Devon's PoV
"Bakit hindi nyo kasama ang isa nyong kaibigan. Yung si Calvin. Hindi ko kasi makita na kasama nyo?" takang tanong naman ni nanay sa kanila.
Nakaupo kami lahat dito sa sala.
Hanggang ngayon himas himas ko parin ang braso kong pinalo nya kanina. Hmp. Kaasar si nanay, nakaya nyang saktan ng anak nyang maganda. Hmpp!!!
"Ah si Calvin po, ayun natutulog sa loob ng van. Puyat ang loko. Haha. Hindi na namin po sya ginising." matatawang sagot ni Ross.
Natawa naman ang iba.
Ano naman kaya ang nangyari sa isang yun at napuyat sya? tanong ko bigla sa isipan ko.
"Oo nga pala. Ano yung narinig ko na yayayain nyo si Devon?" pukaw na tanong bigla ni nanay sa kanila.
Kaya wala sa sariling napatinging napatingin sa kanila. Oo nga no. Hindi ko pa natatanong kung bakit bigla bigla na lang silang nagyaya.
May okasyon ba?
Napakamot naman silang lahat.
"Ah! eh! gusto lang po namin ang magbonding sana. Hehe. Yayayain po sana namin syang gumala sa amusement park." alinlangan na sagot ni Megan kay nanay. Parang nahihiyang sabihin.
Dahil sa sagot nya. Nagulat naman ako. Ano? Isasama nila ako sa amusement park? Wala akong pero para pumunta dun.
Tumingin naman sa akin si nanay.
"Gusto mo bang sumama nak?" tanong nya sa akin.
Napakamot ako ng pisngi. Syempre naman, wala namang walang gusto ang pumunta sa amusement park e. Gustong gusto nyang pumunta dun.
"Gusto po sana pero wala po akong ipon e. Kaya wag na lang." nahihiya kong sabi sa kanila.
Medyo nailang naman ako ng bigla silang tumingin lahat sa akin. Tumingin naman ako sa paligid at nginitian pero hindi abot sa mata.
Tumingin din ako kay nanay ng may malungkot na mukha. Kahit gugustuhin pero wala talaga. Nakita ko naman na bumuntong hininga si nanay.
"Ehem!"
Napatingin naman ako kay Trisha ng bigla syang tumikhim.
"Sino ba kasi ang nagsabi sayo na ikaw ang magbabayad. Hindi mo na kailangan ang pera para makasama ka. Don't worry friend, libre ka na namin." nakangiting agaw pansin ni Trisha.
Napabaling naman kami ni nanay sa kanila. At hindi makapaniwalamg sinabi yun ni Trisha. Medyo napanganga pa ako dahil dun.
Pero agad din namang umapila si nanay at ako. Nakakahiya kaya.
"Naku, wag na kayong gumastos sa akin. Kayo na lang ang pupunta." pag aapila ko sa kanila at napakamot na naman ng batok.
"Naku iha wag na. May konting pera pa naman kami dyan. Yun na lang ang gagastusin ni Devon. Nakakahiya naman kasi sa inyo e." pagtatanggi ni nanay sa kanila.
Wala sa sarili naman akong tumingin kay nanay. Tama ba ang narinig ko? Gusto nyang sumama ako sa kanila?
"Nay wag na. Itabi mo na lang po yang pera. Wag na lang po ako sasama." pagtatanggi ko sa kanya.
Umiling iling pa ako. Ayokong gumasto pa si nanay para sa akin. Hindi naman ako mapilit na tao e. Kung alam kong kapos pa kami sa pera. Hindi ako yung tao na gastador.
"Nak, ito na ang pagkakataon na makagala ka naman sa mga ganung lugar."
Umiling iling naman ako.
"Uyy! Devon, wag ka ng mahiya sa amin kaibigan mo na kami no. At isa pa, kabayaran na din ito ng lagi mo kaming binibigyan ng banana que. Hehe. Kaya wag ka ng mahiya." sabi nila sa akin.
Medyo napayuko naman ako at kinagat ang ibabang labi. May bigla naman akong naramdaman sa puso ko dahil sa sinabi nila sa akin. Nag uumapaw na saya sa puso ko.
