Devon's PoV
Tulala akong nakaupo ngayon sa isang bench. Kasama ko sina Megan na nakaupo pero hindi ko sila katabi. Nandun sila sa kabilang bench.
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina sa loob. Paulit ulit na nag reply sa isip ko ang nangyari. Hanggang ngayon namumula parin ang pisngi ko.
Wala naman sa sariling napahawak ako sa labi. Hanggang ngayon din, ramdam na ramdam ko parin ang malambot nyang labi sa labi ko.
Ito ang pangalawang pag kakataon na nangyari ito. Ang hindi inaasahan na pagtatagpo ng labi naming dalawa.
Una ay yung nasa clinic kami. Para talagang nag aapoy ang mag kabilang pisngi ko.
Tumingin ako sa pwesto nya. Palihim ko na lang silang sinamahan ng tingin. Magkatabi na naman kasi sila ng girlfriend nya. Kinain na naman ako ng selos. Masaya syang nakikipag usap sa babae.
Nalungkot naman ako bigla.
Wala lang talaga sa kanya ang nangyari kanina. Mukhang nakalimutan na nya e.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko syang lumingon sa pwesto ko. Kaya agad agad naman akong umiwas ng tingin.
Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngisi sa kanyang labi. Parang nasisiyahan sya ng makita nya akong nakatingin sa kanya.
"Okay ka lang Devon? Kanina ko pa napapansin na nakatulala sa isang tabi? May nangyari ba kanina sa loob?"
Napaangat naman ako ng tingin sa side ko ng narinig ko ang boses ni Tanya. Umupo naman sya sa tabi ko.
"A-ah! Okay lang ako. Walang masamang nangyari sa loob. May iniisip lang ako." pagsisinungaling ko sa kanya at biglang umiwas ng tingin.
Naramdaman ko naman ang titig nya sa akin. Medyo nailang naman ako.
"Eh bakit ka namumula? Talaga bang wala kang sakit o ano?" may pag aalalang tanong na naman nya sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya at binigyan ng ngiti. Nagsasabing okay lang ako, wala dapat ikabahala.
"Oo. Hehe! Medyo kinakalibutan parin ako hanggang ngayon. Hehe!" simple ko'ng sagot.
Hanggang ngayon din medyo natatakot parin ako sa nakita ko kanina sa loob ng hunted house. Nakakatakot ang mga costume nila.
Nag nod naman sya at hindi na sya nagsalita pa. Pero hindi parin sya umaalis sa tabi ko
Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa mga taong dumadaan sa harapan namin.
Pero maya maya bigla syang nagsalita.
"Pwedeng magtanong Devon? Kung okay lang?"
Tumingin naman ako sa kanya. Binigyan ko lang sya ng isang ngiti. At tumango.
"Do you like Calvin?" malumanay na simpleng tanong ni Tanya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa tanong nya. Nagulat din ako.
Halatang halata na ba ako. Kanina lang si Trisha ang nagtanong ng ganun tapos si Tanya naman ang sumunod. Ano ba yan.
Pero kung sasabihin ko sa kanya ang totoo. Wala namang masama diba. Hindi ko naman kinakahiya na nagkagusto ako sa isang playboy na kagaya nya. Pero kahit ganun, gusto ko parin sya.
"Oo, gusto ko sya." pag aamin ko. Hindi na din ako nag dalawang isip na sabihin ang totoo.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng makita kong napatitig sya sa akin at may naglalaro sa labi na isang ngiti.
"Tama nga ako, may gusto ka sa kanya. Pansin ko din e. Napapansin ko kanina na nasaktan ka nung nakita mo na may kasamang babae si Calvin. Psh."
"H-Hindi ko ina-akala na magkakagusto sa lalaking yun. Akala ko hindi ka nahuhulog sa karisma nya. Tignan mo nga naman ngayon o."
Napakamot na lang ako ng ulo. Namula na naman ang mag kabigla kong pisngi.
"A-akala ko din e." nahihiya kong sabi.
"Dalaga na talaga ang kaibigan namin na mahiyain."
Nagulat ako ng bigla nya akong akbayan.
"Guys!!!! Selfie tayong lahat bilis. Para may remembrance naman tayo."
Napatingin kami ni Tanya ng biglang sumigaw si Tristan. Halos lahat ng tao napatingin sa kanya.
Natawa ang ilang tao ng bigla syang binatukan ni Megan.
