Chapter 4: C3

Ang Boyfriend Kong Adik Sa Kiss (Part 1)Words: 6803

🍒🍉Chapter Three : EHU🍉🍒

🍌Khaye POV🍌

Matapos kung mapa alis kagabe ang asong yun sa kwarto ko ay kaagad na akong natulog.Buti nalang at nakatulog pa ako.Buti nalang din sound proof tong kwarto ko.Hudyat na di makakapasok ang ingay mula sa labas.

Kasalukuyan na kaming kumakaing apat dito sa hapag.Dito na natulog si Zion dahil nalasing.Si Trevix din.Naglalandi pa kase kaya di na naka uwi.

"Alam ba ng ama mo na naka uwi kana,apo?"basag ni Granny sa katahimikan.

"H-hindi pa"kinakabahan kong tanong.Baka ipaalam ni Granny "Granny di mo naman siguro sasabihin kay Daddy diba?"

"Oo naman.Malakas ka kaya saakin"

"Sya lang?"singit ni Trevix nang nakanguso habang kagat ang hotdog.Natawa naman ng mahina si Granny

"Syempre kayong tatlo."nakangiting sagot ni Granny at binalingan ako "Bat pala ayaw mong ipaalam?"

"Dzuh!Sa kompanya lang ang bagsak ko pag pina alam ko pa.Gusto ko lang naman ma feel maging free kaya secret muna Granny"

"Oo naman.Parehas lang pala kayo ni Zion.Kung di nya ako tinulungan dun sa nang snatch ng bag ko baka nasa kompanya din yan.Mga kabataan nga naman"

"Bakit ka nandito Trevix?"tanong ko sakanya

"Naghahanap ng malalan—"

"Wag munang ituloy"putol ko sakanya.Narinig ko pang tumawa si Granny.

"Alam ba ni Lucille na nandito ka?"tanong saakin ni Lola maya-maya

"Opo!Nahirapan pa nga akong paamuhin buti nalang talaga pumayag"

"Mabuti nalang talaga di yun sumama dito.Baka bugbog sarado na ako pag uwi"singit ni Trevix.

"Sayang nga di sya pumun—"

"Okay kaya"putol saakin ni Trevix.Inirapan ko nalang sya.

"Nga pala Zion"nabaling ang tingin naming tatlo kay Zion na kanina pa tahimik.Ngayon ko lang napansin na ang gwapo nya pala pag malapitan—wala akong sinabi.

"Po?"Zion

"Di ka pa ba hinahanap ng pamilya mo?"

"Hinahanap.Pero di nila ako madala kase natatakasan ko ehh"sagot nya.Tumawa ng mahina si Granny at umiling.

"Astig haa"singit ni Trevix.Ang hilig talagang sumingit.

"Nga pala apo,enenroll ko na kayong dalawa ni Zion kanina sa EHU.Pasok na kayo kaagad dahil kaibigan ko ang may ari nun.

"Ako Granny?"

"Gago!Dun kana kaya nag aral"sabi ni Zion kay Trevix

"Ayy oo nga pala"

"Zion ikaw na ang magbantay sa apo ko habang nag aaral kayo"

"Opo"Zion

"Di na ako bata"nakangusong sabi ko.

"Alam mo naman Zion.Ang mga babae mahilig sa gala—"

"Di ko pa kabisado ang pinas kaya imposibleng makakagala ako"putol ko kay Granny

"Ahh basta.Yun na Zion,okay lang ba?"

"No problem Lola.Mabait naman si Khaye kaya okay lang"nakangiting sagot ni Zion at nginitian ako.Ghad!Yung dimple nya lumitaw

"If that so,Mag libot muna kayo sa EHU dahil sa lunes na ang pasukan.Mamasyal mo na kayo"

"Sama ako"trevix

"Ghe lang apo"sagot ni Granny

*****

"Saan tayo mauuna?"tanong ko sa dalawa na nasa likuran ko.Medyo madami-dami din ang nga estudyanteng nandito.Naglilibot din siguro. Nakasuot ako ng sunglasses at mask na may design na we bare bears.Ganun din si Zion.Si Trevix sinulit muna ang fans nya.Habang kami ni Zion tamang sunglasses at mask lang.Ang hirap palang magtago.

"Sa field nalang muna.Magpahinga din tayo dun"sagot ni Trevix.

Hinintay ko na sila dahil di ko pa naman alam kung saan ang field nila ehh.

Pagkarating namin sa field ay kaagad naming nakita—I mean kaagad kaming nakita ng mga nagkukumpulang kakabaihan.Bigla nalang silang tumili.

'Kyaaahh!'

