Chapter 3: Chapter 2

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 17078

Devon's PoV

"Tigilan niyo nga ako. Kanina pa kayo a. Gusto niyo talaga ng sapak no?" iritang saway sa kanila ni Tristan.

Asar na asar siya sa kanila dahil kanina pa kasi nila ito inaaway. Natatawa na lang ako ng palihim dahil dun.

Hulaan niyo kung ano ang pinag aawayan nila?

Hindi sila maka get over sa sinabi ni Tristan kanina. Ewan ko nga din sa kanila eh at big deal na lang yun sa kanila.

May pagkaisip bata pala ang mga to. Hindi naman inaakalang may ganun silang ugali.

"Sige subukan mong sapakin kami. Baka hindi kami makapag pigil, dadalhin ka namin sa gubat." matapang na sabi ni Megan.

Hindi mo inaakalang ang mga maamo nilang mukha, may nakatago rin palang pagka amazona.

"Dun sa mga kalahi mong unggoy. Bhuaaahhh!" asar ni Trisha at sinabayan ng malakas na tawa.

"Uwaahh! Ang bad niyo sa akin lagi niyo na lang akong binubwisit. May araw din kayo sa akin. Hindi niyo tularan si Devon, laging tahimik." asar na sabi ni Tristan.

"Kambal, baka nakakalimutan mong tahimik na dati si Devon. Kaya wag ka nga dyan, baka ikaw ang masapak ko dyan e."

Napa rolled eye na lang si Trisha. Kaya natawa na naman sila. Pero atensyon ko sa tawag siya kay Tristan ay kambal?. Kambal silang dalawa?

"Kambal kayo?" takang tanong ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Problema ng mga 'to? Bakit ganyan sila makatingin sa akin? May masama ba sa tanong ko? Tanong ko sa aking isipan.

"B-bakit g-ganyan k-kayo makatingin sa akin?"

Maya maya, napa peace sign na lang sila sa akin. Nakahinga ako ng malalim, kala ko kung may nasabi na akong masama e.

"Sorry! Nakalimutan pa pala naming sabihin sayo. Oo, kambal ko ang alupong na 'to. Hindi lang halata dahil may pagka-unggoy siya." natatawang biro nya. At inakbayan ito.

Mas lalo namang sumama ang mukha ni Tristan.

"Bitawan mo nga ako, ang baho baho kaya ng hininga mo. Huwag mong sabihin na hindi ka nag tooth brash bago pumasok no? Eww!" pag asar na sabi sa kambal siya at sinabayan ng pandidiri.

Bigla naman na namula ang mukha ni Trisha, para itong sasabog na bulkan ano mang oras.

Pero bago pa sya nakapagsalita. Inawat na nila ang mga ito.

"Hoy kayong magkapatid, pwede bang magsitigil kayo. Ang tatanda nyo na. Ang iingay niyo parin." saway ni Ross sa kanilang dalawa.

"Hmp! Opo lolo Ross." pang aasar ng magkambal kay Ross.

Agad na dumilim ang mukha ni Ross nung sinabi nilang lolo ito.

"Aba't"

"Hehehe!" nag peace lang ang dalawa.

Maya maya naramdaman ko naman na may nagsalita sa gilid ko.

"Huwag mo silang pansinin, ganyan talaga yang dalawang magkapatid na yan laging nag aasaran." kwentong bulong ni Tanya sa akin. Siya ang nasa kabila ko.

"Kahit ganyan ang dalawang yan, hindi sila nagsasakitan." bulong din sa akin ni Megan sa kabila.

Habang nakatingin sa magkapatid habang nakangiti. Halata naman e, kahit nag aasaran silang dalawa makikita mo parin sa kanilang mga mata ang pagmamahal.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa magkapatid na hanggang ngayon nag aasaran parin. Ang saya siguro ng may kapatid na lagi mong kaasaran no?

Yung may karamay ka kung may problema ka. Masayang nagkekwentuhan kung ano ano. Naiinggit ako sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kung ano ano ang iniisip ko.

Maya maya nagsitayuhan na kami dahil narinig namin na nag bell, hudyat na para pumasok sa kaniya kaniyang mga room.

Buti na lang at alam ko kung saan na ang room number ko. Kung nakapag enroll kana kasi dito, agad mong malalaman kung saang room ka papasok.

Habang naglalakad kami, bigla naman silang nagtanong sa akin.