"Ang lakas talaga ng boses mong lalaki ka. Nakakagulat. " gigil na bulyaw ni Megan kay Tristan.
"Bakit ka ba nang babatok ha? Ang bigat bigat ng kamay mo." iritang reklamo ni Tristan.
"Kalma lang guys."
"Halina kayo bilis. Para pumunta na tayo sa susunod na rides."
Pag aaya nila.
"Lika na Devon." yaya sa akin ni Tanya.
Agad naman nya akong hinila patayo. At kinaladkad papunta sa kanila. Opo, kinaladkad nya ako. Hanep din ni Tanya no. Psh.
"Ganito guys. Akba akbay tayong lahat. At dapat nakangiti tayong lahat sa camera. Wala dapat ang sisimangot. Okay?"
Tumango tango naman kami. Agad naman humila si Trisha ng magpi picture sa amin. Sa kanya ang cellphone na gagamitin namin na pag pitcure.
Agad kaming puwesto. Ganito ang pwesto namin.
Megan-Tanya- Chelsae -Trisha- Ako- Calvin -Tristan- Ross- Tyron
Tamang tama naman na napapagitnaan kami ni Calvin. Hindi ko alam kung sadya ba ito o ano. Siguro nagkataon lang. Oo, baka nga.
Sa gilid ng mata ko. Kanya kanya na silang nagsi-akbayan.
Kumabog ang puso ko. Kinakabahan naman ako. hindi ko alam kung ako ba ang mang aakbay kay Calvin. Nahihiya kasi ako kung ako ang unang mang aakbay sa kanya.
Laking gulat ko na lang nang bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at hindi nagdalawang isip na akbayan ako.
Para akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Parang kinapos din ang paghinga ko.
Ang pula pa ng pisngi kooooo.
"Ok na ba ang lahat? Nakapuwesto na ba kayo??" tanong ni Trisha.
Pero napansin ko ang ngisi na nakapaskil sa kanyang labi. Parang may nakita syang sa paligid nya na nakatatawa. Pero ramdam ko na ako o kami ang nginingisihan nya. Napansin ko din kasi na palihim syang tumingin sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Wala naman sa sariling napatingin sa tabi. Tamang tama naman na nakatingin sa akin si Chelsae. Naningkit ang mata nya habang nakatingin sa akin.
Agad ko namang iniwas ang tingin sa kanya. Siguro galit sya sa akin dahil naka akbay sa akin ang boyfriend nya.
Gusto ko sana lumapit sa ibang puwesto pero naka pwesto na kasi kaming lahat. At isa pa, medyo mahigpit pa ang pagkakaakbay sa akin ni Calvin. Ang bigat pa ng braso nyang nasa balikat ko.
Akba akbay kaming lahat.
"Okay guys. Tingin lang lahat kay kuyang photographer. Ngumiti lahat." anunsyo ni Trisha.
Lahat naman kami tumingin sa harapan. At nguniting tumingin sa camera.
*click*
*click*
*click*
"Iba naman guys. Wacky tayong lahat." anunsyo na naman ni Trisha.
Nag-wacky naman kami at tumingin na naman kay kuyang photographer, na suminyas.
Nagbilang sya ng hanggang tatlo.
*click*
*click*
*click*
"Kami naman na mga babae, sunod kayong mga lalaki." si Tanya.
Agad kaming naghiwalay hiwalay sa pagkaka akbay. Naramdaman ko naman na dahan dahan ni Calvin na tinanggal ang pagkaka akbay nya sa akin.
Pero bago tuluyan syang makalayo sa akin, may pahabol syang bulong sa akin.
Napababa na lang ang tingin ko. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata.
"You looked tense. Para kang napako sa kinatatayuan mo, hindi ka gumagalaw. Pfffs." natatawa nyang bulong sa akin bago dumistansya.
Hindi ako nakapagsalita. Parang nawalan ako ng dila. Ramdam ko na namula ang buo kong mukha.
Tumingin ako sa gawi nya at tinignan ng masama. Pero sya, nginitian lang ako ng malawak.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at binigyan na lang pansin ang mga kasama kong sina Megan na kanina pa pala nakapuwesto.
Nagulat ako ng hilain ako ni Trisha at pwinesto sa gitna. Waaah! Kainis ka Trisha. Ayoko sa gitna e.
