Devon's PoV
"Makalipas ang limang taon, sa limang taon na yun. Araw araw na lang umiiyak ako. Hindi ko parin matanggap ang nangyari, lagi kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala mo, pero hindi naman pala totoo. Buti na lang at nasa tabi ko ang daddy at kapatid mo. Baka hindi ko kakayanin kung pati sila ay mawala. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ang nangyaring trahedya. Nabawasan ng konti pero nandoon parin ang pangungulila sa'yo. Hanggang hindi nakayanan ang daddy mo sa sabihin ang totoo." napatigil siya sa pagsasalita.
Wala sa sariling napatingin sa kanya. Napaiwas agad ako ng tingin ng makita ko siyang mas lalong nagsihulugan ang luha sa pisngi niya.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at binalik sa kanya ang paningin ko.
"T-tahan na po. H-huwag na po kayong u-umiyak, n-naiiyak din po ako e." kinakabahan kong pagpapatahan sa kanya.
Hinawakan ko ang pisngi nya at pinunasan ang luha nyang patuloy parin sa paghagos. Ang sikip ng dibdib ko pag-nakikita kong nahihirapan siya.
Hinawakan niya ang kamay kong hawak hawak sa mukha nya. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang halo halo ang emosyon. Pero nangingibabaw parin ang lungkot sa kanyang mukha.
"A-anak?! I'm sorry. S-sinabi ng daddy mo ang lahat lahat sa akin. Hindi ka totoong nawala sa amin. Si mama ang may pakana ang lahat pero, ginawa niya iyon dahil sa kabutihan ng lahat. Ginawa niya iyon dahil mahal na mahal ka niya, tayong lahat. Ginawa niya ang lahat para hindi ka tuluyan na nawala sa amin. May gustong kumuha sayo noon. Ang mga kalaban ni mama sa mga business. Ang lola mo kasi noon ay isang babaeng walang kinatatakutan sa loob ng business world, wala siyang pinapalampas sino man." mahaba haba nyang kwento habang umiiyak sa tabi ko.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga.
"Nalaman ko na, kasabwat ni mama si Michael. Nalaman ko na gusto niya pala si Michael sa akin. Botong boto siya kay Michael. Nagawa nya lang sabihin ang masasakit na salita sa amin dahil ayaw niyang makita namin na may malambot siyang puso. Gusto niya ang malayo kami sa kaniya para hindi kami, tayo, madamay sa mga kalaban niya sa business."
"Umalis kami sa bahay niya. Siya na lang ang nag-iisa dahil nauna nang namatay ang papa, ang lolo mo. Umalis kami sa mansion nya, pumunta kami sa probinsya sa pamilya ng papa mo. Doon kami tumira ng limang taon. Tinanggal ko ang communication ko kay mama. Makalipas ang limang taon, wala akong naging balita sa kanya. Unti unti kong nakakalimutan ang mga ginawa niya sa amin noon.. " hindi pa natapos ni Mrs. Harris ang sasabihin nya.
Bigla na naman syang umiyak ng umiyak. Namalayan ko na lang na yakap yakap ko na sya ng mahigpit.
"Tahan na po..." pagpapakalma ko sa kanya.
Iyak lang siya ng iyak sa balikat ko. Napakagat na lang ako ng labi at hinahaplos haplos ang balikat likod nya.
"M-may d-dumating na tawag mula sa kamag anak namin sa manila..... P-parang nagunaw ang m-mundo ko namg sabina nilang, ang hina hina na ang mama ko. N-nakahiga na lang daw siya. H-hindi na niya kaya ang bumangon, lagi nya akong hinahanap hanap. L-lagi na lang daw na nagsasalita kahit wala siyang kausap. L-lagi daw siyang nag-sosorry sa amin ng pamilya ko, sa mga ginawa nya. L-lagi daw siyang u-umiiyak mag-isa. Sabi ng kamag anak namin, na- depress ang mama, m-mula ng u-umalis k-kami sa poder niya."
Wala paring tigil ang pag-iyak ni Mrs. Harris. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa mga kwento nya.
"A-ano p-pong n-nangyari sa kanya? Na-nasaan na po siya n-ngayon?" humihikbi kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak sa harap nya.
Umiiyak siyang pinagpatuloy ang kwento.
