganoon, hindi ka kaya masasaktan?

First day of class, ganito na agad ang bubungad sa akin. Wala tagala silang patawad. Kahit ngayon man lang tantanan nila ako.

Nagmadali naman akong pumunta sa malawak naming field na lagi kong pinupunta kung gusto kong mag isa.

Nang makarating ako dun, agad akong umupo sa damuhan sa ilalim ng puno.

Napabuntong hininga na lang ako at linanghap ang maaliwanas na simoy ng hangin.

Tumingin naman ako sa malawak na field. Masaya ako ng makita kong maraming tao na nag lalaro, nagkukulitan, nag aasaran, magjowa na holding hands na kulang na lang malanggam sila.

Mga taong walang pinoproblema sa buhay kundi ang saya lamang. Sana maging ganyan din ako, yun parang walang pinoproblema.

Wala e, hindi ako pinagpala na katulad nila.

Napapikit na lang ako ng mata para makapag relax man lang kahit konti. Maaga pa naman kaya dito muna sya.

Maya maya may bigla akong narinig na tawanan sa bandang likuran ko. Pero hindi ko parin minumulat ang mga mata ko.

Malay mo napadaan lang. Kaya hindi ko na lang yun pinansin.

Pero maya maya narinig ko ang mga boses nila papalapit. Oo, mga dahil maraming iba't-ibang ang tono na naririnig ko.

Pinaramdaman ko naman ang mga ito. Maya maya naramdaman ko naman na parang wala akong marinig na mga boses.

Napakunot naman ang noo ko.

Pakiramdam ko may mga nakatitig sa akin na mga mata. Kaya kinabahan naman ako dahil dun. Unti unti ko naman binuksan ang mata ko.

Lumaki naman ang mata ko ng makita kong maraming mata nakatutok sa akin ngayon.

Bakit ganyan sila makatingin sa akin?

Pero napansin ko. Ngayon ko lang sila nakita dito. Kahit ganito ako medyo natatandaan ko ang mukha ang nakakasalubong ko.

Transferee ba sila dito?

Pero inferness ha, ang gaganda nila at ang gagwapo. Para silang anghel. Hehe. Anim silang lahat. Tatlo na babae at tatlo na lalaki.

"B-bakit g-ganyan po kayo m-makatingin sa a-akin?" nauutal kong tanong sa kanila.

Napayuko na lang ako dahil hindi ko kaya ang tingin nila sa akin.

Tumikhim naman sila. Kaya napatingin naman ulit ako sa kanila, ngayon napakamot ng buhok.

At nag peace sign.

Napakunot naman ako ng noo sa mga inaasta nila.

"Sorry!" sabay nilang sabi.

Huh? Bakit sila nagsosorry? Wala naman silang ginawa na masama sa akin.

"M-may k-kailangan ba k-kayo?" nag aalanganin kong tanong sa kanila.

Napakamot ulit sila ng ulo.

"Makiki-upo sana kami sa tabi mo. Kung pwede? Medyo maganda kasi ang view dito." nakangiting sagot ng babaeng kasama nila.

Maganda siya a, kulot ang buhok niya pero bumagay naman sa kanyang mukha dahil katamtaman ito ng shape.

Nabigla naman ako ng sinabi niya iyon. Hindi ba sila nandidiri kung makikiupo sila sa pwesto ko. Lahat na nga ng mga tao halos ayaw akong katabi e.

Dahil sa itsura ko.

"S-sigurado kayo?" alinlangan kong tanong.

"Oo naman, bakit nag aalinlangan ka?" tanong naman nung babaeng maiksi ang buhok.

Nahihiya naman akong sabihin sa kanila ang rason ko. Pero base sa mga pinapakita nila, mukhang hindi naman sila ganun.

"N-nagulat ako kasi ngayon lang may l-lumapit at k-kumausap sa akin. Lahat sila l-lumalapit lang sa akin para laitin at bulihin." mahinhin kong paliwanag sa kanila.

Yumuko na lang ako para hindi nila makita ang malungkot kong mukha.

Naramdaman ko naman na natigilan sila sa sinabi ko. Yan na naman ang titig nila sa akin. Na parang pinag-aaralan ang mukha ko.

Kung makatitig naman ang mga to, wagas. Di sila na ang magaganda at gwapo.

"Don't worry, hindi kami ganun. Bakit ka naman naming lalaitin at bubulihin? Wala ka namang ginagawa sa amin?"

Napatitig naman ako sa kanila. Hindi ko inaakalang yun ang sasabihin nila. Pero para naman akong nabunutan ng tinik dahil dun.