Agad kaming humarap lahat sa photographer. Sabi nya ngumiti kami ng malawak. Ngumiti naman ako ng malaki.
Pero napabaling ang tingin ko sa katabi nya. Hindi ko alam na may taga picture din pala sya. Medyo natawa ako.
Hindi ko napansin na tapos na pala ang photographer sa pagkuha ng litrato sa amin. Alam kong hindi ako nakatingin sa photographer, kaya pangit ang itsura ko dun.
Inalis ko ang tingin kay Calvin. At tumingin kay kuyang photographer. Nakita ko syang napakamot ng ulo at tumingin sa akin. Alam kong bakit sya napakamot ng ulo dahil sa hindi ako napatingin sa camera.
Napangiwi na lang ako.
Agad kaming umalis sa pwesto namin at sumunod naman ang mga boys.
Napatanga na lang ako ng makita ko silang ang aastig ng itsura nila. Grabe naman ang mga ito.
Lahat sila may kanya kanyang hair style ng buhok. Pero hindi ko alam ang tawag sa styles ng mga buhok nila. Hehe.
Agad kaming mga babae nagsi upo sa bench. Hindi pa namin nakikita ang mga litratong kuha sa amin kanina. Mamaya na lang daw pag tapos na ang lahat.
Pinanood naman namin ang mga lalaking kinukuhanan ng picture. At ang mga loko, iba iba ang mga pose nila.
Si Ross at Tristan nakawacky na naman. Pero ang pinagkaibahan lang ay si Tristan naka pogi pose. Parang nga bata lang. Haha!!!
Si Tyron naman seryoso lang na nakatingin sa camera.
Nang si Calvin na ang last kong tinignan, nagulat na lang ako ng makita kong nakatingin sya sa akin ng nakangisi.
Napaiwas ako. Pero ramdam ko parin ang tingin nya sa akin. Parang may nag hahatak sa akin na tignan ko ulit sya.
Ayun, nakatingin parin sya sa akin.
Ano naman ang tinitingin tingin ng lalaking ito sa akin?
Iba iba ang mga pose nila habang kinukunan sila ng litrato. Napapatawa na lang kami kung may nakakatawa silang pose. Napailing na lang ako dahil dun.
Nang matapos silang kuhanan. Agad kaming nag silapitan kay kuyang photographer. Hindi sya totoong photographer. Hehe!
Nag pasalamat kami sa kanya bago sya umalis. Kanya kanya kaming silip sa cellphone ni Trisha.
"Waaaah! Bakit ang pangit ko dito? Nasaan na si kuyang photographer ha? Bakit ang pangit ng pag kakuha nya sa akin" nagdadabog na reklamo ni Tristan at Ross.
Natawa naman kami dahil sa reklamo nilang dalawa.
"Tanggapin nyo na kasi dude na hindi na talaga magbabago ang mga mukha nyo, kahit na kahit anong gawin nyong pagpapagwapo." pang aasar ni Tyron sa kanila.
Bumungisngis na naman kami. Kaya sina Tristan at Ross agad tinigyan ng matatalim na tingin si Tyron. Na ikinatawa na lang ni Tyron.
"Tanggapin nyo na lang kasi na hindi kayo gwapo. Buwahahaha!!!" nakangising pang aasar ni Megan sa kanilang dalawa.
Ito talagang Megan na ito. Ang hilig asarin ang dalawa.
Hindi ko na lang pinansin ang mga asaran nila. Binaling ko naman ang tingin ko sa cellphone ni Trisha.
Ang ganda ng pagkakakuha ng mga litrato. Ang ganda pa ang background nya. Ang nasa likod kasi namin ay ang malaking Ferris wheel.
"Ipapa develop ko ito mamaya." bigla na lang sabi ni Trisha.
"Magpa develop ka ng marami at bigyan mo kami ng tig-isa. Lahat ng iba ibang kuha ipa develop mo pa."
Habang tinitignan namin ang mga kuha naming litrato. May nakaagaw sa akin o kami. Isang kuha na nakatingin sa akin si Calvin.
Halos kita ako sa camera. Magkalapit kasi sa kinauupuan ko kung saan sila naka pwestong kumukuha ng picture.
Kumabog ang dibdib ko bigla. Lahat sila napatingin sa amin. Palipat lipat lang sila ng tingin sa amin ni Calvin.
Umiwas ako bigla ng tingin ng maramdaman ko na biglang uminit ang buo kong mukha.
