Chapter 24: Chapter 23

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 24479

Devon's PoV

Sabay kami ni Devin na napatingin sa pinto na bumukas. Pumasok doon ang isang napakagandang babae. May bakas sa mukha nya ang matinding pag aalala.

Nasa magandang babae lang ang tingin ko. May edad na siya, pero bakas parin sa mukha ang kagandahan na parang isa paring dalaga.

Jusko. Niinggit ako sa kanya. Parang mas bata pa siya sa akin kung titignan. Parang mas mukha pa akong nanay nya. Ang ganda nya talaga.

Wait! Sino ba sya? parang pamilyar sya sa akin. Parang nakita ko na ang picture nya kung saan saan.

Hindi ko alam kung bakit may iba akong naramdaman ng dumako ang tingin nya sa akin. Parang may bulate sa tiyan ko na kumawala.

Medyo kinabahan ako.

Hanggang ngayon hindi ko parin maalis ang tingin sa babaeng maganda sa harapan ko.

"Are you okay, iha? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo sa akin para madala ka namin sa hospital. Ituro mo kung nasaan ang masakit?? Jusko. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nyan sayo." sunod sunod nyang tanong.

Nagulat na lang ako ng bigla syang lumapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Hinawakan pa nya ako sa magkabilang balikat ko. Ang paningin ko hindi maalis alis sa kanya, habang sinusuri ang kabuuan ko. Para syang taranta na taranta.

Hindi ko nasagot ang mga tanong nya sa akin dahil sa gulat ko sa ginawa nya. Parang napako ako sa kinakaupuan ko. Titig na titig ako sa mukha nyang makinis na punong puno ng pag aalala sa akin.

"Iha, sabihin mo sa akin ang masakit? Dadalhin kana ba namin sa hospital?"

Sino ba sya? Bakit ganito na lang sya mag alala sa akin? Bakit ganito din ang pakiramdam ko habang nag aalala sya? Bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya? Bakit may nararamdaman din ako sa dibdib ko na tuwa?

Hindi ko parin mahanap ang dila ko. Hindi ko parin nasasagot ang tanong nya sa akin.

Naramdaman ko din ang paghawak nya sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naramdaman ang paghapdi ng pisngi ko ng hawakan nya at hinahaplos haplos. Ingat na ingat sa paghawak sa pisngi ko upang hindi ako masaktan.

"Are you really okay, baby?"

Baby?

"O-okay l-lang po ako." hindi ko namalayan na bigla na lang lumabas sa bibig ko ang katagang yun.

Medyo nailang ako sa paghaplos nya sa mukha ko.

"Ehem! Mom, stop that. Naiilang na sya sa ginagawa mo e." pukaw sa saway sa mom nya.

Wait!

Mom?

O_______O

Siya ang mommy nya?

Waaah! Totoo ba ito? Hindi ba ito panaginip?

Waaaah! Gisingin nyo ako kung sakaling panaginip lang itooooo.

Siya si Mrs. Harris? Siya yung matagal ko ng gustong makita ng personal. Hindi ako makapaniwala  na nasa harapan ko na sya!

"Nandyan ka pala son, hindi kita nakita agad." baling na tingin ni Mrs. Harris sa anak.

Nakita ko naman na napanguso si Devin. Medyo nanlaki naman ang mata dahil dun. Alam nya pala ang ngumuso.

Nakita kong natawa si Mrs. Harris. At hinalik halikan nya ang pisngi ng anak.

Tumingin ulit ako kay Devin, siya kasi ang tao na ang seryoso, yung parang hindi niya alam ang ngumuso. Pero sa loob loob ko, napangiti na lang ako. May side din pala syang ganun, akala ko hindi nya alam ang mga ganun e.

Siempre mommy naman nya. Hindi naman iba sa kanya. Pero ang cute lang mag pout. May dimple. Hihi!

"Ang cute cute talaga ng anak ko kapag naka-pout." pabirong paglalambing ni Mrs. Harris.

"Pfffft!!!" natawa ako ng mas lalong humaba ang nguso ni Devin.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ng dalawa kong palad ng bigla silang tumingin sa akin.

Medyo nahiya naman ako sa pagbigla kong pagtawa. Napakamot naman akong tumingin sa kanilang dalawa.

