Back
/ 38
Chapter 23

Chapter 20

Goal on the Pitch

"Kumustang laro niyo kahapon? Nanalo kayo?" tanong ni Cleo nang matapos kaming mag-ayos ng mga pinagkainan. Nailagay na namin ang mga iyon sa dala naming lunch bag.

"Naman!" malakas na tugon ni Kyle. Ipinakita pa niya ang muscle at mapaglarong sinuntok iyon.

Nangunot naman ang noo ni Cleo. "Anong kinalaman ng muscle sa pagkapanalo? Dapat paa mo ang binibigyan mo ng credits." Pinasadahan pa niya ng tingin tinutukoy.

Walang pag-aalinlangang itinaas ni Kyle ang paa at doon naman sumuntok.

Maliit akong napangiti at napailing. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking librong binabasa.

"Teka, una na ako." Napaangat ako ng tingin nang hablutin ni Cleo ang kaniyang bag at mabilis na tumakbo na para bang may hahabulin. "June!" rinig kong sigaw niya pa.

"Desperado talaga nito," bulong naman ni Kyle na nakarating sa aking pandinig.

Mahina akong nagbuga ng hangin bago itinuloy ang pagbabasa. Malabo talagang magkaroon ng katahimikan kapag magkasama sila..

Bumalik ang mabilis na kabog sa aking dibdib. Isang chapter at epilogue na lamang ay matatapos ko na ang kuwento nina Hani at Kean. Hindi ako makapaniwala na matatapos ko na sila. Gustong-gusto ko nang tapusin ang kuwento nila ngunit ayoko rin. Ganito talaga siguro kapag napalapit ka na sa mga tauhan na para bang tunay silang mga tao.

Mariin akong napapikit upang pakalmahin ang sarili. Dahan-dahan akong naglabas ng hangin sa aking labi.

"Tapos mo na?" tanong ni Kyle.

Nagmulat ako ng mga mata at nakitang nakaupo na siya sa tapat ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang veranda na may bubong dito sa Reading Park.

"Hindi pa," sagot ko. "Ayoko pang tapusin."

"Ano nang ganap? Sila na ba?" Mayroon kasabikan sa kaniyang boses. Tumingin siya s akin nang may paghihintay.

Muli akong nagbuga ng hangin bago isinara ang libro. "Tatapusin kong basahin mamayang gabi," usal ko na para bang nag-aanunsyo. "Matutuklasan mo ang susunod na mangyayari kapag binasa mo na." Ngumiti ako habang nakatingin sa kaniya.

Hindi ko nga lang alam kung mayroon ba siyang sapat na oras upang magbasa..

Pagsapit ng gabi, umupo ako sa aking kama at hinanda ang sarili sa pagtatapos ng kuwento. Matatapos na sila at hindi ko na ulit iyon mababasa na para bang unang beses..

Nakangiti akong natulog nang matapos ang libro. Yakap-yakap ko pa iyon dahil sa tuwa. Napakagaan niya sa puso. Tila ba kilala ko sila sa personal at nakita ko lahat ng mga pinagdaanan nila. Masaya ako na nakuha nila ang masayang wakas na karapat-dapat para sa kanila...

𓍯𓂃𓏧𓍢ִ໋🀦

"Heto na ang libro ko, Kyle." Walang pag-aalinlangan kong iniabot sa kaniya ang aking libro. Tiwala akong ibabalik niya nang maayos ang libro ko.

May magaang ngiti sa kaniyang labi. Maingat niyang tinanggap ang libro at ineksamina iyon. Maingat ang kaniyang mga kamay sa pagbukas at pagbuklat niyon.

"Sana magustuhan mo rin ang kanilang kuwento," usal ko pa habang pinapanood siya. Hindi siya taguan ng anak. Taguan lang ng nararamdaman...

Iyon ang pangunahing problema sa librong iyon. Light at easy read lang siyang maituturing. Magaan sa damdamin subalit tgaos hanggang tissues.

Umupo kami sa parte ng library na wala masyadong tao. Mas magandang mag-review sa tahimik na lugar. Malapit na kasi ang aming exam kaya kailangan na namang mag-review. Wala namang gurong nagtuturo sa amin ngayon dahil busy raw silang gumawa ng mga test paper.

Inilabas ko ang aking mga notebook at libro at saka nagsimulang mag-review.

"Tingin mo.."

Napatingin ako sa kaniya at nakitang may hawak siyang ballpen habang tila winawagayway iyon.

"Nakakapagsulat sa tubig ang fountain pen?" Seryoso ang kaniyang boses at ganoon rin ang kaniyang mukha.