"Ayiee!!"
"Ehem! Ehem!"
Napangisi na lang silang lahat. Isama mo pa ang girlfriend ni Calvin. Nakangisi habang nakataas ang kilay nya. Hindi ko mabasa kung galit ba ito sa akin o ano. Baka galit na sa akin ito dahil sa litrato. Kinabahan naman ako bigla.
"Hala kayo namumula na si Devon."
"Pustahan tayo, kinikilig na yan. Hehe!"
"Pasulya sulyap kunwari. Patingin tingin... Buwahahaha! Ehem!"
Mas lalo akong namula sa katyawan nila. Nahihiya akong tumingin sa kanila. Ito namang si Calvin napakamot na lang ng ulo. Pero lihim naman nya akong tinignan at binigyan nya ako ng makahulugang ngiti.
Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko doon.
****
Katatapos lang naming kumain. Nandito kami ngayon nakaupo sa isang bench na pa circle ang dating. Medyo malapit lang kami dito sa Ferris wheel.
Medyo gabi na. Wala kami ginawa kundi ang sumakay sa mga rides. Kumain ganun. Pangatlong kain na namin ito. Hehe.
Ito ngayon nakaupo kami dahil sa kabusugan.
"Sakay tayo mamaya sa Ferris wheel guys. Gusto kong makita mamaya ang fireworks. Ang ganda kasi." basag katahimikan ni Tanya sa amin.
Kaya lahat kami napatingin sa kanya. Pero sya, nakatingin lang sya sa sobrang taas na Ferris wheel. Ang gandang tignan. May makikita ka na dito na ibat ibang mga kulay.
Ngumiti naman kaming lahat sa sinabi nya. Matagal na din kasi akong hindi nakakapunta na ganito.
Ito palang ang pangalawang kong pumunta dito. Nung una ay yung may honors ako noong elementary. At ngayon na senior na ako ito na ang pangalawa. Kapos kasi ang pera namin.
Kaya napaka saya ko ngayong araw na ito. Sana kasama ko din si nanay. Hehe. Pero mas masaya kung marami kang kasama na pumunta sa mga ganito.
"Tara na guys. Excited na talaga ako!!!"
Agad kaming bumili ng ticket. Nang natapos kaming bumili ng mga tickets agad kaming inasist. Dalawa dalawa lang ang kailangan na sumakay. By partners daw.
Napanguso ako bigla. lahat sila may partners na. Sina Megan at Tristan ang naunang sumakay, sumunod sina Ross at Tanya na sumakay. Sina Trisha at Tyron naman ang sumunod.
At ang natira na lang ay ako si Calvin at Chelsea. Sigurado akong silang dalawa ang magkasama. Alangan naman ako ang kasama ni Calvin, may girlfriend yung tao. At alangan naman si Chelsea ang kasama ko ayaw sa akin nun.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi nagdalawang isip na tumalikod. Ayoko naman kasi ang mag isa dahil medyo takot ako.
Medyo nalungkot naman ako bigla.
Hahakbang pa sana ako nang may biglang humawak sa braso ko para pigilan ang pag-hakbang.
"Saan ka pupunta?"
Alam kong si Calvin yun dahil ramdam na ramdam ko ang na parang nakuryente ako sa pagkakahawak nya.
Dahan dahan naman akong humarap sa kanya. Nakita ko na nakatingin sya ng mariin sa akin.
Napalunok naman ako wala sa oras.
"M-M-Mauuna na" utal kong sagot. Napababa naman ang tingin ko. Nang makita nyang nakatingin ako sa kamay nyang hawak hawak sa braso ko. Agad nya akong binitawan.
Tumitig sya sa akin. At walang salita na hinila ako papasok at sinakay. Agad nya akong pinaupo sa Ferris wheel seats.
"Anong ginagawa mo? Bakit mo ako hinila dito?" takang tanong ko sa kaniya.
Hindi sya nagsalita. Napatitig lang sya sa akin.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Napansin ko naman wala na si Chelsae sa kinatatayuan nya kanina. Napakunot lang ako dahil dun. Nasaan na yun?
Wala akong nakuha na sagot mula sa kanya. Hanggang naramdaman ko na lang na gumalaw ang Ferris wheel. Kaya medyo napahigpit naman ang pagkakahawak ko sa railings.