Nag angat naman ako ng tingin sa kanila at biglang tumango. Bilang pagsagot na sasama ako.
Dahil dun, napahiyaw silang lahat.
****
"Sige nay, alis na po kami." paalam ko sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay.
"Alis na po kami tita." sabay sabay din nilang paalam kay nanay....
Tumingin naman si nanay sa amin at ngumiti sa amin.
"Mag ingat kayo mga iha at iho. Wag masyadong magpapagabi sa pupuntahan." paalala ni nanay sa amin.
Napangiti naman kami sa sinabi nya at tumango.
"Lagi nyo ding tignan si Devon, baka mamaya nyan biglang mawala sa tabi nyo. Igronante pa naman yan, hindi alam kung saan saan susulpot." dagdag pa ni nanay sa amin.
Napanganga na lang ako dahil sa sinabi nya. Ang mga kasama ko naman, pigil ang tawa nila.
Waaaahhh!!!!!
Nakakahiya si nanay.
Bakit nya ako binuking sa mga kaibigan koooooo...... Nakakahiya talaga.
"Nayyyy!!! Ano bang pimagsasabi mo diyan ha??? Nakakahiyaaa.... Waaahh!! Wag kayong maniwala kay nanay guys. Binibiro lang kayo nyan." taranta kong sabi sa kanila.
Medyo napasimangot pa akong tumingin kay nanay, na pinipigilan ang tawa.
Tumingin naman ako sa kanilang lahat.
"Ilabas nyo na yang tawa nyo guys. Baka iba pa ang lumabas kung pinipigilan nyong tumawa." simpleng sabi ko sa kanila at biglang sumimangot.
"Buwaaaaahhhhaaha!!!!!!"
"Huwahahahahaha!!!!"
"Hahhhahahahhaa!!!!"
"Grabe ang rami kong tawa. Pfffs!!!"
Mas humaba ang nguso ko sa labi dahil sa pagtawa nila ng malakas. Ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko.
"Hmp!!" parang bata akong nagdadabog habang nakatingin sa kanila. Hanggang ngayon tumatawa parin sila.
"Oh tama na yan. Namumula na si Devon e. Baka mamaya nyan maging kamatis na dahil sa kapulahan ng mukha. Haha!! Peace besh!" natatawang biro ni tanya sa akin.
Natawa na naman silang lahat, isama mo na din ang nanay ko na ang lakas makatawa sa kanila. Hmp. Nanay ko ba ito? Kanina pa nya ako tinatawanan e.
"Hmp!! Diyan na nga kayo." agad ko silang tinalikuran.
Nakakaasar talaga sila. Lagi na lang nila ako binubully.
Narinig ko silang tinatawag ako pero hindi ko sila pinansin basta tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papuntang van nila.
Agad akong tumigil nung nakarating ako sa side ng van. Hinintay ko silang makarating dito. Alangan namang dire diretso akong papasok e baka magising ang natutulog sa loob.
Nakita ko naman na nagpaalam sila kay nanay. Tumingin naman ko si nanay at bigla nyang winave ang kamay nya sa akin. Kaya agad ko ding tinaas ang kanang kamay ko upang magba bye din sa kanya.
'Ingat' senyas nya sa akin.
Tumango lang ako biglang sagot. At bumaling sa mga kaibigan kong ang lalawak ng ngiti habang papalapit sa akin.
Nang makalapit sila sa akin. Bigla ni akong inismiran. Mang aasar na naman ang nga ito.
"Hmmmp!! Ang isang Devon pala ay isang pikunin."
"Hahaha!!"
Bungad na pang asar nila sa akin ng makarating sila sa harapan ko. Aish. Ayan na naman sila, hindi parin nila ako tinitigilan sa pang aasar.
May nakapaskil din na ngisi sa kanilang mga labi. Na hindi matanggal tanggal. Ugh!! Parang gusto kong tumakbo papalayo sa kanila.
"T-tigilan n-nyo nga ako." nauutal kong saway sa kanila.
