Devon's PoV
Dahan dahan akong napamulat ng tingin. Medyo kumirot pa ang ulo ko dahil sa sobrang puti ang bumungad sa akin.
Pumikit ulit ako at nagmulat. Medyo naka-adjust na din ang mata ko sa liwanag.
Wait....
Natigilan ako bigla. Nasaan pala ako?
Nasa langit na ba ako? kinakabahan kong tanong ko sa sarili ko.
Bakit naman ang bilis? Gusto ko pang mabuhay ng mahabang panahon. Gusto ko pang malaman ang pinag-uusap nina inay at Mrs. Harris.
Hindi ko pa nasasabi kay Calvin na mahal na mahal ko sya e. At higit sa lahat, gusto kong maranasan ang ikasal sa taong mahal na mahal ko at mahal ako. Gusto ko pang mangka-anak 'no
Aish! Kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko
"Miles? Baby? Are you Okay? Why are you crying? May masakit ba sayo??" nag-aalalang tanong ng taong nasa tabi ko.
Nang dahil sa boses na narinig ko, nabalik ako ng diwa. Akala ko..... Akala ko patay na ako dahil sa puti na lang ang nakikita ko sa paligid.
Nakahinga ako ng maluwag.
Wala sa sariling napatingin ako sa tabi. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may luha na tumutulo sa mata ni Mrs. Harris. Naramdaman ko na lang na hawak hawak nya ang kanang kamay ko.
Bigla na lang nanikip ang dibdib ko dahil sa nakikita kong umiiyak siya sa tabi ko. Bakit siya umiiyak?
Naalala ko na naman ang narinig ko.
"Hindi po talaga maipagkakaila na parehas na parehas kayo ng hugis ng mukha ni Devon, talagang mag-ina talaga kayo, Mrs. Harris."
Napapikit na lang ako ng mata nang maramdaman ko na naman ang may nagbabadyang lumabas na luha sa mata ko. Mas lalong nanikip ang dibdib ko.
Huminga ako ng malalim. Pinakalma ko naman ang sarili ko. Hindi ako totoong anak ni nanay? Ang sakit sa isipan na matagal na palang niloloko nila ako.
Bakit?
Bakit nagawa nila ito sa akin? Wala naman akong maisip na naging kasalan sa kanila a. Bakit parang pinaparusahan ako ng ganito. Naninikip tuloy ang dibdib ko.
Bumuntong hininga ulit ako.
Hindi ko sinagot ang tanong nya sa akin. Tumingin ako sa ibang direksyon dahil kanina pa ako nakakaramdam ng may nakatitig sa akin.
Nanlaki na naman ang mata ko ng nakita kong mariin na nakatingin sa akin si Devin. At yun may katandaan na lalaki na naka-upo sa tabi nya. Seryoso lang sila na nakatingin sa amin ni Mrs. Harris. Pero may kung ano sa mukha nila. Parang ang lungkot lungkot ang emosyon na nakatago sa mata nilang seryoso.
Nasa forties na ang lalaki. Pero alam na alam ko kung sino siya. Siya ang asawa ni Mrs. Harris at ang ama ni Devin. Mag-kamukhang magkamukha sila.
Nang makita nila akong nakatingin sa kanila. Bigla silang ngumiti. Iniwas ko agad ang mata ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.
Walang nagtangkang magsalita sa amin apat dito sa loob ng........
Ginaya ko ang mata ko sa buong kwarto.
Napagtanto ko na lang na, nandito pala ako sa hospital. Akala ko kanina nasa kwarto ako ng bahay hindi pala.
Napatingin ako bigla kay Mrs. Harris dahil naramdaman ko na pinisil nya ang kamay ko.
Nakita ko siyang titig na titig sa akin. Nailang naman ako bigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pag naaalala ko ang mga nangyari. Bigla na lang ako nananahimik. Hindi ko alam kung saan ako unang magsisimula.
Hindi naman ako bingi ng time na yun di'ba? Rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila ni nanay.