Hindi naman sa takot. Nagulat lang ako. Bigla bigla lang kasi e. Napa Wow na lang ako ng papataas na kami. Mas marami na akong nakikita na ilaw na mas lalong gumanda sa paningin ko.
Hindi ko na lang pinansin ang taong katabi ko. Hindi ko naman kasi naririnig na umiimik e. Nahihiya ako na ako ang unang magbubukas ng topic.
At isa pa, ayaw ko syang kausap. Nahihiya ako, baka mamaya mapiyok pa ako.
Basta ang alam ko. Ang saya saya ko ngayon dahil kasama ko ang taong mahal ko.
Napanganga at napamangha na lang ako ng makita kong nagsisiputukan na ang mga fireworks. Tamang tama naman na nandito kami ngayon sa taas.
"Wow! Ang ganda." bulaslas ko habang nakatingin parin sa fireworks.
Nakangiti naman akong humarap kay Calvin. Nagulat ako ng makita ko syang nakatitig sa akin. Pero pinilit ko parin na huwag mailang.
"A-Ang ganda diba?" nakangiti kong tanong sa kaniya at tumingin ulit sa taas kung saan sunod sunod ang pagputok ng fireworks.
Tumingin na naman ako sa kanya.
Nakita kong may bumuka ang bibig pero hindi ko narinig ang boses na lumabas sa bibig.
"I like you, nerd"
Pero hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko na o guni guni ko lang yun.
Nagsabay kasi sila ng fireworks. Kaya hindi ko narinig ang sinabi niya.
***
Kinabukasan........
(A/n: kung nagtataka po kayo kung bakit ganito agad, kasi po pinagsama ko kasi itong chapter na ito kaya nagkaganito. Hehe!)
Nakangiti akong bumangon sa pagkakahiga sa kama namin ni nanay. At nakapikit ng nagunat unat ng mga braso. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto namin.
Agad akong tumungo sa kusina. Nagtaka ako ng hindi ko maabutan si nanay dun. Dati dati kasi pag-pasok ko palang sa kusina, makikita ko na siyang nag-aayos ng almusal namin.
May isa din akong napapansin sa kanya itong nagdaang araw. Laging may pinupuntahan. Hindi lang ito ang unang boses na naabutan ko syang wala dito.
Ang maabutan ko na lang dito ay ang linuto nyang pang almusal ko kapag papasok sa school. May nakasulat na lang sticky note sa takip ng ulam.
Laging may nakasulat na 'nak, maaga akong umalis dahil may pupuntahan lang ako.' ganun. Hindi naman nya sinabi na saan yun.
Nagtataka na din ako sa mga kilos nya. Minsan nakikita ko na lang sya na nakatulala sya sa sala namin kung uuwi ako nang hapon galing school. Minsan din nagugulat na lang sya ng tinatanong ko sya kung okay lang ba sya.
Ngiti lang minsan ang isasagot nya sa tanong ko. Isang tipid na ngiti.
Ramdam kong may tinatago syang sikreto sa akin. Ayaw nya lang sabihin sa akin ang totoo. Halata sa mukha nya, gusto ko sanang magtanong ng magtanong, pero alam kong darating ang araw na sasabihin nya ang problema nya.
Bumuntong hininga na lang ako at umupo sa isang upuan. Agad kong inihanda ang plato at kutsara. Nagsimula na akong kumain.
Nang matapos akong kumain, agad kong ginawa ang morning routine ko bago pumasok sa school.
****
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway patungong garden. Dahil maaga pa naman, nagpasyahan kong pumunta muna doon. Wala pa naman sina Megan.
Mas gugustuhin ko na lang na tumambay sa garden kaysa sa room namin. Wala naman silang ginawa kundi ang laitin ako. Kung ano anong masama ang naririnig ko sa kanila.
Nang makarating ako dito sa garden agad akong umupo bench. Inilapag ko naman ang mga gamit ko sa tabi ko at sumandal.
Huminga muna ako ng malalim at pumikit ng mata. Hanggang pumasok sa isip ko ang nangyari sa amusement park noon.
Halos isang buwan na pala ang nakaraan ng pumunta kami dun. Hanggang ngayon naaalala ko parin ang mga nangyari. Ang saya saya namin noong araw na yun.
Bigla naman akong napangiti.
May isa pang bumabagabag sa isipan ko na hanggang ngayon, hindi maalis alis sa isipan ko.