Natawa naman sila. Ang itinaas ang kamay na parang sumusuko.
"Oh tigil na. Halina kayo pasok na tayo sa loob. Ang init init dito sa labas." pagyayaya ni Megan sa amin at nauna ng binuksan ang pinto ng van.
Nakita ko din na pumasok sina Tyron at Ross sa harapan. Mukhang si Tyron ang magda drive, katabi nya si Ross.
Si Tristan naman ang unang pumasok dito sa likod. Sumunod si Tanya at umupo sa tabi ni Tristan. Katabi lang nila ang pinto ng van.
Agad naman sumunod sina Megan at Trisha. At ako naman ang panghuling pumasok sa loob. Medyo kinakabahan pa ako dahil kay ano. Oo si ano nga. Hehe.
Pagkapasok ko sa loob. Bumungad sa akin ang natutulog na si ano. Si Calvin. Pero parang may kidlat na tumama sa dibdib ko ng makita kong hindi lang sya ang natutulog.
Napako ang tingin ko sa kanila ng taong katabi. Parang biglang nawalan ng lakas ang katawan ko ng masaksihan ko ang itsura nila.
Para silang mag jowa. Ang sakit sa puso. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko kung may nakikita akong kasama nyang ibang babae. Lagi na lang akong nasasaktan. Parang may gustong pumatak na luha sa mata.
Nakaakbay si Calvin sa babae habang ang ulo nya ay nakasandal sa tuktok ng ulo ng babae na nakatalakbong ang mukha ng panyo. Habang yung babae nakasanding ang ulo sa dibdib ni Calvin.
Bigla namang napasara ang dalawa kong kamao. Agad kong tinago sa likuran ko.
"Uyy! Halika ka na dito sa tabi namin. Tabi tabi na lang tayong tatlo sa likod. Kasya naman tayo dito e." pagtatawag sa akin ni Megan.
Dahil dun, nabalik ako sa diwa. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanila. Inalis ko na lang ang tingin sa lalaking lagi akong sinasaktan.
Huminga muna ako ng malalim na buntong hininga bago pinagpatuloy ang pagpasok ko sa loob. Agad akong naglakad patungo sa likod.
"Dito ka sa gitna namin."
Hinila agad ako ni Megan sa tabi nila ni Trisha. Wala akong ginawa kundi ang umayos ang pagkakaupo sa gitna nila. Medyo naiilang pa ako.
Hindi nagtagal biglang umandar ang van.
Wala sa sariling napatingin ako sa harapan ko, kung saan natutulog si Calvin at yung babae na nakatalakbong.
Hindi ko alam kung pansin ba ng dalawang kong katabi na nakatingin ako kay Calvin. Wag naman sana, baka wala namang katapusan ang pang aasar nila sa akin. At isa pa, ayokong malaman ng playboy na ito na may gusto ako sa kanya. Alam kong asar asar rin lang sya ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanila. Basta ang alam ko, parang nabagnet ang tingin ko sa kanila.
"Baka matunaw yan. Hinay hinay sa katitig sa kanila." bulong sa tainga ko.
Hindi ako nakagalaw sa kinakaupuan ko. Para akong binuhusan ng malamig. Parang may bumara din sa lalamunan ko. Hindi din ako makatingin kay Trisha.
Pinilit ko naman ang lumunok. At kinalma ang sarili ko, parang kinapos ako sa hangin sa katawan. Nagmistulang kamatis ang buong mukha ko.
"Chill!ñ!! Breath, Devon!! Huwag kang kabahan. Parang kang napako sa kinakaupuan mo. Pfffs." natatawang biro nya sa akin.
Napabuntong hininga ako. Pumikit ako sandali pero agad din akong nag mulat. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga dalawa kong palad. Nakakahiya.
Hindi parin ako umimik.
"Oh! Anong nangyari diyan kay Devon? Bakit tinatakpan nya ang mukha nya?" narinig ko naman na tanong ni Megan sa tabi ko. May pagtataka sa boses.
Mas lalo ko pang kinulong ang mukha ko sa dalawa kong palad.
"Pfffs!!"