Nakita kong naningkit ang mata ni Devin ng tumingin sya sa akin. Pero imbis na matakot ako, medyo natawa na lang ako. Si Mrs. Harris naman, nakangiting nakatingin sa akin. Parang wala lang sa kanya at bigla bigla na lang akong natawa.

Iniwan naman nya si Devin at bigla syang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Napapagitnaan namin ni Devin si Mrs. Harris.

Nakangiti naman sya sa akin ngayon. Tumingin muna ako kay Devin bago binalik ang tingin sa mommy nya.

"Ang ganda mo iha kung nakangiti ka. Dapat lagi kang nakangiti para mas lalo kang maganda." nakangiti nyang papuri sa akin.

Namula naman dahil sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya akong maganda. Sinong hindi mamumula ng ganung papuri?

May isa pang emosyon ang nararamdaman ko sa aking dibdib ng bigla nyang hinawakan ang pisngi ko. At ang isa nyang kamay, hinahaplos ang buhok ko.

Ang gaan gaan ng pakiramdam ko ang ginawa nya sa buhok ko. Parang may humaplos sa puso ko.

Parang anak ang turing nya sa akin habang hinahaplos haplos ang buhok ko.

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang katagang yun sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan dahil doon.

At isa pa, imposible naman na maging anak nya ako.

Ang laking IMPOSIBLE, ang alam ko nag iisa lang si Devin na anak ng isang Devi Harris at Michael Harris.

Hay naku, kung ano ano na naman ang pumapasok sa isipan ko.

"Oh bakit umiling iling iha, totoo naman ang sinasabi ko. Maganda ka, parehas tayo. Hihi!" nabalik ang ulirat ko ng biglang nagsalita si Mrs. Harris.

Nahihiya naman akong tumingin sa kanya at may nahihiyang ngiti.

"Mrs. Harris, k-kayo lang po ang mas maganda sa ating dalawa. Ang p-pangit pangit ko po kayo."

Napataas naman sya ng kilay ng bigla kong sabihin yun.

"Who said that to you? Wala silang karapatan na lait laitin ka nila ang pangit pangit o ano pang hindi maganda na pakinggan." may halong diin at inis sa boses nya ng matapos syang magsalita.

Hindi naman agad ako nakapagsalita.

"Sorry iha, hindi ko mapigilan kasi na huwag mainis e. Ayoko ko lang na may manglait lait sayo. Lalo na't blablablabla!!!" hindi ko narinig ang last nyang sinabi dahil medyo mahina na ang pagkakasabi.

"A-ano ho yung last nyong sinabi, mrs. Harris? Hi-hindi ko po masyadong narinig, medyo mahina po kasi" magalang na may pagkamahinhin ko tanong sa kaniya.

Hindi ko kasi talaga masyadong narinig ang huli nyang sinabi.

Tumingin sya sa mata. At bigla syang napakunot.

Nang dahil sa tingin, medyo kinababan ako. Magagalit ba sya dahil sa tanong kong yun? Hala! Baka ayaw nya yung pinapaulit ang sinabi nya?

"Sorry kung med————?!" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang pinutol ang sasabihin ko.

"Don't called me Mrs. Harris iha. Call me mommy or mom, okay?"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Ano daw? parang bigla akong nabingi sa sinabi nya?

Bakit ko naman sya tatawaging mommy? Namali lang ng dinig ko diba? Guni guni ko lang yun diba? kinakabahan kong sunod na sunod na tanong ko sa aking isipan.

Jusko. Maglinis na nga ako ng tainga next time para hindi na kung ano ano ang naririnig ko.

"A-ano po u-ulit yun ma-ma'am?" magalang na Pag uulit ko. Nautal pa ako. Gusto kong ipaulit, para nakasiguro.

Bigla syang napanguso. Kamukha nya talaga si Devin kung nakanguso, hindi talaga makapagkakaila. Parehas na parehas.

Tumingin naman ako sa pwesto kanina ni Devin. Laking gulat ko ng makita kong wala na sya sa kinakaupuan nya kanina.

Paano nang yari yun? Bakit hindi ko man lang napansin na lumabas na pala sya dito.

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Mrs. Harris ang kamay ko. Kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Diba sabi kong mommy o mom ang tawag mo sa akin. Bakit ma'am na naman ang tawag mo sa akin? Hmp! Nakakatampo na a." ngumuso na naman sya.

