Chapter 13
Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)
Aya's POV
"Okay lang 'yan, wala naman silang pake sa pangalan mo eh." pang-asar pang saad ni Shaina sabay nagtawanan silang dalawa. Ang babait talaga kahit kailan eh. Kung hindi ko lang talaga 'to mga kaibigan jusko.
Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa kung saan ay aayusan daw ako ng bonggang-bongga. Wow ha, oa lang?
"Siguraduhin niyong maayos 'tong mga pinaggagagawa niyo sa 'kin ah." pagbabanta ko naman sa kanilang dalawa. Nag-thumbs up naman sila pareho.
"Hi sissy!!! Paayusan naman 'tong kasama namin hehe." mahinhin namang sabi ni Maeve sa baklang kaharap namin na sigurado ako na siya ang boss dito.
"Okay, girls! Ayusan niyo na itong yaya na kasama nila Maeve at Shaina." pagtawag at pag-utos naman niya sa mga kasamahan niya. Medyo nakaka-offend ah! Agad naman ding sumagot si Shaina. "Uh, correction lang ano. Bestfriend namin siya, hindi namin katulong." medyo may pagka-taray ang tono ng pagsagot ni Shaina na para bang naiinis din siya sa sinabi nung bakla. Go, girl. Protect me!!! Eme.
Pansin naman namin na biglang natahimik ang bakla sa sinabi ng kaibigan ko kaya inaya na ako ng mga kasamahan niya rito sa parlor para masimulan na 'kong ayusan. Bago pa ako sumunod sa kanila ay tinignan ko muna ulit ang bakla sa mata na para bang nananakot at agad naman siyang umiwas ng tingin.
Kung ano-anong ayos ang ginawa nila sa 'kin at umabot din ito ng ilang oras. Syempre, pati yung dalawa kong kaibigan na si Maeve at Shaina ay nagpaayos din naman kaya alam kong hindi sila na-bored kakaintay sa 'kin matapos.
At nang matapos na nga akong ayusan ng mga bakla rito ay nagulat silang lahat sa naging kinalabasan kaya nung humarap ako sa salamin ay pati ako nagulat din sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na may ganda rin naman pala akong tinatago, ayaw lang talaga niyang lumabas. Shy type ata. Eme!!!
Miles' POV
I was in my room when I heard a phone call. It's my friend who's calling in our GC, so I answered it immediately.
"Uy, anong oras tayo pupunta sa birthday ni Sophie mamaya?" Camryn asked us. "Gora naman ako anytime. Gabi pa naman 'yon diba?" This time, it was Gaia who answered.
"Oo, gabi pa raw 'yon. Pre Miles, ikaw? Kasabay mo ba si Aya? Hehehe." I'm not sure if Jade was just asking me or if she's teasing me because she said her name. "No, she's with her friends right now, and they will go all together later at the party." I answered calmly.
A moment of silence was in our call after I responded to Jade's question, and then, after a few minutes, we heard Camryn say something as if she were shocked. "Hoy mga pre, ang ganda ni Aya!" I got curious about what she said, and then Gaia also said something. "Huy! Nakita ko rin. Ibang-iba itsura niya, hindi ko siya nakilala agad. Sobrang ganda niya ngayon." I can't hold my curiosity now, so I asked them already. "What do you mean?"
"Go check Maeve's tweet of Aya's picture, Miles!" Jade told me right away. "Good luck!" Gaia said as if she were teasing me. "Good luck, pre. Balitaan mo kami kapag crush mo na si Aya, HAHAHAHA!" Camryn added. What's happening? I immediately went to my Twitter, and from there, I saw Aya's picture.
Damn, she's so... Gorgeous.
"BOSS MILES NATAGPUANG NI-LIKE YUNG PICTURE NI AYA." I was shocked when Gaia spoke on our call while shouting. "AYIEEEE, LAYAG!!!" Camryn also teased me. "KINILIG 'YAN SA GANDA NI AYA HAHAHAHA" and of course, Jade also joined them for teasing me. "Lol." I just answered because right now? I am so damn speechless to the point that I can't even fight my friends for teasing me.
Aya's POV
Nakita kong ni-like ni Miles yung tweet ni Maeve sa picture ko. Gustuhin ko man kiligin pero pinipigilan ko. Bawal 'to ano ba, Aya!!!
Paglabas namin ng parlor ay agad naman akong nagulat sa pag-vibrate ng phone ko at pagtingin ko ay tumatawag pala si Sophie sa 'kin. Pagkasagot ko ay bigla itong sumigaw.
"GIRLYPOP!!! AYA OMG YOU'RE SO PRETTY!" nagulat naman ako sa lakas ng boses nito. "Huy ano ba, nakakagulat ka ah. Pero thank you!!!" sagot ko naman sa kaniya. Sinenyasan naman ako nila Maeve na pupunta na kami kela Sophie kaya agad ko ring sinabi sa kausap ko. "Papunta na kami riyan." dagdag ko rito. "Okay!!! The others are already here naman na rin. Let me know na lang if nasa labas na kayo para pupuntahan ko kayo." pagsabi ni Sophie non ay binaba na rin niya agad ang tawag kaya dumiretso na kami palabas ng mall at sumakay na sa grab dahil nakapag-book na pala sila Shaina habang nakikipag-usap ako kay Sophie kanina.
Maya-maya ay nakarating na rin kami sa party ni Sophie. Medyo nakaka-ilang dahil halos lahat ng mata ay nakatingin sa 'min nung nakapasok na kami. Hindi ko alam kung namamangha ba sila sa kagandahan ko at ngayon lang sila nakakita ng ganito o baka napapangitan pa rin eh, eme.
Bigla namang may kumalabit sa 'kin at pagtingin ko ay si Jade pala ito at hinablot niya 'ko papunta sa pwesto nilang magkakaibigan kaya agad akong nagsalita. "Bakit mo 'ko hinahablot papunta sa pwesto niyo ha?" tumawa naman agad siya. "Ibibigay ko yung singsing diba? Ulyanin ka na ba porket gumanda ka lalo ngayon?" pangbobola naman nito sa 'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mapipikon eh.
Pagkarating namin sa pwesto nila ay napansin kong nakatitig si Miles. Teka lang kasi, pinipigilan ko yung kilig ko. Bawal 'to, may gusto si Sophie sa kaniya. Umiwas naman ako ng tingin nung nagtama na yung mga mata namin.
"Pst, Aya! 'Wag kang tumitig kay Miles HAHAHAHA." sinamaan ko naman ng tingin si Jade, napaka-ingay.
"Sus, as if." inirapan ko na lang siya sa sinabi ko. "Asan na nga pala? Bilisan mo at babalik pa 'ko kela Shaina." dagdag ko sa sinabi ko.
"Oh, ito na. Ang sungit masyado, ganyan ka na ngayon ah. Joke HAHAHAHA." pang-aasar ulit nito. Agad ko namang hinablot yung box sabay alis sa harapan nila.
--------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
- expect for grammatical & typographical errors
- separate story from reality
- feel free to give feedback
- the author is not a professional writer so don't expect too much