Narinig ko naman na bungisngis ni Trisha sa tabi ko. Plano na nila ito, na uupo ako pagitnaan nila??... Hmp!! Inaasar na naman ako ni Trisha. Ihhh!! Kahit kailan talaga ang babaeng ito, napaka bully.
"Bakit ka tumatawa diyan?" tanong ni Megan kay Trisha.
"Wala! wala! sa amin na lang yun ni Devon."
Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi nya ako binuking. Abot abot ang kaba ko, kala ko sasabihin na nya e.
"Naman Trisha besh e. Bakit ayaw nyong sabihin sa akin? Hindi ko naman ipagkakalad e kung ano man yun." pamimilit ni Megan na sabihin ni Trisha ang nakita nya sa akin kanina.
"Basta. Ayokong sabihin. Baka mamaya may mahiya diyan sa tabi tabi." pagpaparinig nya.
Hmp! Ako ba ang pinaparinggan nya? Tsss. Mapang asar.
"Ihh! Damot! Hmp!"
"Tssss!!"
Nang naramdaman ko na tumigil na sila. Dahan dahan kong inalis ang palad ko sa mukha ko. Nang matanggal ko, nakahinga ako ng maluwag, para kasi akong hindi makahinga kanina dahil sa pagtataklob ng mukha ko.
Pag angat ko ng tingin, nakita kong napatitig sina Megan at Trisha sa akin.
"Waaaaahhhh!!!!!!"
Pero dahil sa gulat ko, bigla akong napahiyaw.
*booggshhh!!*
"F*ck it!!"
"Aray t*ngna!!!!"
"D*mn it!!!! Ugh!!!"
"Pusang gala!!! Ang sakit ng ulo kong nauntogggg!!"
"Uughh!! P*tya!!!!"
"Arayyyyy koooooo!!!!!!!! Ang balakang kooo!!!"
"Ouch!! The h*ll!! What is the f*cking happened?? Ughhh!!"
"Huhu!! Ang sakit ng ulo kong nauntog."
Kanya kanya naming reklamo at mura ang maririnig mo dito sa loob ng van. Syet. Sino ba naman ang hindi mapapamura ng bigla bigla ka na lang magpepreno ng ganun.
Kanya kanya silang hawak sa noo nilang nauntog.
"Awww!! Ang balakang kooo. Huhu!"
Himas himas ko ang noo kong nauntog sa likod ng upuan dito sa harapan ko. Napatingin ako kay Ross sa harap na hawak hawak ang balakang.
Mukhang nahulog sa pagkakaupo. Lah! Mukhang kasalanan ko a. Huwaaahh! Lagot ako nito. Huhu!!
Para naman akong hindi makagalaw sa kinakaupuan ko ng mapansin kong dahan dahan silang napatingin sa akin. Napaurong bigla ang dila ko.
Dahan dahan naman akong napatingin sa pwesto ni Calvin.
O_________O
Nagulat na lang ako ng makita ko syang nakatingin sa akin.......
........ng sobrang sama.
Napalunok ako ng laway.
Napansin ko din na nagising na din pala ang babaeng katabi nya. Mas lalo namang lumaki ang mata ko ng makita ko ng harap harapan ang mukha ng babae....
Sya.......
Sya yung babaeng kasama ni Calvin noon sa mall......
Biglang nanikip ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit makaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib. Parang may pumana sa puso ko.
Agad kong iniwas ang tingin sa kanila. Nakita ko kasi na ang kilay ng babae na sobrang taas. Parang abot langit.
Naramdaman ko naman na may nakatitig sa akin. Kaya napatingin naman ako dun sa matang nakatitig sa akin.
Nagulat na naman ako ng makita kong si Calvin ang nakatitig sa akin. Pero agad ko ding iniwas ang tingin sa kanya.
"Ehem!!"
Napabaling ako sa kanila ng tingin ng bigla silang tumikhim.
Ewan ko sa kanila, kung bakit bigla bigla na lang silang napangisi. May kakaiba sa ngiti nilang Binibigay sa akin. Basta may kakaiba sa ngiti nila.