Napatitig ako sa kanya. Ganyan na ganyan din si Devin kanina. Parang may pagkaisip bata din pala si Mrs. Harris. Hehe! Mas lalo syang gumanda ng bigla syang ngumuso.

Maya maya napakamot na lang ako ng ulo.

"M-n-nahihiya po k-kasi e." nauutal kong sabi.

"Don't be shy! Wala naman masamang tawagin akong mommy e. Gusto ko kasing may tumatawag sa akin na mommy kagaya mong maganda." nakangiting nyang sabi sa akin.

Bakit lagi nyang sinasabi na maganda ako? Hindi naman ako maganda e. Parang manang nga ako, parang yaya lang nya ako.

Hindi naman nya ako kilala pero bakit ganito na lang siya ka open sa akin? Paano na lang kung masama ako. Parang ang laki ng tiwala nya sa akin

"Kung ayaw mo, okay sige huwag mo na lang akong tawagin na mommy." malungkot nyang sabi.

Parang may kumurot naman sa puso nung nakita kong malungkot ang mukha nya. Parang ayokong makita ang malungkot nyang mukha na ako pa ang dahilan.

"H-huwag na po k-kayong m-malungkot. Sige po, t-tatawagin ko na po kayong m-m-mommy." utal utal kong papayag na tawagin syang mommy.

Inayos ko naman ang salamin kong humarap sa kanya. Nakita ko naman na lumawak ang ngiti nya sa akin.

Third person's PoV

Kanina pa kinakabahan ang magkakaibigan dahil hindi pa nila nakikita ang dalaga na dumating sa school. Natapos na ang isang subject nila sa umaga pero wala pa ang dalaga.

Ang isa kanila, parang hindi na napakali sa kinakapuan nya. Halos hindi na nya maalis ang tingin sa pinto ng kanilang room. Nagbabakasali na makita nya na papasok na ang dalaga.

Hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan. Parang may nangyari na hindi maganda.

"Bakit wala parin si Devon? Kanina pa na tapos ang first subject natin e." kinakanaban na tanong ni Tanya sa mga kaibigan.

Nagpulong pulong ang magkakaibigan sa likod. Tamang tama naman na wala pa ang  next subject teacher nila.

Lumingon naman sa kanya ng lahat sa kanya. Bakas sa mukha nila ang pag aalala at pagtataka.

"Nakakapagtaka na hindi naman sya yung tao na laging late e. Ngayon lang sya late ng isang subject." nag aalala din na pahayag ni Megan sa kanila.

Habang ang mga lalaki naman nakikinig sa mga pinag uusapan ng mga dalaga. Pati din sila, bakas sa mukha ang pag aalala sa dalaga na kanila pa wala.

Nasaan na ba sya? Bakit wala pa sya hanggang ngayon? Kinakabahan na ako. Baka kung may nangyari sa kanyang masama? kung ano ano na ang mga negatibong pumapasok sa isip ng binata dahil sa wala pa ang dalagang kanina pa nya inaabangan.

Hindi nya pinansin ang mga presensiya ng mga kaibigan nya sa kanyang tabi na kanina pa nagkukuwentohan.

"Baka naman bunuli na naman sya ng mga b*tch na laging nangbu-bully sa kanya? Tangna. Malalaman ko lang na may ginawa na naman sila kay Devon. Malilintikan na talaga sila sa akin. Tsss." may diin na pagkabigkas ni Trisha.

Bakas sa mukha nya ang galit na galit sa mga nang bubully kay Devon. Ayaw na ayaw nya Kasi ang nang aaway kay Devon. Wala naman syang kasalanan para ganuhin sya.

"Huwag kang OA. Ikaw talaga." pagsasaway sa kanya ni Tanya.

"Wala naman sanang masamang nangyari sa kanya." si Megan habang nakatingin sa pinto ng room.

Tumango tango naman sila. Hanggang natingin lahat kay Calvin na kanina pa nakatingin sa pinto ng room. Parang ang lalim na iniisip. Kaya nagtaka naman sila.

"Hinihintay mo ba si Devon, tol? Kanina ka pa kasi nakita sa pinto e." nakangising tanong ni Tristan.