"Gusto lang namin na maki-upo dito sa tabi mo. Wala kaming masamang gagawin sayo. Kaya huwag kang matakot sa amin hindi kami nangangagat ng tao. Hehe"

Natatawang sabi nung lalaking kyutt ang mukha.

Napangiti na din ang mga kasama nya.

"S-sige, hindi ko naman pagmamay-ari itong kinakaupuan ko." nahihiyang paliwanag ko sa kanila.

Kaya napangiti na lang sila ng malawak. Baliw ba ang mga ito? Kanina pa sila ngiti ng ngiti e. Hay nako.

Agad silang nagsiupuan sa damo, hindi pala sila yung taong maselan sa inupuan. Yung iba nga halos lagyan na ng alcohol bago nila upuan e.

Napapikit ulit ako ng mata pero hindi ako matutulog. Wala lang trip ko lang.

Narinig ko naman ang anim na nagkukuwento at natatawanan. Nakaramdam naman ako ng inggit sa kanila. Buti pa sila nakakatawa ng ganyan.

Nakinig na lang ako sa mga masasayang kwento nila.

"Nasaan na naman ang lalaking yun at hindi pumasok ngayon? First day of class absent na agad."

Narinig kong reklamo ng isa sa kanila. Sino naman yun? Hay hindi ko na yun problema. Baka sabihin nila na tsismosa ako.

Maya maya narinig ko naman nagsalita ang isa sa kanila. Hindi alam ang panglan.

"Ano pa ba ang aasahan mo sa isang iyon. Baka inuna pa ang pakiki pagdate bago pumasok. Hindi talaga nagbabago ang isang yun kahit kailan."

Natatawang sabi ito. Kaya nagtawanan silang lahat.

Pero maya maya ay wala na akong narinig na tinig. Kaya unti unti ko naman na minulat ang mata ko.

"Hi" malapad ang ngiti na bungad ng taong nasa harap ko.

Lumaki naman ang mata ko dahil sa gulat. Narinig ko naman na tumawa ng mahina ang babaeng nasa harap ko.

Anong nakakatawa?

"H-hello" medyo utal kong bati pabalik.

"Ano pala ang pangalan mo? Kanina pa tayo dito, hindi pa pala kami nagpapakilala." sabi nya habang natatawa.

"D-devon!" tipid kong sabi sa kaniya.

Ngumiti naman sya at linahad ang kamay sa harap ko. "Trisha nga pala ang pangalan ko. Nice to meet you, Devon." makilala nya.

"N-nice to meet you din."

Alinlangan ko namang sagot at nakikapag kamay sa kanya. Nakakahiya kasi e ang lambot ng kamay niya habang sa akin naman ay ang gaspang.

Agad naman na lumapit ang mga kasama dito sa pwesto ko.

"Hi Devon, ako nga pala si Megan. Nice to meet you." Masiglang pakilala din nung babaeng kulot. At linahad din ang kamay sa harap ko. Siya yung unang nangkausap sa akin kanina.

"N-nice to meet you din, M-megan!"

Agad naman syang umupo pagkatapos nyang mag pakilala. Agad namang sumunod ang babaeng maiksi ang buhok.

Bakit ang gaganda ng mga ito?

Kumakaway kaway naman siya sa akin at malapad na ngumiti. " Heluuu! Tanya my name. Nice to meet you, Devon."

"N-nice to meet you din, Tanya."

Ngumiti din ako sa kanya. Agad naman syang umupo. Ang sumunod naman ay ang mga lalaking kasama nila.

"Hello! Devon, I'm Ross ang pinaka cute sa kanilang lahat. Nice to meet you!" mahangin na pagyayabang ng lalaking cute daw.

"Tristan nga pala. Ang nag iisang kagwapuhan nila. Kung wala ako sa grupo, walang gwapo." pakilala din ng lalaking pinakagwapo daw sa kanila.

Hehe!

Kaya isa isa naman silang nag react sa sinabi niya.

"Gago, anong ikaw ang pinaka gwapo? Kamukha mo kaya ang paa ko."

"Yuck! Hindi man lang nahiya sa sinabi."

"Baliw! Oo, ikaw nga ang kagwapuhan e."

"Kita nyo na inamin din na gwapo ako."

"Tongek! Kung katabi mo ang mga unggoy. Ikaw pa ang gagawin nilang hari. O diba, ayaw mo yung, isa kanang hari ng mga unggoy."

"HAHAHHAHAHHAA!"

sabay sabay nilang tawa. Natawa na lang ako dahil dun. Nakita ko naman na nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng busangot. Hhaha. Kyutt.

Lumapit naman ang lalaking seryoso sa akin. Hala, katakot ang expression nya. Pero ang gwapo nya huh.

"Tyron!"

Ngumiti naman ako sa kanila at binati pabalik.

********************************************