Pero nakapaskil parin sa mukha nila ang sakit sa pagkakauntog. Napakamot na lang ako ng ulo at nagpeace sa kanila.
******
"Sa wakas nakarating din tayo. Huwaah! Ang sakit ng balakang kong nakaupo. Ugh!"
"Nakalanghap din ako ng sariwang hangin."
Kanya kanya kaming reklamo pagkababa namin ng van. Isa isa ang nagrereklamo. Nandito kami sa parking lot ng amusement park.
May mga mangilan ngilan na nakatingin sa amin. Yung mga taong papasok sa loob. Mga teenager na magkakaibigan. Para silang nakikilig kung mapapatingin sa mga lalaking kasama namin. Psh.
"It's so so hot here. Sh*t! Masisira ang skin ko dito. Ugh!" napabaling ako sa babaeng kasama namin.
Medyo naningkit ang mata ko sa kanya ng makita ki na nakakapit sya sa braso ni Calvin. P*nyeta. Parang gusto kong tanggalin ang kamay nya sa pagkakahawak kay Calvin.
Kanina pa yang nakakapit sa braso ni malanding Calvin. At ang walangya, hindi tinatanggal ang kamay sa babae.
Ugh! Nakakainis at nakaka badtrip ng araw. Parang bawalan ako ng gana. Nagseselos ako. Aish!
"Pasok na nga tayo sa loob." yaya nila.
Hindi kami sabay sabay na naglakad. Ang nauuna ay sina Tyron, Tristan at Ross. Sumunod naman sina Calvin at yung babaeng parang linta este yung babaeng kasama nya. Sunod naman sina Megan at Tanya na nagkukuwentohan. At panglas naman kami ni Trisha.
Parang baliw itong si Trisha. Kanina pa na nakangisi sa tabi ko. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa kanya. Tsk. Mukhang baliw lang.
Nakunot lang ako habang nakatingin sa unahan. Bad mood ako ngayon. Ang sakit nila sa mata, sa totoo lang.
Hanggang ngayon pala hindi ko pa alam ang pangalan ng babaeng kasama nya. Mag-boyfriend ba sila ni Calvin?
Hindi malabong mangyari yun. Ang ganda ganda nung babae. Ang tangkad tangkad pa, may pagkaamo ng mukha, pero ang pangit naman ng ugali. Tsss. Basta maganda sya, ko maidescribe. Edi ako na ang pangit. Tsss.
Hindi na ako mabibigla na walang magkakagusto sa isang katulad ko. Psh. Bakit kasi ang pangit pangit ko?
"Mukha mo bhe, parang pinagtakloban ng langit at lupa. Lukot na lukot. Mukhang nasasaktan ka."
Napabalik ako sa ulirat ng biglang nagsalita si Trisha sa tabi. Kaya wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sa akin, diretso lang syang nakatingin sa unahan. Hindi rin mawala wala ang ngisi sa kanyang labi. Parang may malalim syang iniisip na nakakapagpangisi sa kanya.
May alam ba sya? tanong ko na lang sa isipan ko. Maraming naglalaro sa isipan ko. Gusto ko sana syang tanungin pero hindi ko magawa.
"Ha?" yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi nya sa akin.
Ngumisi naman syang tumingin sa akin. Kaya medyo kinabahan naman ako.
"May gusto ka ba kay Calvin?" diretso nyang tanong sa akin. Nang dahil dun, tuluyan na akong hindi nakapagsalita.
Hindi ako makatingin sa kanya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, parang tumakbo ako ng sobrang bilis.
"A-ah"
"Oo o hindi lang ang sagot Devon."
Namula ako, hindi dahil sa init kundi sa tanong nya sa akin. Hanggang ngayon kinakabahan parin ako. Nakayuko lang ako.
"Okay! kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo sa kanya. Halata sa mukha mo habang nakatingin sa kanila." mahaba haba nyang sabi sa akin.
Nang dahil sa sinabi nya. Mas lalo akong kinabahan. Tama nga ako, alam kong may alam sya sa nararamdaman ko kay Calvin.
Ganoon na ba ako kahalata na may gusto ako kay Calvin?