Pero alam ng binatang si Tristan na wala sa sarili ang binatang si Calvin. Parang wala syang pakialam.

Nakatingin silang lahat kay Calvin, hinihintay na sagutin ang tanong ni Tristan. Pero sa isip isip nila, napangisi na lang sila.

"Yes, nag aalala ako dahil kanina pa siya wala dito sa loob ng room. I want see her. D*mn! I think I miss her presence. " wala sa sariling sagot ng binata habang nakatingin parin sa labas ng room.

Hindi na nagulat ang mga kaibigan nya sa sagot nyang yun. Parang alam na nila ganun ang sagot nya sa kanila.

Mas lalong lumawak ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi. Natutuwa sila ng may nakita na si Calvin na katapat nya.

Sa nakaraang araw, lagi nilang napapansin ang binatang si Calvin na laging nakatingin sa dalagang si Devon.

Minsan nakikita na lang nila na nakangiti na lang ang binata na nakatingin kay Devon habang masaya na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.

Mukhang nakakita na sya ng katapat nya. Sino ba kasi ang magaakala na magiging ganyan sya.

D*mn! Mukhang nababaliw na ang kaibigan namin dahil sa babae.

Ibat ibang komento ang nasa isip ng mga magkakaibigan habang nakatingin kay Calvin na hanggang ngayon may nakapaskil parin na ngiti sa labi. Sabay iling.

Habang si Calvin, hindi namalayan na nasabi na pala nya sa mga kaibigan nya ang katagang naglalaro sa kanyang isipan.

Hindi nya dapat yun sabihin, pero wala e. Nadulas sya at nasabi nya.

Ganun naman lahat e. Kung yung lagi mong iniisip. Hindi mo na lang namamalayan na naibulaslas mo pala sa iba.

Devon's PoV

Break time na ng matapos kaming nagkwentuhan ni Mrs. Ha—este mommy. Hanggang ngayon naiilang parin ako sa pagtawag na mommy sa kanya.

Nasa harap namin si Devin. Baka kasi sabihin nya sa akin na nahihimasa na ako. Pero kahit ni isang emosyon o sama ng tingin, wala akong nakita sa mata at mukha nya.

Parang wala lang sa kanya na tawagin kong mommy ang mommy nya. Pero si mommy Devi, tuwang tuwa dahil tinawag ko syang mommy.

Hindi ko nga alam sa pakiramdam ko. May kakaiba akong naramdaman habang tinatawag ko syang mommy.

Parang 'miss at pangungulila ' ang nararamdaman ko. Ewan ko nga e kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko habang kasakasama ko sya.

Ang saya saya nila kasama ni Devin. Kasama pa kasi namin si Devin. Hindi na kami pumasok sa una at hanggang matapos ang klase namin sa umaga.

Si mommy Devi na daw bahala na mag exuse sa amin. Sila naman ang may ari ng school.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakita ko sya personal. Ang dating hinihiling ko lang na makita sya. Nakasama ko pa sya ng kalahating araw. Walang ginawa kundi ang magkwentuhan tawanan.

"Stay here muna iha, gusto ko pang makipagkwentuhan sayo e." nakasimangot ma pagpipigil ni mommy Devi sa akin.

Dahil sa break time na, nag pasyahan ko ng umalis. Hindi naman sa ayaw kong mag stay dito ha. Ayoko lang na malaman ni nanay na hindi ako pumasok kaninang umaga.

"Ah! Eh!"

"Mom! Stop being a childish. May klase pa kami mamaya." pagitna ni Devin sa amin.

Medyo nakahinga ako maluwag dahil dun a. Buti nandito sya para isalba ako sa mommy nya.

"I'm not childish son. Hmp! Hindi na kita lab." may pagtatampo nyang sabi.

Natawa na lang ako ng palihim. Sinong maga-akala na may pagkaisip bata pala ang may ari ng school na ito. Hehe.

"Tsss." napailing na lang si Devin sa mommy nya.

Tumingin naman ulit sa akin si mommy Devi.

"Sige na nga, papayagan na kitang umalis. Pero next time ulit ha. Punta ka na lang dito para magkwentuhan na naman tayo. Huwag mong isama si Devin, hindi ko na sya lab." pagbibiro nya sa akin at tumingin kay Devin at saka pabirong inirapan.