"P-pagkalaman ko ang nangyari. Dali dali kaming bumalik dito sa manila. Lahat kami pumunta, hindi ko alam ang gagawin ko ng time na yun. Basta ang alam ko lang, gustong gusto ko ng makita ang mama ko. P-pagkadating at pagkadating palang namin sa bahay nang lola mo, m-m-malapit na s-siyang m-m-mamamaalam...... P-parang g-gumuho ang mundo ko noong umiiyak siya habang h-humihingi sa amin nang ka-kapatawaran sa mga nangyari. P-pero napatawad na namin siya sa lahat ng mga kasalanan niya. P-pero hindi ko inaakala na yun na pala ang last na m-makikita ko ang mama ko. H-hinihintay na lang niya kami para m-makahingi ng p-paumanhin sa lahat ng kasalanan nya." patuloy nyang pagkukwento.
Nakita ko na mahihirap siyang magsalita. Bakas na bakas sa mukha nya ang sakit at kalungkutan.
"M-matagal na ang nangyari yun pero ang sakit sakit parin sa akin. Hi-hindi m-mawala wala ang sakit sa puso ko, parang nakabaon na lang sa puso ko ang mga masasakit kong sinabi sa kanya noong nabubuhay pa siya. K-kaya k-kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi s-sana ako nagsalita ng mga ganun edi mayroon pa siya." nagsimula na naman ang pagtulo ng kanyang luha sa mata matapos siyang magsalita.
Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata nya habang nagsasalita. Biglang lumungkot ang mukha ko nang makita kong walang tigil ang pagluha nya.
Napa-isip ako ng malalim. Ang lahat ng inis, galit, kalungkutan at ibat ibang emosyon na nararamdaman ko, bigla na lang nawala na parang bula. Matapos sabihin ni Mrs. Harris ang lahat ng nangyari.
Ang nararamdaman ko kanina na galit sa mommy o ang lola ko. Bigla na lang nawala na parang bula. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang wala akong naramdaman na kahit ano.
Dahil na siguro, ginawa niya lahat para hindi ako makuha ng mga kalaban nya. Mas ginusto nya ang kamuhian siya nila Mrs. Harris at Mr. Harris. Mas ginusto nyang ipaampon ako at sabihin na patay na ako para mailalayo ako sa kapahamakan sa mga gusto kuhanin ako at patayin.
Pero nakaramdam din ako ng konting kirot sa puso. Bakit kailangan niya pang sabihan ako na patay? Bakit hindi nya na lang sinabi kina Mrs. Harris na ipapa-ampon ako. Pero masakit parin dahil nagawa nila akong ipa-ampon.
Pero hindi ako nagsisisi na ganito ako. Pero nagpapasalamat ako kay lola dahil ginawa niya ang lahat. Ginawa nya ang makakaya niya para lang walang masamang mangyari sa akin o sa amin ng taong mahal nya. Nag-sakripisyo siya kahit na masakit na sa kanya.
Kung hindi sa kanya, malamang wala na akong ngayon. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko makakasama ang totoo kong magulang. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mararanasan ang mabuhay at masilayan ang mundo. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagpapasalamat ako sa kanya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa kinakahigaan ko. Hindi ko mapigilan na huwag bumuhos ang luha ko sa mata.
"P-p-paano po a-ako na-napunta kay n-nanay?" utal utal kong tanong sa kanya. Pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nasa kawalan ang isip ko.
Kanina pa kasi naglalaro sa isip kung bakit ako napunta kay nanay. Kay nanay ako lumaki.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinunasan nya ang luha nyang nahuhulog sa pisngi nya. Bago nagsalita, humugot siya ng buntong hininga.
"S-siya ang yaya namin noon. Siya ang mayordoma ng mansion, siya katiwala namin. Kasama ang asawa niyang driver namin. D-dalawa sila ng asawa niya ang pinagkakatiwala namin sa mansion. At sila ang napili ni mama na pag-amponan sayo dahil sa malaki ang tiwala nila sa kanila. Tama nga si mama nang pinag-ampunan. Pinalaki ka nilang maganda, mabait, masunurin. Lumaki kang masipag at mapagmahal."
Nakikita ko sa mata niya ang saya habang nagkukuwento siya. Pero hindi pa rin mawala wala ang lungkot sa mata.
Naramdaman ko na lang na hinihimas himas nya ang buhok ko at hinalikan niya ang noo ko.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko nung hinalikan niya ang noo ko. Ang sarap ng pakiramdam na mismong nagluwal sayo ang gumawa.
"M-may alam po ba kayo kung b-bakit wala na po ang asawa ni inay? B-bakit hindi ko po siya n-nakita?" may pagtataka kong tanong sa kaniya at diretsong tumingin sa mga mata nya.
Umiling iling siya.
"Hindi ko alam ang nangyari sa asawa ni manang Tess, iha. Pero ang balita ko. Na-aksidente siya." malungkot nyang sagot sa tanong ko.