Wala e. Hindi ko inaakala na magkakagusto ako sa isang playboy na kagaya nya. Pero hindi ko naman pinagsisisihan na nagkagusto sa kanya.
Tumingin naman ako kanya.
"P-please, w-wag mong sabihin na may gusto ako sa kanya." nauutal kong pagmamakaawa.
Nagulat naman ako ng bigla syang lumingon sa akin na may ngisi sa kanyang labi.
"So tama nga ako, may gusto ka sa kanya."
Mas lumawak pa ang ngisi nya ng mas lalong lumaki ang mata ko. Sh*t. Mukhang hinuhuli lang nya ako. Ako naman si tanga, nagpahuli.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa kahihiyan. Waahh! Nabuking ako. Mas nadagdagan ang kaba ko. Baka sabihin nya kay Calvin.
"Tama nga ako. May gusto ka kay Calvin. Tsk! Tsk! Tsk! Ang manhid talaga ang lalaking yun." nakangisi naman sya at napailing na lang.
Tumingin naman sya sa na nakangiti ng malawak. "don't worry friend, hindi ko sasabihin sa isang. Hindi ko pangungunahan ang desisyon mo."
Para akong nabunutan naman tinik sa lalamunan ko dahil sa sinabi nya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko sasabihin na nya kay Calvin..
"Salamat at hindi mo sasabihin sa kanya kanya. Jusko ko, abot abot ang kaba ko." napahawak pa ako sa dibdib ko.
"Psh! Your secret is safe with me."
Ngumiti naman ako sa kanya ng malawak.
"Pero kailan mo sasabihin sa kanya na gusto mo sya?" bigla na lang lang nyang tanong sa akin.
Nagulat naman ako sa tanong nya sa akin. Pero agad ko ding kinalma ang sarili ko. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago sumagot.
Buti na lang at hindi sila nakatingin dito sa pwesto namin. Busy sila sa kani kanilang kasama.
Tumingin ako sa kanya at umiling iling. "W-wala a-akong balak na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. At isa pa, may girlfriend na sya e. Yung katabi nya." malungkot kong sabi.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nabigla sya sa pinagtapat ko. Pero maya maya bigla syang napangisi ng malawak.
Umiling iling lang sya at hindi na nagsalita. Pero nandun parin sa labi ang nalalarong ngisi.
Kaya napakunot ako sa kanya pero hindi ko yun pinahalata. Bakit nakangisi ang babaeng ito?
"Interesting!" bulong nya pero hindi ko narinig.
"Ha?" ako
"Ha! Hehe! Ang sabi ko dapat sabihin mo na may gusto ka sa kanya."
"Ayoko nahihiya ako." mabilis kong sagot.
Natawa na lang sya at inakbayan ako.
"Ayiee! Si Devon, in love na. Sige na nga, hindi na kita aasarin." natatawang sabi nya.
Napangiti na lang ako ng awkward. At pinagpatuloy ang paglalakad namin.
Naramdaman ko naman na may paris ng mata ang nakatingin sa akin. Kaya hinanap ko naman ito. Hanggang nagtagpo ng tingin namin ng lalaking kanina ko pa iniisip.
*tug*tug*tug*
****
"Saan ang una nating pupuntahan? Kakain ba muna tayo o sasakay sa mga rides?" tanong ni Tristan sa amin.
Para kaming tanga dito sa gitna. Ang daming tao na naglalakad at napapatingin sa amin kung saan kami nakatayo ngayon. Hindi alam kung saan ang unang pupuntahan.
"Patay gutom ka talagang unggoy ka. Tsss. Katatapos lang tayong kumain kanina tapos pagkain na naman. Ugh!" badtrip na pambabara ni Megan kay Tristan
Natawa naman kami.
"Paki mo ba ha. Tsk!" naasar naman si Tristan.
"Kalma lang guys. Mag aaway na naman kayo." pagsisingit naman ni Ross sa kanila.
Pero inirapan lang sya ni Megan at hindi na sya nagsalita pa. ganun din si Ross at Tristan. Pansin ko na laging nag aasaran sina Megan, Trisha at Ross. Minsan pinagtutulungan nilang asar asarin si Megan.