"Devon, ano pala ang room number mo?" tanong nina Trisha.

"Hmm! Room 303" sagot ko sa tanong nila, habang inaayos ang salamin ko.

"WAAAAHHH!!"

Halos maibato ko na ang salamin ko dahil sa gulat na pagsigaw nila. Ikaw ba naman a, katabi mo lang ang kausap mo tapos sisigaw. Halos mabingi ako dun a.

Kaya halos mapatingin sa amin ang mga estudyante este sa kanila pala.

Yung mga lalaki naman iba ibang mura ang maririnig mo sa kanila. Kung maka mura wagas.

Kaya mas lalo kaming nakaagaw ng atensyon.

Yung iba, naguhuluhan kung bakit sumisingaw sina Megan, yung iba naman halos maghugis puso ang mga mata nung nakita nila kung sino ang mga kasama ko.

Yung iba naman, halos patayin na ako ng mga masasamang tingin nila. Ano na naman ang kasalanan ko sa mga 'to? Siguro nilalait na ako sa mga isipan nila.

Akala mo naman ang gaganda. Natatabunan lang naman ng mga make up ang mga mukha nila. Hindi naman sila kagandahan.

"ANONG TINITINGIN NIYO, HUH? GUSTO NIYO BANG DUKUTIN KO YANG MGA MATA NIYO?" biglang sigaw ni Trisha, ang sungit talaga ng babaeng to.

Agad naman na umiwas ng tingin ang mga nanonood sa amin.

"Ano bang hinihiyaw hiyaw niyong tatlo dyan? Kala mo naman kung nasa kabilang bundok kayo." asar na saway ni Tyron.

Bakit ngayon lang to nagsalita? Hindi kasi siya nagsasalita kanina. Baka tahimik lang talaga siya.

"Dahil classmate natin si Devon!!" sabay sabay na namang sabi nila.

Napangiti na lang ako dahil magkakapareho kami ng room. At least may kasama na ako, kung gusto nila akong kasama.

Napailng na lang ang mga lalaki dahil sa pagkaisip bata nila. Masayahin sila, parang walang piniproblema.

Kaya matapos ang hiyaw nila, agad naming pinagpatuloy ang paglalakad. Habang naglalakad hindi mo maiwasan marinig ang bulong bulungan nila.

"Ang gagwapo nila no, para silang K-pop group."

"Ang puputi nila, kainggit.. Sana ganyan din ang kutis ko."

"Sana maging boyfriend ko ang isa sa kanila. Ayiee!"

Hindi naman nagpapahuli ang mga lalaking mukhang manyak dahil sa tingin nila na parang hinuhubaran. Ang sarap tukusin nga ang mga mata nila e.

"Wow! Chiks mga pare o. Ang sesexy nila at ang gaganda ng mukha."

"Pustahan tayo, magiging girlfriend ko ang isa sa kanila. Wala kayang tumatanggi sa kagwapuhan ko."

"Tigilan mo nya yang pinagsasabi mo, pare. Nananaginip ka na naman ng gising. Kala mo papatulan ka nila."

"Fvck you! Kaibigan mo ako, dapat sinusuportahan mo ako."

Syempre hindi naman nagpapahuli ang mga SUPPORTERS KO. Dahil sa sobrang pagsusuporta nila akin. NAKAKASAKIT na sila.

"Yuck! Bakit nila kasama ang nerd na yan? Panira lang yan sa kanila e."

"Hindi naman sya nababagay na makatabi sila. Ang panget panget nya kaya. Eww!"

"Buti na titiis nilang kasama ang babaeng baduy na yan. Kaasar sya a."

"Feeling close pa kamo."

Parang gusto ko ng tumakbo palayo sa mga nanlalait sa akin dahil hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi nila na masama sa akin.

Bakit na lang lagi, lagi na lang akong nilalait at binubully? Dahil ba ganito ako kapangit. Tao parin naman ako, nasasaktan din.

Kaya ang ginawa ko na lang ay yumuko para hindi nila makita ang mata kong namumuo ng luha.

"KAYONG LAHAT."

Sigaw bigla ni Megan. Kaya napatingin kami sa kanya dahil sa bigla syang sumigaw.

