Chapter 15
Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)
Aya's POV
Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari doon sa party ni Sophie kaya naisipan kong tawagan na lang si Jade para makahingi ako ulit ng sorry sa kaniya. Ayaw matahimik ng kaluluwa ko dahil sobra talaga akong nakokonsensya. Pakiramdam ko kasalanan ko talaga lahat ng nangyari lalo na kay Jade.
Pagkatapos ng ilang ring ay agad din namang sinagot ni Jade yung tawag kaya nagsalita na ako kahit aminadong natatakot din akong makipag-usap sa kaniya.
"Jade?" nung wala akong sagot na narinig mula sa kabilang linya ay nagsalita ulit ako. "Jade, sorry talaga sa nangyari doon sa party ni Sophie. Promise, Jade. Hindi ko talaga intensyon yung nangyari doon. Bigla kasing nahulog sa kamay ko yung box ng singsing non, eh saktong namatay yung ilaw kaya natagalan pa ako bago mahanap 'yon. Bigla nga rin akong tinulungan ni Sophie sa paghahanap kasi napansin niyang may hinahanap ako sa sahig. Kaya sabay na kaming nagpunta doon sa garden sa 'yo kasi naisip ko rin na tuloy sana lalo yung plano mo lalo na't kasama ko na siya. Sorry talaga, Jade. Sorry." paghingi ko ng tawad at pinipigilan ko rin ang pag-iyak ko dahil natatakot talaga ako. Nakakonsensya kasi talaga at parang hindi ako matatahimik hangga't hindi niya ako napapatawad.
Pagkatapos ng medyo mahabang katahimikan ay ay narinig ko na rin na nagsalita siya. "Huy, Aya! Ano ka ba? Wala 'yon. Tsaka naiintindihan ko naman na. 'Wag ka na mag-sorry sa 'kin, okay? Ayos na 'yon." pagsabi na niya non ay agad akong napatili. "Yayyyy!! Finallyyyy." natawa naman agad siya sa 'kin at binaba na rin ang call pagtapos.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jade ay agad naman na may kumatok sa kwarto ko. Pagbukas ko nito ay nagulat ako dahil si Miles pala ang kumakatok sa pinto.
"Hi, Aya! Can you come with me?" pagtatanong naman nito sa 'kin kaya agad naman akong nagtaka.
"Ha? Eh, saan naman? Tsaka bakit ako inaaya mo?" pagbabalik ko naman ng tanong sa kaniya habang nakataas kilay ko. Hindi naman talaga 'to nagpapatalo at tinaasan din naman ako ng kilay.
"Nothing, just come with me. I'll buy something lang for tomorrow's school fair. And also, you're my maid. So you can't refuse my offer. Come with me now." pagpapaliwanag naman nito sa 'kin. Ang daming sinabi ah.
Tumango na lang ako sa sinabi niya sa 'kin dahil alam ko naman na wala rin naman akong magagawa. Sinabihan ko na lang siya na magbibihis lang ako at intayin na niya ako sa may labas ng bahay. Dami-dami pang palusot, gusto mo lang talaga ako kasama. Eme.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay umalis na rin kami ni Miles. Siya ang nag-drive ng kotse at pakiramdam ko naman ay naging passenger princess ang atake ko ngayon, charot lang.
Habang nasa byahe ay nag-uusap lang kaming dalawa ni Miles.
"You really look pretty." bigla naman nitong sabi sa 'kin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ang random mo." saad ko naman sa kaniya.
Napansin naman namin ang pagbabago sa isa't-isa kaya tinanong namin ito at nalaman din namin na dahil sa pagkekwentuhan namin tungkol sa buhay ng isa't-isa noong nasa student council room kami kaya kami naging mabait sa isa't-isa.
Maya-maya lang ay nakarating na rin kaming dalawa sa mall at binili na rin ang mga gamit na kakailanganin niya para sa school fair namin bukas.