At ang mas naka-agaw pansin ko ay ang may sakit daw ako sa puso? Bakit hindi ko alam na may sakit pala ako sa puso?
Ako pa ang may sakit sa puso, tapos hindi ko pa alam? Pero napatigil ako bigla. Tapos may biglang pumasok sa isipan ko.
Kaya naman pala minsan, napapahawak ako sa puso dahil sa biglang paghina nya. Pag-binubully ako ng mga kaklase o ka school mate ko. Bigla na lang maninikip ang dibdib ko. Ang masasakit nilang mga sinasabi sa akin, mas lalong nagpapanikip ng puso ko.
Minsan pinagsasawalang bahala ko na lang dahil ang akala ko pagod lang. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko sa sarili ko.
Pero bakit?
Bakit hindi sinabi ni inay ang kalagayan ko?
Anong dahilan nya kung bakit hindi nya sinabi ang totoo sa akin?
"Iha? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang para tatawag ako ng doctor para tignan ang kalagayan mo." pag-aalalang tanong ni Mrs. Harris.
Mrs. Harris ulit ang tawag ko sa kanya. Ano naman ang dapat kong tawag? Mommy? Ang kapal ko naman. At isa pa, nahihiya ako, matapos ang mga nalaman ko.
Ang lakas ng loob ko noon na tawagin syang mommy pero ngayon parang hindi ko maibuka ang bibig ko para sabihin ang salitang mommy.
"O-okay lang po ako M-mrs. Harris?" magalang kong sagot sa kanya. Kahit medyo naiilang ako.
Waaahhh!! Nasaan na kasi inay? Bakit iniwan nya ako dito kasama nila Mrs. Harris, tapos kasama nya pa ang asawa nya at si Devin.
"M-mrs. Harris?? B-bakit 'yan na naman ang t-tawag mo sa akin? A-ayaw mo ba akong tawaging m-mommy?" malungkot nyang tanong sa akin.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa boses nyang malungkot din.
"A-ang mga n-narinig ko po k-kagabi? T-totoo p-po ba l-lahat ng iyon?" utal utal kong tanong sa kanya.
Hindi ko pinansin ang pagtatanong nya kung bakit hindi ko na siya tinawag na mommy.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa oras na ito.
Natahimik ang kaming lahat dito sa loob. Parang may dumaan na anghel para hindi kapagsalita agad. Bigla ding natahimik si Mrs. Harris.
Biglang umilap ang tingin nya. Napatingin naman ako saglit kina Devin. Nakita ko silang hindi sila nakatingin sa akin.
"S-sorry, anak. S-sorry.... K-k-kasalanan ko l-lahat ng ito. I'm S-sorry, baby." umiiyak na nyang sabi sa akin. Habang hawak hawak nya ang magkabilang kong pisngi.
Naninikip na naman ang dibdib ko habang sa kanya at dahil na rin sa emosyong nararamdaman ko.
Bakit?
Bakit nasasaktan ako? Hindi ko kayang makita siyang ganyan. Nasasaktan din ako.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita. Hinihintay ko kung anong susunod nyang sasabihin.
Pero bago yun, nakita kong tumayo sina Devin at Mr. Harris sa kanilang kina-kaupuan. Kaya na tingin kami sa kanila.
Tumingin lang sila sa amin at walang pasabing lumabas sila ng kwarto.
Agad kaming nabalot ng katahimikan dito sa loob.
Nakita ko siyang bamuntong hininga. At diretsong tumingin sa mga mata ko.
Mrs. Devi Harris's PoV
Flashback...........
"I'm sorry, Mrs. and Mr. Harris, mahina ang pitik ng puso nang anak niyong babae sa sinapupunan mo Mrs. Harris. Suwerte ang anak nyong lalaki dahil hindi ganun ang lagay nya. Kung hindi po kayo nag-iingat o kung ano ano ang kinakain nyo, baka mas lalong lumala ang kalagayan ng kambal niyo. Baka, tuluyan po siyang mawalan ng pitik ng puso. Na ikamatay nya." mahaba habang paliwanag sa akin ng doktor.