"KUNG MAKA PANLAIT KAYO KALA NIYO NAMAN KAYGAGANDA NYO. MAGSALAMIN KAYA KAYO PARA MAKITA NIYO NAMAN ANG MUKHA NYO, KUNG MAGANDA KAYO!! DUH! KAHIT HINDI NA PALA WALA RIN NAMANG MAGBABAGO. MUKHA PARIN KAYONG PALAKA. "

Hindi ko inaakala ng isisigaw niya yung sa harap ng maraming tao.

Natahimik naman lahat ng tao dito. Parang hindi sila makapaniwalang nasabi ni Megan ang bagay na yun.

"Okay ka lang ba, Devon?" tanong nila sa akin.

Tumango na lang ako. "o-oo, w-wag na kayong m-makipag away. S-sanay na ako sa mga p-panlalait nila sa akin." sagot ko.

Binigyan ko naman sila ng pilit na ngiti. Pero alam kong hindi sila konbinsido sa sagot ko.

Napabuntong hininga na lang sila at nagyayang pumasok. Nang makarating kami sa harap ng pinto ng room namin, agad silang kumatok.

"Come in!" sabi ng boses sa loob.

Nagsisimula na ba silang magklase?

Agad naman kaming pumasok sa loob. Nakita ko naman ang adviser namin na nakatayo sa harap. Mukhang may sinasabi.

"Good morning ma'am!" sabay sabay naming bati sa kanya.

"Good morning! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa nagbell a." tanong nya.

"May nangyari lang po na hindi inaasahan." si Ross na ang sumagot sa tanong ng guro namin.

Tumango naman sya. "Sige, magpakilala na kayo." sabi nya.

Kaya isa isa kaming nagpakilala.

"Hi! Everyone! I'm Megan Santillan, sana maging kaibigan tayong lahat." nakangiti nyang pakilala at sinamahan ng kaway.

Ngumiti at bumati naman pabalik ang mga ito. Sumunod naman si Trisha.

"Hello! Trisha Collins! I hate arrogant people. And...one more thing, I don't like, when you act like a bitch." nakangiting prangka pa ni Trisha.

Kaya natahimik naman silang lahat. Iba talaga ang ugali ni Trisha pag hindi nya kaibigan ang kausap. May pagkamaldita.

Agad naman sumunod si Tanya.

"Hello! hi! Ako nga pala si Tanya Villegas. Nice to meet you all!"

Nung matapos na sya, sunod sunod na nagpakilala yung mga lalaki.

"Ross Montemayor!"

"Hi! Sa inyo, I'm Tristan Collins!"

"Tyron Del Monte!"

Nung natapos silang magpakilala, agad naman akong sumunod dahil ako ang last na magpakilala.

"D-Devon Miles Acosta." utal kong pakilala, nakakatakot kasi ang tingin ng mga kaklase ko.

Nakita ko naman na may nagbubulungan habang nakatingin sa akin at sabay tawanan ng katabi nila.

Maya maya may naramdaman naman akong may humila sa akin. Kaya napatingin naman ako sa humila sa kamay ko.

Tyron?

"Don't mind them!"

Agad naman kaming nagsiupo sa kani kanilang mga upuan sa bakanteng upuan sa likod.

Ganito ang arrangement ng upuan at kung sino sino ang katabi namin.

Ding ding||Ross||Tanya||Trisha||Tyron||Tristan||Megan||upuan|| ako||window

Wala itong ispa-ispasyo, basta dikit dikit.

Pinili ko dito sa tabi ng bintana dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin at kung minsan naman gusto ko ring magmuni muni sa labas, nakakagaan kasi ng pakiramdam.

At isa pa ayoko ding may katabi, syempre wala namang nangangahas na tumabi sa akin. Kung makaiwas sa akin, wagas.

Porket ganito na ang itsura ko, na mukhang manang ang haba ng uniform. Parang gusto ng tumakbo makita lang ako.

Wala na akong pakialam kung walang tumanggap sa akin, kung ano ako. Hindi naman sila kawalan.

"Bakit ang layo mo, Devon? Ayaw mo ba akong katabi?" bulong na tanong ni Megan. Dahil sya ang malapit sa akin.

Nabaling ang tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa labas.

Alinlangan naman akong sagutin ang tanong nya. Bakit ba gustong gusto nila akong kasama?

"A-ah! Hindi kasi ako s-sanay na may katabi. Mula kasi noon walang nagpapahangas na tumabi sa akin. Kaya n-nasanay na ako na walang katabi." nahihiyang paliwanag ko.