Bigla naman akong nalungkot dahil nangyari sa asawa ni inay. Ang sakit siguro ng mawalan ka ng asawa. At mag-isang bumuhay sa akin.
"Hayaan mo, anak, mai-kukwento din sayo ng nanay mo Tess ang mga yun." nakangiti nyang sabi sa akin habang hawak hawak nya ang kamay ko.
Tumango tango naman ako. At napababa ang tingin ko. Matapos siyang kwinento ang lahat lahat. Hindi ko pa rin ang ipapakita ko sa kanya. Naiilang ako.
"Hanggang ngayon pa rin ba, nahihiya ka pa rin akong tawagin na mommy? Dapat huwag ka ng mahiya dahil araw araw mo na yun ang tawag mo sa akin. Dapat sanayin mo na ang sarili mo." mahaba nyang sabi.
Bigla akong napakunot. Parang may ibig sabihin ang sinabi nya.
"Po?" diretso akong tumingin sa mga mata nya. Tapos bigla siyang ngumiti sa akin.
"Simula ngayon, sa bahay kana natin tumira. Kasama ang daddy at kapatid mo. Gustong gusto ka na naming makasama at mabuo ang pamilya natin." nakangiti nyang sagot sa akin.
Nanlaki naman ang mata dahil sa sinabi nya.
Ano daw? Sa kanila na ako titira?
Paano naman si nanay kung sa kanila na ako titira? At isa pa, nahihiya ako.
"P-po? D-doon po ako titira sa inyo? Ayoko po!Nahihiya ako." gulat kong sabi sa kaniya.
Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Dahil nakita ko kasi na may dumaan na lungkot sa mukha.
"A-ayaw mo ba k-kami kasama, anak? Gustong gusto ka na naming makasama at m-mabuo ang p-pamilya natin." malungkot niyang sabi, medyo mahina ang pagkasabi nya pero dinig na dinig ko pa rin.
Biglang may kumurot naman sa puso ko ng marinig ko ang boses niyang malungkot. Siguro ganun talaga ang magka-dugo, kung malulungkot siya, bigla kana lang din malulungkot.
Medyo nataranta din ako.
"H-hindi naman po sa ayaw ko po kayong m-makasama. Kasi po, ayaw kong iwan si inay. M-matanda na siya, wala siyang kasama kapag umalis na lang ako ng ganun ganun." taranta kong sagot.
Baka sabihin nyang ayaw ko sa kanila. Baka iba ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.
Hindi ko lang maiwan si nanay sa bahay. Kahit nalaman ko na hindi siya ang tunay kong ina. Kahit hindi siya ang nagluwal sa akin. Tinuring ko pa rin siyang totoong magulang. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi nya ako pinabayaan.
"Mahal na mahal mo talaga ang nanay Tess mo. Naiinggit ako kasi siya, tinatawag mong nanay." may pagtatampo nyang sabi sa akin.
Bigla naman akong napaiwas ng tingin.
"P-pasensya na po, n-nahihiya po kasi ako." nahihiya ko pa ring sabi sa kaniya.
Umiling iling na lang sya at hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.
"Baby, ako lang ito. Bakit ka naman nahihiyang tawagin akong mommy e, totoo naman na mommy mo ako at anak kita??."
Napakamot na lang ako ng ulo.
"Kasi po....."
Natawa na lang sya. "sige nga, tawagin mo nya akong mommy."
Halos mabulunan naman ako dahil dun. Isang word lang pero hirap na hirap ko nang sabihin. Hay.
"Sige na!!! Sasabihin na yan." pangungulit ulit ni mommy Devi.
Fine. Tatawagin ko na syang mommy. Baka sabihin pa nyang pa-arte pa ako. Bahala na kung mautal-utal ako. Nahihiya pa rin ako e.
"M-m-mommy.." utal utal kong sabi.
Nakita ko naman na medyo napatawa siya. Kaya bigla akong napa-busangot. Sabi ko na, tatawanan nya ako.
Bumalik na sa dati si mommy Devi na makulit at masayahin. Laging nakangiti.
"Pft!!"
"N-naman po eh!!" naka-ngusong reklamo ko sabay kamot ng ulo.
"Ikaw talagang bata ka, sige na nga huwag mo na nga akong tawagin na mommy. Kung gusto mo, tawagin mo na lang akong nanay o ano. Parang nahihirapan ka kasing bigkasin ang pangalan ko. Pft!!" natatawang pagsusuko nya.
Napa-isip na lang ako, mas gusto ko siyang tawagin syang nanay. Ang sosyal kasi pag-mommy ang itatawag ko sa kanya.
Kaya mama na lang. Hehe.
