Back
/ 38
Chapter 24

Chapter 21

Goal on the Pitch

Napakabilis talagang lumipas ng panahon. Parang kailan lamang ay namomroblema pa ako kung sino ang aking magigibg interviewee para sa aming research. Ngayon ay tapos na ang aming ikatlong markahang pagsusukit at ilaw buwan na lamang, matatapos na ang aming unang taon sa senior high school. Napakabilis.

Pinasadahan ko si Kyle ng tingin na kasalukuyang nakatutok ang mga mata sa librong binabasa. Iyon ang libro nina Hani at Kean.

Tapos na kaming kaumain at nauna nang umalis si Cleo. Maydoon ap raw siyang gagawin. Ang sabi niya, president duties.

"Kamusta naman iyong pagbabasa mo, Kyle?" tanong ko at matipid na ngumiti. Nasa gazebo kami at nakaupo nang magkatapat. Ang aking mga kamay ay nakasandag sa upuan.

Isinara niya ang libro at maingat iyong inilagay sa kanoyang kandungan bago tumingin sa akin. Bumuntong-hininga siya. "Relate na relate ako kay Keance," malumanay niyang sambit. Ang mga mata niya ay nakatutok at nakatingin sa akin nang seryoso. Naroong muli ang kinang na palagi kong nakikita. "Alam mo iyon? Iyong gustong-gusto mo iyong isang tao pero sa tuwing sinusubukan mong umamin, natotorpe ka lang. Kapag nakikita mo na siya, bumabaluktot ang buntot mo."

Kumibot ang aking mga labi. "Talaga? Sinusubukan mo na ring umamin?"

Nakanguso siyang tumango. "Oo. Pero iyong babaeng gusto ko kasi.. parang mamahaling vase. Isang maling galaw ko lang, baka mabasag siya, baka masaktan ko siya. At ayoko no'n. Ayoko soyang saktan syempre. Gusto kong palaging makita siyang nakangiti."

"Hmm.." Napatango ako. Iwinagayway ko ang aking mga paang hindi umabot sa semento. "Close ba kayo?"

"Magkaibigan kami."

"Ganon ba.. Mahirap nga iyon. It's either take the risk or protect your friendship." Mula sa baba ay nag-angat ako sa kaniya ng tingin. "Ikaw, Kyle? Anong napili mo sa dalawang iyon?"

"Hindi ako sigurado." Tinapay siyang ngumiti at itinapon ang mga balikat sa ere. "Gusto kong malaman niya kung gaano siya kaimportante sa akin pero ayoko rin siyang lumayo sa akin."

"Pero malay mo, may gusto rin pala siya sa iyo?" mabilis kong segunda. Ganoon naman iyon, hindi ba?

"Tingin mo?"

"Hindi ko alam." Nagkibit ako ng balikat. "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Sabi ni Kuya Jaspi."

Bumagsak ang kaniyang mga balikat kasabay ng kaniyang tingin. Nagbuga siya ng hangin na gumawa ng tunog. "Nakakatakot sumugal."

"Kaya huwag kang sumugal. Kung tama naman ang ginagawa mo, hindi mo na kailangan pang sumugal."

𓍯𓂃𓏧𓍢ִ໋🀦

"Isa, manonood ka naman bukas, 'di ba?" tanong ni James nang lumapit siya sa akin. Ang bola ng soccer ay hawak pa niya sa kaniyang bewang. Isa siya sa mga kapwa manlalaro ni Kyle.

"Hindi ko pa alam," mahina kong sagot habang bahagyang nakatingala. Nakatayo kasi siya sa aking harapan. Galing siya sa soccer field kung saan sila naglaro kanina.

"Sama ka na," gatong naman ni Patrick, iyong boyfriend ni Abbie na kasama kong nanood noong nagkaroon sila ng friendly game sa labas ng aming paaralan. "Sabay ka na sa school bus ng school para sa 'min."

"Hindi na." Nahihiya akong ngumiti at iniling ang aking palad. "Nakakahiya naman."

"Huwag kang mahiya," masiglang tugon ni Melvin at ngumiti pa dahilan upang mawala ang kaniyang mga mata. "Kailangan rin namin ng support mo."

"Pero... hindi ako sumisigaw."

"'Di mo kailangang sumigaw," umiiling na sambit ni Patrick. "Umupo ka lang at manood, mananalo na kami."

"Pa'no naman mangyayari iyon?" Bahagyang tumaas ang aking mga kilay. Uupo lang ako..? Anong ibig niyang sabihin?