Yung sinabi sa akin ni Calvin noon sa Ferris wheel, habang nasa tuktok kami. Hindi kasi malinaw sa akin ang sinabi nya. Bakit kasi nagsabay sila ng fireworks e. Ayan tuloy hindi ko narinig.
Ang saya ko dahil sya ang kasama ko nung gabing yun. Ini-imagine ko na lang na nasa isa kaming date. Date sa tuktok ng Ferris wheel. Hehe.
Inayos ko muna ang salamin ko sa mata at linanghap ang sariwang hangin dito sa garden habang nakapikit parin. Ang presko. Amoy na amoy ko ang mga bango ng bulaklak na tanim. Iba iba kasing bulaklak ang makikita mo dito. May yello bell, orchids at marami pang iba.
Napakunot ako bigla. Parang may papalapit sa gawi ko.
*Splash*
Nagulat na lang ako ng may biglang nang buhos sa akin ng malamig na tubig. Basang basa nama akong nagmulat ng tingin.
Nagulat na lang ako ng may nakita ako na apat na babae akong nakita sa harapan ko.
Napaurong ako bigla sa bumulagta sa akin. Nansisiliksik ang mga mata nilang nakatingin sa akin at parang galit na galit sila.
Kinabahan ako. Kumalat sa katawan ko ang matinding kaba at takot, isali ko na din ang panginginig ng katawan ko.
"B-b-ba---??!!!!"
*pak*
Napahawak na lang ako sa pisngi ko ng bigla nila akong sinampal sa pisngi. Hindi ko namalawan na may luha na palang kumawala sa pisngi ko.
"You b*tch!"
"Isa ka talagang malandi na ang pangit pangit."
"Hindi ka man lang mahiya, tignan mo nga yang sarili mo ha."
Tagos na tagos sa puso ko ang mga masasakit nilang bulyaw sa akin.
Bakit ganun sila makapagsalita sa akin? Kung tawagin akong malandi, parang ako yung pinakamalandi sa buong mundo.
Tumingin ako sa kanila habang yakap yakap ko ang sarili kong basang basa. Ramdam na ramdam ko din ang pagkamanhid ng pisngi ko sa pagkakasampal nila sa akin.
"A-a-ano bang p-pi-pinagsasabi nyo diyan? H-hindi ako m-malandi." nahihirapan kong pagtatanggol sa sarili ko.
Hindi ko mapigilan ang hindi humikbi. Ang sakit ng pisngi ko.
Nakita ko silang tumawa ng sarkastiko. At bibigyan ako ng matatalim na tingin. Parang may masama silang gagawin sa akin na masama.
"Pa-inosente ka pa, alam naman namin na nasa loob mo parin ang pagkamalandi ko. Tsk."
Yakap yakap akong umiling sa kanila.
Napa-aray na lang ako ng may biglang humila sa buhok ko at sinubsob sa damuhan.
"Yan ba ang hindi malandi. Tignan ko ang mga yan."
Nagulat naman ako ng binato nila sa mukha ko ang mga larawan. Nanginginig naman ang kamay kong pinulot ang mga ito.
Tinignan ko naman ang lahat ang picture na binato nila sa akin. Laking gulat ko ng makita kong may picture ako na kasama ko si Calvin. May kuha din ako na kasakasama ko si Devin na kumain ng baon ko noon banana que. At si Liam na nakaakbay sya sa akin. Kuha ito noong nakita nya ako sa field na malungkot. Si Calvin naman may picture kami na nakayakap sa isat isa, kuha ito nung nasa clinic kami. At marami pang iba't-ibang kuha.
"Sabihin mo nya sa amin na hindi ikaw ang mga iyan. B*tch! Ang linaw linaw na ikaw ang mga iyan. P*tang*na ka."
"Arayyyyy!!!" napahiyaw na naman ako ng bigla nilang hinila ang buhok ko. Halos matanggal na ang anit ko dahil sa paghila nila sa buhok ko.
"T-ta-tama na p-please. Na-nasasaktan na a-a-ako." nahihirapan kong pagpipigil sa kanila.
Sabay sabay silang apat na hinila ang buhok ko. Hanggang nahulog ang salamin ko sa mata. Kaya medyo lumabo na ang paningin ko, isama na din ang luha ko.
"Nababagay lang sayo yan."
"Ang landi mo. Hindi mo pa pinalampas ang anak ng may ari ng school. Sl*t!"