Napailing na lang ulit si Devin dahil sa inaasta ng mommy nya.

"Okay po m-mommy Devi." mahinhin kong pagsasagot sa kanya.

Mas lumawak naman ang ngiti nya sa akin at bigla  na lang mas lumapit pa sa akin ng konti.

Medyo nagtaka naman ako ng bigla syang lumapit sa akin. Pero laking gulat ko na lang ng bigla nya akong hinalikan sa noo ko. At bigla nya akong niyakap ng sobrang higit. Buti na lang nakahinga ako ng maluwag ng bigla syang kumalas sa pagyayakap sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya ng hawakan nya ang pisngi ko. Bumaling naman sya kay Devin na nakasandig sa dingding sa labas at lumapit ito sa kanya.

Walang pasabing hinalikan nya din sa noo. Napangiti naman ako dahil dun. Ang suwerte nya dahil may mommy syang malambing. Kahit may pagka isip bata minsan.

Agad ko na lang winaksi sa isipan ko yun.

"Bye mommy Devi." nakangiti kong paalam sa kanya.

"Bye, baby."

Lumapit muna si Devin sa mommy nya at humalik din sya sa pisngi nito.

Kumaway kaway lang ako sa kanya.

Agad ko nang inalis ang tingin ko sa kanya ng makita kong medyo malayo na kami. Sumabay naman ako kay Devin sa paglalakad. Hindi parin nawawala ang ngiti sa labi ko.

"You looked happy?"

Napatingin ako sa kanya pero may ngiti parin sa aking labi.

Halata ba ako?

"Oo, ang saya pala kausap ang mommy mo. May pagkaisip bata, hehe. Pero ang saya nyang kasama, ang gaan gaan sa pakiramdam." totoo kong sagot sa kanya habang nakangiti parin.

Tumingin naman sya sa saglit at binalik na naman ang tingin sa daan. Pero may ngiti din sa kanyang labi.

"Good for you. Ganun talaga si mommy, pag-pasensyahan mo na lang ang pagiging isip bata nya. Isa ka sa mga pinapakitaan ng iba nyang side. Tsss." natatawa nyang kwento.

Natawa na din ako dahil sa sinabi nyang may pakaisip bata ang mommy nya. Masaya ako dahil isa ako pinakitahan nya ng iba nyang side.

Habang naglalakad kami nagkukuwentohan lang kaming dalawa.

"No'ng hindi ko pa nakikita ng personal ang mommy mo. Gustong gusto ko talaga syang makilala. Gusto ko kasing magpasalamat dahil sa inyo, nakakuha ako ng scholar. Kaya ang saya saya ko ng makita ko na sya ng personal. Nahiling din ang pangarap kong makita ko sya. Gusto ko din sana na magpasalamat sa kanya at sa daddy mo pero wala naman sya, hindi ko pa sya makikita ng personal. Pero okay lang  may susunod pa naman. Tapos sayo, gusto ko din na magpasalamat. Kaya maraming salamat sa inyo."

"Are you okay? Mukhang hiningal ka sa mahaba mong speech?"

Tumingin naman ako sa kanya na nakanganga. At bigla na lang akong napanguso.

"Hmp! Yun lang ang napansin mo sa mga mahaba kong sinabi sayo. Nakakainis ha. Pinag isipan ko yun ng mabuti e." may reklamo kong sabi.

Siyempre biro lang naman ang pagrereklamo ko. Yun pa talaga ang sinabi nya sa mahaba haba kong speech.

Napasimangot na lang ako.

Nagulat na lang ako ng bigla syang tumawa ng malakas. Hawak hawak nya pa ang kanyang tiyan.

Napasimangot ulit ako. Tawanan ba naman ako.

"S-sorry! Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. You looked cute." ngayon naman pinupuri na nya ako.

"Tumigil ka na nga sa katatawa. Alam kong cute ako, no need to told that to me." pabiro ko namang pagmamayabang sa kanya.

"Yeah! You're cute!!" sang ayon nya at bigla na lang nyang ginulo ang buhok ko.

"Waaah! Bakit mo ginulo ang buhok ko? Ang pangit na nga ang buhok ko e. Bad!" nakabusangot kong reklamo sa kanya.

Inalis ko naman ang kamay nya sa buhok ko at inayos ang buhok kong magulo. Nang maayos ko, tumingin ulit ako sa kanya.