"Subukan mo," tanging turan ko. Napailing na lamang ako.  Ang random niya minsan.

Isang linggo ring walang pagsasanay ang soccer team upang makapag-review kaya naman sinasamahan ako ni Kyle upang mag-aral. Nag-aaral rin siya ngunit kapag dumaraan na ang kalahating oras, nakakatulog na siya. Hindi ko na lamang siya ginigising dahil baka pagod siya.

𓍯𓂃𓏧𓍢ִ໋🀦

Tumingkayad ako upang abutin ang libro sa aking locker. Siguro nga tama is Kyle. Dapat makipag-usap ako na makipagpalit ng locker.. ngunit ayoko namang makaabala at isa pa, nakakahiya. Dapat akong makontento sa kung anong mayroon at naibigay sa akin.

"Aaah!"

Napatingin ako sa pasilyo nang makarinig ng sigaw at bulungan ng mga tao. Doon ay nakita ko si Kyle na nasa sahig na tila ba natapilok o nadulas.

Umugong ang tawanan ng mga estudyante.

Mabilis akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at tinulungan siyang tumayo. "Ayos ka lang?" tanong ko at tinignan kung nagkaroon ba siya ng sugat o gasgas.

"Ayos lang sana kung 'di mo nakita," nakanguso niyang sagot at pinagpagan ang sarili.

"Hm?"

Ngumiti siya nang matamis at saka umiling na tila ba walang nangyari. "Review na tayo?"

Sasagot pa lamang ako nang biglang may bumatok sa kaniya. "At kailan ka pa nagka-interes sa pagrerebyu?" tanong ni Cleo na para bang nanenermon. Ang isang kamay ay nasa baywang pa. "Ang sabihin mo, gusto mo lang makasama si I—"

"Gusto mo rin naman makasama si June. Pinakeelaman ba kita? Do'n ka nga," mabilis na pagpuputol ni Kyle sa kaibigan. Sinamaan pa niya ito ng tingin. "Tara na, Isa." Binuhat niya ang mga libro ko at nagsimula nang maglakad.

"Una na kami, Cleo," paalam ko sa aking kaibigan bago sinundan si Kyle. Hindi maaaring lumipas ang isang araw na hindi sila nagbabangayan.

Nang makarating kami sa library ay ganoon pa rin. Magbabasa siya ng kaniyang notebook tapos ay makakatulog rin.

𓍯𓂃𓏧𓍢ִ໋🀦

Napasampal ako sa noo sa akin utak sa nakita. May isang notebook na nakahalo sa aking mga notebook at sigurado akong hindi iyo sa akin. Nangunot ang aking noo. Isang tao lamang ang naiisip kong maaring magmay-ari nito.

Iniligpit ko muna ang aking mga gamit at inilagay sa aking bag. Kakatapos ko lamang mag-review dahil bukas na ang aming exam. Maglikigpit na ako ngunit may nakita akong hindi naman akin.

Pinulot ko ang notebook na iyon ay binuklat ang balat. Doon ay nakita ko ang sulat na tatlong linya lamang at wala nang laman. Ang sulat ay magulo rin na tila ba nilaro ng mga hayop. Sa gilid ay nakita ko ang pangalan ng may-ari. Muntik ko nang hindi iyon maintindihan.

Crisostomo Kyle Ibarra

Naglalaro ba siya noong isinulat niya ang mga ito..?

Kinabukasan ay nadatnan ko si Kylr sa labas ng gate ng aming paaralan na tila ba amy hinihintay. Nnag magtama ang aming mga mata ay mabilis siyang lumapit sa akin.

"Good morning!" masigla niyang bati. Itinaas pa niya ang palad sa akin.

"Uh.. G-good morning," bati ko pabalik. Tumigil kami sa paglalakad at pumunta sa gilid ng daan. "May ibibjgay ako sa iyo.."

"Ano iyon?" Nagtaas siya ng kilay.

Inilagay ko sa aking harap ang aking bag. Doon ay kinuha ko ang aking tinutukoy.

May pagdadalawang-isip kong iniabot ang kaniyang notebook. "Naihalo yata sa mga.." pinaglapat ko ang aking mga labi, "gamit ko kahapon."

"Oy, ikaw ah." Mapaglaro niyang itinaas at binaba ang kilay sa akin nang makuha ang notebook. "Gusto mo bang malaman ang mga sikreto ko? Wala kang mapapala rito sa notebook ko kasi wala ako masyadong nasusulat."

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad.

"Kung may gusto kang malaman tungkol sa akin, tanungin mo lang ako. Wala pang isang segundo, sasagutin na kita."

Share This Chapter