Napatanga naman siya sa sinabi ko. Anong nakakagulat sa sinabi ko?

"Sorry! Dahil curious lang ako kung bakit ayaw mong makatabi ako."

Ngumiti na lang ako.

"Pero hindi namin maipapangako na wala kang katabi, dahil may isa pa kaming kaibigan na hindi pumasok ngayon. Baka diyan siya uupo bukas sa tabi mo. Wala na kasing mauupuan na iba." mahabang paalala nya.

Ano? May kaibigan pa sila? Na makakatabi ko?

Malamang kasasabi lang na may uupo sa tabi mo diba. Siguro naman narinig mo kanina yung pinag uusapan nila na may kasama pa silang isa. Kontra ng isip ko.

Napakamot na lang ako ng buhok. Ang dali ko naman na makalimot.

"S-sige, okay lang na d'yan siya uupo, hindi ko naman pagmamay ari ang upuan."

Ano pa nga ba, hindi ko naman pag mamay-ari ang upuan na yan. Baka sabihin pa nila na inaari ko na.

"Don't worry, hindi naman yun masungit. Mabait ang isang yun, kaya wala ka dapat ipag-aalala. Pero ngalang ang babaero ng isang yun. Halos araw araw iba iba ang girlfriends." pagkukwento niya sa kaibigan nya.

Ang sama naman nitong kaibigan, siraan naman ba daw.

Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Okay lang sa akin, basta huwag lang niya akong lait laitin at bulihin o kung ano pa.

Pero base sa kwento niya, para itong mapang asar na tao. Hay nako! Huwag ko na nga lang problemahin yun.

Kaya nakinig na lang ako sa adviser namin na nagsasalita sa harap. Unang pasukan palang nagkaklase na. Dahil tinagurian akong nerd ng campus, kaya sige na nga makikinig na ako.

Kahit gusto ko pa sanang matulog dahil sasabak na naman ako sa mga lectures na yan.

Nagulat kayo no? Kung bakit nerd ako na may pagkatamad. Hindi lahat ng nerd masisipag.

Tulad ko medyo may pagkatamad din, kaya hindi ako perpektong tao. Wala namang perpektong tao a.

Kaya wag kayong mainay, baka mawala pa ang scholar ko nyan. Hahaha!!!

Matapos ang lahat ng klase namin nang maghapon. Kasakasama ko ang bago kong KAIBIGAN. Oo, kaibigan ko na sila. Yun kasi ang sinabi nila sa akin na kaibigan na nila ako.

Para naman akong nanalo sa loto dahil sa sobrang saya ko. Sa wakas may naglakas loob sa akin na makibag paibigan.

Pinapangarap ko lang na mayroon akong kaibigan na matatanggap ako kahit ganito ang itsura ko. Kita mo nga naman, may masasabi na akong kaibigan.

"Ayaw mo ba talagang magpahatid, Devon?" pagtatanong ni Ross.

"W-wag na, baka nakaka-abala pa ako sa inyo. Malapit lang naman dito ang bahay namin." pagtatanggi ko.

Baka sabihin lang nila na abusado na ako. Pati paghatid gagawin pa nila. Inilibre na nga lang nila ako kanina. Mapilit sila e, ayaw akong tigilan hanggang hindi ako napapayag.

Kaya wala akong nawala kundi, sumuko. Ikaw ba naman ang pagtutulungan. Ang kukulit talaga ang mga yun.

"Okay fine, make sure that you'll text us if you already home?" paalala nila sa akin.

Napatango naman ako bilang sagot. Para akong anak nila na pinagsasabihan.

At isa yan sa nagustuhan ko sa kanila ay ang maalalahanin sila.

"Sige mauna na kayo. Kaya ko na ang sarili ko. Ingat sa pag uwi. Good night." paalam ko sa kanilang lahat.

"Ikaw din ingat sa pag uwi. Wala ka pa namang kasama. Kung ihatid ka na lang namin, para mapanatag kami." pagyaya ulit ni Tanya.

Umiling iling naman ako.

"Ano ba kayo, wag na. Hala larga na gumagabi na e." natatawang pagtataboy ko. Baka kasi inahanap na sila sa kanila.

Napabuntong hininga na lang sila sa katigasan ng ulo ko.

"Sige, sige. Good night din."