"Bawal na bawal sayo ang ma-stress, Mrs. Harris. Iwasan mo din ang pagta-trabaho. Iwasan mo din ang mag-isip isip na nakaka-stress sayo." dugtong ni Mrs. David. Ang doktor ko.
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mrs. David. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ng asawa ko at pinapakalma, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bawal ang nai-stress. Mas lalo akong mai-stress dahil sa kalagayan ng isa kong anak dito sa sinapupunan ko. Kambal ang magiging anak namin ng asawa ko.
Nagpapasalamat ako dahil hindi naka-ganun ang isa kong anak na lalaki. Laking pasasalamat ko talaga sa panginoon.
Hindi ko kayang mawala ang anak ko sa sinapupunan ko. Matagal na naming gusto ng asawa ko na magka-anak kami. Kaya ngayon, biniyayaan kami ng kambal na anak.
Pero heto naman ang nangyari, nasa bingit ng kamatayan ang isa naming anak. Hindi ko matanggap ang kalagayan nya.
Lord, please, huwag niyong pababayaan ang anak ko. Please. Hindi ko kayang mawala siya sa amin.
Kasalanan ko ang lahat ng ito e. Kaya ganito kamaselan ang pagbubuntis ko dahil sa over time ako sa company namin. Kahit alam kong buntis ako. Halos hindi na ako makatulog. Ang lakas kong umiinom ng alak noon kung hindi ako makatulong at kung depress ako. Pero hindi pa ako buntis noon.
Lagi akong sinasaway ng asawa ko pero hindi ko talaga mapigilan. Lagi akong problemado.
Isa na dito si mama ko.
"Magiging okay din ang lahat, hon. Please, alagaan mo naman ang sarili mo. Anim na buwan na yang tiyan mo. Tigilan mo na ang katatrabaho, kaya ko namang i handle ang mga kompanya natin. Ayokong makikita kitang malungkot at laging stress. At higit sa lahat, huwag mong masyadong isipin ang mga sinabi ni mama. Hindi ako papayag na mangyari yun. Kahit anong mangyari makakayanan nating dalawa ito at magiging anak natin. Mahal na mahal kita, Devi, lagi mong tatandaan." buong pusong pahayag ng asawa ko.
Tumingin ako sa mga mata, puno ito ng pagmamahal at mga emosyon na kahit anong mangyari makakayanan natin ito. Napaluha na naman ako.
"Maraming salamat. Maraming salamat dahil laging nandito ka sa tabi ko. Hindi mo ako pinabayaan. Mahal na mahal din kita, hon. Alam kong malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok na ito. Hindi tayo susuko, gagawin natin ang lahat para hindi mawala ang anak natin sa sinapupunan ko. Hindi ko kakayanin na nawala siya." buong puso ko ding sabi sa kaniya.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako sa dibdib ng asawa ko. Ang bigat bigat sa damdamin.
"Tahan na, hon. Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Hindi mo naman gusto ang maging mahina din ang anak natin sa sinapupunan mo diba?"
Tumango tango ako kahit hindi nakatingin sa kanya. Mas lalo akong napayakap sa kanya. Mahal na mahal ko ang asawa ko.... Mabuti na lang at lagi siyang nasa tabi ko, baka hindi ko kakayanin kung wala siya.
Micheal Harris, ang lalaking mahal na mahal ako at mahal na mahal ako. Si Michael, hindi man siya gaanong mayaman pero mayaman sa pagmamahal na pinaparanas nya sa akin. Laking probinsya siya. Dito siya sa manila nag- college. Parehas kami ng school na pinapasukan noon.
Sa school namin siya nag-aral. Isa lang siyang scholar noon.
Pag-naaalala ko kung paano kami nagsimula, matatawa na lang ako, hanggang paano kami humantong sa kasalan. Siya ang lalaking first love ko. Siya ang nag-paranas kung gaano kasarap magmahal.