Ayun, natatawa na lang sya sa inaasta ko.

"Don't worry, cute ka parin kahit magulo ang buhok mo."

"Sige na nga, kahit matagal ko ng alam."

Sabay naman kaming tumawa ng matapos kong puriin din ang sarili ko. Wala namang nakakarinig sa amin na iba e. Kaya okay lang, sya lang naman ang nakakarinig.

Tinuloy namin ang paglalakad. Maya maya nabalot naman kami ng katahimikan. Wala ni isa ang nagsalita.

"No need to thanks to us. Masaya kami na nakakatulong kami sa kapwa namin. Ganun talaga sina mommy hindi sila yung tao na mapagmataas. Na akala mo mayaman na, hindi na sila lilingon sa mga taong mahihirap na nangangailangan. Proud na proud nga ako sa kanila e." mahaba haba nya ding speech.

Napatitig na lang ako sa kanya.

"Okay ka lang? Mukhang medyo hiningal ka a. Gusto mo ba ng tubig? Ang haba naman ang speech mo" pigil na tawa kong sabi sa kaniya.

Mas lalo ko namang pinipigilan na wag tumawa ng malakas dahil sa itsura nya habang nakatingin sa akin. Psh.

"Paece. Parehas na tayo. Ganyan ka din sa akin kanina. Hehe" nagpaece na lang ako sa kanya at natawa ng malakas.

Sinamahan naman nya ako ng masama. Na mas lalo kong ikinatawa.

"Uyy! Sorry na. Nagbibiro lang ako e."

"Tssss!"

"Ngingiti na yan!!!! Ngingiti na yan!!! Hehe!" para kong bata pagkatyaw sa kanya.

Nakita ko na lang na umiling iling sya at may ngiting nakapaskil ang mata nya.

Ako naman ang napasimangot ng bigla na naman nyang ginulo ang buhok ko.

Napa-aray naman ako sa isipan ko dahil medyo masakit pa ang pagkakasabunot sa akin ng apat na babae kanina. Hindi ko pinahalata na nasaktan ako sa ginagawa nya.

Naalala ko kanina ng makita ni mommy Devi ang pisngi kong ang pula at ang buhok ko. Kapansin pansin na parang gusto nyang manakit kanina. Ingat na ingat nyang hinawakan ang mukha ko.

May nakita din ako sa mukha nya ang kakaibang emosyon. Hindi ko lang mawari kung ano yun. Basta ang alam ko, hindi sya natutuwa sa nakita.

"Still hurt?" napabalik ang tingin ko kay Devin.

Hindi ko namalayan na hawak hawak na nya pala ang pisngi ko. Ramdam ko ang init ng palad nya sa pisngi ko.

"M-medyo m-masakit pa" totoo kong sagot sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko.

Hindi ko mapigilan na wag kagatin ang ibaba kong labi. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago tumingin sa kanya.

Nagulat ako bigla syang nagtagis bagang.

"O-okay ka lang?" may pag aalala tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga sya bago umiling iling. Nagsimula kaming naglakad. Habang naglalakad kami, may binulong sya pero hindi ko yun masyadong narinig.

"They will pay for what they do to you. I swear. F*ck them!

****

Sinalubong ako ng sunod sunod na taong ng mga kaibigan ko nang makita nilang pumasok kami ni Devin sa room. Lahat mata ng mga kaklase ko ay nasa akin o sa amin.

Nailang naman ako dahil dun kaya nakayuko akong umupo muna sa upuan ko bago sila hinarap. Pero bago yun, binigyan ko muna si Devin ng ngiti at tumango bago umupo sa upuan ko.

Nagulat na lang ako ng bigla bigla na lang lumapit ang mga kaibigan ko sa akin at pinalibutan ako.

Maliban na lang sa katabi ko dahil katabi ko na sya. Pero ewan ko kung bakit nakadukdok sya sa lamesa nya.

Hindi ko muna yun pinansin. Binaling ko na lang ang tingin ko kina Megan.

Calvin's PoV

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pagkainis? Mula nung nakita ko syang may kasama siyang iba. At ang mas nakakapag init ng ulo ay ang may ibang nanghahawak sa pisngi nya.

Parang gusto kong pumutol  ng kamay sa nakita ko kanina.

