Chapter 12
Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)
Aya's POV
Hindi ko agad napansin na tumatawag pala sa 'kin si Jade at medyo matagal bago ko ito nasagot. "Ayaaaa!!!" pagtawag nito sa 'kin. "Hindi ka na namamansin porket magkasama kayo kanina ah?" dagdag na panunukso pa nito sa 'kin. Alam niya? Kinwento siguro nung isa sa kanila.
"Hoy, bakit? ANG ISSUE MO, JADE HA? ANG ISSUE!" pananaray kong sagot dito na siya namang ikinatawa niya. "Sus, kayo ha!!! Kinikilig ka 'no?" dagdag na pang-aasar pa nito sa 'kin. Malapit na 'kong mapikon ah, eme.
"Jade, kung mang-aasar ka lang din naman eh papatayan na kita ng call." seryoso kong saad sa kaniya at narinig kong mas tumawa pa siya. "Hoy, joke lang kasi HAHAHAHAHA!!!" panunuyo pa nito. Napaka naman kasi eh. Tatawag para mang-asar.
"Ito seryoso na, diba bukas na birthday ni Sophie?" tanong naman niya kaya agad akong sumang-ayon. "Kinakabahan ako hehehe" pahabol pa nito sa 'kin. "Sira! HAHAHAHAHA!!! Kaya mo 'yan ano ka ba. Ikaw pa ba?" pagpapalakas ko naman sa loob niya.
"Paano pag hindi niya ako nagustuhan? O kung i-reject niya 'ko? Natatakot ako na kinakabahan ano ba 'yan." pagtatanong ulit niya sa 'kin. Hindi talaga ako marunong magbigay ng advice pero mukhang mapapasubok ata ako ngayon. "Huwag ka ngang mawalan diyan ng pag-asa. Gusto mo siya diba? 'Wag mong susukuan agad dahil lang sa natatakot ka o kinakabahan ka. Ipakita mo sa kaniya na seryoso ka at kahit anong mangyari, willing ka talaga na i-pursue siya ganon!" hindi ko alam kung saan ko napulot mga sinabi ko kahit wala naman talaga akong experience sa mga ganun pero sana naman napagaan ko loob nito.
"Thank you, Aya! Pero ganito plano... Basta bukas sa 'yo ko muna ibibigay yung box ng ring na nabili ko nung kasama kita. Tapos saktong midnight, ipapapatay ko yung ilaw kunware biglaan pero kasabwat ko talaga yung mag-aasikaso sa ilaw. Tapos after nun, sasabihin ko na yung speech ko kay Sophie habang nakaluhod ako sabay iaabot mo sa 'kin yung box para pag bukas ulit nung ilaw ay itatapat ko na sa kaniya yung box ng ring na nakabukas. Oh diba, ayos!" pagpapaliwanag pa niya sa 'kin ng plano niya. "Sana all na lang kasi talaga 'no? Hays! Pero support ako, Jade! Kaya mo 'yan bukas, 'wag ka kakabahan. Andito lang ako." sagot ko naman sa kaniya at pagkatapos nun ay binaba na niya ang tawag.
Matutulog na sana ako nang biglang tumawag na naman ang mga kaibigan ko. Ang kukulit naman nito. Pagsagot ko ay agad na nagsalita si Maeve.
"Aya girly!!! Sama ka sa 'min ni Shaina bukas bago tayo pumunta sa birthday party ni Sophie hehehe." excited na saad niya sa 'kin pagkasagot ko ng tawag. "Ayoko." biglaan kong pagtanggi. Mukhang alam ko na kasi 'to.
"Dali na, make-over plus transformation 'yon. Pagbigyan mo na kami." pamimilit pa nito sa 'kin kaya tumanggi ulit ako. "Ih, ayoko. 'Wag na, okay na 'ko sa mukha ko." pagpapalusot ko at natawa naman sila.
"Atecco 'wag ka nang maarte diyan at matulog ka na." saad naman ni Shaina sa 'kin. "Go girl!!! Beauty rest ka na dahil tomorrow, totoong beauty na HAHAHAHAHAHA." dugtong pa ni Maeve at nagtawanan naman sila. Alam kong hindi ako mananalo sa pagtanggi ngayon. Beauty? Baka naman kamo si Beast?
Kinabukasan ay pagbukas ko ng phone ay may kaniya-kaniyang bati na ang mga kaibigan ko para kay Sophie kaya bumati na rin ako. Nagulat naman ako nang biglang may tumawag na naman sa phone ko at nakita kong ang mga kaibigan ko ulit 'yon. Hindi na naman ako tatantanan ng mga 'to eh.
"Hoy, Aya! Puntahan mo kami ni Shaina sa mall ng mga aroung 9:00 am!!!" pagsabi naman ni Maeve sa 'kin na para bang excited yung tono niya. Narinig ko namang sumali si Sophie at nagsalita rin. "Kayo na ang bahala kay Aya ah." isa pa 'to, dinugtungan pa yung pamimilit nung dalawa sa 'kin.
"Ayoko talaga guys huhu." pagsubok ko uli na tumanggi kahit alam kong wala na talaga akong magagawa kaya sumabat na si Shaina sa 'kin. "Ang arte ha, dalian mo na. See you!!!" pagkasabi niya non ay sabay-sabay nilang pinatay ang tawag para hindi na ako maka-angal pa. Goodluck talaga.
Pagkatapos ng tawag ay naligo na ako at nag-ayos dahil alam kong wala na talaga akong choice kung hindi pumunta sa kanila. Pagbaba ko naman ay nakasalubong ko si Miles. Tama, hindi na monster ang itatawag ko sa kaniya. Mabait na tayo ngayon.
"Hey, where are you going?" pagtatanong nito sa 'kin nang makita niya ako.
"Ah, sasamahan ko lang kasi sila Shaina at Maeve sa mall bago pumunta mamaya sa birthday ni Sophie." sagot ko naman sa tinanong niya sabay ngiti sa kaniya.
"Oh, okay. But you're still going to her party, alright?" pagtatanong ulit nito sa 'kin. Naka-unli ba 'to? Kakasabi ko lang kanina ah? Pero dahil pakamot-kamot siyang nagtanong na para bang nahihiya, sige pagbigyahnn kahit paulit-ulit. Cute naman hahaha.
"Oo naman. See you later, Miles." saad ko habang nakangiti sa kaniya sabay alis na sa harap niya at lumabas na ng bahay.
Habang nasa byahe ako ay tumawag ulit si Shaina sa 'kin. "Aya girl, nasa may food court kami. Intayin ka namin here. Bilisan mo please. Ayoko mag-intay." pabebe pa nitong saad sa 'kin. Wow ha? Sila mamimilit tapos ngayon maiinip? Ayos 'yan.
Sakto namang nakarating na rin ako sa mall. "Andito na 'ko sa mall. On the way na rin ako sa food court." saad ko sa kaniya at tahimik naman siya. "Ih, ayoko talaga eh." pagdagdag ko pa rito. "Teh? Aayaw ka pa eh andito ka na nga rin?" pamimilosopong sagot nito sa 'kin. Ay oo nga 'no? May point siya hahaha.
Pagkarating ko sa food court ay agad ko rin namang nakita sila Maeve at Shaina dahil bigla ba naman nilang isinigaw ang pangalan ko habang kumakaway pa. Nakakahiya amp.
"Huy, bakit kailangan pang isigaw pangalan ko ha?" tanong ko sa kanila pagkatapos ko silang hatakin palabas ng food court.
--------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
- expect for grammatical & typographical errors
- separate story from reality
- feel free to give feedback
- the author is not a professional writer so don't expect too much