Marami kaming pinagdaanan. Pero hanggang ngayon, may mga problema parin kaming linulutas.
"I love you, Devi Harris"
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan sa labi." I love you more, Micheal Harris."
Months later....
Araw na ng panganganak ko. Buti na lang at hindi ako iniwan ng asawa ko sa tabi ko habang pinapanganak ko ang kambal naming anak.
Abo't langit ang kaba ko habang nasa loob ng ER.
"Ire pa misis. Nakikita na namin ang ulo ng anak nyo."
Huminga ako ng malalim...
Heto na......
"aahhhhhh!!!! Ahhh!!! Michaelll!!!" malakas kong hiyaw.... Para akong nanghina sa hiyaw ko. Biglang nawalan ako ng lakas. Pero kinaya ko para sa anak namin. Hindi ako sumuko.
"uunga!!! ungaa! uungaa!!"
Napaluha na lang ako dahil sa narinig kong iyak ng isang bata. Para nabalik ang lakas ko dahil sa iyak na yun.
Ang anak namin ni Micheal.
"It's a boy." masayang anunsyo ng nagpa-anak sa akin.
Napangiti na lang ako. Naramdaman ko na lang na may nang halik sa noo ko at nararamdaman ko din na may tumulo na luha sa pisngi ko. Nag-uumapaw ang saya sa puso ko nang masilayan ko ang munting anghel sa bisig ng doktor.
"Sige pa misis, ire pa. Mukhang excited na ang isa mo pang anak na lumabas.." natatawang sabi ng midwife.
Huminga na naman ako ng sobrang lalim.
"Hooooo!!!! Aaaabhhhhh!!!!"
"Aaaaaahhhh!! Michaellllll!!!!!! Lalabasss naaaaaa!!!!!"
Nang-hina ako ng malakas akong umiri. Habol habol ko ang hininga ako, buti na lang at nasa tabi ko ang asawa para doon ako kumukuha ng lakas.
"Mahal na mahal kita, hon. Kahit ano man ang mangyari."
Huling narinig ko mula sa asawa kong nasa tabi ko. Kinabahan ako bigla dahil wala akong narinig na tinig ng munting iyak.
Gustong gusto ko ang magmulat ng mata. Gustong gusto ko na makita ang nangyayari sa paligid ko pero hindi ko magawa. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Para akong hindi makagalaw.
Nanlalabo na din ang nakikita ko sa paligid.
Ang alam ko at ang huling natatandaan ko na lang ay ang nagkakagulo na ang paligid. Para hindi nila alam ang ginagawa nila.
Naramdaman ko na lang ang kamay ng asawa ko nanginginig at dahan dahan na lang bumitaw sa pagkakahawak ko.
May kumurot sa puso ko. Gusto kong sumigaw para tanungin kung anong nangyayari pero hindi ko na kaya. Hanggang sa unti unti na lang pumikit ang mga mata ko.
Na may luha sa mga mata....
Unti unti akong napamulat ng mata. Medyo masakit ang ulo pagkamulat ko dahil sa liwanag na bumulagta sa akin.
Napatingin ako sa paligid. Hanggang nahagip ng paningin ko ang asawa kong naka-higa sa couch ng hospital. Natutulog doon ang asawa ko, halatang halata na puyat.
Hindi ko siya ginising. Alam kong hindi siya gaanong nakakatulong dahil sa kalagayan ko at anak namin..
Bigla na lang ako napatigil dahil biglang pumasok sa isipan ko ang huling nangyari sa ER. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan?? Parang may mali?
"Hon, gising ka na pala? Bakit hindi mo ako ginising agad pagkagising mo?" nag-aalala lang tanong nya.
Agad siyang tumayo at lumapit sa dispenser para kumuha ng tubig at agad na binigay sa akin.
Agad ko nang itong kinuha sa kanya at ininom. Para akong nakahinga ng maluwag ng matapos kong inumin ang bigay n'yang tubig.