"Mas okay po sa akin na mama ang tawag ko po sayo. Medyo sosyal po kasi sa akin yung mommy." nakangiti kong sabi sa kaniya.
Nakita ko siyang napatigil at biglang napatitig sa akin. Pero hindi na ganun ang ilang ng titigan nya ako ng ganung tingin.
"Bakit po?" takang tanong ko.
Umiling iling sya at ngumiti sa akin. Tumayo naman siya sa kanyang kinakaupuan at biglang umupo sa tabi ko, kaya medyo napausog ako para may maupuan siya.
Naramdaman ko na lang na hinalikan nya ako sa noo. At hinaplos haplos ang buhok ko.
"Masaya ako dahil nakikita na kitang ngumingiti tulad ng nakikita ko noon. Sana mapatawad mo ako dahil sa nangyari noon, pinagsisihan ko ang nangyari. Kahit hindi mo ako mapapatawad, handa akong maghintay ng matagal hanggang mapatawad mo na ako ng lubusan." malungkot nyang pahayag sa akin. Habang nakatingin diretso sa mata ko.
Kitang kita ko ang pagsisisi sa mata nya matapos nyang sabihin iyon.
Napakagat naman ako ng labi.
"Huwag nyo na pong sisihin ang sarili nyo. Walang sinuman po ang may kasalanan sa nangyari. Hindi naman po ako galit e. Pero sa una lang, dahil sa lahat ng mga nalaman ko. Parang may tumutusok sa dibdib ko. Pero nang marinig ko ang kwento nyo, parang biglang nawala ang mga galit at pagmuhi. Nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi dahil sa ginawa ni lola na ipa-ampon ako, hindi ako ngayon nandito. Baka nakuha na ako ng taong mga gusto akong kunin at patayin. Kaya please po, huwag nyo na pong sisihin ang sarili nya. Matagal kana po kitang pinatawad." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Ngumiti na lang ako pero may luha pa rin na pumapatak sa pisngi ko. Tears of joy.
Matapos kong sabihin yun, bigla akong nakahinga ng maluwag. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi na ang dapat sabihin.
"A-anak!!" humagulgol siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Para ayaw nya akong bitawan.
"Mahal na mahal ka ni mama." bulong nya sa tainga ko.
Napangiti na lang ako kahit hindi nya nakikita.
"Mahal na mahal ko din po kayo, mama." nakangiti kong pagsagot.
"Bakit kayo lang ang mag-kayakap? Isama nyo naman kami diyan."
Sabay kaming napatingin ni nanay sa labas ng pinto. Nakita naman ang asawa at anak nya, na ang tatay at kapatid ko.
"Ano pa ba ang hinihintay niyo, halika na kayo?" nakangiting binuka ni nanay Devi ang braso nya.
Nakita ko na lang ngumiti sina Devin at si tatay. At patakbo silang lumapit sa amin.
Napangiti na lang ako dahil para silang bata na sabik na sabik.
Laking gulat ako ng hindi nila pinansin ang braso ni nanay Devi na nakataas parin. Tapos bigla nila akong dinambahan ng yakap.
"Baby/ Babysis!!" sabay nilang tawag sa akin at ang higpit ng yakap nila sa akin.
Pero hindi ko na lang yun pinansin pa at niyakap din sila pabalik.
"Hmp!! B-bakit hindi nyo ako sinali?? Nakaka-hurt ah." pagmamaktol ni mama Devi.
Kaya sabay sabay kaming tumingin sa kanya. Nakita ko na nakanguso siya pero ang lawak lawak ng ngiti sa kanyang labi.
Natatawang isinama namin siya sa yakapan.
"Group hug." sigaw ni Devin.
Natawa na lang kami dahil dun.
Ang saya
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Hindi ko inaakala na darating ang panahon na ito. Ang saya pala na may buo ang pamilya.
Hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko habang yakap yakap sila.
*****
"Tahan na sa kakaiyak, nay, baka mamaya niyan malulunod na tayo dito sa loob dahil sa kakaiyak mo." pagbibiro ko sa kanya at hinahaplos haplos ang likod nya.
Kanina pa siya umiiyak e. Kanina pa siya hingi ng hingi ng patawad. Sinabi ko nang pinapatawad ko na sya pero hindi pa rin siya tumitigil sa paghingi ng paumanhin.
"Nay naman, hindi ako galit sayo. Tumigil na nga po kayo sa kakaiyak. Sige ka, hindi na talaga kita papatawarin." pananakot ko para tumigil na siya sa kakaiyak.
Bigla syang tumigil sa pag-iyak at biglang kumalas sa pagkayakap sa akin.