'Ang pogi ohh'

'Familiar yung dalawang nakamask'

'Di kaya sina—omyghad'

'Baka naman hindi'

'Imposible kaya'

'Oo nga nandun pa nga sa states si Keira at Zion'

'Kyaaahh poggii'

'Anong pangalan mo pogi??'

"Andami ko ng ula—aray naamn"daing nya dahil sabay namin syang binatukan ni Zion.Ang bastos ng bibig.Maglalandi na naman toh. "Bat ba kayo nambabatok ha?!"

"Tumigil ka nga kakalandi mo"ako

"Taena dre,Andami nyan"Zion

(¬_¬)ノ — ako

(*^▽^*) — trevix

"Kaya yan,ako pa"

"Ituloy mo Trevix."may halong pagbabanta ko. "Baka naman gusto mong isumbong kita kay Kuya Tyron—"

"Wag sakanya baka patayin ako—"

"Jan ka na nga Trevix"putol ni Zion sakanya at naupo na isang bench malapit saamin.Kaagad nman akong sumunod at naupo narin sa tabi nya.Si Trevix padabog ring umupo sa tabi ko.Naramdaman kong nag vibrate ang selpon ko sa bulsa ko sa pantalon.Kaagad kong kinuha ito at tinigan kong sinong tumawag,si Lucille lang pala.Akala ko tawag yun pala vedio call.

"Ano na namang kailangan mo?"bungad ko sakanya.

"Ang sama mo talaga kahit kailan"sagot nya "Anong fashion yan ate?"natatawang tanong nya ng makita nyang nakamask ako.

"Di ba obvious?"

"Grabe ka talaga,btw asan ka?"

"Sa school,bakit—"di ko natapos ang sinabi ko dahil kaagad na inagaw ni Trevix ang selpon kung we bare bears.Charott design lang.

"Hoii babae may atraso ka pa sakin"

"Di ko ibibigay yun pag di ka tumigil sa paglalandi mo"

"Aish!Puntahan kita jan sa bahay nyo—"

"Subukan mo lang dahil di ako magdalawang isip na isumbong ka kay Ate Trixie at Kuya Tyron"kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa sinagot ni Lucille.Gusto ko na talagang tumawa.Kawawa talaga si Trevix

"Bakit ba under ako sa inyong lahat huh?Si Kuya Kent at Kuya Lance ang kakampi ko dito"ang hirap magpigil ng tawa.Ghad!

"Wag mong isali ang kuya namin.Tsaka di kana matutulungan nila dahil buzy.Z as in Z.Kuha mo?"

"Ibigay mo na saakin ang selpon ko"

"Ayaw ko nga"

"Nagtext na ang mga chickababes ko jan"

"Oh yes!Nabasa ko sa messenger mo.Kahit nasa 40+ na pinapatulan parin.Dzuh"

"Di pa naman matanda ehh"

"Hay naku couz!Makarma ka sana sa mga ginagawa mo"

"Ewan ko sayo basta puntahan kita jan mamaya pagka uwi namin"inis nyang sabi at binigay saakin ang selpon.

"Ate,may atraso karin saakin"

"Ano?"

"Di ko pa sinasabi kay Daddy na nandito kana sa pinas kaya may ipapagawa ako sayo.Dare lang pero pwede mong totohanin tutal crush mo naman yun matagal na ayaw mo lang talagang umamin"

"S-sino?"

"Si kuya Zio—"

Inend ko na ang tawag dahil malapit na nyang masabi ang pangalan nun kahiya naman.Katabi ko pa namn.Inaamin ko ng crush ko si Zion noon dahil ang pogi nya sa mga pose nya sa bawat magazine.Pero lahat ng yun naglaho ng makita ko ang ugali nya.Suplado ehh kaya uncrush na.Si Choi Soobin na ang bago kung crush at malapit na akong i crushback nun.Charott.

Nag vibrate ulit ang selpon ko kaya sinagot ko na ito.Buti nalang tawag na di na vedio call.Tumayo muna ako at lumayo ng bahagya sakanila.

"Nawalan ng signal?"

"Hindi!Alam mo bang nasa tabi ko sya?ha?"

"Talaga?Omyghad ate!Nakita mo na sya in person?"

"Yes"

"Perfect!Sasabihin ko na sayo ang dare at sa monday muna gagawin.Okwe ba?"

"Alright!Ano ba yan?"

"Sabihin mo.'Zion Ken Lee gusto kita ay mali mahal pala kita—"

"Ano?!"pasigaw kong tanong sakanya

"Bye!"paalam nya at pinatay na ang tawag.Naramdaman kong nagvibrate ulit ang selpon.Sa puntong ito ay text message na.

'Gawin mo kung ayaw mong sabihin ko kay daddy na nandito kana sa Pinas.

Ingat ka jan mahal kong ate,Labyoww<3'