"Thank you." ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat. Ngumiti lang din siya pabalik.
Bumalik agad ako sa pagkakahiga. Bumalik naman siya sa tabi ko at umupo ng mailapag niya ang baso.
"Anong nararamdaman mo, hon? May masakit ba sayo? Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?" sunod sunod na tanong ng aking asawa.
Ngumiti na lang ako at hinawakan siya sa kamay. Medyo nanginginig pa ang kamay nya ng mahawakan ko.
"Calm down, hon. Ayos lang ako, medyo mahina lang ako dahil sa panganganak ko. Tignan mo yang mata mo oh, may eye bags ka na. Para ka ng panda." natatawang biro ko sa kanya.
Nakita ko siyang napailing. Ngumiti na lang sya at hinalikan ang kamay ko.
"I love you, honey."
"I love you too."
Sabay kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok doon ang dalawang doktor at isang nurse. May kalong kalong ang nurse palapit sa pwesto namin ng asawa ko.
Pero ang pinagtaka ko kung bakit wala ng sumunod na pumasok hanggang sumara ang pintuan.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Parang may kung ano sa dibdib ko ang bumara. Humigpit ang magkakahawak ko sa kamay ng aking asawa.
"N-nasaan ang isa k-kong a-anak? Bakit iisa lang ang h-hawak hawak nyong p-pumunta dito?" utal utal na tanong ko sa kanila. Hindi ko maitatago ang panginginig ko.
Inunahan ko na silang magsalita. Dahil gustong gusto ko ng makita ang anak kong isa.
Hindi ko alam ang maging reaction dahil halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw ang panginginig ng kamay ko.
Wala ang nagsalita sa kanila. Parang nawalan sila ng boses.
"O-okay na ba ang pakiramdam mo, misis? May masakit ba sayo o ano?" pagtatanong ng doktor sa akin at hindi pinansin ang tanong ko sa kanila.
Bigla akong nainis sa hindi nila pagsagot ang taong ko.
"Ano ba!! Mahirap bang sagutin ang tanong ko ha? Ang sabi ko, nasaan ang isa kong anak? Saan niyo siya dinala??" iritang sunod sunod na tanong ko ulit sa kanila.
Konting konti na lang talaga. Baka hindi ko na mapigilan na sigawan sila. Tinatanong sila tapos hindi sila nagsasalita at sasagot.
Nang hindi ako makakuha ng sagot nila. Agad akong tumingin sa asawa ko na ngayon buhat buhat nya ang anak naming lalaki.
Nabawasan ang pagka-inis ko ng nasilayan ko ang mukha ng anak ko. Pinagaan nya ang nararamdaman ko.
Hindi ko muna kinuha sa bisig ng asawa ko.
"Nasaan si Miles, Micheal? Nasaan ang anak natin?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Miles, ang pangalan ng anak naming babae. Devon Miles.
Napansin ko na bigla siyang napatigil. Hindi siya agad nakapagsalita. Napatulala lang siya. Nasa anak lang namin siya nakatingin.
Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun o namamalik-mata lang ako. May nakita akong dumaan na sakit sa mga mata nya. Parang may nagbabadyang luha na lumabas.
"Hon, k-kinakausap kita. N-nasaan ang anak natin? Huwag kang magsinungaling sa akin, please." nagmamakaawa kong tanong sa kaniya.
Ito na yung kinakatakot ko. Lord, huwag naman sanang mangyari ang iniisip ko.
"P-please, hon" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang hawak hawak ko ang kamay nya. Kulang na lang ang yugyugin ko ang balikat nya para sabihin sa akin ang totoo.
"Please! S-sabihin mo sa akin kung n-nasaan s-siya?" pagmamakaawa ko.
"Nurse, pakihawak nga muna ang bata." narinig kong paki-usap ng asawa ko.
Hindi ko yun pinansin. Patuloy parin ang pag-iyak ko. Inilagay ko ang mga palad ko sa mukha ko para takpan ang mukha kong lumuluha.