Makailan ko lang nalaman na nagbest pala sina Tristan at Tanya. Hay naku, hindi ko alam yun a.
"Uyy! Nakatunganga ka diyan? Anong iniisip mo?" agaw atensyon na tanong ni Tanya sa akin.
Gulat naman akong napatingin sa kanya. Medyo nahiya naman ako dun. Mas lalo akong nahiya ng makita kong nakatingin lahat sila sa akin. Medyo napababa naman ako ng tingin sa kanila. Nakakahiya.
"Wait a minute. Parang kilala ko sya. Diba ikaw yung babaeng nasa mall noon? Yung bulag na nakabunggo ko noon? Tsk. Right, Jace??"
Napataas naman ako ng ulo ng biglang nagsalita ang babaeng kasama namin.
Natahimik naman kami ng ilang sandali. Ang mga boses lang ng mga tao sa malapitan ang naririnig namin.
"Kilala mo si Devon, Chelsae?" takang tanong ni Megan sya ang unang bumasag sa katahimikan.
"Kailan?" dugtong naman na tanong ni Tanya.
Bakas sa mukha nila ang naguguluhan. Palipat lipat ang tingin nila sa aming tatlo.
Chelsea pala ang pangalan ng babaeng kasama ni Calvin. At kilala pala nila Megan sya. Nandito na naman ang nararamdaman ko. Parang may bumara sa dibdib ko.
Pinakalma ko naman ang sarili ko. At huminga ng malalim.
"Aksidente lang na nagkabungguan sila noon sa mall nung sinamahan ko si chel na bumili ng damit." simpleng sagot ni Calvin at biglang tumingin sa direksyon ko.
Napaiwas naman ako ng tingin.
Buti na lang at wala ng tanong tanong na naganap pa. Wala naman akong maiisasagot sa kanila e.
" Sa haunted house muna ang una nating pupuntahan. Mas maganda dun." nakamgising suggestion ni Trisha.
Lahat naman sila ay napangisi. Parang bigla silang na excited. Pero heto ako, parang hindi na makalakad dahil sa takot. Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob, nanginginig na ako sa takot.
Langya! Parang gusto ko ng magback out.
Agad kaming pumunta sa bilihan ng tiket. Nang makabali na kami agad kaming pumasok sa loob.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Nainggit ako bigla. Buti sila may kasama kasama silang pumasok sa loob.
Si Tyron at si Trisha pero hindi naman nagpapansinan. At ang sama pa ng tingin ni Trisha kay Tyron.
Si Ross naman at si Tanya. At wow ha, parang excited silang pumasok sa loob, ang lalawak kasi ng ngiti. Hmp. Di sila na ang hindi takot.
Si Megan naman at si Tristan, na nagbabangayan na naman. Nag aaway sila dahil nagtuturuhan sila kung sino ang takot. Dahil walang nagpatalo ayun nagtalo na.
Wala sa sarili naman akong napatingin kina Calvin at yung Chelsea ang pangalan. Napasimangot na naman ako dahil nakakawit na naman ang braso nya sa braso ni Calvin. Parang linta lang e. Tsss.
Eh ako, lonely forever. Waahhh. Noh bayan.
Nauna ng pumasok ang iba sa loob. Nakatingin lang ako sa kanila na pumapasok. Natawa na lang ako sa aking isipan dahil may takot din pala sa mukha nila.
"Hoy nerd!! Hindi ka ba papasok? Gusto mo bang naging tagabantay dito sa loob." nakataas ang kilay na pukaw ni Calvin sa akin.
"O baka naman takot ka lang kaya ayaw mong pumasok sa loob." dagdag nya at bigla na lang syang ngumisi ng malaki.
Tumingin naman ako sa kanya ng masama. Pero bigla akong napakunot ng hindi ko na makita ang girlfriend nya. Saan na nagpunta ang girlfriend nya?
"H-hindi ako n-natatakot no. Hmp!" kahit na nautal ako taas noo parin akong tumitig sa kanya.