Paalam nilang lahat at nagbabye pa sila bago umalis. Ngumiti na lang ako at nagbabye din pabalik.

Napakamot naman ako ng buhok. Nalilito kasi ako kung sasakay ba ako ng tricycle o maglalakad na lang.

Ano ba yan tapi pinag uwi poproblemahin ko pa. Hmm... Sige na nga maglalakad na lang ako, para makatipid ng pera.

Kaya nagsimula na akong naglakad. Nu'ng nakarating ako sa parte na medyo madilim nagsitayuhan ang balahibo ko dahil may nararamdaman kong may sumusunod sa akin.

Medyo binilisan ko naman ang paglakad dahil sa sobrang takot na nararamdaman, malay mo mga lasinggero yan sa kanto.

Pero naramdaman ko paring may sumusunod sa akin. Kaya unti unti naman akong lumingon sa lukuran ko.

O_O

"waahhh!!"

Agad akong tumakbo ng mabilis na para akong nakikipagkarera dahil hinahabol ako ngayon. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil sobrang bilis niyang tumakbo.

\( ö )/

"Nanaaayy!!" malakas kong hiyaw. Halos matanggal na ang lalamunan ko dahil sa sigaw na yun.

Buti na lang at hindi sabagal ang nerdy glass ko pagtakbo.

Nang naramdaman ko ng wala ng sumusunod sa akin, tumigil na ako katatakbo. Habol habol ko ang aking hininga. Para akong nakipag- karera.

Sayang naman ang binawas ng timbang ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo ko, hanggang nakarating ako sa amin. Mapapagalitan na naman ako dito nyan. Kabilinbilinan kasi ni nanay na huwag daw ako magpapagod.

Nang nasa pinto na ako, huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok.

Nakita ko naman si nanay na naghahanda ng hapunan namin. Kaya agad naman akong lumapit sa kanya. Alam kong hindi niya napansin na pumasok ako.

"Mano po, nay" biglang sabi ko, na kinagulat nya.

"Ano ba yan, Devon? Bakit ka ba ng gugulat?"

Natawa naman ako.

"Nay, naman hindi ko po kasalan yun. Hindi mo kasi ako napansin na pumasok e." natatawan biro ko.

"Ikaw talaga, oo. Sige umupo kana at kakain na tayo." pagyaya nyang kumain. Agad naman akong umupo sa upuan.

Nagprey muna kami bago kumain. Nangmatapos kaming magdasal. Nagsimula na kaming kumain.

"Bakit ganyang ang itsura mo, anak? Mukhang pinagpapawisan ka? Tumakbo ka na naman ba?" sunod sunod na tanong ni nanay.

Napakamot naman ako ng batok. At nahihiyang sabihin kung ano ang nangyari kanina.

"K-kasi inay, h-hinabol ako ng aso kanina pag-uwi ko." pag aamin ko.

Nakita ko naman may bumakat na pag aalala sa mukha nya.

"May masakit ba sayo, anak? Kinagat kaba ng aso?" nag aalala nyang tanong at linapitan ako at sinuri kung may kagat ako.

"Wala po inay buti na lang at nakatakbo ako ng mabilis. Kaya umupo na kayo at kumain na." sagot ko sa tanong nya.

Napabuntong hininga naman sya bago umupo.

"Ang ganda mo talaga, nak. Pati aso sa kanto hinahabol ka." natatawang biro ni nanay.

Agad naman akong pinamulahan dahil dun.

"Nay naman. Hmp!" asar kong sabi.

Natawa naman sya.

"Joke lang anak, hindi ka man lang mabiro." bawi nya.

Napailing na lang ako dahil dun.

Matapos kaming kumain, nagprisinta na akong ako ang maghuhugas na pinagkainan namin. Agad ko ng punauna si nanay dahil alam kong pagot siya kalalaba maghapon.

Kawawa naman ang nanay ko.

Nang natapos ko na ang ginagawa ko, agad akong sumunod kay nanay. Pumasok naman ako sa kwarto namin at kumuha ng damit na pagpapalit ko ng aking uniform.

Agad akong lumabas ulit para mag haft bath dahil nasa katabi ng kusina ang banyo namin.

Nung mapatos ko ang pagpapalit agad akong pumasok ulit sa kwarto namin at tumabi kay nanay na mahimbing ang tulog. Dahil sa pagod mabilis akong nakatulog.

Zzzzz......