Parang hindi ako makahinga, parang may nakabara sa lalamunan ko. Sumisikip ang dibdib ko.
Naramdaman ko na umalis muna ang mga doktor na tumitingin sa kalagayan ko. Naramdaman ko kasi na suminyas ang asawa ko pinapalabas sila.
Umiiyak parin ako.
May nararamdaman naman akong may yumakap sa akin. Alam kong si Michael iyon. Kaya mas lalo akong naiyak. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya.
"Stop crying, wife. Please, hindi ko gustong nakikita kitang umiiyak. Parang may kumikirot sa puso ko kapag nakikita kitang sobrang lungkot." pag-aalo ng asawa ko sa akin.
Napaluha na lang ako dahil sa sinabi nya. Bakit parang hindi magandang sasabihin nya.
"P-please!! s-sabihin mo ang totoo sa akin.. H-huwag kang magsinungaling. Walang n-nangyari sa anak natin diba? Diba?" pamimilit ko sa kanya.
Pinipilit kong magsalita kahit hindi ko na kaya pang magsalita.
"Devi, please, huwag kang umiyak. S-sasabihin ko na ang t-totoo." kinakabahan nyang pagsusuko.
Bigla akong napatigil sa pag-iyak. Pero rinig na rinig pa rin ang paghikbi ko.
"A-ano ang t-totoo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya at bahagya akong tumitig sa mga mata nya.
"W-w-wala na siya, Devi. W-wala na ang anak n-natin. Nang inuluwal mo siya, hindi na siya humihinga. T-tamang tama naman na iniluwal mo siya dun na nawalan ng hininga. Dahil m-m-mahina ang heart beat nya, h-hindi nya k-kinaya." umiiyak na kwento ng aking asawa. Hirap na hirap siyang magsalita dahil nangyari.
Napatulala ako dahil sa narinig kong iyon. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang nangyari.
Nagpa-ulit ukit na nag-reply sa isip ko ang sinabi ng asawa ko.
"W-w-wala na siya, Devi. W-wala na ang anak n-natin. Nang inuluwal mo siya, hindi na siya humihinga. T-tamang tama naman na iniluwal mo siya dun na nawalan ng hininga. Dahil m-m-mahina ang heart beat nya, h-hindi nya k-kinaya."
Bakit?
Bakit nangyayari ito sa amin?
Bakit hindi man lang namin nasilayan ang anak namin?
Bakit hindi man lang namin naranasan ang mabuhat siya? Ang masilayan ang pag-ngiti nya, ang pag-tawa nya, ang pagtawag nya sa amin ng mama at papa, ang makita naming dahan dahan nyang paglaki paglipas ng panahon?
Bakit hindi man lang namin siya nakasama ng sobrang tagal?
Bakit bigla na lang nya kaming iniwan ng ganun ganun na lang? Hindi ko matanggap ang nangyari.
Ang hirap huminga parang pinapatay ang puso ko. Hindi ko na kaya ang huminga.
Mas lalong lumakas ang iyak ko ng niyakap ako ng asawa ko. Iyak ng iyak ako sa dibdib nya.
"H-h-hindi t-totoo yang p-p-pinagsasabi...alam k-kong n-n-nagbibiro ka lang.....k-kkaya please, s-sabihin mo sa akin ang totoo...b-bawiin mo ang s-sinabi m-mo..." nahihirapan kong sabi sa kaniya.
Dahil sa nararamdaman kong sakit sa dibdib ko. Pinagpapalo ko ang dibdib nya. Doon ko nilalabas ang sakit na nararamdaman ko.
Kung hindi ko ito linabas, baka hindi makayanan ng katawan ko at bigla na lang akong nawalan ng malay.
"H-hindi ako n-nagbibiro, wife. S-sana nga b-biro biro lang ang lahat ng ito, pero hindi e. H-hindi ito biro." nahihirapan nyang sabi.
Nakita ko na din naumiiyak siya.
