Back
/ 21
Chapter 10

Chapter 9

Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)

Aya's POV

Pagkatapos ng pagbaba nung halimaw sa tawag ay lumabas na kami ng mall ni Jade at inintay niya munang may makarating na taxi para ako ang paunahin niyang sumakay.

"Salamat talaga sa pagsama sa 'kin, Aya ah? Sobrang na-appreciate ko yung tulong na ginawa mo. Oh basta ah, secret lang natin 'to. Sabihan mo na lang din ako kapag inaway ka nung kaibigan ko pag-uwi sa kanila, ako bahala do'n." sabi naman ni Jade sa 'kin. "Ano ka ba, maliit na bagay. Masaya rin akong natulungan kita kahit sa pagpili lang ng design. At least nakatulong ako." nginitian naman niya ako.

Maya-maya lang ay may dumaan ng taxi sa harapan namin at agad naman siyang pumara. "Mauna ka na, Aya. Ingat ka ah!" pagpapaalam naman nito sa 'kin. "Thank you, Jade! Ingat ka rin pag-uwi mo." saad ko rito sabay ngiti. Pagkasakay ko naman ng taxi ay agad na rin namang umandar si Manong.

Walang traffic nung pauwi na kaya nakauwi rin naman ako nang maaga. Nagulat na lang ako nang biglang tumawag ulit sa 'kin yung halimaw kaya inunahan ko na siya sa pagsasalita. "Nandito na 'ko sa ib-" naputol naman ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat. Bastos ah.

"Come with me on saturday. It's Sophie's birthday. STRICTLY NO BUTS!" pasigaw na saad nito nung dulo. Luh, galit 'yan?

"Uh, hello? Malamang pupunta ako sa sabado kasi birthday ng kaibigan ko 'yon. And sorry kasi kasama ko mga kaibigan namin ni Sophie kaya hindi kita masasamahan." pataray kong saad dito. Hello? Baka kailanganin pa niya ng maid doon? Grabe naman siya. Kasama naman niya friends niya doon, bakit kailangan pa 'kong kasama niya. Manigas siya!

"Polka-dot, you are my MAID." may diin na pagsambit nito ng maid, wow ha. "And besides, my friends will also come." pahabol naman nito. Oh ayun pala eh!

"Pwede ba, sa birthday tayo pupunta. Anong connect ng pagiging maid ko sa 'yo, sa birthday ng bestfriend ko ha? Pupunta rin naman pala friends mo, edi sa kanila ka. Kaniya-kaniya muna huy. May mga kaibigan tayong dapat samahan. 'Wag kang buntot." may halong asar kong sambit sa kaniya. Okay, Aya. Patience, patience.

"Whatever." matipid na sagot nito. Oh ha, wala kang masabi bigla. "Bring water upstairs." dagdag nito sabay biglang binaba ulit ang tawag. Hilig naman nitong mangbaba ng call. Napaka-bastos kausap eh.

Kumuha na 'ko ng tubig pagtapos niyang ibaba ang tawag at agad naman akong umakyat sa kwarto niya para ibigay ito. Well, mabait kasi ako.

Pagkatok ko ng tatlong beses ay binuksan ko na ang pinto niya. "Oh, tubig mo ho." saad ko rito pagkalagay ng baso sa lamesa niya. "Okay, get out." cold naman nitong sagot sa 'kin. Bait talaga eh. Hindi manlang nagpasalamat sa kagandahang asal na ipinakita ko sa kaniya nung inutusan niya 'ko.

Lalabas na sana ako nang bigla kong mapansin na nanonood siya ng movie kaya bumalik ako. Horror movie ata 'tong pinapanood ni halimaw dahil nakabalot siya sa kumot at may yakap-yakap ito na teddy bear. Parang bata HAHAHAHAHA, ang cute. Mukha siyang natatakot kaya nakaisip ako ng idea.

Asarin ko nga 'to. Paganti lang sa paraan ng pananakot HAHAHA!!