Natawa naman ako kay nanay pananakot lang pala ang magpapatigil sa kanya sa pag-iyak at paghingi ng tawad. Kung kanina ko pa yun sinabi, edi kanina pa tumigil sa kaiiyak. Psh.
Tawang tawa naman akong nakatingin sa kanya habang siya nagpupunas ng luha sa mata at pisngi.
"Sorry talaga anak dahil naglihim ako sayo. Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. Ang totoo mong magulang. Naaawa din kasi ako noon, dahil sa kalagayan mo. Hindi ko din matiis na may mangyaring masama sayo, alam kong gaano ka kamahal ng pamilya mo. Naalala ko noong kalong kalong ka ng lola mo. Si madam Cynthia, nagmakaawa sa akin noon na ampunin ka namin. Dahil ayaw ka nyang ipaampon sa iba dahil wala siyang tiwala, baka daw mapabayaan ka nila. Ako at ang asawa ko lang ang pinagkakatiwalaan niya noon. Dahil din naaawa kami at dahil malaki din ang utang na loob namin sa pamilya niyo, inampon ka namim, inalagaan abot ng makakaya namin." mahaba haba nyang kwento sa akin.
Hindi ko namalayan na napaluha na lang ako. Ganun pala ang nangyari noon.
Nagpapasalamat ako dahil sa kanila. Nagpapasalamat ako dahil sila ang naging magulang ko kahit hindi siya ang nagluwal sa akin.
"Kita mo na, ikaw naman ang umiiyak ngayon. Hay naku talagang bata ka. Bakit ka ba umiiyak?" may luha sa mata na tanong ni nanay Tess.
"Tigilan na nga natin ang kakaiyak. Ngayon na ang araw na lilipat tayo sa mansion ng totoo mong magulang. Kaya huwag ka nang umiyak baka sabihin nilang pinaiyak kita."pagsasaway na biro ni nanay sa akin.
Sinabayan pa ng tawa. Wala din ako sa sariling napatawa na lang.
Dalawang araw na ang makalipas mula nang makalabas ako ng hospital. Hindi na natuloy ang birthday ko este namin ni kuya Devin. Yes, kuya, mas nauna siyang lumabas sa akin, kaya kuya ang tawag ko sa kanya.
Kaya naman pala walang pasok noong biyernes ng hapon dahil pinaghahandaan ang birthday celebration nya. Kaya hindi nya naituloy dahil sa nangyari.
Hindi pa sana noong araw na yun ang sasabihin nila ang totoo. Pero nangyari na ang nangyari. Pagtapos sana daw nang birthday naming dalawa, doon na nila ipagtatapat ang totoo.
Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi pa tumagal ang paglilihim nila. Hindi naman maganda sa simula pero at least okay na lahat. Napatawad na namin ang isa't isa.
Nakahinga na kami nang maluwag.
Sabi nila matutuloy daw ang birthday celebration namin kahit tapos na, isabay daw ang pagpapakilala nila sa akin bilang isang Harris.
My gosh! Kinakabahan ako sa araw na iyon. Sana hindi nila ako makilala na ang Devon, na lagi nilang inapi at kinukutya. Imposible naman na makilala nila ako dahil wala na yung malaking salamin sa mukha ko. Hindi na buhaghag ang buhok, halos sakupin na ang buo kong mukha. Hindi na din sobrang kapal ng kilay ko.
Sana nga at hindi nila ako makilala. Ang mga kaibigan ko lang ang nakakaalam na ganito ang anyo ko ngayon. Siyempre sila ang may pakana ang lahat ng ito, kung paano ako gumanda. Hay, ang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanila.
Biglang pumasok sa isipan ko si Calvin.
Oo nga pala, sinabi ni nanay noong sabado ang nangyari sa akin noong pumunta sila sa bahay para sana i celebrate ang birthday pero si nanay ang nadatnan nila sa bahay. Kaya dun na sinabi ni nanay ang nangyari. Hindi niya sinabi sa kanila ang totoo. Na may nangyaring hindi inaasahan. Sinabi nya lang na sinugod ako sa hospital gabi ng biyernes.
Noong nalaman nila yun, tinadtad nila ng puro text at tawag ang key pad kong cellphone. Hindi ko nasagot ang tawag nila dahil naka silent at busy din ako sa araw na yun. Alam nyo na.
Pero mas nangingibabaw ang si Calvin. Halos minu-minuto kung mag-text at tumawag. Kaya ayun, kilig na kilig ang lola nyo. Parang naiihi ako sa kilig.
Totoo kaya ang inamin nya sa akin na gusto nya ako? Parang kailan lang, para kaming aso't pusa kung magbangayan. Walang araw hindi niya ako iniinis.
Tapos ngayon.