"K-kasalanan ko ito... K-kung hindi ako nag-iingat noon. Hi-hindi ito mangyayari, ka-kasalanan ko ang lahat ng ito. K-kasalanan ko. Si-sinisisi ko ang sarili ko." umiiyak kong paninisi sa sarili ko.
Agad akong inalo ni Michael. Pero hindi parin ako kumalma. Parang gusto kong mag-wala ngayon. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko. Pinipiga ang puso pira-piraso.
"Kasalanan ko itong lahat e.......Kasalanan ko ito." nanghihina kong paninisi sa sarili.
"Shhh!! wala kang kasalanan sa nangyari, huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto na mawala ang anak natin. Okay? Kaya tahan na, mahal." pag-aalo sa akin ng asawa ko.
Naramdaman ko naman na hinalikan niya ako sa noo. Medyo naging payapa ako sa simpleng pag-halik ng asawa ko sa noo ko. Kahit konti napagaan niya ang pakiramdam ko.
Sabay kami ni Michael na napatingin sa pinto nang makita namin na pumasok doon si mama, na kalong kalong ang anak namin ni Michael...
Biglang sumiklab ang galit sa buo kong katawan....
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!!!" sigaw ko sa kanya.
Wala akong pakialam kung ina ko pa sya. Pag-naaalala ko ang mga pinagsasabi nya noon. Bigla na lang nag-iinit ang ulo ko.
Hindi ko malimut limutan ang masasakit nyang sinabi. Kinamumuhian ko siya.
"Calm down, hon." pag-aalo ng asawa ko sa akin.
Pero hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako kay mama na nakatingin sa aking ng walang emosyon.
Hindi ko alam kung may galit ba siya sa amin o ano. Lagi na lang ang ganyan nyang makikita mo sa mga mata nya, ang walang buhay. Isa siyang napaka-istrikto. Lahat ng sasabihin nya, dapat masusunod. Kung hindi ka susunod sa kanya, humanda ka dahil pababagsakin ka ng isang bulong nya lang.
Ang sakit sa akin at kay Michael dahil ayaw nya kay Michael para sa akin. Ginawa lahat ni Michael para lang magustuhan siya ni mama pero wala talaga. Dahil sa mahirap lang ang pamilya nila Micheal. Pero may kaya naman ang pamilya nila.
Isa siya dahilan nang pagkamatay ng anak ko. Hindi ko siya mapapatawad. Kinamumuhian ko siya.
Ang sabi nya noon. Hindi nya matatanggap ang anak kong babae dahil may sakit ito. Wala daw siyang maitutulong kundi ang pabigat lang. Kahit kailan hindi nya ituturing na apo ang anak kong may mahina ang puso.
Ayaw niya ang taong mahina. Hindi niya gusto yung taong mahina na magma-manage ng ari arian. Gusto nya kasi yung may magmamana ng kanyang ari arian na kagaya niyang walang kinakatakutan at hindi mahina.
At mas lalo akong nasaktan sa huli nyang sinabi sa akin. Na halos kinahimatay ko, hindi ko nakayanan ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko matanggap ang sinabi nya.
"Ayaw ko sa taong mahina.....ayaw ko maging apo ang anak mong mahina. At nalaman ko na mahina pala ang pitik nang puso ang anak mong babae sa sinapupunan mo. Abort that child, the girl on your tummy."
Nagpa-ulit ulit sa isip ko yun. Hindi ko kinaya. Anong klase siyang ina para ganun ang sabihin nya sa akin? Wala siyang puso.
Kahit kailan hinding hindi ko siya mapapatawad. Kahit mamatay pa ako, hinding hindi ko siya mapapatawad..
Hanggang ngayon kapag naaalala ko yun, hindi ko mapigilan na huwag maiyak. Parang ayaw tumigil ang pag iyak ko. Hindi maubos ubos ang luha sa mata ko.