"Hoy, tantanan niyo nga si Isa!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Kyle mula sa kanialng likuran. Isa-isa niyang hinila ang kaniyang mga kasamahan sa likod ng kanilang damit, sa bandang leeg, at inilayo mula sa akin.

Naghabol sila ng pamamaalam sa akin bago tuluyang naglakad paalis.

"Sorry, ah? Mga ugok talaga iyon, eh." Umupo siya sa aking tabi at kinalikot ang kaniyang bag.

"Ayos lang iyon." Ngumiti ako. Ayos lang talaga dahil ngayon, may kumakausap na sa akin hindi lang dahil kailangan. Pakiramdam ko, hindi na ako gaya ng dati na mukhang invisible.. pero ayos lang rin iyon.

"Palit lang ako saglit." Itinaas niya ang kaniyang mga kilay na para bang humihingi ng permiso.

"Hm." Tinanguan ko lamang siya.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya dala ang kaniyang bag at tumungo sa malapit na banyo.

Makaraan ang ilang minuto ay naaninag ko si James na naglalakad palapit sa akin. Iba na ang kaniyang mga suot na damot. Mayroon na rin siyang hawak na juice sa kaniyang kamay. "Puwedeng makiupo?" tanong niya nang tuluyang makalapit.

"Uh.. Sige." Umusog ako upang may maupuan siya kahit na may espasyo pa naman.

"Hindi naman siguro ako bubugbugin ni Koks, ano?"

"Huh?" Nag-angat ako ng tingin upang tanungin siya.

Mapaglaro siyang ngumiti at umilibg. Tuluyan siyang umupo sa aking tabi. "Gusto mo?" Iniabot niya sa akin ang kaniyang juice.

Nakangiti akong umiling. "Salamat."

"Eh, ang manalo kami, gusto mo ba?" Tumingin siya sa akin.

"Uh.. K-kahit hindi kayo manalo, ayos lang. Basta ang mahalaga ay mag-enjoy kayo," mahinhin kong pahayag. Nilaro ko ang aking mga paa sa lupa.

"May.. favor sana kami sa 'yo, eh."

"Hm? Ano iyon?" Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang hihilingin ngunit kubg ano man iyon, sana ay iyong kaya kong gawin.

"Pwede ka bang mag-post o mag-myday ng goodluck para sa amin?"

"Ha..?" Tila ba nabingi ako sa kaniyang sinabi. Ano raw?

Tumayo siya at tumingin sa akin. "May isesend akong picture sa 'yo. Pwede mong gamitin sa post or myday kung gusto mo." Ngumiti siya nang matamis at kumaway gamit ang kamay na may hawak ng juice.

Tumango na lamang ako kahit na hindi ko pa tuluyang naiintindihan. "S-salamat."

Pagkauwi ko ay tumulong ako sa pagtutupi ng mga labada ni lola.

"Bakit po kayo naglaba eh hindi pa naman po Sabado?" tanong ko habang nagtutupi ng kurtina.

"Sa wala akong magawa rito. Alangan namang tumunganga lang ako at itanim ang puwet sa upuan?"

Tinapunan ko siya ng tingin at nakitang pinong-pino ang kaniyang paraan sa pagtutupi. Puno ng detalye.

"Dapat magpahinga na lang po kayo.."

"Araw-araw akong nagpapahinga," aniya.

Napatingin ako sa aking cellphone nang umilaw iyon. Mau notification.

James Abla sent you a photo.

Dinampot ko ang aking cellphone at tiningnan kung ano iyon. May load pa naman ako kaya nakita ko ang pinadala niyang litrato sa akin.

Awtomatiko ang aking mga labing kunurba sa nakita. Mga miyembro iyon ng soccer team. Sigurado ako kahit na hindi nila suot ang kanilang mga jersey. Nakasuot silang lahat ng pajama at may ilaw na para bang pang-party. Lahat sila ay may hawak na balloon. Ang iba ay inipit pa sa loob ng kanilang mga damit.

James Abla:

Goodeve isabelle

James Abla:

Dahil importante ka sa game namin bukas, heto ang exclusive pic na pwede mong gamitin para icheer kami

James Abla:

Advanced salamat

Bahagya akong napahagikhik. Exclusive picture? Ibig bang sabihin noon ay wala pang ibang nakakakita ng litratong ito?

Mariah Isabelle Fuertes:

Pwede ko itong gamitin?

James Abla:

Sure sure

James Abla:

There is no math problem in there

"Huh?" bulalas ko. Kumunot ang aking noo. Saan nanggaling ang math problem?

Napailing na lamang ako. Sinave ko ang litrato at nagpunta sa myday. Naglagay lamang ako ng simpleng pagbati.

"Enjoy sa game bukas💕"

Share This Chapter