Bibili lang sana ako ng tubig kanina dahil nauuhaw ako. Pero ganun na lang ang nasaksihan ko. Kaya hindi ko na naituloy ang pagbili ng tubig.

Kaya mas lalong nadagdagan ang galit ko.

Nayukom ang dalawa kong kamao. Heto kami. Heto kami na sobrang nag alala sa kanya. Kanina pa namin sya hinahanap nandun lang pala sya nakikipag usap sa lalaking yun. Mukhang ang saya saya pa nilang dalawa.

Nanggigil talaga ako. Tangna. Sayang lang ang pag aalala namin sa kanya tssss. Nakakabadtrip.

Parang gusto kong ilabas ang galit ko.

Dahil ayaw kong makita nila ang mukha akong badtrip. Umub-ob na lang sa arm chair ko.

Gusto ko sanang mag angat ng tingin upang tignan sya pero hindi ko magawa. Baka matakot lang sya sa akin makita nya mukha ko.

Nakinig na lang ako sa mga tanong nila kay nerd. Bakit ngayon lang sya pumasok. Dinig na dinig ko ang sunod sunod nilang tanong kay nerd.

Tssss. Anong akala nila kay nerd, masasagot nya lahat ang tanong nila kung sunod sunod silang magtanong. Tsk.

Dahil hindi ako makatiis sa kaingayan nila. Agad ako nag angat ng tingin sa kanilang lahat.

"Bakit ba ang ingay nyo ha?! Paano nya kayo masasagot kung sabay sabay kayong magtanong sa kanya? Tsk! Napaka-ingay nyo." prangka kong sabi sa kanila at pinaningkitan ng mata.

Sabay sabay naman silang napatingin sa akin. At bigla silang nagpaece.

"Tssss!!"

"Sunget!!"

Wala sa sariling napabaling ako ng tingin kay nerd. Nakita ko naman na napatingin din sya sa akin. Pero agad din syang napaiwas ng tingin nang mahuli ko syang nakatingin sa akin.

Pero napakunot ako bigla.

Inilapat ko sa kanya at mukha ko. Napansin ko naman na natigilan sya. Pansin ko din na walang kaimik imik ang mga kaibigan ko.

Mukhang dumistansya sila sa aming dalawa.

"Anong nangyari sa pisngi mo? Bakit parang may pasa? May sumampal ba sayo?" may inis naman akong naramdaman sa katawan ng makita kong umilap ang mata nya.

Naramdaman ko naman na may napasinghap sa tabi ko. Pero hindi ko yun pinansin. Wala sa kanila ang tingin ko kundi ang taong nasa harap ko.

Parang may sumiklab sa akin na galit. Ayaw na ayaw ko syang nakikita na nasasaktan. Parang nagdidilim ang paningin ko.

Ayaw kong nasasaktan ang taong mahal ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi nyang medyo namumula. Naramdaman ko naman na parang napako sya sa kinakaupaan nya. Parang hindi nya inaakala na hahawakan ko sya sa pisngi.

Parang may naramdaman akong koryente na dumaloy sa kamay ko patungo sa buo kong katawan. Hindi ko pa ito naramdaman sa mga babaeng nahahawakan ko. Siya lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng ganitong nararamdaman.

Halo halo ang nararamdaman ko sa kanya habang hawak hawak ang kanyang pisngi.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya. Nagtama ang tingin namin. Kita ko sa mata nya ang halo halong emosyon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naririnig nila. Pero wag naman sana.

"W-wala lang ito. Nadapa lang ako kanina, kaya hindi ako nakapasok kanina dahil sa clinic ako buong umaga. Hindi ko nasabi dahil nakatulog ako kanina." walang preno preno nyang sagot sa tanong ko.

Hindi man lang sya nagdalawang isip na sabihin.

Napayukom ang kamao ko.

"That bullsh*t!"

Galit kong sigaw. Nakita ko syang napaigta dahil pagkasigaw ko. Nansasaliksik din ang mata ko.

Nakita ko ayang napayuko. Nagtagis bagang ako.

Bakit ba ayaw nyang sabihin sa akin ang totoo? Halata naman na hindi nya nadapa a. D*mn it! Nakakabadtrip.

Dahil sa badtrip ko agad akong lumabas ng room.