Ngayon naman, inamin niyang gusto nya daw ako. Sino ba kasing maniniwala sa sinabi niyang gusto niya ako. Naalala ko pa nga na sinabi nya, ayaw na ayaw niya ako. Hindi daw ako yung tipo n'yang babae. Tapos ngayon sinabi n'yang gusto nya ako. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Minsan naniniwala ako, minsan naman hindi. Ang gulo.
Pero hindi pa rin nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Para mas lalo pa itong nadagdagan dahil mula noong hindi ko pa siya nakikita. Miss ko ang presensiya nya. Kahit lagi nya akong inaasar.
Hay naku, puro Calvin na ang nasa isip ko.
Kung matatanong kung bakit kami nag-iimpake. Ganito kasi, nagpasyahan namin na isasama nila si nanay Tess sa bahay nila nanay Devi. Dahil nga hindi ko kayang maiwan siya dito mag-isa. Wala pa naman siyang kasama dito, baka may mangyari pa sa kanya na masama. Baka hindi ko pa mapapatawad dahil sa pag-iwan ko.
At isa pa, hindi naman pumayag si nanay Tess noong una dahil daw nakakahiya sa pamilya namin. Eh! Ano naman ang nakakahiya doon? Wala di'ba?
Ang sabi nya, tatanggapin niya ang pagpunta doon pero may condition siya. Ang condition nya ay magiging kasambahay ulit siya. Nahihiya daw kasi kung wala naman siyang gagawin doon. Mas gusto niya yung may lagi siyang ginagawa.
Kaya wala kaming nagawa kundi ang pumayag sa kondisyon na yun. Medyo may katigasan din ang ulo ni nanay Tess.
Pero kahit ganun, masaya ako dahil kasama ko parin si nanay Tess. Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama sila.
"Boom!!"
"Ay taeng may toppings!!!!!" bulaslas ko ng may gumulat sa akin.
"Haha!! May tae palang may toppings!!! Pft!!" natatawang sabi ni Devin sa akin.
Kaya nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.
Anong ginagawa nya dito? Bakit hindi na si nanay ang kasama ko dito sa loob ng kwarto? Bakit ang bilis naman na nakapunta dito sa bahay?
"Anong ginagawa mo dito? Nasaan na si nanay Tess??" takang tanong ko sa kanya at binigyan ng kunot na noo.
"Ouch naman babysis!. Hindi mo man lang ba yayakapin si kuya? Iyan agad ang bungad mo sa akin?" nagtatampo nyang sabi at napahawak pa sa dibdib nya.
"Bakit naman kita mami-miss?"
Natawa na lang ako sa isipan ko dahil sa mukha niyang biglang sumimangot matapos kong ipagtanggi na hindi ko siya namiss.
Akala ko noong una, seryoso itong kambal ko, pero nagkamali ako. May pagmakulit din pala.
"Oo na, oo na, huwag ka nang sumimangot diyan. Hindi naman sayo bagay. Sige na, miss na din kita." natatawang pag-susuko ko sa kanya.
Mas humaba pa ang nguso nya. Na mas lalong kinatawa ko. Buti naman at magkasundo agad kami. Hindi kagaya ng iba. Hehe! Ang saya pala ng may kapatid at may kambal. Hmm.
"Ang aga naman nyong pumunta dito? Hindi naman kayo excited diba?" natatawang tanong ko.
Napakamot siya ng ulo at umupo siya sa tabi ko.
"Ewan ko kina mommy, excited ka nilang makasama e. Kagabi pa sila excited. Baka kung hindi ko pa pinipigilan na huwag pumunta dito, kagabi pa sila nandito. Pfft!!" natatawang kwento nya sa akin.
"Pfft!!" natawa na lang din ako.
"Grabe naman ang excited nila e dun na naman kami titira e." sabi ko.
Kabit balikat siya. "Yun din naman ang sabi ko, ewan ko ba sa magulang natin."
Napailing na lang ako at napatawa.
Dahil tapos na naman ni nanay na ayusin lahat ng mga gamit namin. Hindi na kinuha ni nanay ang lahat ng gamit nya, uuwi daw siya dito kada sabado at linggo.
"Nasaan sila mama Devi??" tanong ko sa kaniya.
"Nasa labas pinapahakot ang mga gamit na kukunin nyo. At baka kausap na nila mommy si nay Tess." pagsasagot nya sa tanong ko.
Kita mo to, nakiki-nanay din kay nanay Tess. Hehe!
Tumango ako sa kanya at tumayo na. At niyaya nang lumabas.