Mas lalo naman lumaki ang ngisi nya.
"Talaga lang ha?"
Inirapan ko sya. "Oo nga sabi e."
"Bakit hindi ko na kasama yung girlfriend mo? Nasaan na pumunta?" dire diretsong bulaslas na tanong ko sa kaniya.
Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko. Syet! Walang preno ang bunganga ko, kung ano ano na lang ang lumalabas. Baka akalain nyang nagseselos ako, kahit totoo naman.
"Bakit mo tinatanong? Selos ka no?" nakangisi nyang pang asar.
Namula ang mukha ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng mapansin kong nakatitig sya sa akin. Ang bilis bilis ng pantig ng puso ko. Para akong nakikipag karera sa kabayo.
"H-hindi a." pagtatanggi ko
Ngumisi sya bigla. "Okay. Sabi mo e. Pero ang cute mo pala kung namumula ang pisngi mo."
*tug*tug*tug*
Mas lalo akong namula sa sinabi nya. Gosh! Halatang halata ba ang pamumula ng pisngi ko ko? Waaah! Baka katyawan naman ako nito.
"Let's go inside."
At bigla nyang kinuha ang kamay ko at hinila papasok sa loob. Dahil sa gulat ko, hindi ako nakapagreact agad. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kamay namin magkahawak.
Mas nagulat ng bigla nyang pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Yung para ba yung naghiwalay hiwalay ang daliri namin.
Hindi maalalis ang tingin sa kamay namin magkahawak. Nararamdaman na lang ako ng kasiyahan sa puso ko.
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad kami papasok. Hindi ko napapansin ang mga nangtatakot na nakakasalubong namin.
Parang wala lang sa akin ang paligid ko. Ang nasa isip ko lang ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na hawak hawak mo ang kamay ng taong mahal mo. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.
Inalis ko na lang ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. Pero nandito parin sa labi ko ang ngiti.
Napapangiwi na lang ako kung may nakakasalubong kaming ang pangit ng mukha o di kaya may mga dugo sa mukha.
Napapahigpit din ang pagkakahawak ko sa kamay ni Calvin. Ganun din sya, papahigpit din sya ng pagkakahawak sa akin kung nagugulat.
"AAAAAAAHHHHHH!!!!!!!"
"AYOKOOO NAAAAA!!!! MOMMYYYYYYY KOOOOO!!!!!!"
"WAAAAAAHHHH!!!!"
Dinig kong sigawan sa dito sa loob. Para akong nabibingi sa sigawan.
"WALANGYAAAAA KAAAAAA TRISTANNNNNNN!!!! WAGG KANG KUNAPIT SA AKIN. P*NYETAAA KA..... IPAPAKAIN TALAGA KITA SA MGA ZOMBIE!!!!"
"WAAAAAAHHH!!!! AYOKOOOO!!!"
Narinig ko naman ang sigawan nina Megan at Tristan hindi kalayuan sa pwesto namin. Nandito pa pala sila, akala ko nakalabas na sila.
Kahit natatakot ko. Nagawa ko paring tumawa. Syet! Nakakatawa talaga ang dalawang yun. Kahit nasa ganito pa kaming sitwasyon, nagagawa parin nilang magbangayan. Ang lalakas ng boses.
Naramdaman ko naman na napatigil sa paglalakad si Calvin, kaya napatigil naman ako sa paglalakad at naguguluhan na tumingin sa kanya.
"Bakit ka tumatawa diyan?" tanong nya.
Magsasalita sana ako ng bigla may sumigaw mula sa likuran namin. At naramdaman ko na lang na nabunggo na pala ng mga ito.
Dahil hindi ko nabalanse ang katawan ko. Bigla akong napahiga. Pero sa hindi ko inaasahan na kay Calvin ako babagsak. Napapikit na lang ako ng mata, hinihintay ang pagkabagsak namin sa sahig.
Sa inaakala kong sa sahig ako babagsak, nagkamali ako, sa ibabaw nya ako bumagsak.
Naramdaman ko na lang na may malambot akong naramdaman sa ibabaw ng labi ko.
O___________O