"Pati na rin si Liam, nilandi mo pa. Mahiya ka naman."
"Hindi ka kagandahan, b*tch. Isa ka lang sampit dito sa school na ito. Hindi ka nababagay na mag aral dito. Walangya ka."
Pinagtutulungan pa rin nila ako hanggang ngayon. Kung ano ano ang mga ginawa nila sa akin. Nanlalabo na din ang mga mata ko.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko sa mata.
"Malandi ka!!!."
"B*tch!!"
"Sl*t!!"
Hindi na din ako masyadong makahinga.
"T-t-tama n-na p-p-please"
*pak!*
Para akong nabingi sa pagkakasampal nila sa akin. Hindi ko na din narinig ang mga masasakit na binubulyaw nila sa akin.
Ang huli ko na lang naramdaman ay ang unti unti ng nagsara ang taklop ng mata ko.
****
Unti unti kong minulat ang mata ko. Medyo napapikit pa ako ng bumulugta sa paningin ko ang liwanag. Nang makaadjust na ang tingin ko. Dahan dahan ko ulit munulat ang tingin ko.
Medyo ok na ang tingin hindi kagaya ng kanina. Medyo masakit ang ulo ko ng pagmulat ko ng mata. Kahit masakit ang ulo ko, pinilit ko paring bumangon sa pagkakahiga.
Napakunot ako ng mapansin ko na wala ako sa bahay namin. Agad kong ginala ang tingin ko sa buong ng kwarto kung nasaan ako ngayon.
Pero alam kong hindi ito ang clinic ng school. Sa palagay ko, sa loob lang ito ng school. Pansin ko na maraming libro dito sa loob ng kwartong ito.
Ginala ko ulit ang paningin ko buong kwarto.
Black and White ang theme ng dingding. Marami ding gamit dito. Para lang itong kwarto. Parang kumpleto pa nga e. May mini fridge dito sa loob. Medyo napanganga ako dun. May sofa sa gilid ng kama. At may maliit din na marmol na lamesa. May mga nakahelera na libro din na katabi ng sofa..
Napatingin naman ako dito sa kama na kinakaupuan ko. Napa Wow na lang ako ng makita kong ang laki ng kama. Baka kasya dito ang lima katao. Ang laking kama, sabagay ang laki at ang lawak pa ng kwartong ito.
Kulay pink at kulay violet ang kulay ng kama. Kulay pink ang kumot at kulay violet naman ang bed sheet. Ang cute. Mukhang babae ang may gamit dito. Ewan ko lang kung babae nga ba ang may gamit.
Napakunot ako bigla ng noo.
Oo nga pala, paano ako napunta dito? Ang huli kong natatandaan ay noong nasa garden ako, nagpapahangin.
"Awww!!!" napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot.
Hawak hawak ko ang ulo ko. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang eksena na naganap sa garden.
May lumapit sa akin na apat na babae at pinagtutulungan akong sinabunutan at pinagsasampal.
"Araayy!!!" mapaaray ako bigla ng masagi ng kamay ko ang pisngi ko. Ramdam ko parin ang hapdi nito. Mukhang namumula parin.
Kinabahan ako ng baka makita ito nanay mamaya pag uwi ko. Alam kong abot langit na naman ang pag aalala nya sa akin.
Paano ko to ililihim sa kanya? Alam kong halatang halata ang pula ng pisngi ko.
Alangan naman sabihin ko na 'nay ang ganda ko diba kung may blush on ako sa pisngi? Gusto mo lagyan ko din ang pisngi mo?'
Syempre hindi ko yun sasabihin sa kanya. Edi sinapok na ako ni nanay.
Sasabihin ko na lang sa kanya ang totoo ko kung magtatanong sya. Hindi ko din ugali ang magsunungaling e.
Tumayo naman ako sa pagkakaupo. Pero agad din akong paupo ng maramdaman ko na nahihilo na naman ako.
"Hala!" bigla akong pahawak sa bibig ko. May biglang pumasok sa isipan ko.
"Hindi kaya buntis ako?" hindi makapaniwalang bulaslas ko.
*poink!!*
Agad kong tinampal ang noo dahil kung ano ano na naman ang pumapasok sa isipan ko na kababalaghan.
Jusko. Buntis agad, paano ako mabubuntis e sabunot lang naman ang ginagawa nila sa akin.