"MASAYA KA NA SIGURO DAHIL WALA NA ANG ANAK KO!! SIGE, MAGPA-PARTY KA NA, YUN NAMAN ANG GUSTO MO EH. ANG MAWALA ANG ANAK KO!!!!! itong tandaan mo mama, hinding hindi kita mapapatawad dahil sa nangyari sa anak namin." galit na galit kong sigaw sa kanya.
Tuloy tuloy na din ang pag-agos ng luha ko pababa ng pisngi ko. Ang sakit sakit ng dibdib ko.
"Sana ikaw na lang ang nawala....."
ang huling sinabi ko sa kanya bago ibinaling sa anak kong lalaki na kalong kalong na pala ng asawa ko.
Pero may kumurot sa puso ko nang matapos kong sabihin yun. Nanikip ang puso ko. Parang gusto kong bawiin ang ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Pero walang lumabas sa bibig ko na kahit anong salita.
Tahimik akong umiyak. Ang sakit sa puso ko ng marinig ko ang iyak ng anak ko. Nakita ko na inaalo siya ng asawa ko.
"I'm sorry." narinig kong bulong ni mama bago tumalikod palabas ng kwarto kung nasaan ako naka-confine.
Pero nakita ko ang luhang pumatak sa mata niya. Kitang kita ko yun bago siya tumalikod.
"Hon, hindi mo dapat sinabihan ng mama mo ng ganun. Masakit pa rin sa kanya ang sinabi mo." salita ng asawa ko sa tabi.
Bumaling ako ng tingin sa kanya. At binigyan ng ngiti na sakit ang pinaparating. Hindi ko sinasadyang masabi ang mga yun.
"H-hindi ko si-sinasadyang m-masabi ang mga k-katagang iyon sa k-kanya, hon. Nadala lang ako ng emosyon, kapag naaalala ko ang sinabi nya noon sa akin, nakararadam ako ng matinding galit sa puso." humihikbi kong sabi sa kaniya.
Hinalikan nya ako sa noo. At tumabi sa akin, nakita ko na tulog na tulog na ang anak namin sa bisig niya.
Kahit nasilayan ko na ang anak namin. Ang sakit parin sa akin na wala na ang isa naming anak. Hindi man lang niya nasilayan ang mundo.
Tumingin ako sa anak kong kalong kalong kalong ko na.
Ngumiti ako sa kanya kahit hindi nya nakikita at hinalikan siya sa noo.
"Mahal na mahal ka ni mommy, Devin Miller. Aalagaan ka ni mommy abo't ng makakaya nya. Hinding hindi ka namin pababayaan. Nawalan na ako ng isa, hindi ko hahayaan na mawala ka din sa amin ng daddy mo." umiiyak kong kausap ang anak kong tulog na tulog sa bisig ko.
Sa huling pagkakataon hinalikan ko siya sa noo.
Malalagpasan din namin ang lahat ng ito, anak. Tiwala ka lang sa amin ng daddy mo.
End of the flashback......
Devon's PoV
Napatulala ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa kwento ni Mrs. Harris o mommy Devi.
Heto na naman ang paninikip ng puso ko. Para na naman akong hindi makahinga. Dahil na rin dahil sa kakaiyak ko. Naapektuhan ang paghinga ko.
"Sorry. I'm so s-sorry, anak. S-sorry kung n-ngayon lang namin ito si-sinabi sayo." umiiyak na pag-hihingi ni Mrs. Harris sa akin. Hawak hawak nya ang kamay ko.
Halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko.
"D-diba alam niyong p-patay na ako. P-paano nyo n-na-nasasabi na ako ang a-anak nyo? Naguguluhan po ako? Parang sasakit na ang ulo ko kakaisip." nahihirapan kong tanong sa kaniya. Pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
Nasa malayo ang tingin ko at iniisa isa ang mga sinabi nya sa akin. Parang ayaw na mag-proseso sa isip ko ang mga nalaman ko ngayon.
Bakit nangyayari sa akin o sa amin ito?
Tumingin ako sa kanya. Naramdaman kong napatigil siya at hindi agad nakasagot sa tanong ko.
Bakit?