Paglabas namin. Tama nga siya, nakita namin sa sala na may pinag-uusapan. Nang makita nila kaming lumabas sa kwarto. Agad na tumayo si mama Devi at lumapit sa akin para yakapin ng mahigpit, ganun din si papa Micheal. Nasanay na akong tawagin silang mama at papa. Hehe.
"Na-miss ka namin, anak. Kaya agad kaming pumunta dito. Haha! Excited na kaming makita ka at makasama. Mula ngayon araw araw na tayong magkakasama." nakangiting sabi ni mama Devi at hinalikan niya ang noo ko. Ganun din ang ginawa ni papa Micheal.
Gumaan ang pakiramdam ko nang dahil sa sinabi nila. Kaya ngumiti na lang ako at niyakap sila pabalik.
"Na-miss ko din po kayo."
Agad kaming kumalas sa pagyayakapan. Ngumiti lang sila at biglang ginulo ang buhok ko. Kaya napasimangot na lang ako na ikinatawa nila.
Konting kwentuhan lang ang naganap at pinagpatuloy namin ang pag-iimpake.
Nang matapos lahat agad kaming pumasok sa isang van kung saan nandun lahat ng mga gamit namin ni nanay Tess.
****
Nakahiga na lang ako dito sa kama ko dito sa mansion nila mama Devi. Katatapos lang namin ang magkwentuhan nang kung ano ano. At medyo napagod din ako sa kaka-ayos ng kwarto ko.
Grabe ang lawak ng kwarto ko. Halos magkakalayo ang mga kagamitan. Parang ganito na kalaki ang bahay namin ni nanay Tess e.
Pero wala pang masyadong design. Yung parang mga displays. Pero ang sabi nila, bibili daw kami.
Pero itong higaan ko at meron din couch dito medyo malayo sa kama ko. Kulay purple at may konting white na design. May magkabilang kabinet dito sa tabi ng kama ko. Pero yung isa, nasa ibabaw ay lamp shade. Yung isa paglagyan ng mga gamit na ano ano.
May mga pictures din sa mga dingding. Yung iba mga pictures ko noong bata ako na buhat buhat ako ni nanay Tess. Pero konti palang ang nakasabit. Pero pinapangako ko pupunuin ko ito ng maraming pitcures.
Mga masasayang pictures.
Sa susunod na araw na pala ipagpapatuloy ang birthday celebration namin ni kuya Devin ang birthday namin. Isa pa yun ang pinag-uusapan namin kung kailan. Kaya sa susunod na lang daw, excited daw sila e.
Ako din naman e. Excited na din. Magde-debut ako. Sino kaya ang magiging escort ko. Baka si Devin na lang, parehas naman kami ang mag-birthday e.
Napabaling ako ng tingin sa cellphone kong umiilaw, palatandaan na may tumatawag.
Kaya kinuha ko ito sa tabi ko at tinignan kung sino. Wait, binilihan pala nila ako ng bagong cellphone. Hindi na ito key pad. Isa na itong iPhone. Jusko, ang mahal ng bayad. Hindi ko kinaya, nalimutan ko na kasi kung nagkano.
"Hello,Trisha?"
Si Trisha ang tumatwag, akala ko kung sino na.
"Hi, Devon. Saan ka ngayon? "tanong nya mula sa kabilang linya.
Napabangon naman ako sa pagkakahiga.
"Nandito ako sa bahay nila nanay Devi." sagot ko dito.
Napahawak agad ako sa bibig ko nang masabi ko ang nanay Devi. Syet! Nadulas ang bibig ko.
"Huh? Sino si nanay Devi? Diba, Tess ang pangalan ng nanay mo?" takang tanong nya bigla kaya medyo kinabahan naman ako dun.
Gusto ko sa personal ko sasabihin ang totoo sa kanila. Hindi dito sa cellphone. Kaya hindi agad ako nakasagot sa tanong nya sa akin.
Napalunok ako. At medyo hindi pinahalata ang pagkabigla ko.
"Huh!! Anong nanay Devi ka diyan. Nanay Tess ang sinabi ko, ikaw talaga kung ano ano ang naririnig mo." pagbabawi ko.
"Ah! akala ko kung nanay Devi yung sinabi mo. Aish! Kung ano ano na naman kasi ang nasa naririnig ko." sabi nya mula sa kabilang linya.
Nakahinga naman ako dun ng maluwag. Akala ko kung mabubuking na ako e.
"Ano pala ang sasabihin mo? Wala na ba kayong klase?" takang tanong ko naman.
"Pfft! Lunch time na namin, Devon. Kaya malaya kaming makatawag sayo. Psh!" natatawang sagot nya. Rinig na rinig ko ang tawanan sa paligid nya.