"Aishh!! Baliw na talaga ako. Kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko. Ihh! Pangit na nga ako, kung ano ano pa ang iniisip ko!" parang baliw kong kausap ang sarili ko.
"Pero wait, sino kaya ang nagdala sa akin dito? Ang bait bait nya siguro, pinahiga nya ako mula sa malambot na kama." para na namang akong baliw na kausap ang sarili.
Nakangiti naman ako patalbog talbog sa malambot na foam. Para akong bata na nakangiti, na parang mangha na mangha.
"Waaaah!! Ang galing!" manghang maha sabi ko at pumapalakpak pa.
"Hehe!!"
"Ehem!"
Napatigil ako bigla. Parang nawalan ako ng lakas.
Dahan dahan naman akong napatingin sa harap ng pinto.
O_____O
Lumaki ang dalawa kong mata ng napagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ng pinto.
"K-kanina ka pa d-diyan?" nahihiya kong tanong sa kaniya. Medyo umilap ang mata ko. Hindi ko sya matignan sa mata dahil nahihiya ako sa pinaggagawa ko.
"Yes! When you said that you are pregnant! Pfffft!!" pigil naman sya wag tumawa ng malakas.
"Waaaah!! Nakakahiya!!!" napahiyaw na lang ako at biglang tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.
NAKAKAHIYAAAAA!! Narinig nya ang kabaliwang pinagsasabi kooo. Waaah! Huhu! Nahihiya talaga aking tumingin sa kanya.
"Haha! And by the way."
Dahan dahan ko namang inalis ang palad ko sa mukha at tumingin sa kanya ng nakanguso.
"A-ano y-yun?" nahihiya kong tanong.
Ngumiti naman sya ng sobrang laki.
"You looked crazy!!! Pffft!!" natatawang dagdag nya.
"Huwaaaah!! Nakakainis ka!!!! Wag mo ng ipaalala ang nakita mo kanina. Nahihiya na nga ako eeee." nakabusangot kong reklamo sa kanya.
Parang akong bata na nagdadabog. Tapos ang haba haba pa ng nguso ko sa labi.
Natatawa naman syang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Binigay nya ang hawak hawak nyang tubig sa akin.
"Heto! Inumin mo"
Dahil medyo nauuhaw na din ako sa pinaggagawa ko kanina, kinuha ko na agad sa kamay nya isang basong may laman na tubig at agad itong ininom.
Inabot ko naman sa kanya at basong wala ng laman na tubig.
Bumuntong hininga naman ako.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" bigla nyang tanong sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Medyo okay na. Kahit medyo nahihilo parin ako." totoo kong pagsasagot sa kanya.
Napansin ko naman syang bumuntong hininga.
"Wait! Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko bigla.
Ay bobo lang te! Siempre sya ang nagdala sayo, wala sana sya dito kung hindi sya ang nagdala dito. Alangan naman na naglakad ka papunta dito na walang malay. Tsk! pambabara ng kabila kong isip.
Wala naman ako sa sariling napairap na lang.
"Yes! Nakita kitang nakahandusay sa damuhan ng garden. Pero hindi ko na nakita ang gumawa sayo nyan. Akala ko nga dun ka na natutulog e. Psh!"
Uyy! Ang haba ng sinabi nya a. Improvement sya mga teh. Haha! Joke lang.
"Salamat pala dahil nakita mo ako dun sa garden kanina." ngumiti ako.
Pero medyo nadismaya ako ng sinabi nyang hindi nya naabutan ang gumawa sa akin. Walangya sila. Lagi na lang akong inaapi kahit wala akong ginawa sa kanilang masama.
Napayukom na lang ako ng kamao dahil sa nanggigil ako.
Balang araw nakakaganti din ako sa inyo. Hinding hindi ko kayo palalagpasin. Kung darating man ang araw na yun, sisiguraduhin kong luluhod kayo sa harapan ko.
Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang susulpot sa isip ko. Basta ang alam ko, galit na galit ako sa mga taong ganun.
"Hey!! Are you really okay?"
Bigla akong nabalik ng diwa ng bigla akong yugyugin sa balikat ni Vin. Kaya wala sa sariling tumingin ako diretso sa mata nya.
"May sinasabi ka?"
Bigla syang umiling iling. Humugot ako ng malalim na buntong hininga.
*Door open*
Sabay kaming napatingin ni Devin sa pintuan ng kwarto nang may biglang pumasok.
continue.......