Chapter 33
Goal on the Pitch
Pagpasok ko pa lamang sa loob ng gymnasium ay pumasok kaagad sa aking pandinig ang halo-halong ingay. Mayroong mga nagchi-cheer kahit na hindi pa nagsisimula ang laro. Mayroon namang mga nag-uusap, mga sumisigaw at tumitili.
Puno ng iba't ibang kulay ang lugar dahil sa suot ng mga tao. Karamihan sa kanila ay mayroon ding hawak na mahabang lobo na katulad ng kulay ng kanilang mga damit.
Inilibot ko ang paningin upang hanapin ang mga estudyante ng aming paaralan. Ilang segundo lang ay nakahanap ko na agad sila. Sa pinakababa ng parte nila ay makikita ang mga manlalaro namin sa soccer. Sa taas nila ay makikita ang aming mga kapuwa mag-aaral na mayroong mga masisigla at malalawak na ngiti.
"Isabelle?"
Napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses dahil hindi ko iyon kilala. Hindi ako gaanong nakikipag-usap sa mga tao kaya alam ko ang boses ng mga nakakausap ko.
Naghalo ang pagkarahas at inosente sa kaniyang mukha. Mas matangkad siya nang maliit sa akin. Mayroon din siyang suot na salamin na bumagay sa kaniya. Berde ang suot niyang damit na pinaibabawan ng puting polo. Hindi ko siya kilala ngunit parang nakita ko na siya.
"Tama, 'di ba? Ikaw iyong kinukuwento ni nanang," sambit niya at tinuro pa ako gamit ang hinlalaki. Mayroong nguting nakaguhit sa kaniyang mukha.
"Uh.. S-sino?" takang tanong ko. Nangunot ang aking noo.
"Si Nanang Kilay."
Bumukas ang aking mga labi nang bahagya nang maintindihan ang kaniyang sinabi. "I-ikaw pala iyong apo niya," bulalas ko nang bumalik sa aking alaala ang apo ni Lola Kilay na pina-search niya noon sa Facebook ni Cleo.
"Aldrin," aniya at iniabot ang kamay. Bagay na bagay niyang ngumiti. Ang awra niya ay palakaibigan na seryoso sa pag-aaral. Mabait rin siguro siya gaya ng sabi ni Lola Kilay.
"Isabella," tugon ko at nakipag-kamay.
"Nandito ka para suportahan ang team ng school niyo?" tanong niya pa.
"Hm." Tumango ako. Lumingon ako sa direksyon na kinaroroonan ng aming paaralan at nakitang ganoon pa rin ang itsura nila.
Nahuli ng aking paningin ang pag-upo ni Kyle sa pinakaharap na upuan. Lumilinga siya sa paligid na para bang may hinahanap. Hindi ko talaga maipagkakait na may itsura siya. Suot na niya ang jersey ng aming paaralan at bagay na bagay iyon sa kaniya.
Nagtama ang mga mata namin nang tumigil sa akin ang kaniyang paningin. Agad akong nagtaas ng palad at kumaway habang nakangiti.
"Sino siya?"
Napatingin ako sa apo ni Lola Kilay. Nakatingin pala siya sa aming paaralan. "Kaibigan ko iyon," tugon ko.
"May player ka pa lang kaibigan."
"Uh.. Mauna na ako, ah?" pagpapaalam ko.
Tumango siya at muling ngumiti. "Nice meeting you."
Tumugon ako ng ngiti at tuluyan nang umalis. Dumiretso ako sa parte ng aming paaralan at gaya noong unang beses kong manood, binati kaagad nila ako nang makita.
"Great seeing you here again, Isabelle," nakangiting bati sa akin ni Abbie. Niyakap niya ako at nakipagbeso pa.
"'Di ko ma-imagine na wala rito si Isabelle," bulalad ni Patrick at nginitian ako. "Salamat ulit at nandito ka."
Ngumiti ako at umiling. "Wala iyon."
"Kararating mo lang?" tanong ni Kyle nang paupuin ako sa kaniyang tabi.
"Hm," tango ko. "Naaalala mo iyong apo ni Lola Kilay? Nakasalubong ko siya. Kalaban niyo yata ang paaralan nila."
Tumango siya. May kung ano siyang ipinupulupot sa kaniyang paa. Parang bandaid iyon na mahaba at gawa sa tela. Naglalaban ang kulay puti at kayumanggi roon.
"Supportive naman niya."
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating sina Cleo at June nang magkasama.
"Oy, Crisostomo."
Nagtaas ng tingin si Kyle at tiningnan sina Cleo. "Ano, Cleopatra?"
"Ichi-cheer ka namin kaya huwag mong pansinin ang ibang tao, ha?"
"Kapag na-ddistract ka, tumingin ka lang sa amin o kay Mariah," malumanay na sambit ni June at kumindat pa.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad at umupo sa mas mataas na parte. Mayroon din silang mga hawak na lobo.
