Back
/ 38
Chapter 38

Epilogue

Goal on the Pitch

"Congratulations for a research defended," nakangiting bati ni Ma'am Garcia nang makababa kami ng stage. Isa-isa niyang kinamayan ang miyembro ng aming grupo.

"Yes!" Tumili si Leslie. "Finally, tapos na rin. Selfie tayo, guys." Itinaas niya ang cellphone.

Hindi na ako umangal pa dahil mukhang sang-ayon naman ang lahat ng aming miyembro. Maliit akong ngumiti sa cellphone ng kaklase.

Tapos na. Ang akala ko ay kami ang matatapos. Nagagawa ko pa ring maalala ang mga araw na halos wala kaming tulog upang maayos lamang ang mga datos ng research. Nakakapagod ngunit worth it naman.

Masaya lalo na kung aking aalalahanin kung paano nagsimula ang lahat. Dahil sa research, naging mas malapit ako kay Cleo at nakilala ko si Kyle.

Noon, ang tanging hangarin ko lamang ay matapos nang maayos at matiwasay ang research. Iyon lamang ang layunin ko noon, at ngayon, natapos na ito. Parang kailan lamang.

Hindi kasama sa aking hangarin ang magkaroon ng kaibigan lalo na noong lumuwas ako rito mula sa Maynila. Wala akong interes sa pagkakaroon ng kasama o maituturing na kaibigan. Hindi ko talaga inaasahan na magtatapos ang school year na may mga kaibigan na akong maituturing.

Masarap pala sa pakiramdam na may kaibigan ka. Ngunit nakakabahala rin, lalo na kapag bigla kang nakaramdam ng kakaiba—isang bagay na hindi dapat para sa kaibigan.

Nakakatuliro. Nakakasakit sa ulo. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Mas gugustuhin ko na lamang na kalimutan at huwag nang pansinin ang aking nararamdaman para lamang maisalba ang aming pagkakaibigan.

Ngunit nabigla ako noong sabihin niya iyon sa akin. Noong araw na iyon.. Noong unang beses ko siyang makitang matalo. Sinisi niya ang sarili dahil sa pagkatalo. Kahit na sabihin kong ayos lang iyon at wala siyang kasalanan, wala akong naitulong.

Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon pero kumabog ang dibdib ko sa galak nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"Gusto kita. Gustong-gusto kita, Isa."

Gusto rin kita, Kyle.

Previous
Last

Share This Chapter