Alam ko yung palabas na pinapanood niya dahil mahilig ako sa horror movies at napanood ko na rin 'tong palabas na 'to. Sakto namang kakantahin na ni Pauleen Luna ang kantang Ili-ili tulog anay kaya naisipan kong sabayan ito habang dahan-dahang naglakad sa harapan ng TV nang nakayuko.

"Ili-ili tulog anay

Wala diri imong nanay..."

"Hey, panget!"  saad nito na may halong pasigaw.

"Kadto tienda bakal papay

Ili-ili tulog anay..."

"Cut it out!" mas pasigaw pa nitong saad sa 'kin na halata mong galit at takot na ito.

"Mata kana tabangan mo

Ikarga ang nakompra ko..."

"I said stop it!" pasigaw nitong sambit sabay bato sa 'kin ng hawak niyang teddy bear pero patuloy pa rin ako sa paglalakad at kanta.

"Kay bug-at man sing putos ko

Tabangan mo ako anay..."

"NASA TABI MO NA SI MARY!!!" bigla kong tingin sa kaniya sabay sigaw at turo sa tabi niya. Bigla naman siyang nataranta kaya napatalon siya bigla papunta sa likuran ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" bigla kong pagtawa ng malakas sabay harap sa kaniya. Kitang-kita naman dito ang takot sa mukha niya. "Ugaling halimaw pero duwag naman pala." saad ko sa kaniya habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Where? Where is Mary?! Can you see her?! Who is she?!" inosenteng tanong naman nito sa 'kin habang takot na takot pa rin. Ang uto-uto masyado ah. Akala ko ba maangas 'to.

"Ah, si Mary ba? Andoon siya sa campus natin. Sa room ng student council." pagkasabi ko non ay para siyang na-curious na natakot. "Alam mo ba, balita ko nga madalas daw magparamdam si Mary sa mga estudyante, lalo na kapag mag-isa lang doon sa room na 'yon. Awhooo!!" dagdag ko pa rito at kitang-kita ang bigla niyang pamumutla sa mga sinabi ko.

"W-what? S-student council r-room?" pautal-utal na tanong nito sa 'kin. Ngumisi naman ako sa kaniya. Maasar nga ulit 'to. "Oo, kasasabi nga lang eh. Bakit ba? Natatakot ka 'no?" pang-aasar ko rito habang nakangisi pa rin. Umayos naman agad siya sa pagtayo. "I'm not, polka-dot." bigla niyang sabi sabay talikod sa 'kin at pumunta na ulit sa pwesto niya kanina which is doon sa may sofa sa tapat ng TV at agad niyang pinatay ang pinapanood niya.

"Oh, bakit? Akala ko ba hindi ka natatakot? Bakit kailangan pa kitang samahan doon eh hindi naman ako student council?" nakangisi ko namang tanong sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng seryoso.

"Simply because you are my maid." seryosong saad nito sabay kuha ng phone niya at nag-earphones na. Lumabas na lang ako ng kwarto niya nang bigla na naman akong nakaisip ng bagong idea para asarin siya bukas. Syempre, mang-aasar ako. At bilang dagdag ganti sa pang-iinsulto niya sa 'kin, tatakutin ko ulit siya.

Pagbaba ko ay naabutan ko namang kakarating lang ni Mr. Sandford. "Oh, hello there, Aya." bati nito sa 'kin. "Hi po, Sir! May iuutos po ba kayo?" magalang na tanong ko rito.

"Wala naman. I just want to ask you kung inaaway ka pa ba ng anak ko dahil mukhang galing ka sa kwarto niya." tanong naman nito sa 'kin. Muntik pa 'kong matawa dahil ako ang may ginawa sa anak niya ngayon. Pero umiling na lang ako habang nagpipigil ng tawa. "Wala naman po, Sir." saad ko rito. Nginitian naman niya ako bilang tugon.

--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:

- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much

Share This Chapter