"Enjoy, Kyle," banggit ko nang maglalakd na sila papunta sa field.
Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. May kakaiba sa awra ni Kyle ngayon. Nakangiti siya ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata tulad ng dati. Medyo tahimik rin siya. May problema kaya?
Napakabilis ng kabog sa dibdib ko. Nakatutok ako sa kanila sa buong laro. Mataas ang kanilang puntos ngunit natalo sila. Lamang ng isang puntos ang kanilang nakalaban sa huling round o kung ano man ang tawag roon.
Umupo ako sa mas mataas na parte upang may maupuan sila.
Bagsak ang balikat nila nang bumalik sila. Punong-puno rin ng pawis ang kanilang mga mukha. Sinalubong sila ng aming mga kapuwa mag-aaral ng pang-aalo at sinabing ayos lamang iyon.
"Great game, guys!" malakas na sambit ni Ma'am Joyie nang makabalik sa pag-upo ang lahat ng mga manlalaro ng aming paaralan. "Lessons are that matters, okay? You did a very great job."
Unti-unting naubos ang mga tao nang matapos ang laro. Halos wala ng tao sa loob ng gym maliban sa amin ni Kyle. Nanuna nang lumabas sina Cleo at June at sinabing hihintayin na lamang kami.
Nakatitig lamang ako kay Kyle. Hindi ko alam kung paano siya kauusapin o kung ano ba ang aking sasabihin. Unang beses ko siyang makitang matalo sa seryosong laro.
Nakatukod ang kaniyang siko sa kaniyang mga tuhod at sinasalo ng kaniyang mga palad ang mukha. Hindi pa siya nagpupunas ng pawis o umiinom man lang ng tubig mula nang bumalik sila.
"You did great, Kyle." Halos pabulong na ang aking boses. Nais ko siyang hawakan at tapikin upang pagaanin ang kaniyang loob ngunit hindi ko magawa.
"Natalo kami dahil sa 'kin." Mariin at mababa ang kaniyang boses. Kita ko kung paano magtiim ang kaniyang mga panga. "Hindi kasi ako maka-focus kanina. Kainis." Ginulo niya ang buhok. Umupo siya nang maayos at mabigat ang paghinga.
"Huwag ka masyadong masama sa sarili mo. Hindi naman palagi ay mananalo ka," malumanay kong pahayag. Nahihirapan akong makita siyang ganito.
"Na-distract kasi ako kaya natalo kami."
Inilapag ko sa tabi ng kaniyang upuan ang bote ng tubig ko at ang bimpong iniregalo ko noong Pasko. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman kasalanan."
"Kasalanan ko," mariin niyang tugon. "Ako ang striker namin. Ayos iyong laro ng team nati kaso sablay ako."
Pinagtikom ko ang mga labi. Inunat ko ang kamay at marahan siyang tinapik-tapik sa balikat. "Ayos lang. Ayos lang na magkamali. Ayos lang rin na magkaroon ng kasalanan. Ayos lang iyon." Tumayo ako at umupo sa kaniyang tabi. "Ang mahalaga ay natuto ka, hindi ka nasaktan, babawi ka, at syempre nag-enjoy ka. Hindi mo kailangang manalo sa laro para magtagumpay."
Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumayo. Wala sa sarili na lang rin akong nagpatayo.
"Alam mo ba kung bakit distracted ako kanina?" Tumingin siya sa akin nang seryoso. Kahit na may pagkarahas sa kaniyang boses, malamlam pa rin ang kaniyang mukha.
Hindi ako sumagot dahil wala akong ideya sa kaniyang sinasabi.
"Nakita kitang kasama iyong apo ni Lola Kilay tapos ayon, nagselos ako." Ngumisi siya.
Natameme ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahanap ng isasagot o gagawin. Para ba akong naging estatwa at tuluyan nang hindi makagalaw.
"Nakakainis kasi natalo kami dahil sa emosyon ko." Bumaba ang kaniyang tingin sa sahig. "Ngayon, naiintindihan ko na talaga si Hani... Pero ang pagkakaiba namin?" Nagtaas siya ng tibgin at tumingin nang diretso sa aking mga mata.
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Nakakabahala dahil baka marinig ito ni Kylr at malaman ang nararamdaman ko. Baka ilang sandali pa ay sumabog na lamang ito.
"Ayokong pigilan ito." Sinabi niya iyon nang diretso at seryoso. Alam ko sa boses niyang iyon na seryoso siya sa sinasabi. "Isa, naririnig mo ba? Tuwing kasama kita, hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko. Nagsasaya ito at laging excited na makita ka."
Hindi ko siya magawang pigilan sa mga sinasabi. Para akong nananaginip dahil para siyang bata na nagrereklamo sa kaniyang ina.
"Gusto kita. Gustong-gusto kita, Isa."
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi maproseso ng aking utak ang sinabi niya. Gusto niya... Sino ang gusto niya?
"Natalo kami sa laro pero ngayong kasama na kita, pakiramdam ko, nanalo na ako."