Pagkatapos naman ay nag-ikot lang muna kami saglit sa mall dahil masyado pang maaga para umuwi at saglit pa lang talaga kami nandito sa loob. Maya-maya lang ay nakakita kami ng aso sa may tambayan sa loob kaya umupo muna kami saglit at nakipaglaro doon. Ang cute niya!! Mahilig din kasi talaga ako sa aso kaya tuwang-tuwa ako nung nakakita kami doon. Nakisuyo naman ako kay Miles kung pwede niya ba kaming kuhaan ng litrato nung aso. Oo, kami lang nung aso, hindi siya kasali. Bakit? Sino ba siya? Eme.
Pagkatapos naming makipaglaro sa aso ay maya-maya lang ay nag-ikot ulit kami at napansin ko namang sabog ang notifications ko kaya chineck ko agad kung ano bang meron at walang tigil ito at doon ko nakitang pinost pala ni Miles yung picture ko sa twitter kasama yung aso. Patay tayo diyan!
Pagtingin ko naman sa messages ay sabog din ang notifs ko dito mula sa mga kaibigan ko, kay Jade... at kay Sophie.
*Group Conversation*
Shaina: Atecco Aya???
Maeve: Girl, asan ka? Are you with miles?!
Shaina: Si atecco hindi nasagot, busy 'yan?
Maeve: Nako, Aya. Sinasabi ko sa 'yo, magkwento ka mamaya!
Shaina: Enjoy the date, beh.
Maeve: HAHAHAHAHAHAAHAHA
*Jade Jimenez*
Jade: Huyyy, kasama mo si Miles?
Jade: Kayo haaaa!!!
Jade: Sinasabi ko na nga ba crush mo talaga eh
Jade: Nagkaka-developan na ba kayo?
Jade: Ayieeee!!!
*Sophie Keet*
Sophie: Aya.
Sophie: Why are you with Miles?
Sophie: Do you like her?
Sophie: Aya, I told you everything about her. Yung feelings ko for her.
Hala, huhu. Sinong uunahin kong sagutin dito. Sophie...
*Sophie Keet*
Aya: Sophie...
Aya: No, hindi ko siya gusto.
Sige, Aya. Deny pa. I-deny mo lang.
*Sophie Keet*
Aya: Sophie, nagpasama lang siya para sa bibilhin niya sa school fair natin bukas. Tapos may aso kasi kaming nakita kaya nakisuyo ako na kuhaan niya kami ng litrato pero hindi ko naman alam na ipopost pala niya 'yon eh.
Sophie: Hmm, okay. I understand.
Pagkatapos kong sagutin si Sophie ay lumipat naman ako sa gc namin para doon mag-reply.
*Group Conversation*
Aya: Huy, ano ba kayo? Walang malisya 'yon. Nagpasama lang kasi siya, eh sakto rin namang may aso kaya nakisuyo ako sa kaniya kung pwede niya ba kaming kuhaan nung aso pero malay ko kung anong trip niya at naisipan pang ipost sa twitter.
Aya: Wala lang 'yon. Ang issue niyo eh.
Shaina: Susss!! Pero gusto mo?
Aya: Hindi 'no.
Shaina: O tamo, wala pa nga akong sinasabi kung anong gusto mo eh. Defensive much ha!!
Shaina!!! Nakakainis ka talaga kahit kailan huhu. Maya-maya lang ay nakita kong nag-chat sa 'kin bigla si Maeve. Bakit na naman ba huhu.
*Maeve Remington*
Maeve: Psst, teh?
Maeve: Umamin ka nga dito. Alam kong hindi ka magsasalita sa gc eh.
Huhuhu, ano na naman ba 'to. Ayaw niyo talaga akong tantanan eh.
*Maeve Remington*
Maeve: May gusto ka ba kay Miles?
Maeve: Magpakatotoo ka naman ngayon 'te.
Maeve: Wala rito si Sophie kaya malaya kang makakaamin.
Aya: Hays, halata ba?
Maeve: Oo, kaya nga pinapaamin na kita here, eme HAHAHAHAHAAH
Aya: Pero kasi, may gusto si Sophie.
Aya: Hindi ko alam gagawin ko.
Maeve: Intayin mo lang.
Hindi ko alam kung malulungkot o matutuwa ako sa sinabi ni Maeve eh. Anong iintayin ko? Huhu, ang gulo. Bahala na jusko.
--------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER:
- expect for grammatical & typographical errors
- separate story from reality
- feel free to give feedback
- the author is not a professional writer so don't expect too much