Napasimangot ako bigla. Kaasar talaga ang babaeng ito, binara ako.
"Oo na, oo na. Bakit ka pala napatawag?" tanong ko ulit.
"Bakit ka pala hindi pumasok ngayon? Hindi parin ba maganda ang lagay mo?" tanong nya.
Napatigil naman ako. Oo nga pala, hindi nasabi kung bakit hindi ako pumasok ngayon. Hehe! Nawala sa isip ko. Pero pinaalam naman ako ni mama Devi sa mga subject teachers ko. Baka nga takang taka sila kung bakit ako ine-excuse e.
"Okay na ako, at wala lang gusto ko lang ang huwag pumasok. Gusto ko ding matry ang umabsent. Haha!" natatawang sagot ko dito.
Narinig ko namang tumawa siya. "Haha! Baliw ka talaga. Gusto mong pumunta dito? Nandito kami ngayon sa likod ng mall."
Medyo nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Ano? Anong ginagawa nyo diyan? Hindi ba kayo sinita ng guwardiya dahil lumabas kayo? Bakit naman ang layo n'yong kumain ng pananghalian?" sunod sunod kong tanong sa kaniya.
"Chill lang, bhes. Isa isa lang ang tanong, mahina ang kalaban." narinig ko naman silang nagtawanan.
Napasimangot na lang ako.
"Edi wow!!" yun na lang ang nasabi ko.
"Heto sasagutin na. Trip lang namin dito na kumain. Nakakasawa na din kasi ang ulam sa cafeteria. Miss na namin ang luto mong.....
Banana que!!!" natawa ako ng malakas dahil sabay sabay silang nagsalita. Favorite talaga nila ang luto kong iyon.
"Haha! Kayo talaga. Sige ipagluluto ko kaya kung makakabili ako ng saging. Hehe!"
"Whoa!! Yan ang gusto namin sa iyo e." sabi nila. Kaya napangiti na lang ako.
"Sige pupunta ako diyan, magbibihis at mag-aayos lang ako."
"Sige, sige. Ingat ka okay?"
"Oo naman, bye na."
"Bye!"
*****
Nagbihis na lang ako at inayos ang sarili. Napapatitig na lang ako sa salamin. Hindi na kasi pangit ang bubungad sa akin akin, kundi isang babaeng maganda. Haha!!
Nang matapos ako sa pagbibihis. Agad akong lumabas ng kwarto. Nang mapadaan ako sa sala namin. Nakita ko sila doon na nagkakape, kahit tanghaling tapat.
"Oh saan ka pupunta, nak? Bihis na bihis ka a?" tanong ni papa sa akin. Siya kasi ang unang nakakita sa akin.
Kaya napabaling naman ang tingin ni mama at ni nanay sa akin.
"Saan ka pupunta nak?" tanong ni mama.
"May date ka, iha?" tanong naman ni nanay sa akin.
Kaya napakamot na lang ako ng ulo.
"Magkikita kita lang po kami ng mga kaibigan ko sa mall. Hindi ko po alam kung bakit anong nakain ng mga yun para mag-aya e." nahihiya kong sagot sa kanila.
Napangiti naman sila sa akin.
"mag-ingat ka doon, baby, ha? Huwag kang magpapagutom, kumain ka kung nagugutom ka." pagbibilin ni mama.
"S-sige po." mahinhin kong sagot.
"Sandali at tatawagin ko lang si Miller para ihatid ka sa mall na pupuntahan mo." prisinta ni papa.
Agad naman akong umangal.
"Wag na po papa. Kaya ko naman ang pumunta doon." pagtatanggi ko.
"Sigurado ka, 'nak?" nag aalalang tanong ni mama.
Ngumiti na lang ako sa kanila." Opo. Sige una na ako." agad akong lumapit sa kanila at isa isang hinalikan sa pisngi.
*****
Agad akong nakarating dito sa mall. Dito yung huling pinuntahan namin ngayon. Iginaya ko na lang ang paningin ko sa loob at agad na lumakad papuntang likod ng mall.
Nang makarating ako doon. Nakita ko silang lahat. Napangiti ako ng makita kong nag-aasaran sila.
Pero wala sa kanila ang hinahanap ng mata ko. Napakunot ako nang hindi ko siya makita. Bakit wala siya dito?
"DEVONNNNN???!!!!"
Nagulat naman ako ng tumakbo sila sa akin at dinambahan ng yakap... Halos hindi ako makahinga.
"H-Hindi na ako makahinga." reklamo ko na sa kanila.
Kaya natatawang kumalas sila ng yakap sa akin at hinila ako sa pwesto nila.
Kung saan nagtapat sa akin noon si Calvin.